1
"I want your body... just your body." Seryosong anas ni Xachary na nakatitig sa akin.
"Bakit? A-swang ka ba?" takot na ani ko.
"What the f**k?" hindi makapaniwalang ani ng lalaki. Gusto raw niya ang katawan ko... iyong laman loob ko rin ba?
Chapter One
"Ganyan ba dapat ang upo ng isang Romaffi?" angat ang kilay ng istrikta kong tiyahin. Automatic na napaayos ako ng upo. Mahinhing ding ngumiti sa ginang na kararating.
"Magandang gabi po, Tiya Lita." Magalang na bati ko rito.
"Ganyan ba ang tamang pagbati? Nagiging tamad ka, Allegra?" dali-dali akong tumayo. Bahagya pang hinilot ang tela ng aking bistida at tumayo ng tuwid.
"Magandang gabi po sa inyo, tiya." Sabay yukod ng bahagya sa ginang na may mga bitbit na shopping bags.
"Whatever! Nasaan ang ama mo?"
"Wala po si daddy. Nasa farm po. Kanina po nagpa-harvest na siya ng mais kaya hindi raw po siya uuwi." Tugon ko sa tanong ng aking tiyahin. Lumakad ito't pabagsak na naupo sa couch.
"Ang Lola mo?"
"Umakyat na po sa kanyang silid, Tiya Lita. Masakit daw po ang ulo kaya nauna na sa siyang nagtungo sa kanyang silid."
"What's that?" turo nito sa bandang leeg ko. Kinapa ko naman ang suot kong kwintas na galit kay lola.
"Bigay po ni lola, Tiya. Paborito raw po itong kwintas ng aking ina at ipinasuot ni Lola sa akin." Umismid ito.
"Akin na lang iyan, Allegra. Mas bagay sa akin iyan. Masyado ka pang bata para magsuot ng mga ganyang alahas. Masyadong malaki ang bato." Napahawak ako sa pendant at itinago ko sa palad ko ang kulay pink na bato na naroon.
"Tiya, kay mommy raw po ito."
Inis na tumayo ang ginang. Matalim ang kanyang titig sa akin. "Ibibigay mo o paluluhurin kita sa asin?"
"Tiya, kabilin-bilinan po ni Lola na pakaingatan ko---"
"At ako? Hindi ko kayang ingatan? Iyon ba ang ibig mong sabihin, Allegra?"
"H-indi naman po. Pero mahalaga po kasi ito sa akin, Tiya. May iba pa po akong alahas sa silid. P-wede po kayong pumili roon." Naiiyak na ani ko.
"Talaga?"
"O-po." Tugon ko rito.
"Okay. Kukuha ako sa kwarto mo." Tumayo na ito at dumeretso na ng panhik ng hagdan. Napasunod tuloy ako ng wala sa oras. Okay lang naman sa akin iyon. Namulat ako sa mundong ito na nasanay na sa kanila. Kasi kung ano raw ang akin ay dapat i-share ko sa kanila.
Damit, sapatos, at alahas. Kahit nga iyong sasakyan na regalo sa akin no'ng ikalabing walong kaarawan ko'y ginagamit din nila.
Ayos lang. Hindi ko rin naman kasi iyon ginagamit. Hindi naman ako umaalis ng mansion na ito. Sa aming magpipinsan, ako lang iyong nakakulong sa mansion na ito. Habang ang mga pinsan ko'y malayang nalilibot ang mundo.
Dito lang ako. Pati pag-aaral ko'y rito rin. Nalilibot ko lang ang mundo sa kwento ng mga yaya at tauhan dito sa mansion.
Pagpasok namin sa silid ko ay agad itong pumasok sa walk-in closet. Deretso sa lagayan ng mga alahas na madalas talaga nitong bisitahin.
"Akin na lang ito o hiram?" tanong nito habang hawak ang isang set ng alahas na galing sa Lola ko. Regalo niya sa akin no'ng 18th birthday ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Akin na lang. Para hindi mabawi ay hindi ko na lang ipapakita sa Lola Esmerlita mo." Iyong mga kinukuha nilang gamit, once nakita ni Lola ay siya mismo ang bumabawi kaya naibabalik pa sa akin. Ngayon ay nakaisip na ito ng taktika para manatiling sa kanila na iyon. "Oh, masama yata ang loob mo? Ayaw mo bang ibigay sa akin ito?"
"Ah, a-yos lang po. Iyo na po."
"Very good naman talaga ang aking pamangkin. Mabuti ka pa'y hindi madamot. Good girl ka d'yan." Niyakap na niya ang kahon ng alahas na nais niya. Lumapit sa akin at humalik pa sa pisngi ko. Napangiwi ako sa amoy nito. Amoy alak. Amoy sigarilyo.
Nang lagpasan na ako nito at tunguhin ang pinto ay nilingon ko pa ito't pinanood sa paglabas ng silid.
Para siyang si mommy. Sa pananamit, style ng buhok, at make-up.
Well, hindi naman dating ganito si Tita Lita. Medyo old style ang hilig nito noon. Mas matanda ang mommy ko rito, pero mas magandang magdala ng kasuotan ang aking ina. Nang mawala si mommy ay roon ko simulang napansin na nagbago ng style si auntie. Ang ganda-ganda nito.
Medyo mahilig nga lang sa alak at sigarilyo na never atang nagawa ng mommy ko.
Napabuntonghininga ako. Nagpasya akong magbihis na ng damit pantulog. Late na rin naman. Tiyak na hindi matutuwa si Lola kapag may eyebags ako bukas.
Pero kahit nakapagbihis na't nakahiga na sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Nang tignan ko ang orasan ay alas-12 na.
8:30 pm pa nga lang ay dapat tulog na ako. Pero hindi ko alam kung bakit hirap akong makatulog ngayon.
"One sheep, two sheep..." nakapikit na ako habang nagbibilang. Pero nang makaabot ng fifty ay dumilat ulit ako. Sobrang alinsangan ng gabing ito. Iba ang gabing ito sa mga nagdaang gabi.
Mabilis lang akong makatulog basta nasa higaan na ako. Pero ngayon... pinipilit ko naman ngunit hindi talaga ako makatulog.
Nagpasya akong bumangon na. Pakiramdam ko kasi'y walang mangyayari kung hihiga lang ako't hahayaan na ganito na lang. Binitbit ko ang unan at ang kulambo na ginagamit ko sa aking paa saka ako lumabas ng silid at tinahak ang silid ng aking Lola.
Tiyak na tulog na iyon. Nang pumasok ako ay nakumpirma ko ang aking hinala. Kaya naman dahan-dahan na lang akong nagsara ng pinto at lumapit sa kama ni Lola.
Ingat na ingat din ako nang sumampa sa kama at tumabi rito. Naramdaman pa rin yata nito ang paglundo ng kama. Nang makahiga ako ay niyakap ako nito.
Nang maramdaman ko ang init ng yakap ng pinakamamahal kong Lola ay unti-unti na rin akong dinalaw ng antok. Ito ang way ko kapag hindi ako makatulog. Parang may magic ang yakap ni Lola. Yakapin lang ako nito ay mapapanatag na ang katawan ko't isipan kaya nakukuha kong matulog.
--
Paggising ko'y nakasimangot na mukha ni Lola ang bumungad sa akin. Agad akong ngumiti at bumati rito.
"Magandang umaga, Lola." Pero umismid ito.
"Iyan ka na naman, Allegra. Nandito ka na naman. Hindi ka na naman nakatulog nang maaga kagabi?" ani nito sa akin.
"Opo, Lola. Nagbilang naman ako ng sheep pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Kaya lumipat ako rito."
"Tsk. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa ganyan, hija. Sinabi ko naman sa 'yo na kung hirap kang matulog ay hindi solusyon ang paglipat lagi rito sa kwarto ko. Ikaw talagang bata ka! Dalaga ka na. Kapag nawala ako'y paano ka kapag hindi ka makatulog?" pinamulagatan pa ako ng mata ng matanda.
"Sama mo na lang ako, la."
"Siraulo ka talaga! Bumangon ka na't lumipat ng silid. Hindi na ito mauulit, Allegra." Ang nguso ko'y nanulis dahil sa sinabi nito.
"Lola, bakit naman po? Ang sarap kayang matulog sa tabi mo."
"Kahit pa gaano kasarap. Hindi na ito dapat na maulit. Gusto kong matuto kang maging independent." Alam ko naman na maganda ang reason ni Lola. Pero sa mansion na ito kasi... sa mga bisig niya ang safest place ko.
"Pero---"
"Wala ng pero-pero! Balik sa kwarto mo!" bitbit ang unan at kulambo ay sinunod ko na lang ang gusto nito. Pagbalik ko sa kwarto ay nakasalubong ko pa ang isa kong tiyahin na may yakap na manika. Siya si Tita Esme. Siya ang pinakainiiwasan ko sa mansion na ito ngunit ito't nakasalubong ko pa sa hallway. Nang makita ako nito'y agad niya sa aking ibinato ang manikang yakap lang niya kanina. Sapol ako sa braso dahil iyon ang ipinangsangga ko para hindi tamaan ang mukha ko.
"Tiya Esme!" ani ko rito.
"Ang pangit mo! Ang pangit mong bata ka!" umatras ako nang humakbang ito palapit sa akin. Pero mabilis na nitong naputol ang distansya. Tatakbo pa sana ako pabalik sa kwarto ni Lola pero nahila na nito ang aking buhok.
"A-ray!" ani ni ko. Nawalan din ako ng balanse dahil sa ginawa nito. "Tiya, masakit po!" naiiyak na ani ko. Dinaganan pa ako nito'y gigil na hinila ang buhok ko. Hindi ko ito pwedeng labanan. Hindi okay si Tiya Esme, may problema ito sa pag-iisip. Sa akin lang naman ito agresibo. "Lola! Lola, si Tita Esme!" iyak kong tawag sa lola ko. Bumukas ang pinto ng silid ni Lola at agad lumabas doon ang matanda.
"Esme!" sigaw ni Lola nang makita niya ang ayos naming magtiyahin.
Dahil sa sakit nang sabunot at pagkakabagsak ay naiyak na lang ako.
I love Tiya Esme. Kaya kapag ganito siya ay imbes magalit ay naiiyak ako. Awang-awa kasi ako sa kanya. Nagkaganito siya simula no'ng mawala ang mommy ko at magloko ang asawa niya. Agad namang umalis si Tiya Esme sa likuran ko kaya nakuha kong bumangon at tumakbo patungo sa likuran ni Lola. "Esme?"
"Pangit siya! Ayaw ko sa pangit! Pangit! Pangit mo!" dinampot nito ang manika saka tumalikod at umalis.
Humarap sa akin si Lola at mahigpit akong niyakap.
"I'm sorry, princesita. Napag-initan ka na naman ng tiyahin mong iyon."
"O-kay lang po, Lola. I love Tiya Esme po. I understand naman po ang sitwasyon niya."
"Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo. Bilinan mo si Walla na huwag kang hayaang mag-isa sa mansion para in case na magsanga na naman ang landas ninyo ni Tita Esme mo ay hindi ka malapitan."
"Opo, Lola. Punta na po ako sa kwarto ko." Dinampot ko ang nahulog na unan at kulambo saka dali-daling tumakbo patungo sa aking silid. Nang maisara ko ang pinto ay habol ko na ang paghinga ko.
Iniuwi si Tiya Esme rito no'ng nakaraang buwan ng kanyang anak dahil hindi na raw nito kayang alagaan ang kanyang ina. Tinanggap namin dito. Okay lang sa akin. Kawawa kasi talaga ito. Gusto ko pa nga sanang alagaan si Tiya Esme, ngunit nagiging bayolente kasi ito kapag nakikita ako. Kumukulo ang dugo niya sa akin dahil pangit daw ako.
Nang kalmado na ang paghinga ko ay nagpasya akong maligo na. Kailangan ko pa kasing bumaba at sumabay sa agahan bago ako tatambay sa library. Pagbabasa ang hilig ko. Pero kahit gaano karaming libro ang basahin ko ay alam kong sa labas ng mansion na ito ay may ibang mundo na hindi sapat ang detalye sa mga libro para maunawaan ko.
Hindi ako pwedeng lumabas. Ayon kay lola ay mapanganib daw sa labas. Nag-iisang Romaffi ako. Nag-iisang tagapagmana ng Romaffi fortune. Dala-dala ko ang apelyedo ng aking ina at hindi ng aking ama.
Ayon kay Lola ay maraming tao raw ang naghahangad na makuha ko dahil sa kayamanang para sa akin. Kaya rin takot akong sumubok na lumabas. Never kong sinaway ang bilin ni Lola. No'ng sinabi niyang dito lang ako... sinunod ko iyon.
Nang matapos akong maghanda ay bumaba na ako.
"Beautiful!" puri ni Lola sa akin. Humalik pa muna ako sa pisngi nito bago naupo.
"Pangit! Pangit!" gumawi ang tingin ko kay Tita Esme. Masama ang tingin nito sa akin. Pero nag-iwas din at gigil na pinalo-palo nito ang manika niya sa table.
"Esme, tama na iyan." Saway ni Lola. Pero hindi nakinig ang aking tiyahin. Tumayo pa ito at dumampot ng tinidor. Sunod-sunod nitong sinaksak ang manika niya.
"Saksak! Patay! Saksak! Saksak kita!" gigil na ani nito. Natigil lang ito ng awatin na nila Walla. "Patay ko kayo! Patay! Mga pangit kayo!" nagkatinginan kami ni Lola. Parehong napabuntonghininga.
"Guys, don't mind her. Kain na tayo. Baka kapag nagutom tayo ay mahawa pa tayo sa kabaliwan ni Esme." Balewalang ani ni Tita Veron.