Tatlong araw ang lumipas. Hindi na masakit pa ang likod ni Andy dahil tuluyan nang gumaling sa tulong ng gamot na laging pinapainom sa kaniya ni Stanley.
Sa pananatili ni Andy sa kastilyo ay masasabi niyang ayos naman at hindi naman nakakatakot sa loob, maliban na lang kung sisilip sa labas, nakakatakot tingnan ang paligid dahil may kadiliman gawa ng mga punong kahoy, samahan pa ng limang gate at mga tuyong dahon sa bawat lupa, kaya napa-creepy tingnan.
Nakilala na rin ni Andy ang babae na nakita niya noong isang araw. Jessica pala ang pangalan nito, at tama nga siya dahil katulong din ito sa kastilyo, at katulad niya ay bagong dating din pala ito, mas nauna lang sa kaniya ng isang araw.
Nagkasundo naman sila ni Jessica. Nagtulungan sila sa pagluluto at paglilinis sa loob ng kastilyo. Pagdating naman sa paglalaba ng mga damit ng anak ng senyora ay inaako ni Stanley, mga bedsheets lang ang pinapalabhan sa kanila.
Sa lumipas na tatlong araw ay unti-unti nang tinanggap ni Andy ang kaniyang kapalaran na hindi na siya makakapagpatuloy pa ng pag-aaral dahil binenta na siya ng kaniyang mommy. Pero hindi niya mapigilan ang mapaisip na baka ampon lang siya, dahil ni minsan, wala siyang naalala na pinaburan siya ng kaniyang mommy, dahil tuwing nagkakaroon sila ng alitan ng kaniyang dalawang kapatid ay siya lagi ang pinapagalitan, kahit noong mga bata pa sila at maging sa kasalukuyan. Ang kaniyang daddy naman ay mabait naman sa kaniya minsan, pero mas kinakampihan pa rin nito ang kaniyang dalawang kapatid. At ngayong binenta siya ng kaniyang mommy sa senyora, napaisip siya na baka ampon nga lang talaga siya. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga trato sa kaniya, masasabi niyang ampon nga lang siya, at ngayon ay may patunay na, dahil nagawa na siyang ipagpalit sa pera.
“Alam mo, Andy, noong una, nagmakaawa ako kay Senyora at lumuhod pa para lang hindi niya ipadala rito. Natatakot talaga ako kasi akala ko nakakatakot dito. Sabi kasi ng mga matagal nang katulong ni Senyora ay may sakit daw sa pag-iisip ang anak nito at pumapatay raw ng tao, pinaglalaruan ang mga babae. Pero ngayon nakapunta na ako rito, parang hindi naman ’yon totoo, mukha namang matino si Sir Dreco at mukha ring mabait katulad ni doc Stanley kahit tahimik lang,” kuwento sa kaniya ni Jessica. Kasalukuyan na silang nagluluto ng pagkain para sa tanghalian, at dalawa lang sila sa loob ng kitchen.
“Malay mo, baka hindi pa dinadalaw ng kaniyang sakit. Mas mabuting mag-ingat pa rin tayo at i-lock palagi ang pinto,” sagot ni Andy habang naghuhugas ng bigas sa rice cooker.
“Tama ka. Pero para sa akin mabait talaga si Sir Dreco at doc Stanley. Ang guwapo pa nila pareho. Ikaw ba, kanino ka naguwapohan sa kanilang dalawa?”
“Kay doc Stanley,” diretsong sagot ni Andy.
“Hmm!” pag-ismid naman ni Jessica. “Para sa akin mas guwapo si Sir Dreco. Oo, guwapo rin naman si doc Stanley, kaso maputi naman. Mas gusto ko kasi sa mga dark handsome. Kaya si Sir Dreco ang pipiliin ko.”
“Magkaiba tayo. Mas gusto ko sa makinis, ’yong tipong glass skin.”
“Sige, sayo na lang si doc, at akin si sir.”
Natawa si Andy. “Ikaw talaga. Buti sana kung magustuhan nila tayo, eh katulong lang naman tayo.”
“Paano nila tayo hindi magustuhan, eh tayong dalawa lang naman ang babae rito na makakasama na nila habang buhay,” muling sagot ni Jessica at napahagikhik pa.
Napailing na lang si Andy. Mas matanda lang sa kaniya si Jessica ng tatlong taon, 20-year-old na ito, at siya naman ay 17 pa lang. Pero may pagkamadaldal ito kapag silang dalawa lang at may kalandian din.
“Ano kaya kung akitin natin sila?” suhestiyon pa nito sa kaniya.
“Ha? No way! I can’t do that, Jessica!”
“Bakit naman hindi? Isipin mo kung magkagusto silang dalawa sa atin, hindi na tayo magiging katulong pa. Mayaman si Sir Dreco, at mukhang mayaman din naman si doc Stanley. Ang alam ko ay mag-best friend sila, kaya si doc Stanley ang kaniyang kinuha para maging personal doctor.”
Napailing-iling na lang si Andy. “Hay naku, baka marinig pa nila tayo, nakakahiya. Magluto na nga lang tayo.”
“Aakitin ko siya mamayang gabi. Wait and see, Andy. Bahala ka kung gusto mo na lang maging katulong habang buhay.”
Tanging pag-iling na lang ang nagawa ni Andy at hindi pinatulan pa ang kalokohan ni Jessica.
Matapos nilang magluto ay inihanda na nila ang pagkain at tinawag na ang kanilang amo at ng doktor nitong si Stanley.
Katulad noong mga nakaraang araw ay sabay-sabay silang kamain sa iisang hapag, dahil pinayagan naman sila ni Dreco na sumabay na lang, at ayos din naman kay Stanley.
Tahimik silang nag-dinner na parang may mga may sariling mundo. Magkatabi si Andy at Jessica, habang sa kabila naman si Dreco katabi ni Stanley.
“Andy.”
Parang nagitla pa si Andy nang marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at napatingin sa dalawang lalaki, pero hindi nakatingin sa kaniya ang mga ito. Hindi niya tuloy alam kung sino sa kanila ang tumawag sa kaniya.
“Yes, sir?”
“After you eat, go to my room. Change my pillowcase and bedsheet.” Si Dreco ang sumagot.
“P-pero, sir, bagong palit lang po ’yon nung isang araw—”
Napahinto siya sa pagsagot nang tingnan siya nito, isang seryosong tingin, dahilan para mapalunok siya at medyo kinabahan.
“S-sige po, sir, papalitan ko na lang po mamaya.” Sumang-ayon na lang siya. Pero agad naman umapila si Jessica.
“Ako na lang po ang gagawa, sir!”
“Si Andy ang inuutusan ko, hindi ikaw,” malamig na sagot ni Dreco nang hindi man lang nakatingin, dahil nakatuon na muli ang tingin nito sa pagkain.
Natahimik naman si Jessica at parang napasimangot ito, pasimple pang sumama ang tingin kay Andy at humigpit ang hawak sa kubyertos. Napasin naman iyon ni Stanley, pero kalmado lang ito at tahimik lang kumain.
Nang matapos mag-dinner ay pumasok muna si Andy sa kaniyang kuwarto at naligo saglit, dahil parang nangangamoy kusina na siya gawa ng pagluluto kanina.
Nang matapos maligo pinatuyo lang niya ang kaniyang basang buhok at sinuklay. Suot ang kaniyang ternong pink na pantulog ay dumiretso na siya sa storage room at kumuha ng mga bagong bedsheet at punda ng unan. Nang makakuha ay saka siya dumiretso na sa kuwarto ni Dreco habang yakap-yakap ang mga bedsheet. Agad siyang kumatok pagkahinto sa pinto nito.
“Come in.”
Nang marinig ang pagsagot nito mula sa loob ay pinihit na niya ang doorknob at pumasok na sa loob.
Pero pagkapasok niya sa loob ng bedroom ay nagulat siya nang makita si Dreco na tanging itim na pajama lang ang suot, walang damit pang itaas, at nakadapa ito sa kama.
Mabilis na napatalikod si Andy habang yakap pa rin ang mga bedsheet. “S-sir, p-papalitan ko na po ang bedsheet niyo at mga punda, may dala na po ako.” Halos nagkandautal-utal siya sa pagsasalita.
“Put that down. I want you to massage my back first.”
Napalunok si Andy nang wala sa oras. Imasahe ang likod? Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
“Come here.”
Muli ay napalunok siya at nag-alangan kung ano na ang dapat gawin. Pero sa huli ay binaba na lang niya ang mga yakap na bedsheet at tinapangan na lang lumapit sa kama.
Nakita niya ang massage rub, kaya kinuha na lang niya ito at binuksan. Pikit-mata na lang niyang dinikit ang kaniyang mga kamay sa malapad na likod ni Dreco.
“Don’t be nervous; I won’t eat you,” wika nito nang maramdaman ang kaniyang pag-aalinlangan.
Kaya naman tinapangan na lang niya at ginalingan na lang ang pagmasahe sa likod nito. Marunong naman siyang magmasahe lalo na’t palagi siyang nagpapamasahe sa kaniyang mommy tuwing uuwi ito galing lang sa work, siya lagi ang inuutusan para magmasahe.
“Hmm . . .” munting ungol ni Dreco, tila ba nagustuhan agad ang kaniyang pagmasahe. “I didn’t know you were such a good massager, Andy.”
Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagmasahe rito. Pero hindi niya mapigilan ang mapatitig sa malaking mahabang peklat sa likod ni Dreco na parang hiniwa ng espada, may isang dangkal yata ang haba no’n.
“Andy,” Dreco called her after a few moments of silence.
“Yes, sir?” mahina naman niyang sagot dito habang patuloy ang pagmamasahe ng kamay sa likod nito.
“How old are you?” he asked.
“Seventeen po, sir.”
“Any boyfriend?”
“Po?”
“I’m asking you if you have a boyfriend yet.”
“W-wala pa po, sir, wala pa po ’yan sa isip ko kasi n-nag-aaral pa lang po ako.”
“Really? Then why are you here if you are still studying?”
Sandali siyang natahimik. “Ah kasi closing pa naman po, wala na pong pasok. At magatal pa po yata ang enrollment.”
“So, aalis ka rin pala agad dito?”
“H-hindi ko po alam. P-pero tingin ko po hindi na, k-kasi ang totoo ay binenta na po ako ni Mommy kay Senyora, sa mommy niyo po.”
Ilang sandaling natahimik si Dreco sa kaniyang sagot.
“That’s sad. Then how is your stay here? Are you afraid of me?”
Bago pa siya makasagot sa tanong nito ay bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si Stanley. Pero agad itong napahinto nang makita ang eksena at parang nagulat.
“Ah m-mi-minamasahe ko lang po si Sir Dreco, doc,” agad na paliwanag ni Andy na parang nagkandautal-utal pa.
“Ah,” reaction ni Stanley at lumapit na ito. “Ako na riyan. Just go back to your room and rest.”
“I want her to massage me, Stanley. Nakakahiya na rin mag-utos sa ’yo,” agad na pagkontra ni Dreco.
“Oh, nahihiya ka? Saan banda? Hindi ko makita,” sarkastikong asik ni Stanley at pinigilan na nito ang kaniyang kamay sa pagmasahe pa. “Stop, Andy. You can leave now.”
Kaya naman wala nang nagawa si Andy kundi tumayo. “Sige po, sir. Thank you po.” Nagmamadali na siyang lumabas ng room at iniwan ang dalawa. Pinabayaan na lang niya ang dalang bedsheet.
Pero pagkapasok ni Andy sa kaniyang room ay nagulat siya nang isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya pagkapasok pa lang niya sa pinto.
“J-Jessica,” gulat niyang sambit at hindi makapaniwalang napahaplos sa nasampal na pisngi.
“Ang landi mo pala, Andy. Narito tayo bilang katulong, ’di ba? Pero bakit nakikipaglandian ka kay Sir Dreco? Ano, nag-s*x ba kayo?”
Tila hindi naman siya makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig ni Jessica.
“Ano bang pinagsasabi mo? Ang bastos mo naman. Inutusan lang naman akong magmasahe ni Sir Dreco—”
“Talaga lang ha? Magmasahe?” Sarkastiko itong natawa. “Wow, ang suwerte mo naman at nakahawak ka agad sa katawan ni Sir Dreco. Bakit hindi mo na lang aminin na ahas ka? Hindi ba’t na napag-usapan na natin kanina na akin si Sir Dreco, at sayo naman si doc Stanley. Pero bakit nang-aahas ka, Andy? Ginagalit mo ba ako?”
“Ewan ko sa ’yo, Jessica. Lumabas ka na nga, wala akong oras para makipagtalo sa ’yo.” Nainis na rin siya rito kaya sapilitan na lang niya itong hinila palabas ng pinto.
Kumuyom ang mga kamao ni Jessica at inis nitong tinabig ang kamay niya.
“Makikita mo, Andy. Sa lahat ng ayaw ko, ay ’yong inaagaw ang pag-aari ko. Humanda ka sa akin,” banta pa nito sa kaniya bago tuluyang umalis.
Napabuntonghininga na lang si Andy at napailing. Sinara na niya ang pinto at ni-lock bago nahiga na sa kaniyang kama.
Hindi siya lubos na makapaniwala na magagawa siyang sampalin ni Jessica dahil lang sa selos. Mukhang hindi na yata magiging madali ang araw niya pagdating ng bukas.