Chapter Two
"Dapat talaga ay sa mental institution na dalhin si Esme, ma." Suggestion ni Tiyak Veron. "Kung iyong pamilya nga niya ay sinukuan siya. Tayo pa kaya?"
"Pamilya tayo ni Esme. Anak ko si Esme. Kapatid ninyo siya. Tayo... hindi natin siya susukuan. Dito lang siya. Nag-hire na ako ng mga taong magbabantay sa kanya. Hindi naman kayo magagambala dahil bihira naman kayong umuwi rito."
"Tutulong po ako sa pag-aalaga kay tiya." Magalang kong singit sa usapan nila.
"Tutulong ka? Hindi ka nga makalapit sa kanya. Kapag lumapit naman siya sa 'yo ay sinasaktan ka niya. Mag-isip ka nga." Umirap pa si Tiya Lita sa akin. Napabuntonghininga ako. Wala talaga akong nasasabi at nagagawang tama sa mata ng mga tiyahin ko.
"Pwede ko naman pong tignan-tignan si Tiya Esme na may distansya sa pagitan namin---"
"At magrarason ka pa talaga?"
"Sorry po." Napayukong ani ko sa takot na rin na salubungin ang tingin nito. Inabot naman ni Lola ang kamay ko.
"That's enough. Maganda naman ang intention ni Allegra. Huwag nga ninyo siyang pinag-iinitan."
"Tsk. Spoiled na spoiled kasi." Reklamo ni Tiyak Veron.
"That's enough. Buo na ang desisyon ko na rito muna manatili ang kapatid ninyo. Hindi siya dadalhin sa mental institution. Kami ang mag-aalaga sa kanya. Bibisitahin din siya rito ng mga doctor niya."
"Bahala kayo! Pero ako na ang nagsasabi. Magiging sakit ng ulo nating lahat iyang si Esme. Baliw siya, ma! Baliw!" tumayo pa si Tiya Veron na halata namang hindi natuwa dahil hindi ito pinakinggan ni Lola.
Nang nag-walkout ito ay napasunod lang ang tingin naming lahat dito.
"Allegra, ang ama mo ba'y hindi pa uuwi rito?" hindi naman talaga naglalagi si daddy rito. Mas gusto niya sa farm at nauunawaan ko naman kung bakit. Sa totoo lang kung papayagan akong lumabas ni Lola ay gusto ko ring subukan sa farm. Kaso hindi pwede... bawal akong lumabas na nauunawaan ko rin naman.
Ako ang nag-iisang tagapagmana ng mga Romaffi. Dahil wala na si mommy ay sa pangalan ko naiwan ang lahat. Ang mga tiyahin ko ay anak sa pangalawang asawa ni Lola. Sila'y mga Romualdez. Wala silang kahit katiting na karapatan sa mga yaman ng mga Romaffi. Pero sa ngayon ay sila ang namamahala sa mga iyon dahil hindi ko naman kayang pamahalaan ang lahat. Okay lang din.
"Baka po mamayang gabi, Tiya Lita." Hindi rin ako sigurado. Pasulpot-sulpot lang dito si dad. Matagal ng wala ang aking ina pero hindi pa rin ito okay. Hindi pa rin naka-move on. Labis na mahal ng aking ama ang aking ina. Kaya kahit matagal na... nahihirapan pa rin itong manatili sa mansion na ito. Dito kasi sila naglagi noon.
"Sure ba iyan?" umiling ako kaya napairap ito sa akin.
"Allegra, pumasok ka na sa library. Magpasama ka sa Yaya Walla mo." Tumayo na ako at sinenyasan si Yaya Walla para sumunod sa akin. Pagpasok namin sa library ay agad isinara ni Yaya wala ang pinto.
"Ayos ka lang?" concern na tanong nito sa akin. Tumango naman ako. Sanay na ako sa mga tiyahin ko. Kung palagi kong dadamdamin ang mga masasakit na salita nila sa akin ay tiyak kong mauubos ako.
"Okay lang po ako, Yaya Walla. Sanay naman na po ako sa kanila." Umupo ako sa couch at dinampot ang librong hindi ko natapos basahin. Halos ako na lang ang gumagamit sa library na ito. Nang mamatay kasi si Lolo Wapim, iyong pangalawang asawa ni lola ay ako na lang ang gumamit nito. Dati'y dalawa pa kami. Siya na nagtratrabaho, ako na nagbabasa naman.
"Allegra, naalala mo iyong sinabi ko sa 'yo na maganda sa labas ng mansion na ito?" umupo na rin ito sa couch.
"Opo, yaya. Naaalala ko po."
"Ayaw mo pa rin bang subukan na lumabas? Ayaw mo pa rin bang masilip ang mundong ipinagbabawal nilang masilayan mo?"
"Ya, alam mo naman pong mapanganib para sa akin na lumabas. Baka po maalerto iyong mga taong gusto akong ilagay sa kapahamakan kapag sinuway ko ang utos nila Lola."
"Pero nasasayang kasi ang oras mo rito, Allegra. Ang dami pang kayang ibigay ng Mundo sa 'yo. Mga experience. Mga taong tiyak na tatratuhin kang tama."
"Yaya, okay na po. Kontento naman po ako rito. Magbabasa na po ako." Para lang din matapos na ang usapan namin tungkol sa bagay na iyon. Alam ko namang gusto lang niyang ma-experience ko iyong mga bagay na normal lang na nae-experience ng mga kaedaran ko. Ngunit mas makikinig pa rin ako sa utos ng aking Lola. I'll stay here. Dito lang talaga ako.
Ayaw kong maging sakit ng ulo lalo na ni Lola. Sobra-sobra na ang sakripisyo nito sa pamilyang ito... sa akin. Never kong bibigyan ng dahilan ito para ma-stress sa akin.
Tahimik na akong nagbasa. Nerespeto naman ni Yaya Walla ang pakiusap ko. Pero panaka-naka ay naririnig ko ang buntonghininga nito.
Nang medyo mangati ang lalamunan ko'y nagprisinta ito na kukuha ng tubig. Nang makalabas ito ay ibinalik ko ulit sa libro ang atensyon ko.
"Anong binabasa mo, pangit?" sa labis na gulat ko'y naibato ko ang librong hawak ko. Nanlalaki ang mata ng lumingon ako sa table. Dahan-dahang sumilip pa sa ilalim. Nakita ko roon si Tiya Esme. Nakadapa ito roon. Nakabaling ang ulo sa akin.
"T-iya?"
"Anong binabasa mo?"
"Ah, politics and governance na book po." Magalang kong tugon dito.
"Ah, maganda iyan. Palagi ko rin binabasa iyan noon. Sabi sa librong iyan lahat daw ng politiko ay pulpol."
"Tiya, wala pong ganyan sa librong binabasa ko." Palibhasa'y iyong asawa nito'y mayor na nambabae. Kaya gano'n ang mindset nito.
"Wala ba? Bakit iyong nabingwit kong politiko ay pulpol?" nakaramdam ako ng lungkot para sa Tiya ko. Close naman kami dati. Pero no'ng sunod-sunod ang naging problema nito, nawala si mommy, nagloko ang asawa nito, sinukuan siya ng anak niya... naging ganito na siya. "Hindi natin bati iyon, ha!"
"O-po. Hindi po natin bati iyon." Tugon ko rito. Alerto pa rin naman ako. Baka kasi'y saktan na naman ako nitong muli.
Nang bumalik si Yaya Walla ay sumenyas lang ito na huwag akong maingay. Kaya rin hindi ko na sinabi pa na naroon siya sa ilalim ng mesa.
Nang iwan ulit ako ni Yaya ay saka lang ito lumabas sa pinagtataguan. Lumakad patungo sa pinto pero mabilis pa ring humablot sa buhok ko sabay karipas nang takbo.
Masakit iyon pero kaya ko namang unawain siya. Hindi big deal sa akin.
"Anong nangyari sa buhok mo?" takang tanong ni Yaya Walla pagpasok niya.
"Hinila po ni Tiyak Esme. Pero okay lang po." Hinagod-hagod ko iyon para bumalik sa tamang ayos.
"Ha? Nasaktan ka na naman niya---"
"Okay na po. Lumabas na rin naman po siya. Hayaan na po natin, yaya." Napabuntonghininga ito.
"Nasa sala ang daddy mo. Kararating niya." Nang marinig ko iyon ay lumawak ang ngiti't dali-daling tumakbo palabas. "Huwag kang tumakbo. Mapapagalitan ka na naman nila." Agad naman akong huminto at lumakad na lang.
Pagdating sa sala ay malawak ang ngiti ng aking ama na naghintay ng yakap ko. Nang makalapit ako ay mahigpit akong yumakap sa ama.
"I missed you, daddy."
"Na-miss ko rin ang prinsesa ko. How are you, anak?"
"I'm fine, daddy." Iginiya niya ako patungo sa couch. Umupo kami roon.
"Bakit ngayon ka lang umuwi, Josh?" tanong ni Tiya Lita sa aking ama.
"Busy sa farm, Lita. Nag-harvest kami roon kaya hindi ako nakabisita rito."
"Ano ka ba naman? Dapat ay dalasan mo rin ang pagbisita sa anak mo. Tiyak kong nangulila iyan sa 'yo."
"Tiya, nauunawaan ko naman po na abala si dad sa farm niya." Magalang na tugon ko.
"Pero dapat ay dalasan pa rin niya. Kahit gaano pa siya ka-busy ay dapat chine-check ka pa rin niya."
"Tama naman ang Tiya Lita mo, Allegra. Sorry, anak. Hayaan mo't every weekend ay rito ako mananatili."
"Talaga po?" siyempre masaya ako na makasama ito. Okay na okay sa akin ang sinabi nito.
"Yes, para sa aking prinsesa."
"Thank you, daddy."
"By the way, mama. Napag-isipan mo na ba iyong request ko na isama si Allegra sa farm ko?"
"Dad?" ani ko. Alam naman nitong ayaw ni Lola na lumabas ako ng mansion.
"Ano ka ba naman, Josh? Alam mo namang bawal lumabas si Allegra ng mansion. Ipipilit mo na naman ba iyang request mo? Kailangan na naman ba nating pagtalunan iyan?" galit tuloy agad si Lola.
"Huwag po kayong mag-away." Pakiusap ko agad sa kanila.
"Ito kasing ama mo, Allegra. Alam naman niyang mapanganib para sa 'yo ang lumabas tapos paulit-ulit pang ibri-bring up ang usapan." Napairap pa si Lola.
"Daddy, okay naman po ako rito sa mansion. Please. Huwag na po nating gawing issue ito? Okay po ako rito. Payapa naman po ang buhay ko rito. Hindi ko rin po gustong lumabas."
"Hindi mo gusto? O, mas pinili mo na lang talagang hindi gustuhin para i-please ang lola mo? Gusto kong maranasan mo ang buhay sa labas, Allegra. Marami ka pang mae-experience roon na never kong mararanasan sa apat na sulot ng compound na ito."
"I'm okay, daddy. I'm really okay here. Kung saan po ako safe... doon po ako. Huwag na po nating labagin ang kagustuhan ni Lola. Please po?" pakiusap ko rito. Hindi na sumagot ang aking ama. "I love you, daddy." Lambing ko rito.
"I love you too, my princess. Sige na, umakyat ka muna sa kwarto. Kakausapin ko lang ang Lola mo."
"No away na po, ha." Pakiusap ko rito. Agad naman itong tumango. Tumayo na ako't iniwan na sila.
Pero nasa tuktok pa lang ako'y nagdidiskusyon na sila. Kung bababa pa ako'y tiyak na malalagot ako dahil hindi ako sumunod sa utos nila.
Issue pa rin kay dad ang desisyon ni Lola na manatili lang ako rito. Desisyon din ito ng aking ina noon pa. Ayaw rin ni dad. Pero wala naman itong magawa kung 'di sumunod noon. Mahal na mahal nito si mommy. Ngayon na wala na si mommy, mukhang usapin na naman sa kanila ang pananatili ko lang sa loob ng mansion na ito.
Okay naman talaga ako rito... okay ako sa mansion kung saan nakasama ko ang aking ina. Punong-puno ang lugar na ito ng memories namin ni mommy.
Isang oras akong nanatili sa kwarto bago dumating si Lola.
Agad itong ngumiti nang pumasok ito ng kwarto.
"Galit ang daddy mo, Allegra. Gusto ka talaga niyang lumabas na ng mansion na ito." Umupo ito sa gilid ng kama. "Pero sinabi ko sa kanya na lalabas ka lang kapag namatay na ako."
"Lola!"
"Mahal na mahal kita, Allegra. Proprotektahan kita laban sa mga taong gusto kang mapahamak. Alam kong nais lang ng ama mo na maranasan mo ang mundo sa laban ng mansion na ito. Pero hindi pa ito ang tamang oras. Hindi ka pa ligtas sa labas, apo."
"Nauunawaan ko po. Nasaan na po si daddy?"
"Nasa sala pa. Apo, kung kumbinsihan ka niyang sumama sa kanya. Huwag na huwag, ha? Nakikiusap ako sa 'yo. Dito ka lang kay lola." Kumilos ako para tumabi rito. Niyakap ko siya.
"Opo, lola. Dito lang po ako."
"Natatakot kasi ako... oras na lumabas ka ay baka mapahamak ka. Walang mukha ang mga taong nais kang ilagay sa kapahamakan. At least dito ay kilala mo ang lahat ng mga nakapaligid sa 'yo."
"Dito lang po ako, Lola." Hinawakan pa nito ang kamay ko at bahagya iyong pinisil.
"Pero kung mawala na ang Lola... sumama ka kaagad sa iyong ama. Huwag kang mangingiming sumama." Agad naman akong tumango rito.
"Opo. Tatandaan ko po ang sinabi ninyo."