CHAPTER 1

1195 Words
HINDI mapakali ang sekretaryang si Melinda sa loob ng kaniyang opisina. Panay ang pagtunog ng kaniyang cellphone pero hindi niya magawang sagutin ang tumawag, dahil alam na niya kung ano ang sasabihin nito sa kaniya. Natatakot siya na pagbantaan na naman nito dahil sa hindi niya pagbayad ng kaniyang utang sa sugal na nagkakahalaga ng limang milyon; nabayaran na niya ang isang milyon dahil isinanla niya ang kanilang bahay nang lingid sa kaalaman ng kaniyang asawa. Pero hindi pa sapat ang binayad niya dahil may natira pang limang milyon. At ngayon ay due date na para mabayaran lahat ng buo, pero hindi niya na alam kung saan na siya kukuha ng gano’n kalaking halaga lalo na’t may loan pa siya sa kumapanyang pinagtatrabahuhan niya ng tatlong milyon, at paunti-unti pa lang binabawas sa sahod niya. Hindi siya makabayad agad sa mga utang lalo na’t sa private school din niya pinapaaral ang kaniyang dalawang anak, at hindi naman gano’n kalaki ang halaga na sinasahod ng kaniyang asawa bilang isang manager sa hotel na pag-aari rin ng mga Arcazshde, sapat lang ang sahod nito sa buwanang bills at mga gastos sa kanilang bahay. “Tama! Si Andy, kailangan ko na siyang isakripisyo para makabayad ako sa mga utang!” balisang-balisa nang wika ni Melinda habang palakad-lakad sa loob ng kaniyang opisina. Kahapon ay narinig niya ang chairwoman na pinag-uusapan ang paghahanap ng panibagong katulong para ipadala sa anak nitong may sakit. Alam niya kung ano’ng uri ng sakit meron ang anak nito at kung ilan na ang mga naging biktima nitong babae man o lalaki. Matagal na siya nagtatrabaho sa Arcazshde Power Holdings Corp., ang kumpanya ng mga Arcazshde. Mula nang maka-graduate siya ng college ay namasukan na siya bilang secretary sa kumpanya, hanggang sa nakapag-asawa siya at nagkaroon ng dalawang anak ay secretary pa rin siya ng mga ito. Kaya tiwalang-tiwala na sa kaniyang ang chairwoman ng kumpanya na si senyora Felia, lalo na’t madalas ay siya ang pinapalinis ng mga kalat ng anak nito para hindi mapalabas sa media at makarating pa sa mga pulis. Dalawang kotse na rin ang naibigay nito sa kaniya bilang regalo, pero naibenta na niya ang isa at nakasanla ang isa. Mahigpit naman ang senyora pagdating sa usaping utang, dahil hanggang tatlong milyon lang ang kaya nitong ipautang sa kaniya, at hangga’t hindi niya nababayaran ay bawal pa siyang mag-loan ulit. Pero ngayon ay kailangan niya ng pera, at kung kailangan niyang magsakripisyo ay gagawin niya basta huwag lang mapahamak ang kaniyang pamilya sa mga pinagkakautangan niya sa casino. “Sige, Andy, ibebenta na lang kita. Bahala na magalit sa akin si Randolph, hindi ka naman namin totoong anak. Ang mahalaga ay makabayad ako sa mga utang ko sa casino.” Nagmamadali nang lumabas si Melinda ng kaniyang opisina at nagtungo sa mansyon ni senyora Felia Arcazshde. Mula sa Mandaluyong, bumiyahe siya papuntang sa Batangas Lipa kung saan naroon ang mansyon ni senyora Felia. Halos dalawang oras din ang kaniyang biniyahe bago niya narating ang mansyon. Dali-dali siyang bumaba ng kaniyang kotse at papasok na sana ng mansyon pero napahinto siya sa pinto nang masaksihan ang kaganapan na nangyayari sa loob. “Parang awa niyo na po, senyora, dito lang po ako! Huwag niyo po akong ipadala sa anak niyo!” umiiyak na pagmamakaawa ng isang nasa mid-20s na katulong. “Babayaran ko ang pamilya mo ng dalawang milyon kung pagsisilbihan mo ang anak ko!” sagot ng sopistikadang ginang sa nakaluhod na katulong. Ngunit marahas pa ring umiling ang katulong. “Hindi ko po kailangan ng milyon, senyora. Ayos na po ako sa halaga ng sinasahod ko inyo, basta huwag niyo lang po akong ipadala sa anak niyo! Maawa po kayo!” pag-iyak pa rin nito at pagmamakaawa. Ang ibang mga katulong sa paligid ay nakatayo habang nakayuko, mababahid din ang takot sa mukha ng mga ito at panginginig. Takot na takot ang mga katulong dahil alam na ng mga ito ang mangyayari sa kanila oras na maipadala sa anak ng senyora. “Sige na, dalhin niyo na siya sa anak ko!” utos ng senyora na hindi man lang naawa sa umiiyak na katulong. Lumapit na ang dalawang lalaki at kinaladkad na ang katulong palabas ng mansyon para ihatid na ito sa batang amo. Panay pa ang pumiglas nito at pag-iyak, pero hinampas ng isang lalaki sa may leeg, kaya nawalan ito ng malay at isinakay na sa kotse. “Sige na, magsibalikan na kayo sa inyong mga trabaho! Tandaan niyo, oras na hindi niya itikom ’yang mga bibig niyo, buhay ng mga pamilya niyo ang kukunin ko! Maliwanag ba?!” “M-maliwanag po, senyora,” nanginginig na sagot ng mga katulong at nagsibalikan na sa kanilang mga trabaho. Pumasok na si Melinda nang may munting ngisi sa labi. “Magandang tanghali, senyora,” magalang niyang pagbati. Senyora ang tawag niya kapag wala sa kumpanya, at chairwoman naman kapag nasa kumapanya sila dahil iyon ang gusto nito. “Oh, Melinda, ikaw pala. Ano’ng kailangan mo?” salubong sa kaniya ng senyora nang makita siya. “Senyora, kung wala na kayong mahanap pang babae para ipadala sa inyong anak, ibibigay ko na lang sa inyo ang anak ko basta bayaran niyo lang ako ng tamang halaga,” walang paligoy-ligoy niyang sagot dito. Napahinto ang senyora at bahagyang natawa. “Sigurado ka? Ipagkalulo mo ang sarili mong anak sa akin dahil lang sa pera?” Pasimpleng ngumisi si Melinda. “Hindi ko naman po siya anak kundi ampon lang namin ng asawa ko. Matagal-tagal na rin akong nagtitiis sa batang ’yon, gustong-gusto ko nang palayasin pero ayaw ng asawa ko. Kaya sana maintindihan niyo ako, senyora. Nakakapagod na rin mag-alaga ng hindi ko naman sariling anak; dagdag palamunin lang sa bahay.” Tumango-tango na ang senyora at sandaling napaisip, hanggang sa sumilay na rin ang ngisi sa labi nito. “Mukhang hanggang ngayong linggo lang ang itatagal ng katulong na ’yon sa anak ko. Kaya mahihirapan akong maghanap muli ng ipapalit. Magkano ba ang kailangan mo?” Parang gustong matalon ni Melinda sa tuwa dahil sa tanong ng senyora. Suwerte, mukhang mababayaran na yata niya ang kaniyang mga pinagkakautangan! “Sampung milyon po, senyora, at sa inyo na ang anak-anakan kong si Andy. Maganda siya, makinis, at mas bata kumpara sa katulong kanina. Siguradong magugustuhan siya ng inyong anak. Kapag binili niyo siya sa akin sa halagang sampung milyon, wala na akong pakialam pa kahit ano’ng gawin niyo sa kaniya. Buong puso kong ibibigay sa inyo ang kaniyang buhay.” Muli ay marahan na tumawa ang senyora, tumango-tango at naupo sa couch. “Sige, kung kaya mong ipagkalulo ang ampon mo, babayaran kita ng sampung milyon. Basta kung ano man ang mangyari sa kaniya, dapat ay wala ka nang pakialam pa. Dahil oras na makialam ka, alam mo na ang kahahantungan mo at ng buong pamilya mo.” Mabilis na tumango si Melinda at malapad na ngumiti. “Naiintindihan ko po, senyora. Makakaasa po kayo na wala na akong pakialam pa oras na maibigay ko sa inyo ang aking ampon.” “Kung gano’n, dalhin mo na siya sa akin bukas na bukas din.” “Masusunod po, senyora!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD