CHAPTER 43

1484 Words
"Bakit nasa ibang katawan ka ha, Anna!??" Tumulo ang mga luhang tanong ni Edmund sa kapatid na si Anna. Ngunit patuloy lang na umiiyak si Anna at hindi sumasagot dahil sa pagsisikinng dibdib niya sa nakitang pag- iiyak ng kanyang kapatid. lumapit Naman si Lisa.hindi alam ni Anna kung paano e explain sa mga ito Ang lahat. Si Sam naman ay mas lalong lumapit pa ito Kay Anna. "Sumagot ka, totoo bang Ikaw ' to Anna??" Sumisikip na tin Ang dibdib na paulit ulit na tanong ni Sam sa babaeng tunay niyang iniibig. "Oo, ako nga ito Sam! Ako po ito Kuya Edmund.." umiiyak na Sagot ni Anna sa Kapatid at Kay Sam. Hindi makapaniwalang tiningnan ng maigi Nina Sam at Edmund si Bella at kitang kita sa mukha ng dalawang ito ang pagkakalito kung bakit nangyari iyon. At kung paano nangyaring nasa katawan Siya ni Miss Bella Gatchalian. "Ipaliwanag mo sa amin ang lahat kung bakit nangyari ang lahat ng ito.." Ang Sabi ni Edmund. "Nakipagkasundo ako Kay Madam ambrosia kuya .. nang mga panahong nagpunta ako rito sa mansion upang magpakulam at kamamatay lang din noon ng kanyang apong si Bella. Ang nagmamay- Ari ng katawang dala dala ko ngayon. Hindi matanggap ni madam ambrosia ang pagkawala ng kanyang apo kaya inofferan niya ako na Bigyan ng magandang Buhay at Ang buong pamilya ko sa Isang kondisyon: iiwan ko ang sariling katawan at ipapasanib ang aKing kaluluwa sa katawang ito ng kanyang apo, kamamatay lang noon ni bella! Kaya pumayag ako para makaahon tayo sa ating kahirapan at higit sa lahat upang makapaghiganti sa lahat ng dinanas ko! Kaya Ang katawang nakita niyo sa 3rd floor ay Hindi iyon pinatay! Kundi iniwan ko iyon ng kusa!. Sa pamamagitan ng ritwal ng Isang mangkukulam na si madam ambrosia! ipinasanib niya ang aKing kaluluwa sa katawan ng kanyang apong si Bella!. kaya ito ngayon Ang dahilan kung bakit nagalit ang kaluluwa ni madam ambrosia sa akin dahil Hindi ko kaya ang hiningi niya,iniwan nito saakin ang bertud ng pagiging mangkukulam niya, pero hindi Naman ako maging ganap na alagad ng kadiliman kung Hindi ko maiaalay Ang bunso nating kapatid sa panginoon ng dilim, ito Ang hiningi ni madam ambrosiang mangkukulam na Hindi ko sinunod kaya nagalit ito at gusto nitong Kukunin ulit ang katawan ng kanyang apo at palalabasin ulit ako sa katawan ni bella!! Hindi niya Ako titigilan kuya Edmund..!!".." Mahabang salaysay ni Anna sa nakakatandang kapatid na si Edmund at Si Sam ay nakikinig lang sa mga isinalaysay ni Anna. Kapwa nagulat at namangha sina Sam, Edmund at Lisa sa mga nalaman at sa buong katotohanan! "At Hindi na pwedi iyon kuya Edmund,dahil Wala na Ang aking katawan,Hindi na ito pweding balikan ko pa dahil matagal nang Hindi nag function ang mga organs nito sa loob..bulok na ito.." Sagot na ni Anna na patuloy lamang sa pagluha. "H-hindi Ako makapaniwala sa lahat ng ito!" Mangha paring wika ni Sam na Hindi maalis-alis ang mga tingin Kay Bella. "Anna..bakit Hindi mo agad sinabi sa amin ang lahat?? Bakit kailangang pahirapan mo pa ang sarili mo??" Umiiyak na muling wika ni Edmund. "Anna..bakit Hindi mo ito sinabi sa amin..?bakit?" Sabi Naman ni Lisa at nagsimulang humikbi. "Ilang ulit mo na kaming nakaharap at nakausap Anna!! Bakit Hindi ka man lang nagpakilala sa amin??bakit mo pa kami pinahirapan para lang malalaman ang tunay na dahilan ng iyong pagkawala !!?kaya Pala,na sa tuwing kaharap at kausap Kita ay parang pamilyar sa akin ang lahat ng mga kilos mo at Minsan Ang mga pananalita mo,dahil Ikaw Pala ito.. " Galit na sumbat ni Sam Kay Anna. "Sana sinabi mo sa amin na pamilya mo na Ikaw to.." patuloy ni Edmund. "Isa sa aming kasunduan ni madam ambrosia na hinding Hindi ko sasabihin Ang totoo kong pagkatao! Kaya lang ginaganito niya Ako,inipit niya ako!! Kaya Hindi ko napigilan Ang sariling ipagtapat sa mga magulang ni bella na Hindi na Ako ang kanilang anak ." Patuloy ang pag- iiyak na Sagot ni Anna. "Pero tanggap namin si Anna..bilang si bella..ayaw naming mawala sa amin ng daddy niya ang kapatid mo.." Sagot Naman ni Amanda. Hindi napigilan ni Sam ang sariling lumuha na din sa katotohanang nalalaman.gusto nitong yakapin ng mahigpit si Anna pero pinigilan lamang nito ang sarili.at si Anna na Mismo ang lumapit sa kuya nitong si Edmund at yumakap ng mahigpit sabay humagulhol ng iyak.nag- iiyakan ang magkapatid.pagkatapos nilapitan ni Anna ang kuya niya ay Ang kaibigan namang si Lisa ang kanyang nilapitan at niyakap.napalakas Naman ang iyak ni Lisa habang kayakap ang kaibigan. "Salamat at Buhay ka kahit nasa ibang katauhan ka ngayon.." wika Naman ni Lisa. "Hindi pa tapos Ang problema ko Lisa.." Sagot ni Anna rito. Nang matapos ni Anna yakapin si Lisa ay napatingin Siya Kay Sam,ang lalaking dati niyang kasintahan na umabot sa pitong taon,ang lalaking dahilan kung bakit ginawa siyang kawawa ni yassy noon.nagsalubong ang kanilang mga mata ni Sam ngunit Hanggang doon lang at napatalikod agad si Anna na Hindi man lang ito lumapit Kay sam.pero ayos lang,sa isip ni Sam, dahil naiintindihan naman niya si Anna. Si Yassy Naman ay matalim Ang mga tinging ipinukol Kay Anna Bella.distansya lang ito sa kanila ni Anna. Patuloy pa sanang makikipag-usap sina Lisa at Edmund Kay Anna ngunit naputol iyon nang biglang may malakas na namang humalakhak na tinig sa buong mansion.boses iyon ng matandang mangkukulam. "Anna Bella! Nandiyan na Naman ang iyong Lola!! Nandito na Naman si inang ambrosia!" Muling natarantang wika ni Amanda. Maging sina Sam,Lisa at Edmund ay muling nagulat sa halakhak ng matandang mangkukulam na narinig.dumating Naman si Frederick Mula sa itaas na may dalang malaking bag na Ang mga laman ay ang lahat na mga kagamitan ni madam ambrosia sa pagiging Isang mangkukulam nito.naroon sa loob Ang mga ibat ibang uri ng manika.at Ang mga maliliit na boteng may mga laman ng ibat ibang uri ng langis at mga gamot na mula sa mga punong ugat.at ang dalawang Bungo ng tao, Kasama din ang mga libretang may mga masasamang latin words na nakasulat.at ang mga matutulis na mga karayom na ginagamit ni madam ambrosia sa pagkukulam.at higit sa lahat ay ang maitim at hugis bilog na bertud ng kadiliman! Muling nagwala Ang masamang kaluluwa ni madam ambrosia at ang Isang katulong Naman na si Lareta ang pinasukan nito! Gulat ang lahat nang makitang may bitbit na matalim na kotselyo ang katulong na si Lareta dahil Hindi pa nakagising ulit ang mayordomang si martha at si Lareta Naman ay siyang sinaniban ,ito ay may mapupulang mga mata at tumatayo ang mga buhok! Nagsigawan halos Ang lahat nang hinablot nito bigla si Lisa at tinututukan ng matatalim na kotselyo! "Anna!! Tulongan niyo Ako!" Gulat at umiiyak na sigaw ni Lisa. ""Jusko ko kuya Edmund,Sam! Anong gagawin natin para maligtas si Lisa!" Sambit Naman ni Anna. "Hahaha! Lumapit ka dito sa akin Anna bella! Para Hindi mamamatay itong kaibigan mo!" Sigaw na utos ni madam ambrosia sa katawan ni Lareta. "Huwag Anna! Huwag kang lumapit sa kanya!" Sigaw din ni Sam. "Daddy , pakiusapan niyo po si madam ambrosia! Na huwag saktan si Lisa!" Ani Anna. "Lumapit ka sa akin Sabi!" Galit at mas Lalong namilog ang mga mata ni aling Lareta na sinaniban ni madam ambrosia. "Amanda,dalhin mo ito sa labas ng mansion..heto ang susi,at Ikaw na ang magsunog ng lahat ng ito sa labas..Ako na Naman ang haharap sa aKing inang ." Mahinang utos ni Frederick sa Asawa. "Sige na,bilisan mo.umalis kana agad.may benditadong tubig akong dala rito sa loob ng jacket ko.hinanda ko talaga ito baka isa din ito sa makakatulong sa atin! At Kay Anna bella ..Hindi lang Ako sigurado Kong tatablan ba si inang nito dahil malakas ang kapangyarihan ng kadiliman ang nasa sakanya,pero bago ko Siya wisikan nito ay susunogin mo Muna Ang lahat ng kanyang kagamitan sa labas..Lalo na ang bertud na nandiyan din sa loob ng bag na Yan.." Mahabang wika ni Frederick sa Asawa. Di na nagtagal pa ay mabilis na umalis si Amanda.at si Frederick Naman ay nakikipagharap sa masamang kaluluwa ng inang mangkukulam na nasa katawan ni Lareta. "Inang,bitawan mo ang kaibigan ni Anna bella! At please..Tama na ito,naapektuhan na kami ni Amanda sa mga ginagawa mo.." pakiusap ni Frederick sa masamang kaluluwa ni madam ambrosia sa katawan ni Lareta habang hawak parin nito ang umiiyak at nanginginig na si Lisa at tinututukan ng matalim na kotselyo sa leeg. "Wala na Akong pakialam kung naapektuhan na kayo Frederick dahil mas kinakampihan niyo si Anna kaysa sainyong Ina!! Kaya palalapitin niyo na si Anna bella sa akin ngayon din! Upang Hindi mapapahamak itong kaibigan niya!! Hahahaha!" Malakas na wika at halakhak ni madam ambrosia na nasa katawan ni aling Lareta. "At huwag magkamaling lumapit Ang dalawang lalaking iyan sa akin dahil mapapahamak itong Kasama nila!!" Dagdag pang Sabi ni madam ambrosia na Ang tinutukoy nito ay sina Sam at Edmund.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD