CHAPTER 22

1365 Words
"Sam, Ano ba! Huwag kayong mag- e-eskandalo rito!" Saway ni Anna at mabilis na inawat ang DalawA. Nagulat nalang Siya sa biglang pagsuntok ni Gimme Kay Sam at si Sam Naman ay mabilis na ginantihan si Gimme. Kitang- kita ni Anna Ang Galit ni Sam ng mga sandaling iyon. Gaganti pa sana si Gimme ngunit nagpapagitna na si Bella sa mga ito. Matalim ang mga tinging ipinukol Nina Sam at Gimme sa isa' t isa. "Ano bang right mo Kay Bella ha, Sam ? at bakit mo ba Siya kakausapin? Bella, totoo bang mga tsismis na naririnig ko? na may relasyon kayo ng asawa ng pinsan mo?" Galit na tanong ni Gimme Kay Bella. "N-no, Hindi totoo yan Gimme! Tsismis lang Yan! " Sagot Naman ni Anna. "Please lang Sam, umalis kana dito!" Pagtataboy ni Anna rito pero nainis Siya sa sarili kung bakit nasasaktan Siya sa ginawa niyang pagtataboy Kay Sam. "Belib na rin Ako Sayo Miss Bella. Pero hindi pa Tayo tapos at kailangang mag usap pa tayong muli! " Galit Ang anyong Saad ni Sam. "Hindi kita pinaasa Sam! Wala akong sinabi sa' yo! Nagkamali ka lang ng iniisip na may pagkakaintindihan tayo! Asawa ka ng pinsan ko, kaya Hindi Yan mangyari!!" Ani Anna na sinadyang sasabihin Ang mga iyon upang dudurugin Ang puso ni Sam. Upang masasaktan ito ng labis tulad ng nangyari sa kanya dati na sinasaktan nito dahil sa pagpapakasal nito Kay yassy. "Okay! pero uulitin ko, Hindi pa tayo tapos Bella!" Mariing wika ni Sam. at tumalikod na agad. Muling hinarap ni Gimme si Bella nang makaalis na si Sam. "Ano ba talaga ang totoo Bella? sa ipinakita ni Sam ngayon sa atin ay parang nagsasabi lang na totoong may relasyon kayong DalawA! kaya nagkahiwalay sila ni Yassy! " Muling wika ni Gimme. "I said, that is not a true! " Pagkakaila muli ni Anna. "Kung ayaw mong maniwala, iwan mo na rin Ako Gimme!" Pagtataboy na rin ni Anna rito. Kapwa nalang Sila nagkasukatan ng mga tingin ni Gimme. Samantalang Sam ay nauwi sa probinsya na may Galit Kay Bella. Isa siyang lalaking Tanga dahil pinaglaruan lang Pala Siya ni Bella at ang kanyang damdamin. hindi niya akalaing nagkabalikan Pala ito at ang ex boyfriend nitong si Gimme. naikuyom ni Sam ang mga kamao. kung Hindi lang nagpapagitna kanina si Bella ay binugbog na niya si Gimme dahil ito unang nanuntok sakanya. "Miss Bella Gatchalian.. pinaibig mo lang Ako tapos sasaktan? Makikita mo!" Anang isipan ni Sam. "Oh,kuya.. saan kaba galing, bakit hapon kanang nakauwi? heto at ipinagtimpla kita ng kape. Masyadong malamig ang panahon ngayon Lalo na kapag hapon na. parang napansin Kong Wala ka ngayon sa kondisyon mo. bakit ,may problema kaba Kuya?" Tanong Naman ng babaeng bunsong kapatid ni Sam na si Kate. "Wala Kate, salamat sa kape. nasaan ba si inay?" Tanong ni Sam. "Ayun sa Kapit Bahay natin Kay aling Juanita.." Sagot Naman nito. "Ganoon ba.." Ani Sam. "Kuya, Wala kana bang balak umuwi Kay ate Yassy?" Tanong nito na ikinatigil ni Sam. "Wala na Kate, wala naman kaming anak. at Hindi niya Ako kayang bigyan ng anak.. Hindi Ako naging masaya kailan man sa piling niya. huwag kang mag-alala .. graduate na si aljun ng kolehiyo at si Priya kaya Hindi na tayo maghihirap pa at babalik sa dati. at may Pera din akong naipon sa bangko na aKing pinaghirapan. bibili Ako ng sariling Jeep para babalik sa pamamasahero.." Mahabang wika ni Sam sa kanyang kapatid. "Sorry kuya, dahil sa pagsa sacrifice mo sa amin ay pati sarili mong kaligayahan ay nawala Sa'yo. but sobrang proud po Ako Sa'yo kuya. dahil Hindi mo kami pinabayaan Mula nang mawala si itay ." Madramang Sabi pa ng kapatid. "Dahil obligasyon ko kayo Kate, oh Sige, Iwan mo Muna Ako rito.." aniya rito. "S-sige po kuya.." Anitong tumalikod na. Tama ang kanyang kapatid. matagal na niyang iniisip iyon, dahil sa desisyon niyang pakasalan si Yassy para sa future ng kanyang mga kapatid ay kapalit rin ang pagkawala ni Anna sa kanyang Buhay. Heto, umibig nga siyang muli, pero sa maling babae pa. kay miss Bella. Nang makauwi si Anna ay pagod siyang pumasok ng kanyang kwarto at pabagsak na humiga sa kanyang kama. Nakatulog Naman Siya agad. Mga two hours na siyang natutulog nang ginising Siya sa ingay ng tawag sa kanyang cellphone. Pikit pa ang mga matang kinapa niya ang cellphone sa tabi niya at deretsong sinagot iyon na Hindi tiningnan kung sino ang tumawag. "Yes..hello?" Sagot niya sa tumawag. "Anna Bella.. ipinasusundo kita riyan, kailangang pupunta ka dito sa akin. dahil Hindi pwedeng Hindi mo tatanggapin ang bertud ng pagiging Isang mangkukulam." anang tinig ni madam ambrosia sa kabilang linya. Gulat Siya at napadilat ang kanyang mga mata. "A-ano ho? P-pero Lola, Hindi po kita pinapaasa na tatanggapin ko ang bertud na yan, ang kasunduan lang po natin ay huwag Kong ipagsasabi na Ako si Anna at kapalit ng pagpayag Kong papasok ang aKing kaluluwa sa katawan ni Bella ay ang magandang buhay ko Kasama ang aKing pamilya at ang paghigiganti ko sa mga taong nanakit sa akin.." Natatakot na sagot ni Anna rito. "Pero sinabi ko na sa'yong Ikaw Ang magmamana sa lahat ng nasa sa akin ngayon- mga kayamanan at ang pagiging mangkukulam! Dahil katawan ng aKing apo ang kinalalagyan mo ngayon. diba Sabi kong gagampanan mo lahat ng pagkatao ni Bella?. dapat mong tatanggapin ito dahil dinadala mo ang pagkatao ng aKing apo!" Galit na galit na asik ng matandang mangkukulam sa kabilang linya na halos ika bingi iyon ni Anna. "A-ayokong tatanggapin ang mana Lola, Sapat na sa akin na may sarili akong Pera at nakakaahon na sa hirap ang aKing pamilya. maawa po kayo, ayoko pong maging Isang mangkukulam.." lakas- loob na pagtanggi ni Anna. "Hindi pweding Hindi Ikaw Ang magmamana sa aKing mga kayamanan! Nag-iisa Kong apo si Bella at lahat ng mga documento ay nailipat na sa pangalan ng aKing apo! Kaya dapat mo itong tanggapin Anna bella at lalo na ang bertud! " muling Singhal nito. "Lola ambrosia. patawarin niyo po talaga Ako, ayoko po talagang tanggapin ang bertud na sinasabi nyo.." umiiyak na Sabi ni Anna. "Ahh ganoon ha, babawiin ko ang katawan ng aKing apo Anna! Kung Hindi mo tatanggapin ang bertud ng pagiging Isang mangkukulam!!" "A-ano ho? H-hindi niyo iyan magagawa Lola, kayo ho Mismo ang nag- offer sa akin sa katawang ito ng apo niyo, samantalang ang katawan ko po ay naging kawawa dahil iniwan ko ito dahil lang din sa magandang offer niyo sa akin. paano pa po Ako babalik sa tunay Kong katawan? Gayong matagal na itong nabubulok sa loob ng kabaong? alam Kong sa tagal ng naiwan ko ang aKing katawan ay Patay na rin pati mga organs nito! At Hindi na Ako pweding makabalik!!" Umiiyak na talagang Sabi ni Anna sa matandang mangkukulam sa kabilang linya. "Hahahaha!! Bahala ka na Anna, Basta babawiin ko ang katawan ng aKing Apo. kapag Hindi mo tatanggapin ang bertud nag pagiging Isang mangkukulam!! Pinapasundo kita riyan sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka ngayon dito! Dahil babawiin ko ang katawan ni Bella!!" Galit na Galit na sigaw na talaga ng matandang mangkukulam. Mabilis na pinatay ni Anna ang tawag at sobrang inatake Siya ng kaba sa mga sinasabi ng matandang mangkukulam. Wala sa sariling nagligpit ng kunting damit si Anna at isinilid iyon sa bag at sinigurong dalhin ang kanyang mga ATM at nagmamadaling bumaba ng kanyang kuwarto. Aalis muna Siya sa Bahay ng mga Gatchalian. iiwas muna Siya sa kung sino Mang inutusan ng matandang mangkukulam ngayon magsudundo sa kanya. "Bella, anak? Bakit may dala kang bag, saan kaba pupunta?" Tanong ni Amanda sa anak. Namumutla si Anna. "M- mommy, paki Sabi mo Kay daddy na aalis Muna Ako rito at magtatago .." aniya sa Ina ni bella. Nabigla naman ito. "Pero bakit iha? Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Amanda. "Si Lola ambrosia.. ipinasundo Ako rito at sa ayaw daw at sa gusto ko ay sasama Ako sa mga magsusundo ngayon sa akin.. ipipilit niya talagang tatanggapin ko ang bertud ng pagiging Isang mangkukulam mommy. at ayoko talagang maging Isang mangkukulam! Kaya aalis muna Ako dito!" Aniya rito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD