7

1976 Words
Chapter Seven Medyo okay na ang pakiramdam ko. Tuhod na lang ang iniinda ko pero kaya ko namang kumilos. Kagabi'y nagtungo si Nana Astrid at muli akong hinilot. Laking pasalamat ko sa matanda. "Good morning, Nana Astrid." Bati ko sa matandang inabutan ko sa sala. Nagmamando ito sa dalawang kasambahay kung saan ipapatong ang magandang vase. "Magandang umaga rin sa 'yo, Allegra. Kumusta na ang pakiramdam mo?" ani nito sa akin. Medyo nagulat pa ito na nagmano ako rito. "Mabuti na po. Salamat po sa inyo, Nana. Bumuti po ang pakiramdam ko dahil sa inyo." Napangiti ang matanda. "Nakahanda na ang breakfast. Halika na't kumain. Tulog pa si Xachary. Madaling araw na siya umuwi. Mukhang galing na naman nambabae." "Nambabae po? Nagiging babae po si Boss Xachary?" ani ko na takang-taka. "Hindi." Napakamot sa noo at napailing ang matanda. "Nambabae... ah, nakipaglandian sa mga babae sa club. Gano'n." "Masama po ba iyon, Nana?" "Aba'y oo! Masama iyon. Hindi tama na kung sino-sino ang nilalandi." "Dapat po'y isa lang?" "Oo. Dapat isa lang." "Kapag po lalandi ako ay isa lang? Pwede po sa inyo?" "Ineng, hindi gano'n iyon. Halika na nga't kumain muna." Hinawakan pa ako nito sa kamay at hinila patungo sa dining room. "Nana, ilang piraso lang po ang damit ko. Pwede ko po bang labhan?" "Marunong ka? Ilang piraso pa lang ang naisuot mo. Isama ko na lang sa labahan---" "Hayaan mo siyang maglaba ng damit niya, Nana Astrid." Putol ng kararating lang na lalaki sa sinasabi ng matanda. Nang lumingon ako rito ay bahagya pa akong natigilan ng makitang walang saplot pang-itaas ang lalaki. Agad kong tinakpan ang mata ko. "What are you doing, Allegra?" puna nito sa akin. "Wala kang saplot, Boss Xachary. Baka magkaroon ako ng kuliti." "What?" ani ng lalaki. "Hija, hindi ka naman namboboso. Ikaw talaga." "Nana, hindi po masamang tumitig sa lalaking walang saplot---" "May saplot ako, Allegra." Matigas na giit ng lalaki. Tumango-tango naman ako bago ko inalis ang palad na itinakip ko sa aking mata. "Wala namang masama kung walang saplot pang-itaas, Allegra." Tumango ako. "Naunawaan ko po, Nana. Makakatipid po pala ako sa bra kung gano'n." "Hoy! Ano iyang sinasabi mo? Gagaya ka?" Mali ba ang pagkakaintindi ko? "Don't you f*****g dare, Allegra. Ako lang ang pwedeng maghubad ng damit dito. Tsk. Hindi nakakaganda ang walang common sense." Umirap pa ang lalaki. "Hayaan mo... mukhang ikinulong ka sa bahay ninyo at hindi mulat sa mga bagay-bagay. Aagapay ako sa iyo, Allegra." In-tap pa ni Nana ang ulo ko. "Thank you, Nana Astrid." Naupo si Boss Xachary sa kabisera. "Coffee, Nana." "Sandali at ikukuha kita." Naiwan kami nito. Pasulyap-sulyap ako rito. Magulo ang buhok ng lalaki. "Damn, hangover!" inis na ani ng lalaki na napahilot sa sintido. Si Tiya Lita ay palaging may hangover. Mainit nga ang ulo no'n palagi kapag masakit ang ulo nito. "Gusto mo bang hilutin ko ang ulo mo?" tanong ko rito. Gumawi ang tingin nito sa akin. "No." Cold na ani nito. Dumating ang request nitong kape. "Nana, bakit nga po pala ako nakaupo rito? Hindi po ba't hindi naman ako bisita?" "Ah... Xachary, sagutin mo nga." Pasa na ni Nana sa lalaki. "Just f*****g eat, Allegra." "S-ige." Nagsimula akong kumain. Pasulyap-sulyap pa ako rito. "Nana, dumating na ba iyong mga ipinadala ni Diddy?" "Wala pa naman. Ano ba iyon?" takang ani ng matanda. "Clothes, Nana." "For you?" "For Allegra." Biglang natahimik ang paligid. Napangiti pa si Nana Astrid. "Thank you, Boss Xachary. Pero Nana, kailangan ko pa rin pong maglaba. Sabi ni Lola sa akin hindi raw dapat hinahayaan na matagal ang maruruming damit. Napapanis daw po kasi lalo na ang panty." Inihit ng ubo si Boss Xachary. Masakit na nga ang ulo tapos may ubo pa. "Napapanis ang panty?" aliw na ani ng matanda. "Sige, mamaya ay maglaba ka." "Nana Astrid, ipasabay mong ipalaba kay Allegra ang mga marumi kong damit para naman may silbi siya." Inubo na lang sana ito ng inubo. Ang sungit kasi. "O-kay po. Kaya ko naman po siguro iyon." Ngumiti pa ako saka nagpatuloy sa pagkain. After breakfast ay dinala na ako ni Nana sa laundry area. Honestly, hindi pa ako nakapaglaba sa tanang buhay ko. Hindi naman ako pinapakilos ni Lola. Kaya hindi ko alam kung paano magsisimula. Naka-oo na ako kay Boss Xachary. Baka isipin na naman no'n na feeling prinsesa ako rito. Hindi ako prinsesa. Kailangan kong kumilos. Makakatulong din naman iyong may ginagawa ako para matahimik kahit saglit ang utak ko. "Ito na ang mga labahan mo, Allegra." Si Ester ang naghatid no'n. Dalawang laundry basket ang kay Boss Xachary. Iyong sa akin ay dalawang damit, dalawang panty, at dalawang bra. "Ako na ang bahala rito. Salamat." Ngumiti pa ako pero irap lang ang naging sagot nito. Lumapit ako sa washing machine. Saglit kong tinitigan ang mga iyon. Marunong naman akong magbasa kaya kinuha ko na ang mga labahan. In-shoot ko ang lahat ng iyon sa washin machine. Mukha lang marami iyong nasa laundry basket ni Boss Xachary. Pero kasya naman iyon sa washing machine. May kailangan lang namang pindutin. Water level, wash, spin. Pinindot ko sa kung saan feeling ko'y okay na. Isinama ko na rin ang mga damit ko. Ilang saglit pa'y nagsimula na iyon na umandar. Kaso wala pang limang minuto ay malakas iyong pumutok. "Ahhh!" ani ko dahil sa gulat. Biglang bumukas ang pinto ng laundry area. "What happened?" iyon agad ang tanong ni Boss Xachary. Muli pang pumutok. Napatakip na lang ako sa tenga ko. Si Boss Xachary naman ay hinila ako palabas ng laundry area. "Ano iyong pumutok?" taranta ring tanong ni Nana Astrid. Sobrang tahimik ko. Hindi ako umimik dahil nanginginig ako. "Allegra?" tawag ni Boss Xachary. Naririnig ko siya pero para akong pipi na hindi makapagsalita. "Allegra!" Napakurap-kurap ako. "B-akit?" ani ko. "Bullshit! Hindi mo ba napapansin na pigil-pigil mo na ang paghinga mo?" sigaw nito sa akin. "S-orry po." Napayukong ani ko. Hindi ko iyon napansin. "Boss, sa saksakan pumutok." Bumaling ang tingin namin sa lalaking tauhan ni Boss Xachary. "Ako na po ang aayos." "Ah, iyong labahan ko po." Mahinang ani ko. "Ako na ang bahala roon." Prisinta ni Ester. Saka ito nagtungo sa laundry area. Pero wala pang ilang segundo roon ay narinig na namin ang pagsinghap nito. "Ma'am Allegra, ano pong ginawa ninyo?" ani ng babae na parang lumong-lumo. "B-akit po?" ani ko na kumawala sa pagkakahawak ni Boss Xachary. Hawak n'ya pa kasi ako sa magkabilang braso ko. Ako, si Nana Astrid, si Boss Xachary, at si Mirna ay nagpunta ng laundry area. "Anong nangyari sa mga ito?" ani ng babae. Iyong mga damit na may kulay ay parang nagmantsa na. "Nilagyan mo ba ng zonrox?" tanong sa akin ni Nana Astrid. Bawat hugot ng damit ay napapangiwi ako. Kaunting mantsa lang sa damit ko'y ipinapatapon na ni Lola. Tiyak na sa basurahan din ang bagsak ng mga iyon dahil hindi lang kaunti ang mantsa. "Hindi ko po nilagyan ng zonrox... hindi ko rin po alam iyon." "Aha! Itatanggi mo pa ito na ang ebidensya. Ako na lang sana ang naglaba. Sayang ang mga damit na ito. Mamahalin." "Forget it!" hindi ko alam kung nainis ba si Boss Xachary. Nag-walkout na kasi ito. "Ester, itapon mo na ang mga iyan. Allegra, halika na. Sa susunod ay tuturukan na lang kita." "Nana, I'm sorry po. Nakasira pa po ako ng damit at washing machine." "Aba'y hindi mo naman kasalanan. Halika na." Bagsak ang balikat na lumakad na rin ako palabas ng laundry area. Nagtungo ako sa bodega na pansamantala'y kwarto ko muna. Balak kong doon na muna dahil pakiramdam ko'y wala akong mukhang maihaharap sa mga tao rito sa mansion na ito. Nakahihiya kasi talaga. Humiga ako. Nakakaidlip na ako nang maramdaman ko na parang may gumapang sa bandang paanan. Nang tignan ko'y napabalikwas ako ng bangon. Daga. Daga iyon. Para pa kaming nagkatitigan. "Don't move... don't you dare!" ani ko. Naka-steady lang naman ang maliit na daga. Huminga ako nang malalim. What to do? I'm scared. Nang lumakad ito patungo sa akin ay napaatras ako. Paluin? Paluin ko ba? I don't know. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Saka ako tumakbo papunta sa pinto at binuksan iyon. "Go away!" pananaboy ko sa maliit na daga. "Go!" ani ko. Pero hindi pa rin ito umalis. "Alis ka na, baby rat!" nakikiusap pang ani ko. "I'm scared na." "Allegra?" takang ani ng tinig mula sa labas. Perfect timing din si Boss Xachary. Binuksan ko ang pinto. "Boss, pwede mo po bang hulihin ang daga?" nahihiyang tanong ko. "What?" ani nito. Itinuro ko ang daga. Wala pang isang minuto nang makita nito'y nakita ko na lang na may tsinelas nang lumipad. "Oh God!" ani ko nang makita kong tinamaan ang daga. "Oh God! You're so mean, boss!" ani ko. "Ha?" nalitong ani ng lalaki. "I think patay na siya. Ang sama mo, Boss Xachary!" "Me?" sabay turo nito sa sarili. "Pinatay mo iyong baby rat. Pinapalabas ko lang siya. Hindi ko sinabing patayin mo. Mamamatay daga ka." "At least ako daga lang ang pinatay ko... how about you?" tanong nito sa akin. Napakagatlabi ako. Tinignan ko ito na medyo naluluha dahil sa sinapit ng daga. "Wala akong pinatay, boss. Sa ating dalawa... ikaw lang ang masama. You're so bad. Bigyan mo ng proper funeral ang baby rat." Utos ko rito. "Unbelievable!" ani nito. "Please..." pumatak na ang luha ko. "f**k it! Ester! Mirna!" napaiktad na naman ako sa sigaw nito. Hindi ba uso sa taong ito na kalmado lang. Sa mansion namin ay si Tiya Esme lang naman ang palaging nakasigaw roon. Ilang saglit pa... nasa garden na kami. Naghuhukay si Ester ng lupa. Ako, si Nana Astrid, si Mirna, at si Boss Xachary, ay may hawak na bulaklak. Pinitas ko lang iyon sa garden at binigyan ang mga ito. Si Boss Xachary at si Mirna ay parehong inirapan ako. Si Nana Astrid ay natatawa. "Nana, bakit ka po tumatawag? May namatay po... may nakatatawa po ba?" takang ani ko. "A-h, wala naman. Pasensya ka na." Pinilit nitong pinaseryoso ang expression ng kanyang mukha. "Boss, okay na ito." Pukaw ni Ester kay Xachary. "Allegra, ilagay mo na." Utos nito sa akin. Umiling ako. "I didn't kill that rat, boss. Ikaw po ang maglibing sa kanya." "Why me?" nauubusan ng pasensyang tanong nito sa akin. "Because you killed the rat." Napahilot sa batok ang lalaki. Lumapit ito sa daga. Gamit ang paa ay itinulak niya ang pobreng daga sa hukay. Saka tinabunan agad ni Ester. "Hindi pa tayo nag-pray sa kanyang soul!" ani ko. Pare-parehong ibinato ng mga ito ang bulaklak na hawak nila saka sila umalis. Naiwan tuloy ako at si Nana Astrid. Iniihit na ang matanda sa pagtawa. Ako... naiyak. Naiinis ako. "Oh, bakit ka umiiyak?" ani ni Nana Astrid. "No'ng namatay si Lolo ay hindi ko po siya nakitang inilibing kasi wala pa po ako no'n sa mundong ito." "Malamang!" ani ng matanda. "No'ng namatay po si mommy... hindi rin nila ako pinayagang sumama---" "Sa mommy mo? Talagang hindi sila papayag." "Ngayon si Lola Esmerlita... wala na siya. Patay na po siya. Hindi ko rin po siya makikita sa huling hantungan niya." Napaupo na ako isinubsob ko ang mukha ko sa braso ko na nakapatong sa tuhod ko. Ang isang kamay ko'y hawak pa rin ang bulaklak. Umiyak ako. Naramdaman ko ang marahang paghagod ng matanda sa likod ko. "Tahan na, Allegra. Hayaan mo at ipagdarasal natin ang mga yumao. Ilagay mo na ang bulaklak sa puntod ng baby rat." Alo ng matanda. Sisinghot-singhot na ginawa ko ang sinabi nito. Inayos pa namin ang mga bulaklak. Nang mapaganda namin iyon ay pareho na kaming napangiti ng ginang. "Napakabuti ng puso mo, Allegra. Habang narito ka... aalagaan kita. Smile na, Allegra. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Ngumiti na ako sa matanda. "Tara na po, Nana Astrid." Yaya ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD