CHAPTER 46

1594 Words
Mga apat na araw Ang lumipas Mula nang mag uusap Sila ni Sam sa party dito sa Bahay nila.at ngayon,nandito na Naman ito. "Anak..Anna..nasa labas si Sam..gusto ka raw niyang kausapin.." Sabi ni aling Wella. Nabigla Naman si Anna. Bakit nandito na Naman ang lalaking ito .? Ang kulit Naman nito.. "Pero nay, sinabi ko na sa kanya na Hindi ko na Siya matatanggap pang muli.. bakit nandito na Naman Siya ngayon?" Wika ni Anna. Labag sa kanyang kalooban na muling harapin si Sam. gusto na niyang kakalimutan na talaga ito. Kaya Sana Naman ay maiintindahan naman Siya nito at huwag na itong pabalik balik. "Anak, Sige na. harapin mo na si Sam.." Wika pa ni aling Wella. "Pero nay, tinapat ko na nga siya at nagprangka na Ako sa kanya na Hindi ko na Siya kayang tanggaping muli..Tama na ang minsang nasasaktan Ako ng sobra nang siya'y aKing minahal at pinagkakatiwalaan.." Wika ni Anna. Nagkatinginan naman Sila saglit ng kanyang Ina. nakikita naman niya ang sa mga mata nito ang pagkaawa Kay Sam. "Naiintindihan kita anak.. pero kawawa Naman Yung tao,.Sige na, harapin mo Muna .. nakita ko Kasi siyang sinsero Siya Sa'yo.. at kung ano man Ang nagawa niyang kasalanan dati ay alam Kong di na niya iyon uulitin pa." Sabi Naman ni aling Wella sa anak. "Kahit na nay, kasal na po siya Kay yassy, haharapin ko Siya ngayon pero kailangang ito na yung huli niyang pakikipag-usap niya sa akin." Aniya sa Ina. Lumabas nalang si Anna at pilit na hinarap at kinausap si Sam. Sa isip ni Anna ay gusto na niyang tuldukan ngayon Ang muling panliligaw ni Sam sa kanya. Masakit man sa damdamin Ang gagawin niya ngayon pero yun Ang dapat. Mahal parin niya si sam. Pero buo na Ang desisyon na Hindi na ito tatanggapin. Masyado na akong maraming pinagdaanan upang tanggapin ko pang muli si Sam. Paglabas niya ay nakita niyang naghihintay nga ito sa kanya. Natuwa naman ito nang Makita siya subalit. "Salamat at hinarap mo Ako Anna.. alam mo bang Pina process ko na Ang annulment namin ni Yassy..para kung mag success na ito ay Malaya na nating ipagpapatuloy Ang mga matatamis nating nakaraan.. after 5 years ay Saka ma approbahan ang annulment. I hope, babalik ka sa akin Anna, mahalin mo akong muli tulad noon.." Nagmamakaawang wika ni Sam at hinawakan pa nito ang kanyang dalawang kamay. Nakadama si Anna ng awa sa dating Kasintahan ngunit Hanggang doon nalang iyon at di na niya pweding balikan ito. Binawi ni Anna Ang dalawang kamay na hawak hawak nito. Biglang nawaglit ang mga ngiti sa labi ni Sam. "Diba sinabi ko na Sa'yo? Na Hindi na kita matatanggap ? Hindi mo Ako masisisi Sam.. dahil natatakot na akong masasaktan mong muli..kaya sana man lang huwag mo na akong gagambalain pa.. kalimutan mo na Ako Sam.. please..huwag mo na akong pag- aksayahan pa ng panahon.." umiiyak na wika ni Anna Kay Sam. Habang sinasabi niya iyon Kay Sam ay parang tinusok Naman ng karayom Ang kanyang puso dahil sa pagkaawang nadama niya para sa dating kasintahan. "Bakit? Sabihin mo sa akin Anna, Hindi mo na ba Ako mahal?" Tanong ni Sam na Nagmamakaawa Ang tinig at itsura nitong nakatingin sa kanya. "Hindi Ako sinungaling na Sabihin sa'yong Hindi na kita mahal Sam. Pero dahil sa mga pinagdaanan ko , sa mga nangyari sa buhay ko ay iyon ay dahil Sa'yo, nagsimula ang lahat nang ipinagpalit mo Ako Kay yassy at nagdesisyon ka noong pakasalan Siya. Hindi ko lubos maisip na Ako pa Ang ksbjs na nasaktan noon pero Ako pa yung pinag- iinitan ni yassy at sinisira. kaya napaka unfair para sa akin lahat. Patawarin mo ako, pero buo na talaga Ang desisyon kong hindi na Ako babalik sa Buhay mo Sorry. huwag kanang babalik Sam at huwag mo na akong pag- aksayahan ng panahon.. kalimutai na Ako." Matatag na wika ni Anna rito. Nanlumo si Sam na pinagmasdan Siya. "Hindi ko magagawang kalimutan ka Anna, oo.. Minsan akong nagkakamali, At Ako ang dahilan ng lahat. At Minsan kitang nasaktan ng sobra, pero bumawi Ako, ipinakita ko sa pamilya mo ang pagsisisi ko at ipinakita Kong sobrang minahal kita kahit Ang buong Akala namin ay Wala kana. Hindi pa ba sapat Ang Lahat na ginawa ko upang muli mo Akong mahalin? Ano ba Ang gusto mong Gawin ko? Kung gusto mo Akong parusahan.. sige nakahanda Ako.. para matatanggap mo lang Akong muli.. Pakiusap Bigyan mo Ako ng parusa pagkatapos ng lahat ay tanggapin mo Akong muli Anna." Patuloy ang pagluhang wika ni Sam. Muling sumisikip Ang dibdib ni Anna sa mga narinig Mula Kay sam.. Ngunit pinaghandaan na iyon ni Anna na huwag magpadala sa mga matatamis na salita ni Sam.. at sa pagmamakaawa nito sa kanya. "Sige.. kung Yan ang gusto mo, pagbibigyan kita. Kung talagang mahal mo Ako.." Ani Anna. "Ano Yan Anna?? Anong gusto mong gagawin ko. Anong parusang ibibigay mo sa akin.. para lang matanggap mo Akong muli..?" Tanong ni Sam. Napahugot ng malalim na hininga si Anna bago muling nagsalita. "Diba.. Pitong taon Tayong naging magkasintahan bago mo Ako ipinagpalit Kay Yassy..?? Sige, tatanggapin kitang muli kung makakapag antay ka din ng pitong taon Sam, pagkatapos ng pitong taon ay mahalin na kitang muli .. at tatanggapin. kung iyon ay kaya mo ang pitong taong paghihintay.." wika ni Anna. Saglit na nagulat si Sam. " Pitong taon..?? S-seryuso kaba sa mga sinasabi mo.. Anna .??" Ani Sam na halatang nabigla sa pitong taong sinasabi ni Anna. "Oo, seryoso Ako Sam, At kung Hindi mo makaya Ang pitong taong paghihintay na muli kitang tatanggapin.. ay Malaya ka paring maghanap ng iba na maging Asawa mo sa ikalawang pagkakataon.." Sagot ni Anna. "Okay.. kung Yan ang gusto mo, titiisin ko ang pitong taon.." wika ni Sam sa kanya. At muling laylay Ang mga balikat ni sam na humakbang ito pauwi.hindi napigilan ni Anna ang umiyak ng Todo nang makatalikod na si sam.sinadya niya ang pitong taon na Ibinigay rito dahil tiyak niyang Hindi kakayanin ni Sam ang ganoon katagal na paghihintay .. Ilang Araw din ang lungkot na naramdaman ni Sam sa pitong taong Ibinigay ni Anna sa kanya. "Atleast..darating pa Ang Araw na muli kong Makamit Ang pag- ibig niya." Pilit na pinasigla na Sabi ni Sam sa sarili sabay tumayo. Ang gagawin nalang niya..ay maghanda sa pitong taong Ibinigay na parusa sa kanya ng babaeng minahal niya..at kailangang di Siya mawalan ng pag-asa.dapat uunahin niyang tapusin ang pagpapa annul sa marriage nila ni Yassy. "Hindi na ba nangungulit si Sam Sayo Anak,.?" Curious na tanong ni Aling Wella Kay Anna nang muling makadalaw si Anna sa probinsya nila. "Hindi na Siya mangungulit nay..dahil pinangakuan ko Siya na pagkatapos ng pitong taon ay tatanggapin ko Siya kung makakapaghintay Siya saakin ng ganoon katagal.." Sagot ni Anna. Mulagat ang mga matang tiningnan ni aling Wella ang anak. "Anna! Bakit pitong taon?? Nasisiraan kaba?? Kawawa Naman si Sam! Ang tagal ng sinasabi mong pitong taon anak!" Gulat pang wika ni aling Wella. "Nay, sinadya ko talaga ang pitong taon dahil alam ko namang Hindi makakaya ni Sam yun,at dalangin ko nalang na makakahanap na rin lang Siya ng babaeng mamahalin niyang muli.." may bahid na kalungkutang Sagot ni Anna. "Bakit? Hindi mo na ba talaga mahal si Sam anak??" Usisa ni aling Wella. "Sinungaling po Ako kapag Sabihin ko sayong Hindi na nay, dahil Ang totoo po nay,mahal na mahal ko parin Siya..kaya lang mas pinili ko na huwag na siyang tanggapin pa,.nagka trauma na Ako sa lahat na pinagdaanan ko nay ehh.isa nga akong bilyonarya ngayon pero Hindi din Basta Basta ang pinagdaanan ko bago nangyari ang lahat ng ito sa akin.." Sagot ni Anna. "Naiintindihan kita Anna,pero nasasaktan din Ako sa side ni Sam..pero Wala akong magagawa sa desisyon mo anak..Tama ka,imposibleng makayanan ni Sam ang pitong taong Ibinigay mo bago mo Siya muling tatanggapin.." Ani aling Wella. Kahit Maraming Pera si Anna bella ay parang kulang parin Ang kanyang kaligayahan..talagang hindi lang Pera ang kailangan ng Isang tao upang lubos itong lumigaya sa Buhay.. Si Sam Naman ay pilit na Hindi na Muna nagpapakita Kay Anna dahil sa tuwing makikita niya ito ay nasasaktan ito ng sobra.pinanghahawakan na lamang niya ang munting pag-asa sa puso niya na balang Araw ay muli siyang mahalin at tatanggapin ni Anna.. Dahil kapwa may mga trabaho na Ang dalawang graduate na kapatid ni Sam sa college ay Hindi na talaga naghihirap pa ang pamilya ni Sam at Siya Naman ay nakapagdesisyon ding muling magtrabaho sa dating kompanyang tinatrabahoan noong magkasama pa Sila ni Yassy bilang mag asawa.muling tinanggap si Sam sa nasabing kompanya kaya dahil kabisado at Kilala na Siya ng kompanya doon ibinuhos ni Sam ang sarili at atensyon sa trabaho.habang nagtatarabaho Siya roon ay patuloy parin niyang inasikaso Ang pagpapa annul sa kasal nila ni Yassy. Matagal din Ang bawat hearing sa kurti ng annulment nila kaya di madali Ang lahat ngunit ttiisin ni Sam na I follow up Ang annulment nila ni yassy upang tuloyan na siyang maginf Malaya gusto niyang mapawalang bisa na talaga Ang kasal nila ni yassy. Bawat hearing ng annulment case nila nito ay pinalabas ito Mula sa kulongan para harapin Siya sa kurti. At Natuwa naman Siya na willing na rin itong napawalang bisa Ang kanilang kasal. Sa Isang taong nasa kulongan si yassy ay hindi na Basta Basta ang mga pinagdaanan nito kaya doon si Yassy nagsisisi sa lahat ng mga kasalanan nito. Doon nito na realize Ang malaking pagkakamali nitong nagawa Kay Anna .. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD