CHAPTER 44

1500 Words
"Sam, Anong gagawin natin para mailigtas si Lisa??" Tanong ni Edmund Kay Sam. "Di ko rin alam.dahil sasaksakin niya si Lisa kapag lumapit Tayo sa kanila.." Sagot din ni Sam. "Bibilangan kita ng tatlo Anna ! Kapag di kapa lalapit ngayon sa akin ay tutuloyan ko na itong kaibigan mo!!" Galit na sigaw ng kaluluwa ni madam ambrosia. "Jusko po,tulongan niyo po kami..nakikiusap po Ako.." lihim na dalangin ni Anna at muling umiyak. "Isa!! DalawA!!" Pagbibilang ni madam ambrosia. "Anna!! Sam!! Edmund!! Tulongan niyo Ako..!!" Sigaw ulit ni Lisa . "Tatlo!" Ani madam ambrosia at sasaksakin na sana si Lisa ngunit sumigaw si Anna. "Huwag!! Oo madam ambrosia!! Lalapit na Ako Sayo!!" Umiiyak na sigaw ni Anna. "Hahaha!! Bilisan mo! Baka maiinip Ako!!" Sagot ni madam ambrosia. "Anna! Huwag! huwag kang lumapit!" Sigaw ni Sam at Edmund. Ngunit di na napipigilan pa si Anna lumapit na talaga ito Kay aling Lareta na sinaniban ni madam ambrosia at mabilis na pinakawalan ni madam ambrosia si Lisa at si Anna Naman ang nasa mga kamay nito. "Huwag kayong sumunod para di ko sasaksakin itong si Anna!" Ani madam ambrosia. Hinila nito si Anna upang aakyat na Sila sa 2nd floor para gagawin na Ang ritwal. "Daddy!" Sigaw pa ni Anna bella Kay Frederick. "Anna!!" Sigaw Naman Nina Sam at Edmund sa sobrang pag- alala. Ang siyang pagdating Naman ni Amanda Mula sa labas ng mansion. "Amanda. nasunog mo na ba Ang lahat!?" " Oo,tapos na Frederick!" Sagot naman ni Amanda. Mabilis na hinanda ni Frederick ang benditadong tubig o holy water na nasa bulsa nito.susubukan na niyang wiskan ito,kung tatablan ba ito sa kakayahan ng Isang benditadong tubig dahil Wala na Ang lahat na kagamitang kadiliman nito maging Ang bertud. "Sandali inang!! May sasabihin lang Ako sayong importante!!" Kunway Sabi ni Frederick sa inang para makakalapit Siya rito. Tumigil Naman ito at matalim Ang mga mapupulang matang tiningnan nito si Frederick. "Ano iyan! Bilisan mo Frederick!!" Galit na wika ng masamang kaluluwa ni madam ambrosia. Nang nakalapit na si Frederick. "Sa ngalan ng Diyos na makapangyarihan! Lumayas ka masamang spiritu!!!" Sigaw ni Frederick at sabay winisikan ng ilang ulit ang katawan ni Lareta ng benditadong tubig o holy Water. "Ahhjhhhhhh...!!! " sigaw ng kaluluwa ni madam ambrosia sa katawan ni Lareta at nabitawan nito si Anna at Ang matalim na kotselyong hawak nito. "Bakit ginawa mo ito Frederick..!! Ina mo akooohhh!!" Malakas na sigaw ng kaluluwa ni madam ambrosia. At nakikita nilang lahat ang makapal at maitim na usok na lumabas sa katawan ni Lareta. At Ang usok na iyon ay unti unting natutunaw kasabay ng unti unti ring pagkawala ng boses ng matandang mangkukulam. Masaya na sana ang lahat at muling nagkayakapan dahil sa kaligayahan na Wala na Ang masamang kaluluwa ni madam ambrosia ngunit si Yassy ay may hawak hawak palang gunting at nagbabalak itong kung Hindi mapapat*y ni madam ambrosia si Anna ay Siya Ang kikitil ng Buhay nito!! "Katapusan mo na Anna!!" Sigaw ni Yassy. nagulat Ang lahat at alerto Naman si Sam na tinanggap sa Isang kamay ang gunting na isaksak sana ni Yassy Kay Anna kaya si Sam ang nasugatan sa kamay. "Hayop ka talaga Yassy..!!" Sigaw ni sam at napadaing sa sakit ng sugatang kamay nito. Sumugod Naman kaagad si Edmund at inagaw Ang gunting Mula Kay Yassy. "Akin na to!! Makukulong ka.. Yassy!! Doble doble na Ang mga kasalanang ginawa mo!" Sabi Naman ni edmund.at binali ang mga kamay ni Yassy upang mabitawan nito ang mahigpit na pagkakahawak sa gunting. "Bitawan mo Ako! Tatapusin ko si Anna.!!" Sigaw pa ni Yassy. Ngunit pinagtulongang hawakan Nina Edmund at Frederick si Yassy. "Kahit kailan ay demonya ka talaga Yassy..!!" Singhal ni Anna rito. May mga police namang dumating.ang mga tinawagan kanina ni Lisa. "Nandito na Ang mga police na tinawagan ko kanina Anna!! Ngayon pa sila dumating,!" Sabi ni Lisa "Mabuti Naman at nakatawag Pala kayo ng mga police !" Sagot Naman ni Amanda "Pagbabayaran mo lahat ng kasamaan mo Yassy!! Mula sa pagpapagahasa mo sa akin! At sa pagpapabaril mo saakin at ngayon gusto mo pa akong patay* n!" Galit na wika ni Anna. "Hindi.okay lang sana kung makulong Ako! Basta mawawala ka lang din Anna!!" Pagwawala ni yassy habang mahigpit itong hinawakan Nina Frederick at Edmund. Dumating Ang mga police sa loob ng mansion at mabilis na pinosasan nito si Yassy. "Sam .!! Asawa mo Ako!! Tulongan mo Ako..!" Pagsisigaw ni Yassy na kinaladkad na agad ng mga police palabas ng mansion. "Hintayin mo yassy..!! Ede devorce na kita!! Wala akong Asawa na tulad mong masama..!!" Gigil na ganting sigaw ni Sam. Tapos na Ang kalbaryo sa Buhay ni Anna. "Kuya,umuwi na kayo..at hihintayin niyo Ako doon sa ating probinsya..Ako MISMO ang magpakilala sa ating mga magulang at kapatid..at salamat na dumating kayo at natulongan niyo Ako..pati na po kayo mommy ,daddy.." baling naman ni Anna sa mga magulang ni bella. "Mahal na mahal ka namin anak..kahit sa kabila ng katotohanang Hindi na Si bella ang iyong kaluluwa.." umiiyak na Sagot ni Amanda. "Okay lang po ba sainyo na kilalanin ni Anna ang una niyang pamilya..??" Tanong ni Edmund sa mga magulang ni bella. "Walang problema sa amin Yan..ang mahalaga ay Hindi mawawala sa amin si bella,Ang aming anak.." Sagot ni Frederick. "Salamat po.." Sagot ni Edmund. Nakita Naman ni Anna ang patuloy na pagdurugo sa sugat nii Sam dulot sa ginawang pagsaksak ni Yassy sa kanya na sinalo nito upang di Siya matamaan. Lumapit si Anna Kay Sam at hinawakan Ang Isang kamay nitong nasugatan. "Kailangang magamot agad ito Sam..sandali at kukuha Ako ng band aid.." Ani Anna. "Huwag na Anna .." nakaramdam ng tuwa na wika ni Sam sa pag- alala ni Anna sa kanya. Muling Nagkasalubong Ang kanilang mga paningin. "Ang pag- alala mong ipinakita sa akin ngayon ay gamot na iyon para sa aKing sugat.." Sagot ni Sam. Hindi nakasagot si Anna bella at binitawan Ang kamay ni Sam at tumalikod. Sinundan nalang ni Sam ng tingin Ang napatalikod na si Anna.. Pagkatapos ng lahat na nangyaring iyon ay lumipas ang Isang linggo. Nabalita sa buong media Ang tungkol sa bagong pagkatao ni Miss Bella Gatchalian na Wala na talaga si bella. Marami Mang nagulat pati Ang mga nagmamay-ari ng mga kompanya kung saan dati nagmomodelo si bella. Pati Ang mga kakilalang make up artist at mga kasamahan ni bella sa trabaho bilang Isang Modelo ay nagulantang sa balita, at Ang lahat na kaibigan ni bella. Tinulongan ni Frederick ang anak na si Anna Bella na harapin Ang mga reporters at media dahil sa malaking issue na lumabas. Na I report Kasi Nina Lisa at Edmund sa mga police ang bangkay ni Anna. Kaya nagpapaliwanag si Anna at Ang mga magulang ni bella tungkol sa dating katawan ni Anna. kaya lumabas ang buong katotohanan sa buong media. kinaya Naman Ni Anna na harapin Ang mga interview dahil nandiyan din at sinuportahan Naman Siya ng mga magulang ni bella. Pagkatapos ng issue at nakakagulat na katotohanan ay biglang naging bisita ni Anna sina Gimme at Sarah na boyfriend at best friend ni bella. Kinabahan Naman si Anna sigurado siyang alam na ni Gimme Ang tungkol sa kanyang pahkatao "Sorry.. at Hindi ko nasabi sainyo Ang totoo na hindi na Ako ang girl friend at best friend niyo.sorry Mr. Gimme Gonzales.." Sabi ni Anna sa ex boyfriend ni Bella. Nasa Mukha Ang kalungkutan ni Gimme na nakatingin sa kanya. "Kaya Pala,Minsan..nahahalata Kong ibang iba ka kesa Kay Bella.hindi pwedeng magpapatuloy Ang relasyon natin dahil alam Kong Hindi mo talaga Ako mahal,dahil nararamdaman ko yan.." Sabi ni Gimme. "At Hindi rin pweding mamahalin mo lang Ako dahil katawan ni bella ang kinalalagyan ko.." ang Sabi Naman ni Anna rito. "Labis akong nagulat sa nalamang balita ..at sana maiintindihan kami ni bella kung saan Siya ngayon.." wika Naman ni Sarah Kay Anna. "Bakit..sarah?" Tanong ni Anna. Napatingin Naman si Sarah Kay Gimme. "Anna..mahal ko ang katawang pagmamay Ari mo ngayon.si bella.,pero bago ko nalaman ang lahat na hindi na Ikaw si bella ay nagkagustohan kami ni Sarah,kaya lang ..mas pinili ko si bella dahil mas mabigat Siya saakin dito sa puso ko,pero nang Malaman kong Hindi na Ikaw si bella ay hahayaan ko ang sarili Kong liligaya sa piling ni Sarah.." Mahabang wika ni Gimme. "Hindi ko sinadyang mahalin si Gimme Anna, pinigilan ko din ang sarili kong iibigin Siya dahil ayokong masaktan Ang kaibigan Kong si bella,pero ngayong nalaman namin Ang lahat na hindi na Ikaw Ang best friend ko ay ipagpapatuloy naming ibigin Ang isat isa.. nasasaktan din Ako dahil Hindi na Pala Ikaw Ang kaibigan ko..pero sana maiintindihan niyang maging kami ni Gimme.." umiiyak na wika ni Sarah. Napangiti si Anna. "Kung nagkagustohan kayo..then go..Malaya kayong mahalin Ang isat isa.." Sagot Naman ni Anna. Niyakap ni Sarah si Anna.at napayakap din si Anna rito. "Sana..Hindi ka magbabago,kaibigan mo parin Ako..kahit Hindi kana si bella.." Sabi pa ni Sarah. "Bakit Hindi?? Magiging kaibigan niyo parin Ako ni Gimme.Sarah.." Sagot Naman ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD