3

1187 Words
Chapter Three Malakas ang buhos ng ulan. Ang pagkulog at pagkidlat ay nagdadala sa akin ng takot. Kaya naman hindi talaga ako makatulog. Ilang beses na akong nagbilang ng tupa. Ilang beses na ring nagpababaling sa higaan para lang dalawin ng antok. Pero wala. Kaya bitbit ko ang isang unan at kulambo nang lumabas ako ng silid para puntahan ang kwarto ng aking Lola. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay maingat kong hinawakan ang doorknob at dahan-dahan na pinihit iyon papasok. Madilim pa nga ang silid. Kaya binuksan ko ang ilaw. Unang tumambad sa akin ang kama ni Lola. Pero wala siya roon. Nang igala ko ang tingin ay parang gumuho ang mundo ko nang makita itong nakabulagta sa sahig. "Lolaaaa!" malakas kong sigaw. Nabitiwan ko ang mga dala at patakbong pumasok ng silid. Naapakan ko pa ang umagos na dugo ni Lola. Mukhang bago pa lang iyon. Nang makita ko ang nakatarak na kutsilyo sa dibdib nito ay ang unang pumasok sa utak ko ay hawakan iyon at alisin. "Lola!" ani kong iyak. Mas marami pang dugo ang umagos dahil sa ginawa ko. "La! Tulong! Tulong po!" malakas kong iyak. "Tulong!" alam kong sa lakas nang paghingi ko nang tulong ay maririnig naman ako. "Lola, gising ka d'yan! Lola!" iyak ko. Niyakap ko ito pero roon pa lang ay alam kong wala na ang Lola ko. "Tulungan n'yo kami!" tuloy ko pa ring iyak. "Oh, God! Anong ginawa mo, Allegra?" hiyaw ni Tiya Lita na siyang unang bumungad. Kasunod nito ang iba pang kasama namin sa bahay. Si Tiya Veron ay naghihiyaw nang makita nito ang eksena sa silid. "W-ala po akong masamang ginawa." Iyak ko. "N-akita ko na lang po si Lola na nakabulagta rito." "Pinatay mo ang mama namin!" hiyaw ni Tiya Lita na naka-robe pa at may towel na nakabalot sa ulo niya. Si Tiya Veron ay naka-nighties lang. Nang makalapit sila ay agad nila akong itinulak kaya naman nabitiwan ko si Lola. Tumalsik din ang kutsilyo. Dinampot iyon ni Tiya Lita. Nanlilisik ang mata nito. "Pinatay mo ang aming ina!" hiyaw nito sa akin. Iling ako nang iling. No. Hindi ko pinatay ang Lola ko. Mahal na mahal ko ang Lola ko. Bakit ba nila iniisip iyon? Hindi ako masamang tao! Akmang susugurin ako nito pero mabilis itong napigilan ni Yaya Walla. Si daddy naman ay agad akong nahila para itayo at mahigpit akong niyakap. Nanginginig ang buong katawan ko. Takot na takot ako. "Papatayin ko iyan! Pinatay mo ang mama ko! Hayop ka!" nagwawala si Tiya Lita. Nagpupumiglas, pero nakuha ni Walla na alisin sa kamay nito ang kutsilyo. "Hindi ko po pinatay si Lola! Hindi ko po iyon magagawa sa kanya!" "Nakita kita! Hawak mo ang kutsilyo! Pinatay mo si mama!" gigil na gigil ito. Kahit anong tanggi ko at iling ko ay kumbinsido itong pinatay ko si Lola. "Pumasok po ako rito na nakabulagta na si Lola. Hindi ko po magagawa iyon sa kanya. Maniwala po kayo sa akin. Tumawag po tayo ng pulis. Kailangan mahuli ang may gawa nito." "Tama! Kailangan mahuli ang gumawa nito sa aming mama. Tumawag kayo ng pulis at ipapahuli ko ang mamamatay tao na ito." Alam ko namang ayaw nila Tiya Lita sa akin. Pero sobrang sakit na mamatayan ng Lola, at mapagbintangan na may gawa sa krimen na ito. "Hindi ko po pinatay si Lola. Maniwala naman po kayo sa akin. Hindi po talaga." "Ipakukulong kita, Allegra! Napakasama mo! Mas higit kang minahal ng mama kaysa sa mga pinsan mo. Kahit sa aming mga anak niya. Pero bakit mo nagawa sa kanya ito?" nakasalampak na ang ginang sa sahig. Umatungal na ng iyak. Si Tiya Veron ay gano'n din. May tumawag na ng pulis. Ako ang plano nilang iturong pumatay sa Lola ko dahil ako raw iyong naroon at humawak sa kutsilyo. Ako iyong inabutan. Ako iyong nakita nilang nasa tabi ng Lola. "Daddy, hindi po talaga ako. Maniwala po kayo sa akin." Malakas pa rin ang buhos ng ulan. May kulog at pagkidlat dahilan para mas lalong lumala ang nararamdaman kong takot. Nandito kami sa sala. Naghihintay pa sa pagdating ng mga pulis. "Handa ko pong patunayan sa kanila na hindi ako ang may gawa. Makikipag-cooperate po ako." "Anak, makinig ka sa akin. Kahit pa nagsasabi ka ng totoo ay hindi ka nila pakikinggan. Kailangan nating umalis. Kailangan kitang ilayo rito." "No. Paano po si Lola? Kailangan pong mabigyan si Lola ng hustisya. Pinatay po si Lola. Kailangan ko ring linisin ang pangalan ko. Hindi ako aalis dito." "Listen to me, Allegra. Possible na nasa bahay lang na ito ang gumawa no'n sa iyong Lola. Kailangan kitang ialis dito. Ako ang haharap at ilalaban kita. Gagawa ako nang paraan para makuha ang justice para sa Lola mo at para malinis ang pangalan mo. Anak, makinig ka sa akin. Parang awa mo na. Kailangan mong sumama sa akin. Kahit pa sabihin mong wala kang kasalanan... ikaw pa rin ang ituturo nila." Mas lalo akong naiyak. "Halika na, Allegra. Sumama ka sa akin, anak. Umalis na tayo rito. Parating na ang pulis. Mas mahihirapan akong protektahan ka kung narito ka lang." Pinilit ako ni dad na tumayo. Nasa itaas pa ang mga tao. Naririnig ko pa ang pag-iyak ng mga Tiya ko. Pati na ang mga tinig na nagkakagulo. Ayaw kong umalis. Ayaw kong iwan ang mansion sa ganitong sitwasyon. Pero tama si dad. Kailangan kong umalis. Paglulan ko sa sasakyan nito ay masaganang luha ang umagos sa mga mata ko. Hindi na ata mauubos iyon kahit pa isang drum ang ilabas ko. Walang pumigil sa amin nang lumabas kami ng gate. Walang humarang dahil nasa itaas pa ang lahat. Tama si dad, ako ang ituturo. Sa ginawa kong paghawak sa kutsilyo at paghawak sa Lola ko kanina ay possible na ang makuhang fingerprint ay sa akin. Sa akin maituturo ang evidence. "Lola," iyak ko. Mahal na mahal ko ang Lola ko. Kaya ngayon... wasak na wasak ang puso ko. "Hindi kita pwedeng dalhin sa farm dahil tiyak akong doon ka nila unang hahanapin. Hindi rin kita pwedeng samahang magtago dahil tiyak na ako ang babantayan nila para makita ka. Kailangan nating makahanap ng lugar na pwede kong pag-iwanan sa 'yo." "I'm scared, daddy." "I know, my princess. Pero kailangan nating gawin ito para sa kaligtasan mo." "Saan ako magtatago, daddy?" wari itong nag-isip. "I know someone, Allegra. Dadalhin kita sa kanya." "Po?" "Sa isang kaibigan, anak. Tiyak kong tatanggapin ka niya at proprotektahan." Ang problema lang... buong buhay ko ay iilang tao lang ang nakasama ko. Hindi ko alam kung paano aakto sa harap ng iba. Buong buhay ko'y umikot lang sa mansion ni Lola. Kasama si Lola. Sa gabay ni Lola. "Allegra, alam kong takot na takot ka. Pero isa itong pagsubok na kailangan nating malagpasan, anak. Para sa kalayaan mo. Para sa hustiya na kailangan ng Lola mo. Lalabanan natin sila, Allegra. Gagawa ako ng paraan." "P-aano po kung hindi ako tanggapin ng kaibigan ninyo?" "Anak, tatanggapin ka niya. Tiyak ako roon. Tatanggapin ka ni Xachary El Richi." Confident na ani nito. Xachary El Richi? Kaibigan ni dad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD