Pagkauwi ay muling naligo si Andy sa loob ng bathroom para makapagbanlaw. Nang matapos ay dumiretso siya ulit sa kitchen para makapagluto na naman ng pagkain para sa kanilang lunch. Pagdating niya ng kitchen ay naroon na si Jessica suot pa rin ang outfit nito kanina. Nakaupo ito sa upuan at may kung anong kinakain. “Ang galing mo rin lumandi, ’no? Nilandi mo na si doc, tapos nilalandi mo rin si Sir Dreco,” wika agad nito pagkakita sa kaniya. “Puwede ba, tigil-tigilan mo na nga ang pang-aakusa sa akin ng panglalandi. Wala naman akong nilalandi sa kanilang dalawa, sadyang kinakain ka lang ng panibugho mo,” sagot naman niya at kinuha na lang ang rice cooker para makapagsaing na. Pero hindi pa rin siya tinantanan ni Jessica. “Malandi ka. Nagpapalusot ka pa kahit huling huli ka na. Akala m