CHAPTER 45

1479 Words
Sa pamilya Sebastian Naman ay di napigilan nina Edmund at Lisa na Sabihin Ang lahat sa buong pamilya ni Anna ang lahat na nangyayari at Ang katotohanan na si bella ay siyang si Anna.di makapaniwala Ang mga magulang ni Anna,nagulat talaga Ang mga ito sa balitang dala Nina Edmund at Lisa. Doon na pag- isip isip ng buong pamilya ni Anna na kaya Pala ganoon nalang ka laki ang tulong ni bella sa kanila dahil Ang kanilang anak Pala itong si Anna na sadyang pumayag sa kasunduan ng matandang mangkukulam para maiahon lang Sila sa kahirapan. Nag- iiyakan Ang buong pamilya Sebastian nang ipinadala ni Anna Ang sariling original na katawan sa pamilya.ang katawang iniwan niya.sadyang nagpapahuli si Anna Bella ng dating,nauna niyang ipinadala Ang original niyang katawang Wala ng Buhay at di nagtagal ay paparating na rin Siya sa Bahay ng tunay na pamilya.maraming mga bisitang Kapit Bahay Nina Anna ang tumingin sa magandang kabaong kung saan nakahimlay Ang katawan ni Anna.alam na rin ng lahat na taga probinsya at Kapit Bahay ni Anna Ang totoo. Pagdating ni Anna bilang si bella Gatchalian ay sinalubong ng mahigpit na yakap ni aling Wella ang anak at malakas itong umiiyak. "Anna..Jusko..Hindi Ako makapaniwala sa lahat ng ito.." wika ni aling wella.umiyak na rin si Anna na gumanti ng mahigpit na yakap sa ina.pagkatapos ay nilapitan niya rin ang naghihintay sa kanya na lumpong ama sa wheel -chair nito na Panay rin ang pagtulo ng mga luha. "Tay...nandito na ulit Ako,Ang anak niyo ..kahit masakit Ang katotohanang Wala na Ako sa totoong katawan ko..pero ang importante,Buhay Ako bilang si bella Gatchalian..nagawa ko Ang lahat ng ito dahil sobrang naawa Ako sa kalagayan natin..at Lalo na sa sarili ko..na inaabusong walang kalaban- laban..pero heto at nagtatagumpay Ako kahit pinagdaanan ko ang sobrang hirap.." umiiyak na salita ni Anna sa lumpong ama. Mas Lalong sumisikip Ang dibdib ni Mang doro sa mga narinig Buhat sa anak na nasa katawan ni Miss Bella Gatchalian. "Patawarin mo Ako anak,kung Hindi lang sana mahirap Ang tatay mo,Hindi mo sana mapagdaanan Ang lahat ng ito..sobrang mahal na mahal ka namin ng nanay mo.." di na napigilan ni Mang doro Ang mapaiyak ng Todo. Niyakap ito ni Anna at niyakap din Siya ng kanyang ama. Lumapit Naman si Erwin na pangalawang anak Nina Mang doro,Ang Isa ring nakakatandang kapatid na lalaki ni Anna na may pamilya na rin.at ang dalawang kapatid na babae ni Anna na sina Carmen at Lara.si Edmund ay nanonood nalang sa kanila at ng mga Kapit Bahay nila kasama na roon si Sam at Ang buong pamilya ni Sam. "Kuya Erwin.." masayang yakap ni Anna sa Isang kapatid na lalaki. "Anna..salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa ating pamilya.." wika ni Erwin. Kahit tahimik Ang Kapatid na si Erwin at simpleng lumuha lang ito ay mababakas parin sa Mukha nito ang sobrang kaligayahang nadarama ng mga sandaling iyon. "Ate Anna.." si Carmen na mahigpit ding yumakap sa kanya. "Ate Anna..kaya Pala..Ang bait mo at kaya Pala magaan ang loob ko Sayo..at gustong gusto ko Yung presensya niyo dahil Ikaw Pala ang ate Anna ko.." Sabi naman ni Lara na hindi nawawala ang pagiging talkative nito. Malawak na napangiti si Anna at kasabay niyang niyakap Ang dalawang kapatid niyang Babae. Hanggang napagdesisyunan ng buong pamilya na ilibing ang totoong katawan ni Anna.. Namimiss man nila ang tunay na katawan ni Anna ay pilit nilang tanggapin na ito ay Wala na..at di na maaring makabalik pa si Anna sa tunay niyang katawan.. Isang malaking handaan ang naganap sa pamilya Sebastian,e celebrate nila ang pagbabalik ni Anna bilang si bella Gatchalian.sinuportahan Naman Nina Frederick at Amanda Ang gusto ng kanilang anak na si Anna bella.maging Ang mga ito ay pumunta sa malaking okasyong gaganapin sa probinsya Nina Anna sa Pamamahay ng mga Sebastian.imbitado Ang lahat na kakilala at kaibigan pati na ang matalik na kaibigan ni Anna na si Lisa at ang pamilya ni lisa.tinulongan na rin ni Anna sina lisa.binigyan niya ang pamilya ni Lisa ng malaking halaga na makakatulong sa buong pamilya ni Lisa.at laking pasasalamat Naman ng pamilya ni Lisa Kay Anna. Masaya ang lahat sa kainan,inuman at sayawan dahil iyon ang uso sa probinsya,nasa labas lang ng kanilang Bahay ini held Ang malaking party may malaking toldang ginagawa at doon Ina arrange Ang mga design at ang mga table at mga upuan pagkatapos ay nilagyan ng space sa gitna kung saan masayang nagsasayawan Ang mga bisita.kapag may malaking party Kasi sa Isang probinsya ay Hindi nawawala ang pagsasayawan ng mga bisita.nag enjoy Naman ang mag asawang Frederick at Amanda at natatawang nanonood sa mga nagsasasayawan habang nakikipag usap din ito sa mga magulang ni Anna.naging malapit agad ang loob ng mga ito sa isat isa.at laking pasasalamat ni Anna na agad naging maayos ang takbo ng unang samahan ng kanyang mga magulang at Ang mga magulang ni bella. Abala Ang lahat sa kasiyahan sa malaking party,nakadama ng pagod si Anna kaya nais na Muna sana niyang pumanhik sa loob ng malaking Bahay ng mga magulang nang matigil Siya sa pagtawag sa kanya ng kuya Edmund niya. "Bakit kuya..??" Tanong ni Anna. "Sana Hindi mo mamasamain Anna,pero gusto ka Kasing kausapin ni Sam..kanina pa Siya gustong kausapin ka..sana pagbibigyan mo Naman Siya.." si Edmund naismo Ang Nagmamakaawa sa kapatid. Napabuntong hininga si Anna.ang totoo Kasi ay kanina pa niya napapansin na gusto siyang kausapin ni Sam pero Siya lamang ang umiiwas at di ito pinapansin.oo,aaminin niyang si Sam parin Ang nasa puso niya Hanggang ngayon pero mahirap na niyang Ibalik At ibigay muli rito ang kanyang pag- ibig.dahil Minsan na siyang sinaktan nito noon na nagbubunga ng mga Hindi magandang nagaganap sa kanyang Buhay,katulad nalang sa paghahabol ni Yassy noon sa kanya na tila Isang demonyang gagawin nito lahat noon upang mawala at malayo lang Siya Kay Sam kahit na sinaktan Siya ni Sam noon at si Yassy Ang pinili.hindi pa ito nakontento na ito Ang pinakasalan noon ni Sam at hinahabol pa Siya ni Yassy na parang baliw na Hindi mapapalagay.alam din Kasi noon paman ni Yassy na si Anna talaga ang tunay na minahal ni Sam. Pero kailangan lang talaga ni Sam dati ng Financial,kaya napapasubo ito dahil sa limang magkakapatid na pinapaaral,naiwan Kasi rito ang malaking obligasyon nang mamatay Ang ama ng mga ito,kaya syempre Siya Ang panganay kaya sa kanya napunta Ang lahat na obligasyon.magsisi man si Sam ng paulit ulit pero nasaktan na niya si Anna noon. Kaya heto ..magsisimula Siya sa panibagong hakbang kung paano muling mahalin at tanggapin ni Anna.. Napilitan si Anna na makipag usap Kay Sam. "Salamat at pinagbigyan mo Akong kakausapin ka.." Mahinang wika ni Sam. "Bakit Sam..? Anong pakikipag usapan mo sa akin..?" Tanong pa ni Anna kahit halatang halata na niya na muli siyang suyuin nito. "Mahal na mahal kita Anna..at Hindi iyon nagbabago at Hindi nababawasan kahit kunti.." panimula ni Sam. "Kasal kapa Kay Yassy ..kaya Hindi pwedeng tatanggapin kita.." Sagot ni Anna. Lumiwanag bigla Ang Mukha ni Sam at di ito nagsasawang pagmasdan Ang kanyang Mukha. "Ibig mong sabihin na kapag mawalan na ng bisa Ang kasal namin ay tatanggapin mo aKong muli Anna..??" Tanong ni Sam. "Ha?? Naku,hindi.kahit ma devorce pa kayo ni Yassy ay mahirap na saaking tatanggapin ka pa Sam..Hindi Basta Basta ang pinagdaanan ko dahil umibig Ako Sayo..at isa pa,takot na akong Ibigin kang muli ..kaya sorry..Hindi na kita matatanggap. .sana makahanap ka ng ibang babaeng makakasama at mamahalin mo rin.." Ani Anna,kahit sobrang sumisikip Ang kanyang dibdib sa kanyang mga sinasabi. Di napigilan ni Sam na tumulo ang mga luha sa harap ni Anna.at muling tiningnan si Anna. "Pero alam ko,mahal mo parin Ako Anna,.naalala mo pa ba, Ibinigay mo sa akin ang p********e mo sa katauhan ni bella ..doon sa kubo sa ating paboritong pasyalan noon..ngayon ko lang naisip na mahal mo parin Ako dahil nagparaya ka nang angkinin kita ng mga sandaling iyon..Anong gusto mong gagawin ko upang tatanggapin mo Akong muli Anna..? Sabihin mo lang gagawin ko.." wika ni Sam na desidido na talaga at nanatiling nakatingin sa kanyang mukha. "Wala kang gagawin Sam ..kundi ang layuan Ako..please..patatahimikin mo na Ako ..gusto na kitang kalimutan ng tuloyan.." umiiyak na wika ni Anna. Umiyak na rin si Sam. "Tandaan mo ito Anna..Hindi Ako susuko hangga't dumating Ang Araw na muli mong tanggapin.." wika ni Sam. At laylay Ang mga balikat na humakbang paalis si Sam. Nasasaktan ng sobra si Anna at nakadama Siya ng awa sa lalaking minahal niya nang ito'y tumalikod na paalis .pero dapat lang na hindi na niya ito tanggapin pa..dahil Minsan na siyang nasasaktan ng sobra nang mahalin niya ito.. Lumipas ang ilang Araw ay nanatili lang Muna si Anna sa tunay niyang pamilya.pagkatapos din ng pananatili niya sa probinsya ay babalik na rin Siya sa mga magulang ni bella at dadalaw dalawin nalang niya ang tunay niyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD