Chapter Eight
"Linisin ninyo ang bodega. Make sure wala ng dagang matitira. Hindi ko na gugustuhin pang um-attend ng panibagong funeral ng mga lintik na daga na iyan." Pagtapak pa lang namin ni Nana Astrid sa sala ay narinig na namin ang tinig ni Boss Xachary na nagmamando sa mga kasambahay. Nakahanay ang lahat at sa harap ni Boss Xachary.
Nang nag-walkout si Boss Xachary ay tinapik naman ako ni Nana Astrid.
"Balik na muna ako sa kusina."
"Sige po, Nana Astrid."
"Iyong mga gamit mo'y ilabas mo para makapaglinis sila. Ihiwalay mo na para hindi masama sa mga kalat sa bodega."
"Opo, Nana Astrid." Lumakad na ako papunta sa bodega. Iyong ibang kasambahay ay umalis. Mukhang kukuha muna ng mga gamit na panlinis. Habang si Ester at Mirna na ay sumunod sa akin.
"Tsk. Hindi ka prinsesa rito pero pagsisilbihan ka namin? s**t! Nakaka-disappoint na pagsilbihan ang mamamatay tao."
"Ah, t-utulong na lang ako." Prisinta ko.
"Huwag na! Baka tumagal lang ang trabaho dahil sa kapalpakan mo." Inirapan pa ako ni Mirna. Nang makapasok kaming tatlo ay sinimulan kong ilagay sa shopping bags iyong mga damit ko.
"Hindi mo ba napansin na nilagyan ko ng zonrox kanina iyong mga damit?" natigilan ako sa sinabi ni Ester.
"E-ster, bakit mo ginawa iyon? Bakit ninyo ako ginaganito?"
"Para ma-realize ng boss namin na hindi ka nararapat dito. Aalis ka rin soon... titiyakin namin ni Mirna iyan."
"Sasabihin ko kay Boss Xachary ang ginawa---"
"Sige lang. Magsumbong ka. Walang maniniwala sa 'yo rito. Saka kapag kami ay natanggal. Ipagkakalat namin sa labas na narito ka at ginawa mong taguan ang mansion na ito." Kumuyom ang kamao ko. Hindi talaga ako binibigyan ng options ng mga ito kung 'di magtiis lang sa kanilang mga ugali.
"I-lalabas ko na muna ang mga gamit ko." Mahinang ani ko bago ko binuhat ang mga iyon. May kabigatan pero kinaya ko naman.
Hindi ko na lang papatulan ang mga sinasabi nila.
Baka makita ko na lang ang sarili ko sa kalsada kapag magkagulo na naman.
Paliko na ako sa sala ng biglang humarang si Boss Xachary sa daraanan ko sana.
"Who is that, Xachary?" tanong ng lalaki sa couch. Balak ko sanang silipin pero humarang muli si Boss Xachary.
"Atras." Mariing utos nito. Ginawa ko naman. Umatras ako. Hinawakan nito ang braso ko. Nang hindi na kami kita no'ng lalaking nagtanong sa sala ay kinuha ni Boss Xachary ang mga dala ko.
Hinila rin ako nito patungo sa isang silid na sa tingin ko'y guestroom. Binuksan niya iyon at hinila niya ako paloob.
"B-oss?" ani ko.
"Hindi ka ba marunong mag-isip? May tao sa sala. Kapag nakita ka ay pati ako madadamay sa problema mo, Allegra." Inis na inis ang expression ng mukha nito.
"Po? B-akit ka naman po madadamay?"
"Wow! Hindi mo alam? Dahil sa pagpapatuloy ko sa 'yo rito ay pwede akong madamay sa krimeng ginawa mo. Masisira ang pangalan ko dahil possible na isipin ng mga tao na nagtago ako ng mamamatay tao rito."
"Pero hindi ako mamamatay tao."
"Sinong maniniwala sa 'yo? Nakita ka ng tiyahin mo na hawak ang kutsilyo habang nasa tabi mo ang lola mo. Nasa kutsilyo ang fingerprint mo. Ikaw ang nasa crime scene. Ikaw lang ang nakita roon."
"Hindi sabi!" ani ko. "Hindi ko pinatay ang lola ko. Hindi ako ganyang klase ng tao. Marami man akong hindi alam sa mundong ito... pero hindi ako marunong magsinungaling." Napasalampak na lang ako sa sahig habang umiiyak. "Mahal na mahal ako no'ng taong iyon... sa tingin mo ba'y kaya kong patayin iyong taong mas nagparamdam sa akin ng pagmamahal? I'm not a criminal. I'm not a murderer." Iyak ko.
Lumuhod ang lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang aking panga.
"Crocodile tears. Hindi ako uto-uto at mapaniniwala sa madrama mong kwento. Miss Murderer, narito ka sa mansion na ito dahil sa daddy mo. Kung hindi dahil sa kanya... never makatatapak sa bahay ko ang isang mamamatay tao." Masakit ang paghawak nito sa panga ko. Nang pakawalan niya iyon ay saka lang ako parang nakaginhawa.
Hinilot ko pa ang nasaktan kong panga.
"Stay here. Huwag kang pakalat-kalat sa mansion. Huwag kang tatanga-tanga."
Saka ito lumakad patungo sa pinto.
"B-oss!" tawag ko rito. Tumingin ito sa akin. Hawak na niya ang doorknob at bubuksan na sana niya ang pinto.
"What?" inis na tanong nito.
"M-ay butiki." Turo ko sa isang sulok ng pader.
"Damn it! Huwag mo na lang pansinin baka mapatay ko pa iyan." Tuluyan na nitong binuksan ang pinto at lumabas.
"Mga salita lang iyon, Allegra. Hayaan mo na muna sila. Darating din ang panahon na mapatutunayan mo sa kanila na inosente ka." Humiga ako sa kama. Nakaka-drain itong sitwasyon kong ito. Pero wala akong magawa kung 'di tahimik na umiyak. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan... iyong kasama ko pa si Lola. She's my protector. Awayin man ako ng mga pinsan at mga tiyahin ko ay may lola akong promoprotekta sa akin laban sa kanila.
Hindi na ako nakakain, gumabi na lang pero walang kumatok sa silid. Kumakalam na ang sikmura ko. Pero hindi naglakas ng loob na lumabas dahil ang inaalala ko'y baka nasa nasa mansion pa ang bisita ni Boss Xachary.
Sapo-sapo ko ang aking tiyan no'ng may nagbukas ng pinto.
Kumalat din ang liwanag sa silid kaya bumalikwas na ako ng bangon.
"Anong ginagawa mo, Allegra? Nagmamalaki ka?" inis na naman ito. Ano bang iniinom ng lalaking ito at ang lakas ng tama. Lagi na lang iyong inis at masungit.
"A-no na naman iyon, Boss Xachary?" naguguluhan na ako sa kasungitan nito.
"Hindi ka kumain. Ganyan ba ang way nang pagproprotesta mo?" ani nito.
"Protests? H-indi kita maintindihan, b-oss."
"Ipinatawag kita para kumain kaninang tanghali at kaninang hapunan. Pero hindi ka pumunta. Nagmamalaki ka?"
Nanulis ang nguso ko.
"Hindi naman po ako tinawag dito. Nagugutom na nga po ako. Sa tingin po ba ninyo hindi ako lalabas? Gutom na ako. Pakinggan ninyo." Saglit akong nanahimik sa pagsasalita. Tama namang tumunog ang tiyan ko. "Narinig n'yo po?"
Umirap ito.
"Ibig mo bang sabihin ay hindi nagpunta si Ester dito kahit na sinabi kong tawagin ka?" namilog ang mata ko.
Tiyak ngang hindi talaga ako nito tinawag para sabihan. Iyon pang Ester na iyon. May galit iyon sa akin. Pero hindi ko siya pwedeng ilaglag ay mabilis akong nagdahilan.
"Tulog siguro ako kanina. Hindi ko narinig ang tawag ni Ester." Tinitigan ako nito na wari'y nag-iisip.
"Let's go."
"Ha? Iyong bisita mo?"
"Kanina pang hapon nakaalis ang taong iyon." Agad akong sumunod doon.
"Natapos na ba iyong paglilinis sa bodega?" ani ko.
"Yes. Kanina pa."
"Okay. Balik na ako roon." Hindi sumagot ang lalaki. Nakarating kami sa kusina.
Binuksan nito ang ref at sinilip ang laman no'n.
"Walang tirang ulam kanina?"
"Hindi ko po alam."
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Masungit na ani nito. Nanlaki ang mata ko. Agad akong lumapit sa lalaki. Alam kong hindi ko siya pwedeng hawakan pero kahit man lang sa damit. Bahagya ko pang hinila iyon.
"What are you doing?" takang tanong nito.
"S-inong kausap mo, boss? May kausap kang hindi ko nakikita?"
"What? Crazy girl! Lumayo ka nga."
"I'll stay here. Sabi mo'y hindi ako ang kausap mo. Pwes, sino?"
"Oh God! Sarili ko, Allegra!" ani nito.
"Ah, sarili mo ba? Same pala kayo ni Tiya Esme."
"And who is that girl?" ani nito.
"Iyong Tiya Esme ko. Kapatid ni mommy ko. Nagsasalita iyon mag-isa. May kinakausap siya naman namin nakikita."
"Napagkamalan pang baliw. Damn it." Isinara nito ang ref. "Layo!" ani nito.
Dahil sa ref ang tingin nito nang sabihin niya iyon ay sumilip ako.
"Sinong pinapalayo mo d'yan? Nandyan ba iyong kausap mo?" tumayo na ng tuwid ang lalaki. Tumayo na rin ako ng tuwid.
"Ikaw ang pinapalayo ko."
"Ako? Eh, bakit ka kasi nakatingin sa ref? Pwede namang kausapin mo ako tapos sa akin ang tingin."
"Aba't sasagot ka pa?" inis na naman siya kaya umatras na ako. Sa pag-atras ko'y agad umangat ang kamay nito. Ipinatong sa ulo ko. Nang tumingala ako'y na realize ko kung bakit niya iyon ginawa. Muntik na akong mauntog sa corner ng cabinet. "Maupo ka na." Utos nito.
"Okay po." Tugon ko rito. Nang makaupo ako'y nangalumbaba na muna ako.
"Boss Xachary, friend mo iyong kanina?"
"Yeah."
"Bakit siya nandito? Na-miss ka niya?"
"Ha?" may mga inilalabas ito sa ref. Pero nakuhang tumingin sa akin.
"Na-miss ka niya kaya siya pumunta rito?" ani ko. Wala akong friend kaya curious ako kung ano ang reason ng isang tao kung bakit bumibisita sa bahay ng kaibigan.
"No."
"Ano pala?" tumingin ito sa akin. Umangat ang kilay.
"Tsismosa."
"Ha? Ani iyon?"
"In english... stupid." Napabuntonghininga ako.
"Sorry. Marunong akong magbasa at magsulat. Pero hindi ako matalino. May mga salita ako na hindi alam. Buong buhay ko kasi'y nasa mansion lang ako. Ilan lang din ang nakakasalamuha ko."
"Kaya mo ba pinatay ang Lola mo?"
"Po?"
"Pinatay mo siya dahil gusto mong lumabas ng mansion na iyon?"
"Hindi ko siya pinatay, boss. Paulit-ulit ka. Para kang panty ng yaya ko. Paulit-ulit."
"Disgusting!" ani ng lalaki. Nagsimula itong magluto.
"Iyong friend mo, boss, marami na bang napuntahan iyon?"
"Why? Type mo?"
"Ano po iyong type?"
"Gusto mo iyong kaibigan ko?"
"Hindi ko po alam."
"What?" natigil ito sa ginagawa niya at napatingin sa akin.
"Hindi ko po alam. Hindi ko po kasi siya nakita kanina."
"Oh! Okay." Bumalik ito sa kanyang ginagawa.
"Kung mabait po siya... pwede kami maging friend. Pero kung katulad mo po na mapanghusga, matalas ang dila, palaging nakasigaw, irap nang irap, masungit, at mainit ang ulo... kahit po huwag na lang po akong magka-friend."
"That's it! Pinaglulutuan ka na ng pagkain. Puro negative pa ang sinasabi mo sa akin." Nanulis ang nguso ko.
"Bawal pong maging honest?"
"You know what... just shut your mouth. It's so annoying."
"Okay po." Lumipas ang ilang minuto.
"Gusto mo ba ng sweet spaghetti?" tinakpan ko ang bibig ko. Sumulyap ito sa akin. "I'm asking you... gusto mo ba ng sweet spaghetti?"
Tumango ako habang nakatakip sa bibig ang palad.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" inis na naman po siya.
"Pwede na po ba?" inosenteng tanong ko rito.
"Damn it!" ani nito na nagdabog pa.