Pagkabuhay

2035 Words
THIRD PERSON’S POV “Ibrahim? Nasisiguro mo bang tutungo sila dito para iligtas ang mga bubwit na yan?” Nilingon ni Ibrahim ang kanyang kanang kamay na si Magnus. Kararating lang nito mula sa Romania kasama ang dalawang daan pang kawal nila. Humakbang si Ibrahim patungo sa limang magkakaibigan na nakatali ang dalawang kamay sa itaas ng derechong bakal. At sinuyod niya ng tingin ang mga ito. “Mahina ang mga tao Magnus. Palagi kasi nilang inuuna ang kanilang emosyon kaysa ang kanilang kakayahan na mag-isip ng tama. Kaya nasisiguro kong maaawa si Serene sa mga kaibigan niya at pipilitin niya si Lazarus na iligtas ang mga walang kwentang tao na ito!” Giit niya habang nakatingin sa mga kaibigan ni Serene. “Demonyo ka! Pakawalan mo kami dito! Dapat lang sayo na hindi piliin ni Serene dahil masama ka!” Singhal ni Martin na ikina-init lalo ng ulo ni Ibrahim. “Martin!” Sabay nilang sigaw nang suntukin siya ni Ibrahim. Putok ang labing nawalan ng malay si Martin sa lakas ng suntok ni Ibrahim sa kanya. “Pasalamat kayo at buhay pa kayo ngayon, pero kapag hindi dumating si Lazarus kasama si Serene! Ipapadala ko isa-isa ang mga ulo ninyong lahat!” Singhal ni Ibrahim bago sila iwanan. “M-martin? Buhay ka pa ba?” Naiiyak na tanong ni Kakai dahil siya ang malapit na katabi nito. Hindi ito sumagot sa kanya. “Ang hirap paniwalaan, kanina lang nasa locker ako ng mga boys at naninilip ngayon nandito na ako nakabitin na parang hayup at anumang oras ay pagfi-fiestahan ang aking berhen na katawan ng mga bampirang pangit!” Naiiyak na sabi ni Lea. “Oo nga, kanina lang nanunuod ako ng k-drama hindi ko man lang matatapos ang alchemy of souls. Inabangan ko pa naman yun.” Nangingilid ang luhang sabi ni klay. “Ang babaw naman ng problema niyo. Ako nga hindi ko alam kung paano ko kakamutin itong kili-kili ko nakalimutan ko kasing magbunot.” Reklamo naman ni Kakai. “Tumigil nga kayo! Puro kayo biruan diyan. Mamatay na nga tayo eh. Ang dapat nating isipin paano tayo makakatakad dito!” Inis na singhal ni Larry sa tatlo. Sumilip si Lea sa kanya. “Lakasan mo pa, para marinig nila na tatakas tayo. Ipapauna kitang ipasipsip doon sa bampirang panot na nakatingin sa atin.” nandidilat ang matang saway ni Lea. Naiiling na tumahimik si Larry. “Sa tingin ko hindi nakaka-intindi ng salita natin ang bampira na yun Lea. Hindi naman siya nag-rereact eh. Parang nakatitig lang kay Kakai. Hindi kaya type niya si Kakai?” Nagtatakang tanong ni Klay sa kanila. “Ew, so dirty! Kung kamukha pa ni Ibrahim o Lazarus ang magkakagusto sa akin na bampira puwede pa.” Maarteng sabi ni Kakai sabay irap sa panot na lalaking naka-itim at nagbabantay sa kanila. “Guwapo din si Magnus ah, trip ko din yung pula niyang buhok.” Kinikilig na sabi ni Lea. “Oo nga! Bet ko din yun!” Segunda naman ni Kakai. Naiiling na lamang si Larry sa pinag-uusapan ng dalawa. Basta kaharutan ay magkasundo. “By the way Larry, may naiisip ka bang paraan?” Seryosong tanong ni Klay sa kanyang katabi. Inikot nila ang kanilang paningin sa gubat. Malawak ito at malapit sa talon. Dinig mula rito ang lagaslas ng tubig at mga kulisap sa gabi. “Kung sakaling makawala tayo dito wala tayong pag-asa na tuluyang makatakas. Lalo na kung sama-sama tayo dito kaya kailangan nating maghiwa-hiwalay. At tumakbo ng mabilis.” Suhestion ni Larry. “M-Malabo yang sinasabi mo Larry.” Putol ni Martin kaya ikinagulat nila ang pagising nito. “Akala ko kung napaano ka na.” Naiiyak na sabi ni Kakai. “Nagpangap akong nawalan ng malay dahil baka tapusin niya ako agad. Ayoko mang aminin ngunit si Lazarus lang ang pag-asa natin sa ngayon. Nakita mo naman kung gaano kadami ang bantay dito. Kahit makatakbo pa tayo siguradong ilang hakbang lang yun at tatapusin agad nila ang buhay natin.” Seryosong sabi ni Martin sa kanila. “Guys, alam ko na rin yun. Kaya mauna na akong magpaalam sa inyo. Masaya ako dahil nagkakilala tayo at naging magkaibigan. Tinangap niyo ako sa barkada kahit isa akong ligaw na bulaklak s***h bakla.” Malungkot na saad ni Lea. “Ako din, kahit kasing arte at kasing ganda ako ni Ann curtis tinangap niyo din ako.” Nangingilid ang luhang sabi ni Kakai. “Ako naman kahit wierdo ako at palagi ko kayong nabubudol kina-ibigan niyo pa rin ako.” Nakayukong sabi naman ni Klay. Natigil sila dahil sa paglapit ng pulang buhok sa harapan nila. “Tama yan, magpaalam na kayo sa isa’t-isa. Dahil lagpas na ang oras ng taning niyo.” Nakangising paalala sa kanila ni Magnus. “Paano kung sabihin ko sayong na love at first sight ako sayo? Papatayin mo pa rin ba ako?” Pagtatapat ni Kakai sa kanya. “Girl! Inunahan mo naman ako!” Sabat ni Lea. Humakbang si Magnus papalapit kay Kakai at hinawakan ang kanyang baba. Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito. “Sayang, puwede sana kitang maging kabiyak.” Sambit nito sa kanya. “Ha? Talaga? Puwede naman.” Nakangiting sabi ni Kakai. Ngumisi si Magnus sa kanya at hinaplos ang mapula niyang labi. “Kaya lang, marami na akong asawa at mga anak. Bukod doon, isa kang tao. Hindi kami maaring umibig sa isang tao dahil kamatayan ang kahihitnan noon.” Seryosong sabi ni Magnus sa kanya. “Ibig sabihin? Mamatay si Serene dahil kay Lazarus?” Maang na tanong ni Klay kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Magnus. “Hindi, si Serene ay hindi niyo kauri. Kahit kalahating dugo na ng tao ang nananalaytay sa kanyang katawan. Mas lamang pa rin ang dugo ng kanyang ama na isang bampira. Dalawang araw mula ngayon ay magiging ganap na bampira na si Serene sa tulong ng dugo ni Ibrahim.” Paliwanag niya na ikinagulat nilang lima. “Anong sinasabi mo? Paano naging bampira si Serene? Tao siya!” Giit ni Martin sa kanya. Binitawan ni Magnus ang baba ni Kakai at humakbang siya papalapit kay Martin. “Anak siya ng isang tao at isang bampirang nagmula sa maharlikang angkan ng mga bampira. Naparusahan ang kanyang ama dahil umibig ito sa isang tao. Kaya hinatulan ng kamatayan ang kanyang ama. Ngunit bago mamatay ang kanyang ama ay sinigurado niyang magiging ligtas ang kanyang mag-ina. Kaya sekreto niya itong ipinadala sa bansang ito. Ngunit dahil sa dugo na nanalaytay kay Serene ay pumanaw ang kanyang ina. Kinupkop siya ng mag-asawang hindi magka-anak. Nang malaman ni Ibrahim ang tungkol sa propesiya patungkol sa mortal na kalaban ng kanilang pamilya na magbabalik sa angkan at lahi ni Lazarus ay inumpisahan niya ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahanap ni Lazarus si Serene. Kaya kinailangan niyang gumamit ng dahas upang makuha ito at madala sa imperyo ng Romania. Yun ang dahilan kaya mahalaga sa kanya ang buhay ni Serene dahil kapag naging ganap na itong bampira at maikasal kay Lazarus. Titindig at muling lalakas ang mga kapanalig nito. Kaya ipinahanap at sinubaybayan ni Ibrahim ang kanyang paglaki. At kayo ang magiging kasangkapan ni Ibrahim upang makuha si Serene.” Paliwanag ni Magnus sa kanila. “Ibig mo bang sabihin kapalit ng kaligtasan namin ay ang buhay ni Serene?” Ulit ni Martin sa kanya. “Hindi ko masisiguro, dahil gaya ng sinabi ko. Lagpas na ang oras ng aming paghihintay. At ngayon ay isa-isa na namin kayong papaslangin at ipapadala ang mga ulo ninyo sa pinagtataguan ni Lazarus kay Serene.” Nakangising sagot nito. “Magnus!” Napalingon ito dahil sa tumawag sa kanya. “Ano?” Salubong ang kilay na tanong nito. “Nilulusob tayo ni Lazarus!” Imporma nito na ikinatiim ng anyo nito. “Priviți captivii! Asigurați-vă că niciunul dintre ei nu scapă !” Utos ni Magnus at mabilis itong nawala sa harapan nila. “Ano daw?” Naiiyak na tanong ni Lea. “Pinababantayan niya tayo sa mga bampirang kawal.” Sagot ni Martin. “Hindi, sa tingin ko nagkakamali ka ng hula. Lalapangin na tayo ng mga pangit na yan!” Takot na sabi ni Kakai. Dahil nagsilapitan na ang mga bampira sa kanilang lima. Samantala dahil sa labis na galit ni Lazarus ay walang kahirap-hirap niyang natalo ang limampung vampires na kampon ni Ibrahim. “Nais mo ba talagang mamatay Lazarus? Susugod ka dito ng mag-isa? Bakit natatakot ka bang sumalisi ako at puntahan ko si Serene sa lungga na pinagtaguan mo sa kanya?” Nakangising sabi ni Ibrahim. Napapalibutan na siya ng kawal at nasa harapan niya ngayon si Ibrahim at magnus. “Dahil sa ginawa mong pagdamay sa buhay ng mga kaibigan ni Serene. Wala na siyang buhay ngayon! Dahil sa kasamaan mo hiningi niya sa akin ang maging bampira!” Sigaw ni Lazarus na ikina-awang ng labi ni Ibrahim. “Anong ibig mong sabihin?” Matalim ang matang tanong nito sa kanya. Umigting ang panga ni Lazarus at napakuyom siya sa kanyang kamao. “Hindi kinaya ng katawan ni Serene ang mag-transform bilang bampira kaya wala na siya…at ngayon…pagbabayaran mo ang lahat.” Walang emosyon na sabi nito. Sumambulat ng tawa si Ibrahim na lalong ikinasalubong ng kilay ni Lazarus. Ngunit bigla din itong sumeryoso at tumingin sa kanya. “Wala na si Serene? Ibig sabihin, dapat mawala ka na rin pati ang mga kaibigan niya.” Banta nito. “Tumigil ka! Huwag mo silang idamay dito! Napaduwag mo! Para makuha ang yong nais ay kinailangan mong idamay ang mga taong inosente! Wala na si Serene kaya tapusin na natin ang laban na ito!” Igting ang pangang sigaw niya. “Ikaw ang pumatay sa kanya! Ayaw mong tangapin na hindi mo ako kayang talunin kaya ginawa mo siyang bampira kahit alam mong mahina pa ang katawan niya! Magdusa ka dahil susunugin kita at ibabalik sa libingan mo!” Sumugod sila sa isa’t-isa. Sukatan ng lakas at magkasabay na galit ang sumabog sa loob nilang dalawa. Kahit ang mga kawal na bampira ay hindi magawang sumugod dahil sa mabilis nilang galaw at halos magkapantay na lakas. Nagliparan ang mga ibon dahil sa pagtumbahan ang mga puno. “Ano nang gagawin natin? Sa tingin mo kayang labanan ni Papa Lazarus si Papa Ibrahim?” Kinakabahan na tanong ni Lea sa kanila. “Hindi ko alam, pero ngayon pa lang magdadasal na ako.” Sagot ni Klay. Lumapit ang isang bampira sa mga nagbabantay sa kanila. “Nagbaba ng utos si Ibrahim. Tapusin na ang mga bihag.” Wika nito na ikinagulat nilang lahat. “Huwag po! Maawa kayo sa amin!” Umiiyak na sabi ni Kakai. Ngumisi ang mga ito at unti-unti humakbang papalapit sa kanila. “Ikaw ang pinakamaingay kaya ikaw ang uunahin ko!” Banta ng panot na lalaki kay Kakai ngunit bago pa siya nito makagat ay may isang babaeng nakasuot ng itim na damit na humablot at kumabig sa ulo nito at walang pagdadalawang isip na kinagat ang leeg nito. Sa isang iglap ay humiwalay ang ulo nito sa kanyang leeg. “Ahhhhh!” Sigaw nila nang makita ang pangyayari. Nagimbal sila sa nasaksihan. Nag-angat ng tingin si Serene sa kanyang mga kaibigan. “Hi.” Nakangising sabi nito, nalaglag ang panga nila nang makilala nila ang babaeng nasa kanilang harapan. “Serene? Ikaw nga ba yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Klay. Pinahid ni Serene ang duguang labi. Dahil sa liwanag ng buwan ay hindi lang ang kagandahan nito ang nakita nila kundi pati na rin ang pulang mga mata nito. “Elifera! Clara at Clavio! Protektahan niyo ang mga kaibigan ko!” Sigaw ni Serene at nagdatingan ang tatlo. “Kahit anong mangyari. Huwag kayong maghihiwalay. Para hindi sila mahirapan na bantayan kayo. Kailangan kong puntahan si Lazarus.” Paalam ni Serene sa kanila at mabilis itong nawala sa harapan nila. “Guys, si Serene ba talag ayung kumagat sa panot at humati sa ulo nito?” Awang ang labi na tanong ni Kakai. “Oo, totoo ang sinabi ng Magnus sa atin. Ngayon ay isa na siyang ganap na bampira.” Segunda naman ni Martin na hindi rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD