Habang papalapit na Ang Gabi ay Hindi mapakali si Ann dahil ngayong gabi agad isagawa ang ritwal ng pagpapalabas ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan at ipapasanib ito sa katawan ng namamatay na apo ng M na si Bella.
"Inang ambrosia, sino ang batang iyan?" Tanong ni Amanda na Ang tinutukoy nito ay si Anna.
Pati Ang Daddy ni Bella na si Mr. Frederick Gatchalian ay nakatingin din ito Kay Anna. ka bababa lang ng mag- asawa mula sa itaas.
"Siya si Anna. Siya ay aking kliyente ng gabing ito. May ipapakulam Siya sa akin kaya nandito siya sa loob ng mansion.. at bukas pa siya makakauwi.." Sagot ng matandang mangkukulam.
"Ganoon ba inang." Ani Amanda.
At tuloy- tuloy na ang mag- asawa sa komedor para kumain na Ang mga ito.
At sa komedor naman ay nag- uusap Ang mga magulang ni Bella.
"Bukas Frederick, uuwi muna ako sa atin. Upang ipagpapatuloy ko Ang pagliligpit ko ng iba ko pang mga gamit. Pagkatapos ay babalik muna ako rito. Hangga't Hindi pa nailibing ang Ating anak ay dito muna ako at pagkatapos ng lahat ay tuloyan na kitang iiwan. Wala na si Bella, wala na Ang Ating anak . Kaya Wala na ring dahilan pa upang titiisin ko Ang pakikipagsama sa'yo.." walang ka ngiti- ngiting wika ni Amanda sa asawa.
"Pwede ba Amanda, kamamatay lang ng anak natin kaya huwag mo munang dagdagan pa ng problema natin!" Sagot ni Frederick.
At nahuhulog na naman sa pagtatalo Ang pag uusap ng mag-asawa sa harap ng hapag- kainan.
Pagsapit ng Gabi.
Nanginginig Ang buong katawan ni Anna habang nakasunod Siya sa matandang mangkukulam paakyat sa hagdan paitaas. Kung saan naroon Ang kamamatay lang na apo nito. At doon nila isagawa ang sinasabing ritwal ng matandang mangkukulam na ito.
Pinagpawisan si Anna sa takot nang pagpasok nila sa Isang kuwarto ay sumalubong sa kanyang paningin Ang maraming kandilang nakapaligid sa Isang malaking kama. Kung saan naroon Ang nakahigang maganda at mapuputing babae na parang kaedad lamang Niya na apo ng mangkukulam.
Ni- lock ng mabuti ng matandang mangkukulam Ang pinto ng kuwarto. Kaya mas lalong namumutla sa takot si Anna nang Makita niyang may tatlong bungo ng taong nakasabit sa ibabaw ng malapad at malaking altar sa silid na iyon.
May sari -saring mukha at porma ng mga manikang naka arrange sa ibabaw ng malaking altar. May mga batang manika at may mga malalaking manika. Merong kulot at tuwid Ang buhok ng mga manika at Meron ding maiksing buhok ng manika. May mga lalaking manika at mga babae.
At sa harap ng mga naka arrange ng mga manikang ito ay may iilang di gaanong malalaking mga bote, na may lamang langis at iyon ay may halong mga punong -ugat ng kahoy. At sa tabi niyon ay may mga naka file na mga libretang may mga nakasulat na mga Latin words rito.
"Huwag kang matatakot Anna. Ito ay aking silid. Hehehe." Hagikhik na Sabi ng matandang mangkukulam.
"P-pasensya na po. Hindi ko maiiwasang matatakot. Hindi kasi ako sanay sa mga nakikita ko.." Ang sagot ni Anna.
"Sisimulan na natin Ang ritwal. At tandaan mo Anna, Kahit mga magulang ni Bella ay Hindi nila dapat malaman Ang gagawin nating ito. makakaasa ba ako Anna?" Tanong ng matanda.
"O-opo.." Aniyang mas lalong pinanginginigan at kinabahan sa susunod na mangyayari.
JuSKO. Tama ba kaya ang desisyong ito? anang isipan ni Anna.
Pero, Bahala na..
Inutusan Siya ng matandang mangkukulam na tumabi ng higa sa apo nitong Wala ng buhay.
"Na-naku po.." Alinlangang wika niiya.
"Sige na Anna, huwag kang matatakot! akong bahala. hahahaha!" Halakhak na sabi ng matanda.
Kahit natatakot si Anna ay pinilit na lamang Niya Ang sariling dahan-dahang tumabi sa apo nitong namamatay. Tumatayo pa Ang kanyang mga balahibo sa ginagawang iyon!
"At bago mo ipikit Ang iyong mga mata Anna, ay uminom ka muna nito. Isang langis mula sa aking bote ." Anitong Ibinigay sa kanya.
At muling pinilit ni Anna Ang sariling inumin Ang langis na Ibinigay nito sa kanya.
"Ngayong nainom mo na Ang langis, ipikit mo na Ang iyong mga mata. Dahil magsisimula na tayo!" utos ng matanda.
Sinunod naman ni Anna Ang utos ng matandang mangkukulam. Ipinikit nga niya ang kanyang mga mata.
Hindi na namamalayan ni Anna Ang mga sumunod na nangyari dahil bigla siyang nawalan ng lakas dahil sa langis na kanyang nainom at unti-unti siyang nawawalan ng malay at lakas sa kanyang katawan.
Muling humalakhak Ang matandang mangkukulam nang makitang nawalan na ng Malay si Bella dulot sa ipinainom niya ritong langis na may halong ugat ng kahoy na pampatulog. Humarap Ang matandang mangkukulam sa dalawang nakahiga sa ibabaw ng kama at ipinikit Ang kanyang mga mata habang ito'y nakatingala sa kisame. At pagkatapos ay ilang beses itong sumambit ng mga Latin words.
Sa IKA LIMANG beses na pagsambit muli nito ng mga Latin words ay biglang may kung anong enerhiyang lumabas sa katawan ni Anna! at
biglang lumindol ang buong silid ng matandang mangkukulam at isang malakas na hangin Ang hunampas sa walang buhay na si Bella!
At dahil sa lakas ng hanging iyon ay biglang gumalaw Ang katawan ni Bella na para bang hinila ng katawan ni Bella Ang malakas na hanging iton. At habang si Anna ay nanatiling nakatihaya lamang sa ibabaw ng kama. Na parang wala na talaga itong Buhay sa ayos nito.
Tumigil naman kaagad ang hangin at lindol.
Namilog Ang mga mata ng matandang mangkukulam nang Makitang saglit na kumilos Ang katawan ng kanyang apong si Bella! pagkatapos nitong idinilat muli Ang mga matang ipinikit.
"Nagtatagumay ba ako!?" Anito sa sarili.
Di nagtagal ay nakikita ng matandang mangkukulam na unti-unting kumilos ang katawan ni Bella at unti-unti rin nitong ibinuklat ang mga mata nito!
"Bella!! apo ko! Salamat! salamat! nagtatagumpay si Lola!!" Naglulundag sa tuwang Sabi ng matandang mangkukulam.
"Nagtatagumpay si Lola! " Dagdag pang sigaw nito sa sobrang tuwa nang makitang muling nabuhay ang kanyang apong si Bella.
"G-gutom na gutom po ako. G-gusto Kong kumain ng lugaw m-madam ambrosia." Mahinang Sabi pa ni Bella.
Mahinang bumangon ito at nang napansin ito Ang katabing walang buhay na si Anna ay nagulat ito at kinapa ang sarili pagkatapos ay Umiiyak agad ng malakas.
" Jusko po!!! patawarin niyo po ako!! wala nang buhay ang aking katawan! at nagtatagumpay po kayo madam Ambrosia!! n-nandito na ako sa katawan ng apo niyo! ako ito, si Anna!!" Ang Sabi niyang umiyak ng malakas.
Na kahit alam na niya Ang mangyari ay sobrang namangha pa rin si Anna na totoo ngang nakasanib Siya sa katawan ng apo ng matandang mangkukulam.
"Tuloyan ko na talagang iniwan Ang aking katawan!!" Humagulhol na iyak ni Anna na nasa katawan ni Bella.
At niyakap nito ng mahigpit Ang katawang iniwanan na wala ng buhay. Biglang kumidlat at bumuhos Ang malakas na ulan sa Labas ng mansion na parang sumabay sa kalungkutang nararamdaman ni Anna ng mga sandaling iyon. Wala na Siya sa kanyang katawan at iniwan na talaga niya ito.
"Huwag kang magsalita ng ganyan Anna! itikom mo Ang iyong bibig! mula ngayon ikaw na si Bella at Hindi si Anna! iisipin mong nasa katawan kana ng aking apo at dapat mong gagampanan Ang buong pagkatao ni Bella! " Galit na sabi ng matandang mangkukulam.
Nagsisigaw parin sa pag- iyak si Anna na nasa katawan ni Bella habang mahigpit paring niyakap Ang iniwanan niyang katawan.
Kapwa nagulat Ang mag-asawang Frederick at Amanda nang ibinalita sa mga ito ng inang mangkukulam na muling nabuhay si bella. Sobrang kaligayahang naramdaman ng mag- asawa sa muling pagkakabuhay ng anak nilang si Bella. Ang katawan naman ni Anna ay itinago Nina Anna at ng matandang mangkukulam sa Isang kuwarto ng malaking mansion. Inilagay na nila ito sa mamahaling kabaong at ipinasok sa madilim na kuwarto ng lumang mansion. Mabuti nalang at may mga mamahaling kabaong Ang matandang mangkukulam. Sa Isang Malaking kuwarto ng mansion na ito ay may mga mamahaling kabaong na inilagay Ang matanda roon dahil nagbebenta ito ng mga mamahaling kabaong.
Mabilis namang dinalhan ng mag-asawang Amanda at Frederick Ang anak nila ng mainit na lugaw at si Amanda mismo Ang nagsusubo sa anak nito.
"We're so happy that you are back iha." Napaiyak pang sabi ni Amanda.
"At dapat tayong magpapasalamat sa Panginoon sa second life niyang Ibinigay sa'yo anak.." Ang Sabi naman ni Frederick.
Nanatiling tahimik si Bella na ipinagtataka naman ng mag asawa. Napatingin si Amanda sa matandang byenan na mangkukulam.
"Inang, bakit hindi umiimik Ang anak namin?" Takang-tanong ni Amanda.
Kinabahan naman si Anna at pilit na nagsasalita.
" S-sorry nay, w-wala pa akong ganang makipag- usap sa ngayon." Ang Sabi naman ni Anna.
"Tinawag mo akong nanay??" Kunot-noong tanong ni Amanda.
"S-sorry, m-mommy pala. I'm sorry mommy.." Kabog Ang dibdib na sagot ni Anna.
"Amanda intindihin mo muna Ang anak niyo! baka epekto pa iyan sa nangyayari sa kanya dapat pa siyang magpahinga!" Anang matandang Mangkukulam.
" Tama si inang, Amanda." Sang- ayon naman ni Frederick.
" ahh okay, Sorry anak Bella." Ani Amanda Kay Bella.
"Paano mo pala naipabalik Ang kaluluwa ng anak namin inang? diba Sabi mo pag sumapit Ang 24 hours ay wala ng pag -asang makakabalik pa Ang kanyang kaluluwa .?" Usisa na tanong ni Frederick.
"Hindi ko alam anak, basta kusa nalang bumabalik si Bella sa kanyang katawan. At Hindi kana dapat pang magtataka tungkol diyan. Dahil Hindi lang iisang case na may nangyayaring ganito. Maraming ibinurol na muling nabubuhay pa at bumangon.." Mahabang sagot ng matandang mangkukulam.
"Dito lang muna si Bella sa aking mansion. Habang magapagaling pa siya ng lubos ay hindi na muna Siya pwedeing uuwi. Kayo na Muna ng asawa mo Frederick Ang uuwi sa Inyo." Dagdag pa ng matandang mangkukulam.
Habang Ang pamilya ni Anna ay nagkakagulo sa paghahanap sa kanya dahil Hindi si Anna nakakauwi sa kanila.
Hinanap ng mga ito sa buong baryo nila si Anna ngunit Hindi nila ito nakikita. kinabahan naman si Lisa at Ang Ina ni Lisa dahil sila lamang Ang nakakaalam kung saan huling nagpupunta si anna. Mga dalawang Araw na itong Hindi umuuwi.
" Lisa! ! may nakapagsabi sa aming magkakasama raw kayo ni Anna noong Isang Araw, sabihin mo sa amin nasaan si Anna!!?" Galit na tanong ni aling Wella Kay Lisa.
"T-tama Po kayo, magkasama nga po kami tiya Wella, pero sabi niya sa akin mauuna na daw akong umuwi dahil may importante pa raw siyang pupuntahan. At iyon na po Ang huling pagkikita namin ." Pagdadahilan ni Lisa ngunit sobrang kinabahan ito.
Lihim na pinabalik si Lisa ng kanyang inang si Mona sa Isabella kung nasaan nagpupunta sila ni Anna para uusisain Ang tungkol Kay Anna doon.
"Ma-maganang raw po ako po pala yung Kasama ng nagngangalang Anna, iyong nagpapakulam po rito. Hindi kasi siya nakakauwi ehh, Kaya nandito ako para mag-usisa tungkol sa kanya.." Ang Sabi ni Lisa sa mayordoma ng lumang mansion.
"ano?? Hindi Siya nakakauwi? sigurado kaba? Sabi ng amo ko, kinabukasan agad ng madaling Araw ay umuuwi na Ang kaibigan mo, pagkatapos niyang magpapakulam.." Ang sagot ng mayordoma.
"Ano? kung ganoon, nasaan kaya Ang kaibigan ko dalawang Araw na po siyang Hindi nakakauwi. at nag-aalala na po Ang kanyang pamilya." Inatake ng sobrang kaba na wika ni Lisa.
"Pasensya kana ,Wala na kaming alam tungkol diyan. Siya sige. Marami pa akong gagawin." Ang Sabi ng mayordoma.
Nag- iiyakan ang buong pamilya ni Anna dahil sumapit nalang Ang isang linggo ay hindi na ito umuuwi Sobrang ikinatuwa naman ni yassy Ang balitang pagkawala ng babaeng mortal niyang karibal sa puso ng kanyang asawang si Sam..