NANG sumapit ang 3 p.m. ay umalis nga si Andy at Stanley sakay ng black BMW 7 na pag-aari ni Stanley. Suot ni Andy ang kaniyang yellow summer sundress na pinarisan lang niya ng white flat sandals, at itinali lang niya ang kaniyang hanggang baywang na buhok. Habang si Stanley naman ay naka-semi formal outfit; nakasuot ng green long sleeve polo with white pants na may belt, and black leather shoes. He looks very neat and handsome, naka-wax pa ng maayos ang short hair nito. Tahimik lang si Andy sa biyahe, at kunwari ay patingin-tingin lang sa labas kahit na ang totoo ay pinaghalong excitement at nerbiyos ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Nanunuot pa sa kaniyang ilong ang napaka-manly na amoy ng pabango ni Stanley na talaga namang napakabango. “Andy,” mahinang pagtawag na sa k