CHAPTER 7

2515 Words
MAAGANG nagising si Andy. Agad siyang naligo sa loob ng bathroom at dali-daling nagbihis pagkatapos. Isang simpleng sleeveless floral dress lang ang kaniyang sinuot na hanggang tuhod lang ang haba, at sinuklay lang niya ang kaniyang hanggang baywang na buhok bago siya lumabas na ng kaniyang kuwarto at bumaba. Tahimik pa ang buong paligid, lalo na sa loob ng kastilyo. Mabuti na lang ay nakabuhay lahat ng ilaw, kaya kahit papaano ay maliwanag naman at hindi naman nakakatakot, dahil haunted man tingnan sa labas ang kastilyo, pero napakaganda naman ng loob nito. Pagdating ni Andy ng kusina ay wala pa si Jessica. Kaya naman mag-isa na lang siyang nagluto. Punong-puno naman ang isang freezer ng mga frozen food, at dalawang ref ng mga drinks and snacks. Bukod doon ay marami ring mga naka-stock na iba pang pagkain sa storage room. Kasalukuyan nang abala si Andy sa pagluluto ng egg omelette nang pumasok na si Jessica. Nakasuot ito ng white maong shorts at pink crop top, labas ang pusod at nakalugay ang medyo kulot na buhok na hanggang balikat ang haba, pulang-pula naman ang labi nito dahil sa lipstick. Naupo si Jessica at pinagmasdan siya nito habang nakatalikod, tiningnan ang kaniyang suot na floral dress, hanggang napatingin ito sa kaniyang makinis na binti at napasimangot ito. “Andy,” maarte na nitong pagtawag sa kaniya. Napalingon naman siya. “Oh, Jessica, narito ka na pala. Ikaw na lang muna ang mag-init ng tubig.” “No, ayoko. Ikaw na lang ang gumawa, tutal kayang-kaya mo naman. May luto ka na ba riyan? Pahingi naman ako. Nagugutom na kasi ako.” Tumaas ang kilay ni Andy. “Pareho tayong katulong dito. Magkusa ka na lang tutal may mga kamay ka naman,” irap niyang sagot bago binalik ang tingin sa kaniyang niluluto. Kumuyom naman ang kamao ni Jessica. “May araw ka rin sa akin, Andy,” mahina na lang nitong bulong at hindi na nag-utos pa. Napilitan na lang itong mag-init ng tubig. Nang makaluto ay sabay-sabay silang nag-almusal sa loob ng dining room. Tahimik lang silang apat, hanggang sa magsalita si Stanley. “Andy,” pagtawag nito sa kaniya. Napaangat naman siya ng tingin dito. “Yes, doc?” “Balak kong maligo sa batis ngayon; do you want to come with me?” Natigil naman si Dreco sa paghigop ng kaniyang kape sa narinig at napatingin sa kaibigang psychiatrist. “Talaga, doc? May batis po malapit dito? Saan banda?” sagot naman ni Andy na parang biglang natuwa. Ngumiti si Stanley. “Yes, meron batis malapit dito. It’s nice to take a bath there; it’s very cold. So, will you come with me?” Agad na tumango si Andy. “Opo, doc, sasama po ako!” “Sasama rin ako,” mabilis na singit ni Dreco. “Sasama rin ako, sir!” singit din ni Jessica. Kaya naman ang nangyari ay lumabas na nga sila ng kastilyo matapos mag-almusal. Sa backdoor sila dumaan dahil naroon ang daan patungo sa may batis. Tulak-tulak ni Jessica ang wheelchair ni Dreco at nasa unahan sila, habang si Andy naman at Stanley ay nasa hulihan. Nakasementado naman ang daan pero maliit lang, kasya lang ang isang wheelchair. At sa buong paligid ay puno pa rin ng mga naglalaglagan na mga tuyong dahon. “Doc, wala bang naglilinis dito?” tanong ni Andy. Curious siya kung bakit hindi man lang nililinis ang buong paligid, eh kung tutuusin ay kaya namang palinisan ng senyora dahil sangkatutak naman ang mga katulong nito at may pera naman para kumuha ng iba na puwedeng maglinis. “Wala, ayaw na ni Dreco ipalinis pa dahil masyado nang delikado. Damon’s traps surrounded every grove and could no longer be seen due to the amount of foliage. So just one wrong step can kill the cleaner.” Natigilan si Andy, medyo nabigla. Trap? Ibig bang sabihin ay trap ang naapakan niya nang dumating siya rito? Kaya may humampas sa kaniya at nawalan siya ng malay? Akala niya pa naman ay tao. “Trap, doc? Do you mean it was a trap that hit my back that day?” “Hmm.” Stanley nodded. “Only this paved road is safe, but the whole surrounding area is not.” “Gano’n po pala. Pero sino naman pong Damon? Anak din po ba siya ni Senyora?” “Si Damon ay—” Natigil ang pagsagot ni Stanley nang biglang pinahinto ni Dreco ang pagtulak ng wheelchair ni Jessica. “Maglalakad ako. Come here, Andy, alalayan mo ako.” “Ako na lang, sir,” agad na apila ni Jessica. “Si Andy ang gusto ko.” “Ako na lang, baka hindi kaya ni Andy,” sabat naman ni Stanley at mabilis na lumapit sa kaibigan para sana alalayan, pero tiningnan ito ng seryoso ni Dreco. “Ayos lang, doc, kaya ko po.” Mabilis naman lumapit si Andy. Inalalayan na niyang tumayo si Dreco mula sa wheelchair nito. Nang makatayo ay agad nitong iniyapos ang isang braso sa kaniyang baywang. “Dito po kayo umakbay sa balikat ko, sir, para maalalayan ko kayo ng mabuti,” wika ni Andy na medyo nailang. “Oh, is that so? Alright," Dreco said with a mischievous smile on his lips, and he moved his arm around Andy’s shoulder. Hindi naman nahirapan si Andy sa pag-alalay dahil kayang-kaya naman pala ni Dreco maglakad, iyon nga lang ay paika-ika ang isang paa. Pero hindi naman ito mabigat na alalayan. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jessica sa hulihan habang tulak-tulak ang walang laman na wheelchair. “You smell nice,” said Dreco when he inhaled Andy’s fragrant hair. Parang nakaramdam naman si Andy ng pagkailang. Gusto niya man ilayo ang kaniyang katawan sa pagdikit sa katawan ni Dreco ay hindi niya magawa dahil kailangan pa rin niya itong alalayan. “Akala ko po hindi talaga kayo nakakalakad, sir,” sagot na lang niya para makaiwas sa pagkailang. Her one arm was tightly wrapped around Dreco’s waist to support him well. “Hindi naman talaga ako lumpo, isang paa lang naman ang nabali sa akin. Pero mukhang mapapadali na ang paggaling ng paa ko nito ngayo’y narito ka na para alagaan ako.” Natahimik si Andy at tipid na lang ngumiti. “Kung sakaling bang gumaling na ang paa ko, will you still accompany me wherever I go?” Dreco asked in a whisper that only the two of them could hear. “Ah hindi ko po alam, sir. P-pero kung ’yon po ang gusto niyo na samahan ko kayo kahit saan, tingin ko po ay wala na po akong magagawa kundi sumunod since binenta na po ako ni Mommy sa mommy niyo po.” Sumilay ang munting ngiti sa labi ni Dreco. “Mabuti naman kung gano’n. Dahil hahabulin kita kahit saan ka pa tumakbo kapag iniwan mo ’ko,” muling bulong nito sa kaniya. Kinabahan naman si Andy sa narinig at medyo kinilabutan. Alam niyang biro lang ’yon, pero hindi niya mapigilan ang kabahan; pakiramdam niya ay seryoso ito sa sinabi. Matagal bago nila narating ang napakagandang batis. May mga bato sa taas at doon umaagos ang tubig na nahuhulog sa baba. Hindi naman mataas, puwedeng-puwedeng talunan, at hindi rin sobrang lakas ng agos. “Wow, napakaganda naman dito!” natutuwa na wika ni Jessica at agad na lumapit kay Dreco na ngayo’y nakaupo na muli sa wheelchair. “Puwede po ba akong maligo, sir?” maarteng tanong nito at inipit pa ang buhok sa likod ng tainga, tila ba nagpapa-cute pa. “If you want, then why not? Kaya nga tayo narito para makaligo.” “Wow, thank you, sir!” natutuwa pang pagpalakpak ni Jessica na kunwari ay labis na natuwa. Dali-dali na nitong hinubad ang suot sa mismong harap ni Dreco, hanggang sa tanging two-piece na lang ang natira. Napaawang naman ang labi ni Andy, tila hindi makapaniwala sa nasaksihan. “Ikaw, sir, maliligo ka rin ba? Gusto mo alalayan na kita?” tanong ni Jessica matapos nitong maghubad at agad na lumapit sa wheelchair ni Dreco. “Ayoko,” sagot naman ni Dreco at tumingin kay Andy. “Ikaw, gusto mong maligo?” Mabilis namang tumango si Andy. “Yes po, sir, gusto ko po maligo!” sagot nito na may halong excitement. “Let’s take a bath, Andy,” agad namang aya ni Stanley at hinubad na ang suot nitong t-shirt, tanging black shorts na lang nito ang tinira. Parang pinamulahan naman si Andy nang makita ang mga abs sa katawan ng psychiatrist. Maputi ito pero marami rin palang mga abs. “Can you swim?” Stanley asked with a smile. Para namang natauhan si Andy na agad na umiwas sa pagtitig sa katawan ni Stanley. “H-hindi po ako marunong lumangoy, doc.” “That’s great. I will teach you. Let’s go!” Bago pa siya makaangal ay hinila na ni Stanley ang braso niya at itinakbo na siya paakyat sa taas. “Doc, saan tayo pupunta? Bakit tayo umaakyat sa taas?” may pagtataka niyang tanong. “Na-experience mo na bang tumalon?” tanong nito sa kaniya habang patuloy ang paghila sa kaniyang braso paakyat kung saan umaagos ang tubig mula sa taas. “Po, doc? Huwag niyo sabihing dadalhin niyo ako tumalon diyan sa taas?” gulat niyang tanong na agad na napahinto. Kaya napahinto rin si Stanley sa paghila sa kaniya. “Andy!” pagtawag ni Dreco. Napalingon naman siya. Pero naalis ang paglingon niya nang bigla na lang siyang lumutang dahil sa biglang pagbuhat sa kaniya ni Stanley, at bago pa siya makapagsalita ay itinakbo na siya nito paakyat. “S-sandali lang, doc, huwag niyo po ako— Doc!” kaniya na lamang paghiyaw nang walang anu-ano’y itinalon siya agad ni Stanley pagdating nila sa pinakatuktok. Sabay silang bumagsak sa tubig at lumubog sa ilalim. Pero hindi naman siya pinabayaan ni Stanley dahil agad siya nitong sinisid at niyapos sa baywang. Habol ni Andy ang kaniyang paghinga nang maiahon mula sa tubig. “Doc naman! Tinakot niyo po ako!” halos mangiyak-ngiyak niyang wika at pinaghahampas na si Stanley sa dibdib. Tawang-tawa naman si Stanley habang nakayapos na ang mga braso sa baywang niya para hindi siya lumubog muli sa ilalim ng tubig. Hinayaan na lang siya sa paghampas niya sa dibdib nito. Pero natigil siya sa paghampas nang bigla na lang sila inagos ng tubig papunta sa may baba. “Doc, inaagos tayo!” pagtili ni Andy at napayakap na lang sa leeg ng psychiatrist. Natawa na lang si Stanley na parang sinasadya naman na magpadala sa agos ng tubig. Pero napahinto naman ang pag-agos sa kanila nang may malaking bato na, doon na sila napahinto ni Stanley, pero nakayapos pa rin ang mga braso nito sa kaniya. “Uhm,” Andy didn’t know what to say. Naiilang na siya dahil sa nakatitig sa kaniya ni Stanley na may munting ngiti sa labi. “Kailan ka pala mag-18?” he asked. “Mga six months pa po; December 1 kasi ang birthday ko.” “Oh, that’s great. Tatandaan ko ’yan.” Nag-init na ang pisngi ni Andy, mas lalo na siyang pinamulahan dahil titig na titig pa rin sa kaniya si Stanley habang nakayakap pa rin sa baywang niya dahil nasa malalim na parte pa rin sila ng tubig at nasa bandang agusan pababa, mabuti ay may mga harang na bato. “B-bakit niyo po pala natanong, doc?” “Gusto sana kitang ligawan kapag eighteen ka na.” “Po?” Nabigla si Andy sa narinig at namilog ang mga mata. “I’m already 29-year-old. Matatanggap mo kaya ako?” tanong ni Stanley sa kaniya habang naroon pa rin ang ngiti sa labi at kislap sa mga mata habang nakatitig sa kaniya. Andy swallowed hard. Hindi na niya alam ang isasagot. “D-Doc naman, ano’ng klaseng biro naman po ’yan.” Kunwari ay natawa siya kahit na ang totoo ay nabulabog na ang puso niya, nagwawala na sa loob ng kaniyang dibdib dahil sa sobra nang lakas ng pintig. “I’m not kidding. Look at me; I’m serious. Liligawan kita kung kaya mo akong tanggapin kahit matanda na ako para sa ’yo.” Pakiramdam ni Andy ay matutunaw na siya sa mga narinig. Sinubukan niyang tumingin sa mga mata ni Stanley, pero sa huli ay iniwas pa rin niya ang kaniyang tingin dahil naiilang na siya sa klase ng titig na binibigay nito sa kaniya. “W-wala naman po sa edad kapag umibig ang isang tao. Iyon ang sabi ng mga classmates ko,” tangi na lang niyang nasagot sa mahinang boses. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Stanley. “Oh really? So hindi mo pa nararanasan umibig? Ma-inlove sa isang lalaki?” “H-hindi pa po, doc. Pero nagka-crush na ako sa lalaki kong kaklase dati.” Hindi na siya makatingin pa rito. “Is he handsome?” “Hmm.” Andy nodded. “Handsomer than me?” “M-mas guwapo ka po, doc.” Hindi na niya napigilan ang mapabungisngis sa kaniyang sagot. Sinabayan naman siya ni Stanley dahil natawa na rin ito. Ngunit natigil ang kanilang kagikhikan nang dumating ang nakasimangot na si Jessica. “Doc! Pinapatawag na po kayo ni Sir Dreco! Gusto na raw niya umuwi ngayon na!” “Sige, mauna na kayo. Mamaya na lang kami ni Andy,” sagot ni Stanley. Hindi naman makapaniwala si Andy dahil kararating lang naman nila tapos uuwi na agad? Ang bilis naman yata mainip ng kaniyang amo, dapat hindi na lang sumama. “Hindi raw po puwede, uuwi na raw po tayong apat ngayon din. Sumasakit na raw po ang paa niya,” muling wika ni Jessica na halata ang pagkainis. Kaya wala nang nagawa si Stanley kundi iahon na lang siya mula sa tubig. Ibinaba lang siya nito sa pagkakabuhat nang nasa may bato na sila. “Ang bilis naman natin umuwi kahit kakarating lang,” reklamo pa niya sa mahinang boses. Pero nang mapatingin siya sa may ’di kalayuan ay nakita niyang nakatingin sa kanila si Dreco na parang madilim ang anyo habang nakaupo sa wheelchair nito. “Hayaan mo, pupunta na lang tayo rito ulit sa susunod nang tayong dalawa lang. Mag-picnic tayo,” ngiting sagot sa kaniya ni Stanley at inalalayan pa siya para hindi madulas sa mga bato. Nang makalapit na kay Dreco ay mabilis na pumuwesto si Andy sa likuran nito at hahawakan na sana ang wheelchair nang bigla na lang nitong pinaandar palayo sa kaniya. “Jessica!” malakas na pagtawag ni Dreco na tila ba bad trip. “Ikaw na ang magtulak ng wheelchair ko!” “Yes, sir!” Mabilis naman lumapit si Jessica kahit hindi pa nasusuot muli ang crop top nito. Umuwi sila nang tahimik. Nasa unahan si Dreco at Jessica na medyo malayo na, habang nasa hulihan naman nakasunod si Andy at Stanley; silang dalawa lang ang basa dahil hindi man lang nakaligo si Jessica. “Doc, bakit parang galit yata si Sir Dreco?” “I don’t know. But I think he’s just jealous. Maybe he likes you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD