CHAPTER 21

1314 Words
Lihim na nakipagsabwatan si Anna sa Isang kanang kamay ni Yassy upang tuloy parin Ang paghihiganti niya sa mga taong umaapi sa kanya. " Nakuha mo ba ang lahat na detalye ko? Ikaw Ang right hand ni Yassy sa AYF Gatchalian's Trading Company.. So, ,alam mo ang lahat na pasikot-sikot doon. kailangang gagawa ka ng paraan para unti- unting ng babagsak ang kompanya at kapag magtatagumpay ka ay may malaking reward kang matatanggap sa akin malaking halaga na pwede mong gamiting puhunan para may sarili kang business. tulongan mo akong pabagsakin ang AYF Gatchalian's Trading Company'ng iyan.." Ang Sabi ni Anna sa right hand ni Yassy. Napangiti Naman si Marvin. "Magkano ang bayad o reward mo sa akin Ma'am Bella.?" Tanong Naman ni Marvin. "Five million pesos. oh, Ano, deal?" Aniya rito. "Okay!" Masiglang sang-ayon ni Marvin. At kitang kita Naman niya sa hitsura nitong tuwang tuwa dahil sa sinabi niyang five million pesos Ang reward nito kapag mapapabagsak nito ang kompanya Nina yassy. gagawa ito ng mga anomalya sa kompanya dahil walang kaalam- alam si yassy sa kung paano e- hold nito Ang kompanya na naiwan saga ito ng Tito ni Bella. Pagkatapos ni Anna at Marvin na nagkakausap ay sumipot Muna si Anna sa mall para magshopping. Natutuwa si Anna dahil unti- unti na niyang ma I down si Yassy at pagkatapos ng lahat. Sisingilin na rin niya ito sa pagpapahasa nito sa kanya noon! Nang makauwi Siya ay may naghihintay Pala sa kanyang bisita. "Ma'am bella. .May bisita ho kayo- ang ex niyo ..si sir Gimme.." salubong Naman sa kanya ni aling minda. Natigilan Naman saglit si Anna. 'Heto na Naman si Gimme..' Anang isipan ni Anna. At tumuloy na Siya sa loob. nasa Salas nga Si Gimme at naghihintay sa kanya, may dala itong fresh flowers. Tumayo ito nang Makita Siya. "Good afternoon Bella.." Bati nito sa kanya sabay abot nito sa dalang fresh flowers. "Why are you here G- Gimme..?" Kinabahan na Naman niyang tanong at Wala sa sariling tinanggap niya ang bulaklak na dala nito. "I hope you like it. hindi ako susuko hangga't Hindi ka babalik ka sa akin Bella .." Anito. Saglit na napag- isip si Anna. Napakaguwapong lalaki ni Gimme at madali itong mahalin. gusto niyang tuloyang makalimutan si Sam. Tama, tatanggapin niya ang pag- ibig ni Gimme dahil doble purpose iyon. una, makalimutan niya ng tuloyan si Sam at pangalawa, makakapaghiganti din siya Kay Sam sa pagpapasakit nito sa kanya noon. Nginitian ni Anna si Gimme. "Ahhmm.. nakita ko ang sincere na pagsisisi mo Gimme at ang tunay mong pagmamahal ngayon sa akin. so, why not upang Hindi kita balikan at tanggapin muli?" Aniya rito. Biglang umaliwalas ang Mukha ni Mr. Gimme Gonzales. "Are you serious..? tanggap mo na akong muli Bella?" Gumuhit ang sobrang tuwa sa Mukha ni Gimme. "Y-yes.." "Thank you so much sweetheart!" Masayang sambit ni Gimme. Si Gimme na lang ang pagtutuonan niya upang mapagmahal agad ito sa kanya. Nakita niya naman na sincere na si Gimme sa sinasabi nitong pagmamahal sa kanya. Pero aanonkapagalan nitong Hindi na Siya si Bella? Samantalang sina Yassy at ang mommy nitong si Mrs. Faye Gatchalian ay ibeninta ang mga natirang properties ng yumaong ama amahan at Asawa upang muling magpapagawa ng kahit simpleng Bahay lamang,sa hotel Muna Ang mga ito namamalagi. " Ngayong may Pera na Tayo mommy, gaganti Ako Kay Bella! Sa ginawa niya sa pagsira sa amin ni Sam at sa pagpapaalis niya sa atin sa ating sariling tahanan. Maghire Ako ng tao upang ipapabaril ko ang malandi at hayop na Bellang iyon!!" Matigas ang anyong wika ni Yassy. " Hindi ko nagustohan Ang alitan niyong dalawA ni Bella anak, pero dahil sa ginawa niya ay bahala kana sa mga binabalak mo.." Sagot Naman ni Mrs. Faye Gatchalian. "Hindi ko nalang Sila idedemanda ni Sam sa mga panlolokong ginawa nila sa akin dahil Baka malulusutan pa nila ito. Ppara sigurado, papapatira ko nalang si Bella. Gigil na gigil na Ako sa mga ginagawa niya sa akin, kaya humanda Siya sa gagawin ko!" Napangiti ng mala demonyang ngiti si Yassy. Nabalitaan Naman ni Sam ang pagpapaalis ni bella kina Yassy at sa mommy nito. Pero Wala ng pakialam pa si Sam dahil para sa kanya ay kasalanan ni Yassy ang lahat dahil sa mga sugal na ginawa nito, Ang pagka casino nito kaya nangyari ito ngayon kina yassy. Biglang namimiss ni Sam si Bella dahil ilang araw na niya itong hinintay sa probinsya nila kung dadalaw itong muli sa pamilya Sebastian ngunit walang Bella ang nagpunta sa pamilya Nina Anna. kaya nagbalak si Sam na dadalawin ito ng lihim sa Mismong Pamamahay ng mga ito. Nasa labas si Sam ng malaking Bahay ng mga Gatchalian, Hindi Siya nagpapakita roon. Hinintay nalang niyang lumabas si Bella upang lapitan agad ito. Ayaw niyang Makita Siya ng mga magulang ni Bella dahil alam niyang magagalit ang mga ito sapagkat alam Ng mga ito na Siya ay Asawa ni Yassy. Hindi na ni Sam mapipigilan ang sarili, mahal na niya talaga si Bella at ang pagmamahal na iyon ay parang tulad sa pagmamahal na naramdaman niya Kay Anna. Parang mababaliw na siya sa pagkakamiss niya Kay Bella. Gusto na niya itong yakapin ng mahigpit at halikan. Habang naghihintay si Sam sa labas ay may biglang kotseng dumating sa gate Nina Bella at nakita niyang lumabas Mula roon ang ex boyfriend ni Bella na si Gimme! Syempre, Kilala niya si Gimme na ito Ang ex boyfriend ni Bella. rumihistro ang pagseselos sa Mukha niya nang Makita ito! akdla na niya ay wala na Ang mga ito pero bakit nandito si Gimme? Ilang sandali pa ay nakita ni Sam na magkasamang umalis si Bella at Gimme, sinundo lang Pala ni Gimme si Bella! Nasasaktan si Sam sa mga sandaling iyon at kailangang makausap niya si Bella tungkol sa kanyang nakikita. "No.." Ani Sam at nagmamadaling sumakay ng taxi para susundan sina Bella at Gimme. Bahala na, Susundan niya Ang mga ito at kailangang kakausapin niya ng harap- harapan si Bella sa harap Mismo ni Gimme! Kumain ng mga sandaling iyon sina Gimme at Anna sa paboritong restaurant Nina Gimme at bella noon. Makikita sa mga mata ni Gimme ang sobrang kaligayahan nang muli niyang mapasagot ang ex girlfriend na si bella. At si Anna Naman ay pilit na tinuruan ang sariling maging maligaya sa presensya ni Gimme para makalimutan na niya ang sakit ng kanyang nakaraan.pagkatapos nilang Kumain ni Gimme ay lumabas na agad Sila ng restaurant dahil balak pa nilang mamasyal nito. "Bella! " biglang sambit ng Isang pamilyar na boses sa kanilang likuran. Sabay Naman silang lumingon ni Gimme.nagulat si Anna nang Makita si Sam! "Oh,Sam , ikaw pala yan.." Ani Gimme dahil Kilala din ni Gimme si Sam na Asawa ni Yassy. "Sam! Anong ginagawa mo rito??"gulat na tanong pa ni Anna. "Gimme,kailangan kong kausapin saglit si Bella..pwede bang mahiram ko Muna Siya .,,?" Matiim ang anyong tanong ni Sam. "What?? Bakit mo Naman Siya hihiramin? Hindi Naman Siya Isang gamit na hiramin mo. At isa pa, pag- aari ko si Bella.. at Ikaw Asawa ka lang ng pinsan niya Hindi ba?" Natatawang tanong ni Gimme. "Bella..mag- uusap Tayo ! Please!" May himig nang Galit na wika ni Sam sabay hawak Kay Bella. "Gago ka Naman Pala eh! Ang Asawa mong si yAssy ang aatupagin mo huwag ang girlfriend ko!" Galit na asik ni Gimme. " Hindi mo ba naiintindihan?? makikipag-usap lang Ako saglit sa sinasabi mong girlfriend mo!" Sigaw Naman ni Sam. Isang malakas na suntok ang Ibinigay bigla ni Gimme Kay Sam. " Gimme! Huwag kayong mag eskandalo dito!" Sigaw Naman ni Anna. Nagulat Naman si Sam nang matamaan Siya sa Mukha ng Isang suntok ni Gimme na muntik na niyang ika tumba. "Siraulo ka rin Pala eh! " Ani Sam at binigyan din ng Isang malakas na suntok sa Mukha si Gimme!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD