Isang masaganang palakpakan ang kumawala sa mga estudyante matapos pakinggan ang speech ng kanilang principal.
Sa araw na ’to ang kanilang graduation, at makikita ang saya at excitement sa mukha ng bawat estudyante, dahil sa wakas ay gagraduate na rin ng highschool, panibagong pagsubok na naman ulit sa kolehiyo.
“Congratulations to everyone who graduated from this academy! Best wishes for your future studies in college. Just keep striving to achieve your dreams!”
Naghiyawan na ang mga estudyante at inihagis na ang kanilang mga toga cap.
“Congrats, Lea!”
“Congrats, Jane!”
“Congrats din sa ’yo, Andy!”
“Congrats sa ating lahat!”
Niyakap ni Andy ang kaniyang mga magkakaibigan at muli nilang binati ang isa’t isa nang may ngiti sa labi.
“Oh my gosh! College na tayo next year! I’m so excited na agad! Hoy basta ha, same university tayo, sa Lerem University, walang iwanan!”
“Oo naman, walang iwanan!”
Muling nagsitili ang mga magkakaibigan sa labis na saya at nag-promise sa isa’t isa na sa iisang university lang sila papasok ng college, para kahit hindi magkapareho ng kursong kukunin ay makikita pa rin nila ang isa’t isa dahil nasa iisang school lang sila.
Naiwang mag-isa si Andy sa kaniyang kinatatayuan nang magsipuntahan na ang kaniyang mga classmates sa magulang ng mga ito na may mga dala pang flowers sa mga anak.
Nilibot ni Andy ang kaniyang tingin sa buong paligid ng campus sa pag-asang makikita niya ang kaniyang hinahanap. Pero wala, bigo siya, dahil hindi niya pa rin mahagilap ni anino ng kaniyang mga magulang.
Nakaramdam si Andy ng lungkot. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Dapat masanay na siya na wala siyang halaga sa kaniyang pamilya. Graduation niya ngayon pero wala man lang ni isa ang pumunta sa pamilya niya. Mabuti pa ang lahat ng mga kasama niyang nag-graduate ay kumpleto ang pamilya ng mga ito at may pa flowers pa sa mga anak with money garland. Nakapasuwerte ng mga ito sa mga magulang, samantalang siya ay napakamalas naman.
“Ako lang talaga itong mag-isa na parang walang pamilya,” pagsimangot ni Andy na parang maiiyak na, pero sa huli ay pinilit na lang ngumiti dahil sanay na rin naman siya na palaging wala ang kaniyang pamilya kapag kailangan niya.
Ganito rin ang nangyari noong graduation niya sa elementary, kasali rin siya sa with honors, kaso wala man lang dumating ni isa sa pamilya niya, wala ang daddy at mommy niya kasi busy ang mga ito sa dalawa niyang kapatid, nagkasabay kasi ang graduation nilang magkakapatid at nagkataon na nasa ibang school ang mga ito nag-aaral, kaya walang dumating para sa kaniya noong araw na ’yon— meron pala, ang pinsan niyang si Jerome, anak ng kapatid ng kaniyang Mommy. Ang Kuya Jerome niya ang nagsabit sa akin kaniya ng medalya noong araw na ’yon at binigyan pa siya ng malaking teddy bear and imported chocolates, kaya kahit wala ang parents niya noon ay naging masaya naman kahit papaano ang araw ng graduation niya.
Pero ngayon, wala ang Kuya Jerome niya dahil nasa Canada na ito, doon na kasi ito nagtatrabaho.
Gayunpaman ay hindi siya puwedeng malungkot dahil graduation niya. Siguro ay iisipin na lang niya ngayon na busy lang ang kaniyang mommy at daddy sa trabaho kaya hindi nakapunta. Secretary kasi ang kaniyang Mommy sa isang malaking kumpanya, at manager naman ang kaniyang Daddy sa isang five star hotel.
“At least may medalya naman ako kahit wala ang parents ko. Ano naman ngayon kung may pa-flowers sa kanila ang mga parents nila? Duh!” pagtataray na lang ni Andy sa kaniyang sarili at nilabas na lang ang kaniyang cellphone.
She just took a selfie and uploaded her photos to her social media accounts. In less than five minutes, her post was immediately showered with comments full of 'congratulations' and praise for the medal she received.
Kahit papaano ay nawala ang lungkot ni Andy at lumabas na ng school para sana umuwi na dahil wala na rin naman siyang gagawin pa sa school, tapos na ang graduation at natanggap na niya ang kaniyang mga medalya with highest honors.
Ngunit paglabas ni Andy sa gate ng school, nagulat pa siya dahil sa biglang pagsulpot ng puting kotse sa harap niya na kamuntikan pa siyang mahagip kundi lang siya mabilis na nakaatras sa kaniyang hulihan. Nabigla man siya, pero agad naman nagliwanag ang mukha niya nang makitang kotse pala iyon ng kaniyang Mommy.
“Mommy!” natutuwa niyang pagtawag sa kaniyang Ina at agad na napaalis ang lungkot sa kaniyang mukha kanina.
Pero imbes na lumabas sa sasakyan ang kaniyang mommy ay binusinahan lang siya nito na para bang sinasabing pumasok na lang siya sa loob ng kotse. Kaya naman mabilis na lang tumakbo si Andy paikot sa kabila at binuksan ang pinto ng kotse.
“Mommy, akala ko po hindi kayo darating,” masaya niyang wika pagkaupo sa front seat. Pero muntik na siyang mapasubsob sa unahan nang bigla na lang pinatakbo ng kaniyang Mommy ang kotse kahit hindi pa siya nakaupo nang maayos.
Napasimangot na lang si Andy at mabilis na lang kinabitan ng seatbelt ang kaniyang sarili.
“Mommy, masaya po ako na dumating kayo kahit tapos na ang graduation. Salamat pa rin po sa pagpunta!”
Hindi siya sinagot ng kaniyang mommy at naka-focus lang ito sa pagmamaneho.
Nakangiti nang hinawakan ni Andy ang lahat ng mga medals na nakasabit sa leeg at bahagyang itinaas para ipakita. “Mommy, look, I have medals again po. With the highest honors!”
Ngunit imbes na papuri ang matanggap, hindi niya inaasahan ang makukuha kong sagot mula sa kaniya mommy.
“Nabebenta ba ’yan? Mahal ba ang presyo niyan? Wala akong nakikitang nakakatuwa sa medalyang ’yan para ipagyabang mo sa akin, Andy!”
Unti-unting naglaho ang kaniyang ngiti sa sagot nito.
What else did she expect? Ganito na talaga ang kaniyang mommy kahit ano pang achievement ang kaniyang matanggap, never naging proud sa kaniya. Pero pagdating sa dalawa naman niyang kapatid, kina Melis at Claresse ay hindi naman ito ganito, katunayan ay sa private school pa nga pinapaaral ang dalawang ’yon, hindi katulad niya na sa public school lang. Pero ayos lang naman sa kaniya kahit gano’n, hindi naman big deal kahit sa public school lang siya pumapasok, at least nakakapag-aral pa rin naman siya nang maayos.
“Nga po pala, mommy, naisip kong BS Biology na lang po ang kukunin kong kurso. At gusto ko po sana sa Lerem University na lang ako papasok for college. Doon kasi namin napagkasunduan ng mga friends ko.”
Sa sinabi ni Andy ay bigla na lang natawa ang kaniyang mommy, isang klase ng tawa na hindi natutuwa.
“Ano’ng sabi mo? Lerem University? Alam mo ba kung magkano ang tuition fee sa school na ’yon?”
Napatikom ang bibig ni Andy at napakagat sa kaniyang ibabang labi. “Uhm, gano’n po ba, mommy? Sige po kahit sa ibang school na lang po kung saan mas mura ang tuition fee—”
“No. Hindi ka na mag-aaral ng college. Magtatrabaho ka na.”
Nagulat si Andy at biglang natahimik. She looked at her mom, pero naka-focus lang ito sa pagda-drive at mukhang hindi nagbibiro sa sinabi nito.
“A-ano pong ibig niyong sabihin, mommy?” Napalunok na siya sa kaba.
“Ngayong nakapagtapos ka na ng highschool, oras na para bayaran mo ang mga ginastos ko sa ’yo.”
Umawang ang labi ni Andy, parang hindi na makapaniwala sa narinig.
“A-ano po? P-pero bakit naman po k-kailangan kong magbayad?”
Ngumisi ang kaniyang Mommy at tinapunan pa siya ng masamang tingin bago muling sinagot.
“Dahil sarili kong pera ang ginastos ko sa pag-aaral mo, Andy. At ngayong nasa tamang edad ka na para magtrabaho, gusto kong bayaran mo na ang lahat ng mga ginastos ko sa ’yo. Magtrabaho ka kay senyora Felia, sa boss ko, naghahanap siya ng tagalinis at tagaluto sa mansyon ng kaniyang anak. Nirekomenda na kita sa kaniya, at ngayon din sa araw na ’to ay ihahatid na kita sa kanila para makapagsimula ka na sa trabaho mo.”
Bumuka-sara ang bibig ni Andy, parang humapdi bigla ang kaniyang mga mata. Hanggang sa marahas na siyang umiling. “H-hindi. Hindi po puwede ’yang gusto niyo, mommy! Hindi po ako puwedeng huminto sa pag-aaral ko—”
“Shut up! Hindi ka puwedeng umangal sa kung ano ang gusto ko! Hindi ka puwedeng mag-college hangga’t hindi mo nababayaran ang mga ginastos ko sa ’yo sa academy! Ten million in total, including what I spent on you in elementary school!”
Hindi na napigilan pa ni Andy ang kaniyang emosyon at tuluyan nang napaiyak. Ten million? How come? Ni bagong damit nga bihira siya bilhan dahil puro pinaglumaan na damit lang ang natatanggap niya galing sa kaniyang dalawang kapatid. At hindi rin naman siya sa private school nag-aaral. Kaya paano umabot ng sampung milyon ang mga ginastos sa kaniya? Baka nga kahit Isang milyon ay wala pa.
“Bakit po kayo ganiyan sa akin, mommy? Para naman pong hindi niyo ako anak niyan.”
“Stop the drama, Andy! Even if you cry blood in front of me, I won’t change my mind. Ang utang ay dapat binabayaran. Kaya bayaran mo lahat ng pinagpaaral ko sa ’yo mula elementary hanggang highschool. Pasalamat ka na nga hindi na kita pagbabayarin pa sa mga pagkaing pinakain ko sa iyo simula pagkabata at sa mga gatas na ginastos ko sa ’yo.”
Lumakas na ang paghikbi ni Andy. “Napakalupit niyo naman po sa akin, Mommy. Hindi naman po kayo ganiyan kina Melis at Claresse!”
Hindi na sumagot pa ang kaniyang Ina at napangisi lang ito.
Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ni Andy sa buong biyahe. Hanggang sa huminto na ang kotse sa harap ng gate ng kanilang bahay.
“Bilisan mo, mag-impake ka na agad at nang maihatid na kita kay senyora Felia. Huwag ka nang mag-drama pa dahil wala ka rin naman magagawa kundi sumunod. Mas mabuti nang magtrabaho ka para sa sarili mo, hindi ’yong puro ka na lang asa sa amin. Palamunin!”
Naiiyak na lang lumabas si Andy ng kotse at tumakbo papasok ng gate.