Chapter Five
Tulala. Umaga na. Pero mulat na mulat pa rin ang aking mata. Masakit na nga dahil sa kaiiyak. Sumikat na ang araw. Huminto na ang ulan na wari'y nakipagsabayan kagabi sa bigat ng aking nararamdaman.
Napukaw lang ang aking atensyon ng may kumatok sa silid na inuukupa ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. Sumiksik sa headboard ng kama at hinintay iyon na bumukas.
Nang bumukas iyon ay agad tumambad sa aking paningin ang dalawang babae na may mga dalang shopping bags. Pumasok sila at ipinatong sa kama ko ang mga dala nila.
"Pansamantala'y gamitin mo raw muna ang mga ito. Maligo ka na't magbihis dahil sasabay ka raw kay Boss Xachary sa almusal." Nang hindi ako gumalaw ay parehong umangat ang kilay ng mga ito sa akin. Kaya naman pagapang kong kinuha ang mga shopping bags at tinignan ang mga laman no'n.
"S-alamat." Mahinang ani ko. Umalis ang mga ito. Dahil sa sinabi nilang sasabay ako ng agahan sa boss nila ay nagmadali na akong kumilos.
Bumagal lang no'ng makita ko ang kulay ng tubig sa shower.
"Tubig ito. Hindi ito dugo." Bulong ko. Pumikit na lang ulit ako. Naligo ako habang saradong-sarado ang aking mga mata. Nagsabon, nag-shampoo, na puro lang kapa sa paligid ang ginawa ko.
Nang matapos maligo ay dali-daling pinatay ko na rin ang shower bago ako nagmulat.
Pero napaiktad ako sa labis na gulat nang makita ang sahig. Puro dugo. Nadulas pa ako kaya bumagsak sa sahig.
Malakas akong napadaing dahil doon. Sobrang sakit nang pagkakabagsak ko.
"H-elp!" pagtangis ko ngunit wala namang nakarinig. Kaya pinilit kong bumangon. Nanginginig pa ang tuhod ko. Nakuha ko namang tumayo at nakapagbihis ako kahit tagaktak ang pawis dahil iniinda pa ang sakit.
Nang matapos akong mag-ayos ay nagpasya na akong lumabas. Iika-ika pa dahil sa pagkakabagsak.
"Ang tagal mo!" ani ng babaeng nakasalubong ko sa hallway. Salubong ang kilay nito at parang inis na inis sa akin. "Kanina ka pa hinihintay ng boss."
"P-asensya na po." Mahinang ani ko. Hindi ko alam kung paano aakto sa harap ng iba. Nasanay ako na ang mga kasambahay sa mansion ay mababait sa akin.
Nakarating kami sa dining room na naroon na ang lalaki.
Boss Xachary. Iyon ang itinawag ng kasambahay kanina. Tinandaan ko iyon.
"Maupo ka." Seryosong ani ng lalaki. Iika-ika pa ring lumakad palapit sa upuan at hinila iyon. Dahan-dahan din ang ginawa kong pag-upo. Nang tignan ko si Boss Xachary ay angat na angat ang kilay nito sa akin.
"What happened? Hindi ka ganyan maglakad kagabi."
"N-adulas po ako sa banyo. P-ero okay lang po. Mawawala rin po ito." Hindi na sumagot ang lalaki. Nagsimula itong kumain. Ako naman ay walang kagalaw-galaw. Naghihintay ako ng hudyat.
"Eat, Allegra." Masungit na ani nito. Agad naman akong tumango at kumilos para magsandok.
Habang nag-aagahan kami'y may isang tanong ang pumupuno sa aking isipan.
"B-oss Xachary, m-ay balita ka po ba kay daddy?" huminto ito sa pagkain. Dinampot muna nito ang napkin at nagpunas ng labi bago ito sumagot.
"Kung gusto mong manatili sa mansion na ito... huwag kang magtatanong ng kahit ano."
"P-ero gusto ko lang pong malaman kung ano na ang balita kay daddy. Kung may balita ba siya sa mansion. Kung ano na ang nangyayari roon---" malakas na hinampas ng lalaki ang mesa. Nanginig ang kamay ko sa takot. Nabitiwan ko pa iyong kutsara at lumikha ng ingay dahil bumagsak sa plano.
"Shut up." Mukhang hindi maganda ang mood ng lalaki kaya nanahimik na lang muna ako.
Nang patapos na kaming kumain ay naisipan ko ulit magtanong kahit na sinabi niyang huwag akong magtatanong sa kanya.
"May number ka ba ni daddy? Pwede ba akong makitawag?" ani ko. Hoping na papayag ito.
"No." Saka ito tumayo at umalis. Bakit ang sungit ng mga tao sa bahay na ito?
Isa iba ito sa reason ni lola kung bakit ayaw niya akong palabasin? Dahil hindi mababait ang mga tao sa labas ng mansion?
Buong buhay ko ay umikot lang sa mansion na iyon ang buhay ko. Bawal lumabas dahil mapanganib. Tinuruan akong sumulat at magbasa roon lang din sa mansion. Wala akong pormal na edukasyon. Samantalang iyong mga pinsan ko ay nag-aral sa malalaking unibersidad na madalas ipagyabang ng aking mga tiyahin. Ako ang tagapagmana, pero mas marami pang alam ang mga kaanak ko sa yamang mamanahin ko, sa negosyong naghihintay sa akin. Ako... pagbabasa at pagsusulat lang ang alam.
Pero wala naman akong reklamo talaga... parang ang naging goal ko na lang ay hindi maging pabigat sa kanila. Mapanganib daw sa labas. Hindi ligtas sa akin na nag-iisang tagapagmana. Kaya nakikinig din ako sa mga utos lalo na ni Lola.
"Tapos ka na bang kumain? Tutunganga ka na lang ba d'yan? Magtututong na iyong mga pinagkainan." Masungit na ani ng kasambahay. Iyong isang kasama nito'y pasimpleng siniko ang kasama niya. Ewan ko ba, ramdam kong inis na inis ang mga ito sa akin.
"T-apos na po, ate." Magalang kong ani. "May kasalanan po ba ako sa inyo?" mahinang tanong ko. "Para pong galit kayo sa akin."
"Parang galit? Galit talaga! Hindi ka prinsesa rito. Huwag ka ring masyadong lumapit sa boss namin dahil hindi naman kayo close." Paano ako lalapit sa boss nila, ang sungit nga no'n sa akin.
"Okay po." Iyon na lang ang sinabi ko. Ngumiti pa ako sa kanila bago ako lumakad palabas ng dining room.
Iika-ika pa rin.
"Nana!" biglang sigaw ni Boss Xachary nang makita niya ako. Sa gulat ko'y natisod ako. My gosh! Hirap na ngang lumakad ay natisod pa. Bumagsak na naman ako. Una tuhod na dahilan kung bakit namilipit ako sa sakit.
"Ouch!" daing ko. Agad lumapit ang lalaki.
"Saan ang masakit?" tanong agad nito sa akin. Maluha-luhang itinuro ko ang tuhod na napuruhan. Bigla na lang ako nitong binuhat.
"Xachary, bakit ka ba sumisigaw?" ani ng isang matandang kararating. Inilapag muna ako ni Xachary sa couch bago siya sumagot.
"Check her, Nana Astrid." Sabay turo sa akin.
"Bakit? Ineng, anong nangyari sa 'yo."
"N-atisod po ako."
"Nadulas din siya sa banyo, Nana Astrid. Iika-ika ang lakad niya."
"Aba'y dapat mahilot iyan. Xachary, dalhin mo siya sa kanyang silid at hihilutin ko." Binuhat na nga ako ni Boss Xachary kanina, ngayon ay parang nag-hesitate pa itong gawin ulit iyon.
"L-alakad po ako." Mahinang ani ko. Nakakahiya rin namang magpabuhat sa boss ng bahay na ito. Akmang babangon ako pero hindi ko na maituloy pa dahil tuluyan na akong binuhat ng lalaki.
"Iyong langis sa silid ko'y pakikuha." Utos ni Nana Astrid sa isang kasambahay habang ako'y buhat na ni Xachary at papanhik na kami sa hagdan. Hindi ko makuhang tumingin sa lalaki. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng hiya sa taong ito.
Habang magkalapit din kaming dalawa'y hindi ko maiwasang maamoy ang mabangong lalaki na seryoso lang na buhat ako.
Nakarating kami sa kwarto. Inilapag niya ako sa kama.
"Maghubad ka, hija." Utos ng matanda. Napatingin ako kay Xachary na bahagyang namula ang pisngi.
"Pwede mo ba akong tulungan?" tanong ko rito. Masakit kasi ang aking balakang. Pati na rin ang tuhod. Sa tingin ko'y mahihirapan akong hubarin ang salawal ko.
Kung kanina'y pisngi lang nito ang namula, ngayon pati na ang leeg nito. Ang tingin nito sa akin ay matalim. Wari'y hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Magkasintahan ba kayo?" tanong ng ginang.
"Hindi po." Tugon ko.
"Asawa?"
"Hindi rin po." Muli kong sagot sa ginang.
"Aba'y bakit sa kanya ka magpapatulong maghubad? Saan ka ba galing at hindi mo alam na hindi magandang sa lalaki ka hihingi ng tulong sa ganyang bagay?" nanulis ang nguso ko't napaisip.
"Hindi po pwede iyon?" ani ko.
"Hindi! Ilang taon ka na bang bata ka?" ani ng matanda na takang-taka ang expression ng kanyang mukha.
"Twenty po." Tugon ko rito.
"Twenty ka na pero wala kang alam sa mga ganyang bagay?" hindi ko naman problema iyon dahil puro babae ang nakapaligid sa akin sa mansion. "Allegra, baka mabuntis ka kung mangmang ka---"
"Buntis po? Alam ko po iyan, Nana. Nagbabasa po ako ng libro. Marami po akong libro sa library sa aming mansion."
"Anong nabasa mo sa libro? Kasama ba roon iyong lesson kapag bobo ang babae at uto-uto ay pwedeng mabutis kapag basta na lang bubukaka?"
"Nana, ibang libro po yata ang nabasa ninyo?" ani ko rito. Napakamot sa ulo ang matanda.
"Aba'y ako ang nagbabantay sa batang ito habang narito sa mansion. Delikado ito." Saka ito tumingin sa lalaking napasimangot.
"Tsk. Nana, she's not my type." Sabay talikod at alis.
"Ano pong ibig sabihin ni Boss Xachary?" takang ani ko.
"Wala. Sige na, ineng. Hubarin mo ang salawal mo para mas madali kitang mahilot." Tinulungan na lang ako nito.
Pinadapa rin ako ng matanda. Nang simulan niya akong hilutin ay napapahikbi ako sa sakit.
"Tiis lang, ineng. Mas mahirap kung patatagalin natin ito." Gagaling ba ako sa hilot ng matanda? Para kasing madudurog na ang Buto ko sa pagkakadiin pa lang nito. "Sa susunod kasi'y mag-iingat ka. Lampa ka. Hindi ka pa umabot ng 24 oras dito pero nakadalawang disgrasya ka na. Saan ka ba napulot ng alaga ko? Ngayon lang kasi kita nakita."
"Anak po ako ng kaibigan ni Boss Xachary, Nana. Iniwan po ako rito ni daddy para sa safety ko."
"Ay, akala ko'y Isa ka sa mga chicks ng supladong iyon."
"Chicks? Mukha po ba akong sisiw, Nana Astrid?" natawa ang matandang nanghihilot sa akin.
"Aba'y hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ano ah... babae ni Xachary. Mahilig sa babae iyong alaga kong iyon. Kaya kung iniwan ka lang ng daddy mo rito... mag-ingat ka sa supladitong iyon. Mahilig sa babae iyon. Parang aswang ang isang iyon." Natakot naman ako. What if natatanggal pala Ang kalahati ng katawan ni Boss Xachary? Oh, baka humahaba ang dila niya? Nakakatakot.
"Huwag ka na munang magkikilos. Magpapaakyat din ako ng gamot para sa sakit ng katawan. Dito ka lang."
"Nana, iyong short ko po."
"Oo nga pala. Isuot mo ulit ito at baka maka-easy access iyong alaga ko." Makahulugang ani nito.
"Nana, hindi po kita naiintindihan." Kamot sa ulong ani ko.
"Hayaan mo na. Huwag mo na akong intindihin. Magpahinga ka muna. Gamitin mo iyong intercom kung may kailangan ka sa baba." Bitbit ang lalagyan ng langis na ginamit niya sa akin ay umalis na ang matanda. Parang si Lola si Nana Astrid. Maasikaso. Soft spoken din ito.
Gusto ko sanang makibalita sa sitwasyon sa bahay at kay Lola. Pero malabong makahiram ako kay Boss Xachary. Mas lalo naman sa mga kasambahay dahil parang ang bigat ng loob nila sa akin. Hays. Anong kasalanan ko sa kanila?
Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Nagising ako'y tanghali na. May dalawang kasambahay na inip na inip na naghihintay sa akin.
"Mabuti naman at gising na ang feeling prinsesa. Mamamatay tao naman." Narinig ko iyon kaya napabalikwas ako ng bangon.
"A-nong sabi mo?" takang ani ko. Pinilit kong bumaba ng kama at hinarap ang babae.
"Mamamatay tao ka." Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sugurin ito at itulak. Natumba ang babaeng kasambahay. Ang siko nito'y tumama sa upuan.
"A-ray!" daing ng babae.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" ani ko. Hindi ko ugaling manakit. Lumuhod pa nga ako para alalayan ito dahil nabigla lang talaga ako.
Pero tinabig ako ng kasama nito kaya napasalampak ako.
"Mamamatay tao ka. Inalagaan ka na nga ng lola mo pero pinatay mo pa rin siya. Masama kang babae." Napahagulhol na ako ng iyak.
"Hindi totoo iyan! Hindi ko pinatay ang Lola ko!" gumapang ako. Sinubukan kong hawakan ulit ang babae pero muli lang din akong tinabig.
"Killer ka. Masama ka. Masama kang tao." Hindi ako bayolente. Pero ang nasa isip ko lang no'ng mga sandaling iyon ay hilain ang buhok ng mga ito katulad nang ginagawa ni Tiya Esme sa akin.
Sinabunutan na rin ako ng mga ito. Dalawa laban sa isa. Dahil hindi naman sanay na makipag-away ay ako tuloy ang kawawa. Biglang bumukas ang pinto. Isang malakas na tinig ang pumuno sa silid na ito.
"What the f**k is going on here?" ani ni Boss Xachary. Salubong na salubong ang kilay nito. Sa akin nakasentro ang tingin nito. Sobrang talim. Sobrang galit. Kasalanan ko ba?