HAPONG-HAPO si Andy nang makabalik sa kaniyang kuwarto mula sa pagtakbo galing sa kuwarto ni Dreco. Napasandal siya sa nakasaradong pinto at natulala ng ilang sandali habang habol ang kaniyang paghinga. Wala sa sarili siyang napahaplos sa kaniyang ibabang labi. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin ang labi ni Dreco sa kaniya, dahil parang ramdam niya pa rin ang malambot nitong labi na humahalik sa labi niya. Iyon ang unang pagkakataon na mahalikan siya sa labi, kaya talagang nagulat siya. Hindi niya alam na gano'n pala ang pakiramdam ng mahalikan sa labi, ibang-iba kumpara sa simpleng halik lang sa pisngi. Pero hindi siya makapaniwala na nagawa siyang halikan ni Dreco nang gano'n, hindi lang simpleng halik kundi sa labi mismo at sinipsip pa ang ibabang labi niya. “Hindi. Hindi maaari, um