Naiwan si Andy mag-isa sa loob ng bedroom at muli na lang nilibot ang tingin sa buong paligid. Maayos naman at maganda, may isang lampshade sa ibabaw ng bedside table, at may isang maliit na chandelier na nakasabit sa ceiling sa bandang gitna. Maganda ang design ng kisame, may tatlong painting sa pader, at may isang wall clock, may isang flat screen TV din sa may bandang baba. Nakita niya rin ang kaniyang bagahe na nakalagay sa isang sulok.
Muli na lang nahiga si Andy sa kama dahil sobrang sakit pa ng kaniyang likod para kumilos pa. Hindi niya alam kung sino ang humampas sa kaniya kanina pero sobrang lakas, katunayan ay dumura siya ng dugo at nawalan ng malay. Masuwerte lang at mukhang hindi naman nabali ang kaniyang backbone.
Sa kaniyang pagpapahinga ay tuluyan na siyang nakatulog. Nang magising ay nakita ni Andy may isang tray na ng pagkain sa ibabaw ng bedside table at isang baso ng tubig. Nakaramdam naman siya agad ng pagkagutom lalo na’t mukhang masarap ang ulam. Kaya naman marahan na siyang bumangon at tahimik na kinain ang pagkain sa tray.
Nang matapos kumain, kahit papaano ay parang bumalik ang dating lakas ni Andy nang mabusog. Pero masakit pa rin ang kaniyang likod kapag gumagalaw siya.
Gayunpaman ay lumabas pa rin siya ng room dala ang kaniyang pinagkainan. Pero paglabas niya ay hindi na niya alam kung saan banda ang kitchen. Naligaw na siya sa sobrang daming pasikot-sikot sa loob ng kastilyo. Hanggang sa sa wakas ay nakita na rin niya ang stairs, kaya agad na siyang bumaba kahit panay ngiwi dahil kumikirot ang kaniyang likod.
Ngunit bago pa siya tuluyan makababa sa mataas na stairs ay napahinto na siya nang makita si Stanley sa baba, pero nagmamadali itong umakyat nang makita siya.
“What are you doing here outside? Didn’t I tell you to rest?” masungit nitong salubong sa kaniya pagkahinto sa kaniyang harap.
“Ah k-kasi, ilalabas ko lang sana itong pinagkainan ko. Nasaan ba ang kitchen?”
Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay inagaw na lang nito ang hawak niyang tray. “Go back to your room and rest.” Tinalikuran na siya nito at bumaba na dala ang tray.
Napatingin na lang si Andy sa likod ng lalaki. Napakatangkad nito, hanggang balikat lang siya.
Bumalik na lang si Andy sa taas. Pero bago pa niya marating ang kaniyang room ay napahinto siya nang may mahagip ng kaniyang mata sa kabilang banda na mabilis dumaan. Hindi niya nakita ng mabuti pero parang isang babae at nakasuot ito ng pang katulong na uniform.
Hindi niya mapigilan ang magtaka. Ibig sabihin ay may iba pa palang tao rito? Hindi lang siya ang magiging katulong dito kundi may iba pa? Kahit papaano ay parang nabawasan ng konti ang kaniyang mga pangamba at bumalik na lang sa kaniyang room.
“I was waiting for you.”
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may magsalita sa kaniyang pagpasok. Paglingon niya ay may isang lalaking naka-wheelchair pala ang nakapuwesto sa tabi ng pinto na pinagpasukan niya.
Natigilan si Andy at napatingin sa lalaki. Nakasuot ito ng royal blue silk long sleeve men sleeping gown. He has curly, slightly brown hair that adds charm to his appearance. His sunken, pointed eyes exude intensity and depth with a sharp gaze that seems to pierce through one's soul; they stand out due to their unique, deep, and mysterious dark gray color. Kung ’yong lalaking psychiatrist kanina sobrang kinis ng mukha, ito namang lalaki ay makinis din pero hindi maputi kundi moreno; dark handsome, at halatang nagkaroon ng balbas sa pisngi pero inahit lang kaya naging makinis. Short curly quiff naman ang hairstyle nito.
“What’s your name?” tanong na nito sa kaniya habang masama ang tingin.
“A-Andy.” Nautal pa siya sa pagsagot at dinambol na naman ng kaba. Mukhang ito na nga ang anak ng Senyora na pagsisilbihan niya. Hindi niya lang inaasahan na naka-wheelchair pala ito.
“And why are you here?” he asked her again, but the emotion didn’t change; his eyes were serious and sharp, and his forehead was still frowning.
“N-narito ako para pagsilbihan ang anak ng Senyora. Ikaw po ba ’yon?”
Ngumisi na ito. “Yes, it’s me. So, what can you do to serve me?”
Muli ay napalunok si Andy. “K-kahit ano k-kaya ko po.”
“Then how about opening the window and jumping down?”
“A-ano?” Andy’s lips parted in disbelief.
“Can you do that for me?”
She immediately shook her head. “Hindi naman po ako narito para magpakamatay.”
The man chuckled. “Yes, you’re here to die. Once Damon sees you here, he will surely torture you to death.”
“P-po? S-sino pong Damon?”
“Leave. Leave this place if you still love your life.”
Napalunok si Andy at medyo naguluhan. Bakit siya pinapaalis ng lalaking ’to? At kung ito ang anak ng senyora, then sino namang Damon?
“S-sigurado ka bang puwede akong umalis na lang dito?” she asked the man to make sure.
“Yes,” he answered her directly while looking at her seriously, watching her reaction and what to do next.
Muli ay napalunok si Andy. Hanggang sa inihakbang na niya ang paa niya para sana lumabas na sa pinto, pero napahinto siya nang maalala ang sinabi sa kaniya ng senyora na huwag na huwag siyang tatakas; at ’yong sinabi rin ng lalaking naghatid sa kaniya na iwasan niyang tumakas, dahil oras na tumakas siya ay ’yon na ang magiging kamatayan niya.
No way, hindi maaari. Baka isa lang patibong ang pagtataboy sa kaniya ng lalaking ’to! Hindi siya puwedeng makinig at baka kamatayan na pala ang naghihintay sa kaniya sa labas!
“Hindi. Hindi ako aalis dito!” Andy shook her head.
Sumilay na ang malademonyong ngisi sa labi ng lalaking naka-wheelchair.
“Well, prepare yourself for death. Good luck, then.” Matapos itong sabihin ’yon ay pinaandar na nito ang wheelchair palabas ng room.
Pero mabilis na humabol si Andy sa may pinto. “Wait!”
Napahinto ang wheelchair ng lalaki, pero hindi ito lumingon.
“I want to know your name, sir.”
“Dreco,” malamig nitong sagot at pinatakbo na muli ang wheelchair paalis.
Napatanaw na lang si Andy hanggang sa mawala sa paningin niya ang lalaki.
Napaupo na lang siya sa kama at natulala nang ilang sandali. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. May hindi tama, may mali. Natatakot siya at nababalisa. Sinong Damon? Dalawa ba ang anak ng senyora? At ’yong Damon na ’yon ang may sakit sa pag-iisip?