CHAPTER 23

1335 Words
" What!? But .. saan ka nagpupunta iha?" Nag- aalalang tanong ni Amanda sa anak. "Ako na ang bahala, tatawagin nalang po kita mommy.. Sige aalis na po Ako! PAgkauwi ni daddy ngayong hapon ay sasabihin niyo nalang sa kanya mommy!" Ani Anna at saglit na humalik sa Ina ni Bella at mabilis kaagad na umalis. "Take care yourself iha!" Narinig pa ni Anna na sigaw sa kanya ng mommy ni Bella. Walang ibang pinuntahan si Anna kundi doon Siya sa probinsya sa kanyang tunay na pamilya. Kailangan muna niyang lalayo Doon upang pagtaguan Ang Mangkukulam na Lola ni Bella. Natatakot Siya sa sinabi nitong babawiin daw nito ang katawan ng apo nitong si Bella. Nasorpresa Naman Ang pamilya niya nang bigla nalang siyang naging bisitang muli roon. Ngunit ramdam Naman ni Anna Ang mainit na pag- aasikaso Ng kanyang pamilya sa kanya bilang si Bella Gatchalian. Iyon ay dahil malaki Ang naitulong niya sa mga ito bilang si Bella. kung alam lang ng mga iyo na Siya si Anna. Kung pwede lang sana niyang Sabihin sa mga ito na na Siya si Anna. Kaya lang baka lumala pa Ang problema niya kapag sa Sabihin niya Ang totoo niyang pagkatao na Hindi Siya si Bella. At minabuti nalang niyang Hindi malalaman ng kanyang pamilya kung sino siya upang di madamay Ang mga ito sa kanyang problema. Lalo na ngayong babawiin daw ng matandang Mangkukulam ang katawan ng apo nitong si Bella. "Dito po muna Ako mamalagi ng ilang Araw aling Wella at Mang domeng. okay lang po ba sa Inyo .?" Tanong ni Anna sa mga magulang. "Si ma'am bella Naman, nakakahiya naman po sainyo, bakit Naman po kami Hindi okay? Welcome po kayo ma'am sa lahat ng oras..." Masiglang Sabi ni aling Wella. " iniisip kana naming pamilya ma'am Bella.. Hindi na ibang tao ang tingin namin sayo.." Sagot Naman ni Mang doro. "Salamat po, bakasyon lang po Ako dito.." Ani Anna sa mga ito. "Malaki Ang naitulong mo sa pamiliya namin ma'am. . at Hindi nga namin alam kung paano ka babayaran o kung paano susuklian ang mga kabutihan nagawa mo sa amin." Mahabang wika ni Aling Wella. " Anong gusto niyong ihanda ko sayong hapunan ma'am..?" Dagdag na tanong ni aling Wella. "Kayo nalang po ang bahala aling Wella ." Aniya sa Ina. " Oh Sige, magluto Muna Ako para sa ating hapunan.." paalam ni aling Wella. Maya- Maya pa' y muling may tumawag sa cellphone ni Bella at tiningnan niya iyon. Si madam ambrosia iyon! Mabilis niyang pinatay ang tawag at ini- off ang cellphone niya. Muli siyang kinabahan ay di Al Ang gagawin. Talagang kinukulit Siya ng matandang Mangkukulam. Gosh, paano niya maiiwasan Ang matandang Mangkukulam? Hindi sa lahat ng oras ay matatakasan niya ito. " Ma'am bella? Bakit parang namumutla ka?" Puna pa ng kanyang ama sa kanya. Nabigla pa siya sa tanong ng kanyang ama. " Huhh?? Ahh no, Wala Mang doro!" Mabilis pa niyang Sagot rito. Nagtataka pang tiningnan siyang muli Ng kanyang ama. Alam niyang napapansin nito ang kanyang itsura na may problema. Pagkalipas ng dalawang Araw na pamamalagi roon ni Anna sa poder ng kanyang mga magulang. Isang Umaga ay maagang umalis si aling Wella para mamili ng mga stocks para sa tindahan ng mga ito. Naubos na ang mga paninda nito. at ang anak nitong si Carmen ay sumama naman rito kaya tanging si Anna, Lara at ang kanilang ama na si Mang doro lang ang naiiwan sa Bahay ng mga ito. "Baka na bo- boring na kayo dito ma'am bella..mamasyal Muna kayo ni Lara .." Ang Sabi ni Mang doro. " Oo nga po ate Bella! " Sang- ayon agad ni Lara. Ate na ang tawag nito sa kanya dahil iyon ang gusto niya. pero ang kanyang mga magulang ay kahit Anong sabihin niyang Bella nalang ang itatawag sa kanya ay ayaw talaga ng mga ito dahil mahihiya daw ang mga ito sa kanya. Hindi agad nakaimik si Anna sa sinabi ng kanyang ama. Ang totoo ay talagang na boboring na talaga Siya at natatakot Naman siyang mamasyal sa paligid, sa mga Lugar noon na namimiss rin niya dahil baka makikita Siya ni Sam roon. Alam niya Kasing nandito rin ito sa kanilang probinsya dahil tuloyan na itong nakipaghiway kay Yassy. " Sige na po ate, mag selfie po tayo! at I po- post ko po para maging sikat din po Ako dahil Kasama kita .." Ang Sabi ni Lara. Natawa si Anna. " Ikaw talagang Bata ka. oh Sige na nga.." Ani Anna sa kanyang bunsong kapatid. " Sige, samahan mo anak Lara si ma'am Bella para di ma boring dito Wala pa Kasi ang inay at ate mo kaya mas mabuti pa sigurong mamasyal Muna kayo para Malilibang ka din dito ma'am ." Sabi Naman ni Mang doro. "Oo nga po tay! " Masiglang sabi ng batang si Lara. Parang gusto Naman ng Bata na makapamasyal Sila sa paligid. Napilitan nalang siyang sumang- ayon rito. "Oh Sige.. Mang Doro, Maiwan ka na muna hamin ni Lara." Aniya sa ama. "Oh sige, Sige.. walang problema, mamasyal muna kayo Ma'am.." Ang tugon ni Mang Doro. Pagkaalis Nina Anna ay kampante pa siyang naglalakad Kasama ang batang si Lara nang bigla siyang matigilan nang mapansing may mga kausap ang Kapit Bahay ng kanyang mga magulang na tatlong lalaki. kinabahan Siya at mabilis na nagtatago at hinila si Lara. " Bakit po ate?" " Ssshhh.. huwag kang maingay.. may pinakikinggan Ako.." aniya sa bata. malapit lang Sila sa mga ito. mabuti nalang at di agad Sila nakikita , lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng Makita ang di pamilyar na tatlong lalaki roon. Nasa pa kaliwang daan na sana Sila at may mga nag- uusap roon! "Opo sir, makita namin .Nariyan si ma'am Bella kina aling Wella.. Noong Isang Araw pa po Siya riyan.." anang Isang Kapit Bahay Nina Aling Wella. "Oh, Sige salamat sa information.." anang Isang lalaki. " ipinahanap at pinasundo Siya ng kanyang grandmother.." sabad Naman ng isa. Nanlaki ang mga mata ni Anna sa narinig. " Lara, bilisan mo, umuwi ka doon sa bahay niyo at sabihin niyong Wala na Ako roon. At Sabihin mong nakaalis kan nakaalis na Ako kung may maghahanap." Mahinang sabi ni Anna sa kapatid na si Lara. " ha? Bakit po?" " Huwag kanang magtanong, sabihin mo rin sa itay mo, sabihin niyong Wala na Ako at umalis na bilis.." aniya sa bata. " o- opo..kayo po,saan po ba kayo?" Tanong ni Lara. "Magtago Muna Ako.." aniya rito. Mabilis na umuwi Ang batang si Lara at si Anna Naman ay nagmamadaling tumakbo sa kabilang daan para di Siya Makita ng mga ito.sa pagmamadali ni Anna na makalayo ay nagpunta Siya sa ibabaw ng maliit na bundok na may lumang kubo. Doon Siya nagtatago dahil siguradong hindi Siya matunton ng mga naghahanap sa kanya.iyon ang Lugar kung saan Sila noon ni Sam laging pumapasyal dahil sa ganda ng view sa ibabaw,makikita roon ang buong paligid ng kanilang probinsya. Kinabahan si Anna. "Dios ko po, Ano lpo itong problemang pinasukan ko ..help me.." halos maiyak na wika ni Anna sa sarili. " Hindi nga Ako nagkamali, Ikaw nga ito miss bella, nakita kitang umakyat dito kaya sinundan kita! Ngayon,haharapin mo itong taong pinaibig mo at pinaasa sa Wala!" Anang tinig ni Sam sa kanyang likuran. Gulat na gulat si Anna nang lingunin si Sam sa kanyang likuran! Nagtama agad Ang kanilang mga mata. Matiim siyang tinitigan nito ng nga sandaling iyon. Puno ng kaba sa dibdib ng MGA sandaling iyun si Anna. Tingin niya'y iba Ang mga tingin ngayon sa kanya ni Sam. Nanatili siyang Hindi makapagsalita na nakatingin lang din nito. Napalingon pa siya sa paligid. Malabong may dadaan roon. tahimik Ang Lugar na iyon at tanging Sila lang ni Sam Ang laging nagpupunta rito dati nang siya'y si Anna pa at Sila pa nito noon. Bigla siyang kinabahan nang makitang Galit a Ang itsura nitong nakatitig sa kanya at kumilos itong humakbang papunta sa kanyang kinaroroonan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD