CHAPTER 11

1731 Words
"Good afternoon everyone.." Nakangiting bati ni Anna sa mga ito. " Oh, my cousin Bella! What are you doing here!?" Gulat na tanong ni Yassy. Hindi Kasi ito makapaniwalang darating bigla ang Pinsang si Bella roon at nagtatakang tiningnan nito ang mga Kasama ni Bella, ang dalawang Kapatid na lalaki ni Anna. " Na surprise ba kita my cousin??" Tanong pa ni Anna. Sina Sam at aling Rosa ay tahimik lang na nakatingin sa Bagong mga dumating. " yeah cous, sobrang nasorpresa talaga ako sa pagdating mo. At sandali bakit mo Kasama ang mga iyan..?" Tanong pa ni Yassy na ang tinutukoy ay ang dalawang Kapatid na lalaki ni Anna. " Mas lalong ma su- surprise ka ngayon Yassy sa sasabihin ko." Aniya rito at hindi pinapansin ang tanong nito tungkol sa kanyang mga Kapatid na lalaki. "W-why .?" Takang tanong ni Yassy. "I'm sorry Yassy, dahil kailangan Kong Ipapa stop ang pagpupundar ng mga trabahante mo rito sa lupang nabili ni daddy sa mga dela vega..dahil ibabalik ko ito sa mga taong nakaposisyon rito ng ilang taon..ibabalik ko ito sa family Sebastian.." deretsong Sabi ni Anna rito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yassy sa narinig Mula sa Pinsang si Bella. " w-what!!? B-but.. napag- uusapan namin ito ni Tito Frederick! Oh come 'on.. cous, kailan ka pa naging mahilig manghimasok sa mga ganitong problema? " Mangha at nagtatakang tanong ni Yassy ngunit may himig na galit ang boses nito. " Ngayon pa Ako naging mahilig dear Cousin, at napag- uusapan na rin namin ito ni Daddy kaya out kana dito okay..?" Aniya rito. Namula si Yassy Hindi nito ini expect na gawin ito ng kanyang pinsan. "At Anong sinabi mo? Ibabalik mo ito sa pamilya Sebastian!? Are you serious?? O wala ka lang sa sarili mo Cous!" Di napigilan ni Yassy ang tumaas ang boses. Natawa si Anna. " Ikaw Yata ang Wala sa sarili mo my cousin, you are out of here, kung Ano man ang desisyon namin ni daddy. Yes! Ibabalik ko ito sa pamilyang inabuso mo, my god Yassy, nasaan ang konsensya mo? Nalaman ko ang lahat na pinaggagawa mo sa Isang mahirap na pamilya. At Hindi kami kumbinsido ni daddy kaya Wala kang magagawa kung ibabalik ko ito sa pamilyang inaapi mo.." Mariing wika ni Anna. Nanlaki ang mga mata ni Yassy at ang Ina ni Sam. ngunit si Sam ay walang expression sa Mukha nito. " kalokohan!" Galit na Sabi ni Yassy. " Yassy, mahiya ka naman sa pinsan mo. Desisyon nila ito at Wala kang magagawa, para sa akin ay okay na okay Ako sa gustong mangyari ni miss Bella.." Sabad Naman ni Sam sa usapan. " WOW!! Napakabuti rin pala ng puso mo Sam. napakaswerte ni Yassy dahil nakapag-Asawa Siya ng tulad mo.." Malawak ang ngiting wika ni Anna. Napatitig Naman si Sam sa magandang Mukha ni miss Bella Gatchalian. Ngunit si Yassy ay halos umuusok ang ilong sa Galit nito ngunit Wala itong magagawa sa desisyon ni Bella. "Sandali nga cous, nagugulohan talaga Ako kung bakit ka naging ganyan. Hindi ka Naman dating ganyan ahh, Hindi ko inaasahang pagtuunan mo pa ng pansin ito .." kalmadong wika ni Yassy kahit gigil na ito. "Dahil Hindi maganda ang ginagawa mo Yassy.. that's all. period." Matigas na Sagot ni Anna. Nawala ang power ni Yassy sa lupang inagaw nito Mula kina Anna. at nabalik nga ito sa pamilya Sebastian. Mas Lalong namangha lahat ng Kapit- Bahay Nina Aling wella at Mang doro nang Kinabukasan ay sinimulang pina deliveran ni miss Bella Gatchalian ng Maraming materyales para sa malaking Bahay na ipapagawa ni Bella sa pamilya Sebastian at pati na sa dalawang lalaking anak ni aling Wella at Mang doro. " Hindi ko alam mommy kung Anong napapasok sa utak ni Bella . Imagine, ibinigay niya ang lupa sa pamilya ni Anna at papagawaan pa niya ito ng malaking Bahay at ang mga Kapatid ni Anna? Bwes*t!!" Galit na galit na wika ni Yassy sa Ina. "Hayaan mo na yan..anak, ang importante ay Wala na si Anna ang Kabit ng Asawa mo.." Ang sabi Naman ni Mrs. Faye Gatchalian. " Okay, Sige..mommy, ayoko ring tuloyang masisira ang relasyon naming magpinsan dahil lang sa lupa Nina Anna.." Ani Yassy at muling kinalma ang sarili. Samantalang si Anna ay ipinahanda na ang tungkol sa kanyang pag paparty para sa muling pagkakabuhay ni bella. nagpapatulong Siya sa kanyang kaibigang si Sarah para sa mga invitation card dahil Kilala ni Sarah ang lahat na kakilala ni Bella. Dumating Ang Araw ng nasabing party ni Bella at lahat ng kaibigan at kakilala nito ay binigyan ni Sarah at pinagawaan ng invitation card. ipinaubauya Kasi ni Anna rito ang invitation cards dahil Kilala ni Sarah ang lahat na kakilala at kaibigan ni Bella dahil best friend ito ni Bella. Sobrang Ganda Naman ang pagkakaayos ng arrangements sa kanyang party at sa pagkakataong ito ay medyo sanay na si Anna sa kanyang pagiging Isang Bella Gatchalian wala na siyang kabang nararamdaman. Ayon sa naka schedule sa kanyang invitation ay 4:00pm mag start ang kanyang party. Lahat ng mga naka arrange na circle tables ay may nakahanda ng masasarap na mga menu sa party at mga mamahaling wine at kopita. Naiisip bigla ni Anna ang kanyang pamilya sa probinsya. Gusto sana niyang imbitahin ang mga ito ngunit baka magtataka na sina Yassy at ang parent ni Bella kung bakit ganoon nalang kalapit ng kanyang kalooban sa pamilya Sebastian. Mag schedule nalang muli Siya ng ibang Araw para sa Isang simpleng salu- salo roon sa kanyang tunay na pamilya. Dumating rin ang matandang mangkukulam sa party ngunit Hindi ito mahilig makikipaghalubilo sa mga tao kaya nasa loob lang ito ng malaking bahay. Nasa malawak na Hardin Kasi ini-held ni Anna ang party. Nagtataka nga rin ang lahat kung bakit doon lang ipinaheld ni Bella Ang kanyang party pati na ang mga magulang ni bella dati Kasi ay sa Hotel lagi magpapa- party si Bella. Pero hindi na nila iyon binigyang pansin baka gusto rin ni Bella ang ibang style na Naman sa pagpa - party nito. Isang simpleng gown lang ang isinoot ni Anna at marami siyang naririnig na magandang komento tungkol sa kanyang ayos ngayon. " WOW! Naninibago Ako Sayo ngayon Bella. Dati Kasi kapag magpapa-party ka ay Mukhang Queen ang dating mo dahil sa Ganda at mamahaling gown na isinoot mo. but now, you look simple but very attractive lady sa ayos mo ngayon. Napakaganda.." Papuri pa ng Isang modelong tulad ni Bella at kakilala. Inisa - isa Kasing pinuntahan ay enentertain ni Anna ang mga kakilala at kaibigan ni Bella. Kapag may mga bagong dumating ay sinalubong agad niya ang mga ito at enentertain. At ang kaibigang si Sarah ay tumulong na rin sa pag- entertain sa ibang mga bisita ni Bella. Habang ang mga magulang din ni Bella na sina Mr. Frederick Gatchalian at Amanda Gatchalian ay inasikaso din ng mga ito ang mga bisita nitong kaibigan at mga kasamahan sa negosyo. "Thank you so much Aira.." simpleng ngiting Sagot ni Anna rito. Matalas ang pandinig niya narinig Kasi niyang Aira ang tawag rito ng Kasama nito. Gumanti namang ngumiti si Aira at pagkatapos ay iginiya niya ito at ang mga Kasama nitong bisita ni bella sa Isang vacant table at pinaupo ang mga ito roon. " Thanks Bella.." ang Sabi pa ng isa. " welcome.." Ani Anna. Bigla namang dumating si Sarah sa kanilang kinaroroonan. " Best, Loo, nandito na Ang pinsan mong si Yassy at si tita Faye at ang Asawa ng pinsan mo.." bulong pa ni Sarah sa kanya. At agad niyang tiningnan ang mga bagong dumating. tataas talaga ang dugo ni Anna kapag nakikita ang pagmumukha ni Yassy, ang sarap na talagang sapakin ang pagmumukha nito Lalo na pag maalala niya na pina pa rape Siya nito! Pero magtitimpi Muna Siya sa ngayon dahil unti-unti niya itong gagantihan at ipapalasap rito ang tamis ng kanyang paghigiganti! " ahhmm.. excuse me guyss, i-we- welcome ko lang sa aking party ang bagong mga dumating-ang pinsan ko at ang Asawa niya at si tita." Paalam ni Anna sa grupo ni Aira. " okay bella.." Sagot ng mga ito. Naiwan naman si Sarah roon at ito ang patuloy na nakikipag- usap kina Aira. Kunwaring natuwa at sinalubong Naman ni Anna sina Yassy at Sam Kasama si Mrs. Faye Gatchalian. "Thanks for your coming tita, Yassy at Sam.." nakangiting bati at salubong ni Anna sa mga ito at nakipag beso-beso agad Siya sa kina Yassy at Mrs Faye Gatchalian kahit gigil na gigil Siya sa mga ito. "Akala ko Kasi nagalit ka sa akin noong nagkakasagutan tayo last days, about sa lupa ng mga Sebastian..." Dugtong pa ni Anna. "Ang totoo, nagalit at na shocked talaga Ako Bella insan, but naiisip ko ring hahayaan nalang ang lahat dahil Wala nga akong magagawa at isa pa ayoko ring tuloyang masisira ang relasyon natin bilang magpinsan dahil lang sa lupang iyon.." Mahabang Sagot Naman ni Yassy sa kanya na may ngiting kaplastikan sa kanya. Hindi napigilan ni Anna ang mapatawa. " Natatawa ka insan? Why?" Usisa pa ni Yassy na kumunot ang noo. "Sorry cous, Hindi lang kasi ako makapaniwalang marunong ka palang magpakumbaba!" Sagot pa ni Anna. Natigilan Naman si Yassy at pagkuway huminga ng malalim. hindi nito maintindihan kung bakit may pagkakaiba ang dating at ugali ng pinsan niyang si Bella ngayon. Epekto na ba ito sa nangyayari at pinagdaanan nito? Anang isipan ni Yassy. Pagkatapos makaupo sina Yassy, Sam at si Mrs. Faye Gatchalian ay iniwan saglit ito ni Anna. nakangiti ng lihim si Anna. may bigla Kasi siyang naiisip. Dumating na ang lahat na bisita ni Bella at Wala na silang hinihintay pa, pati ang ex boy friend ni Bella na si Mr. Gimme Gonzales ay dumating na rin Kasama nito ang bagong girl friend nito ngayon sa Mismong party ni Bella. Isa si Gimme na binigyan ng Invitation card ni Sarah. At dahil gusto ni Gimme na ma prove kung totoo ngang nakapag move na sa kanya ang magandang modelong ex gf na si Bella ay nagmakaawa ito Kay Sarah na Bigyan rin ng invitation card ang new gf nitong si Sheila para madala niya ito sa party ni Bella at ipakilala ito sa ex gf. "Best, sorry.. may sasabihin sana Ako Sa'yo.." Ani Sarah sa kanya. " bakit..? May problema ba..?" Tanong Naman ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD