It was past nine o'clock when Andy and Stanley got home from their date. Ngayon ay nakahiga na si Andy sa kaniyang kama pero hindi naman siya mapakali, ayaw siyang dalawin ng antok dahil binabagabag siya sa mga nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na nasagot niya si Stanley nang wala sa oras. Gayunpaman ay hindi naman siya nagsisisi, dahil aminin man niya o hindi ay kinikilig naman siya sa kaniyang pagsagot at masaya siya. Pero ngayong nakakapag-isip na siya ng maayos, hindi na niya mapigilan ang mapaisip kung paano na bukas. Paano na niya haharapin si Stanley? Anong pakikitungo na ang gawin niya rito? Sila na kaya? Sa totoo lang ay parang nahihiya na yata siyang harapin ito. “Please, matulog ka na, Andy. Isipin mo na lang na hindi mo siya nasagot,” kausap niya sa kaniyang sarili pa