Labanan

1715 Words
THIRD PERSON'S POV “Wahhhhh!!!” Kilabot na sigaw ni Kakai nang gumulong sa paanan niya ang isang ulo ng bampira. Dahil sa takot ay napatakbo siya ng mabilis at napahiwalay sa kanyang mga kaibigan. “Kakai! Saan ka pupunta?!” Tawag ni Klay sa kanya. Naglalaban ngayon ang si Elifera, Clavio at Clara dahil sa pagdatingan ng iba pang tauhan ni Ibrahim. “Clavio! Yung babae!” Sigaw ni Elifera sa kanya. Para unahan ang vampire na akmang susugod kay Kakai. Nadapa kasi ito sa naka-usling ugat ng puno. Mabilis na inabutan ni Clavio ang bampira at nagpagulong-gulong sila sa lupa hangang sa mahawakan ni Clavio ang magkabilang ulo nito. Lumagutok ang buto nito at tuluyang natangal sa katawan nito. Nanlaki ang mata ni Kakai sa takot dahil dilat pa ang kulay pulang mata ng bampirang susugod sana sa kanya. “Are you okay?” Itinapon ni Clavio ang ulo ng kalaban at inalalayan siyang makatayo. “K-kailangan ba talaga ganun sila tapusin?” Nanginginig na tanong nito. “Maliban sa pagudukot sa puso yun lang ang tanging paraan para mamatay sila. Dahil kung susugatan lang sila. Mabilis silang gagaling at hindi mauubos ang mga kalaban natin.” Paliwanag ni Clavio. Nagsilapitan sa kanila ang iba pa niyang mga kaibigan. “Kakai, kalma ka lang kapag pina-iral mo ang takot mo mahihirapan silang protektahan tayo.” Paalala ni Larry. May hawak siyang sulo ng apoy upang lumiwanag ang daan. “Paano ako kakalma? Hindi mo ba nakikita? Napaka-brutal ng p*****n nila.” Naiiyak na sabi ni Kakai. “Isipin mo na lang, isa lamang itong masamang panaginip. Tignan mo si Lea. bitbit pa niya yung ulo ng poging bampira na napatay noong isang babae.” Sabat naman ni Klay. Itinaas pa ni Lea ang hawak niyang ulo. “Itapon mo nga yan!” Singhal ni Martin sa kanya. Hindi na nila namalayan ang pag-alis ni Clavio upang tulungan ang dalawa. “Hindi ba natin sila tutulungan?” Tanong ni Larry sa kanila. “Oo nga, may mga sugat na din sila at kapag isa sa kanila ang natepok siguradong may hahabol na sa atin.” Sabat naman ni Lea. “Hindi natin sila kaya. Yung lakas nila wala pa sa lakas natin. Baka makagulo lang tayo kapag tumulong tayo!” Wika naman naman ni Martin. “Eh, bakit ganyan ka makatingin kay Elifera?” Pangangatiyaw ni Lea. “Hindi ah—sa taas!” Sigaw ni Martin nang makita niya ang bampirang susugod sana kay Elifera mula sa puno. Narinig yun ni Elifera at itinaas niya ang hawak niyang katana. Tumusok sa dibdib nito ang matalim na katana at tumagos pa sa likuran. Bago niya ito ihagis at tumama sa malaking bato. Awang ang labi nila habang pinagmamasdan kung paano maglaban ang tatlong kakampi ni Serene. Samantalaga, duguan na nakatali si Lazarus sa malaking puno ng balete dahil naubusan na siya ng lakas nang pinagtulungan na siya nina Ibrahim at Magnus pati na rin ang ibang kawal nito kaya hindi na niya kinaya pang lumaban. “Bakit hindi mo pa siya tapusin Ibrahim? Kapag naghilom ang mga sugat niya madali lang siyang makakawala sa rehas na yan!” Udyok ni Magnus sa kanya. “Maghintay ka Lazarus dahil gusto kong pagpira-pirasuhin ang kanyang katawan. Gusto kong marinig ang kanyang nasasaktang sigaw bago ko siya tuluyang paslangin!” Nakangising sabi ni Ibrahim sa kanya. “Ano Lazarus? Sino sa atin ang pinakamalakas ngayon!? Akala mo ba’y matatalo mo ako ng ganun-ganun na lamang?! Ang prinsipe ng Imperyo sa Romania?! Nangangarap ka kung ganun dahil nagkamali ka nang sumugod ka ditong mag-isa!” Malutong na tumawa si Ibrahim sa kanya. “Hindi siya mag-isa.” Nabitin ang tawa ni Ibrahim nang marinig niya ang salitang yun. Humihip ang hangin. At namatay ang apoy sa lahat ng sulo. Mula sa madilim na parte ng kagubatan ay dahan-dahan ang naging paghakbang ni Serene. Sa kanya napunta ang atensyon ng lahat. “Hindi pa tapos Ibrahim, may kailangan din akong singilin.” “S-Serene?” Nabuhayan na sambit ni Lazarus. Humakbang siya patungo sa harapan niya. “Akala ko wala ka na.” Umiling si Serene sa kanya. “Patawarin mo ako kung nahuli ako ng dating. Ako na ang tatapos sa kanya.” Nakangiting bulong ni Serene sa kanya. “Serene! Malugod akong natutuwa dahil dumating ka na. Sumama ka na sa akin! Hayaan mo na ang talunan na lalaking yan! Kapag hindi ka sumama sa akin tatapusin ko ang buhay ng mga kaibigan mo!” Singhal ni Ibrahim sa kanya. Kitang-kita ni Lazarus ang pagkulay dugo ng itim na mata ni Serene. “Serene, hindi mo siya kaya.” Pigil ni Lazarus sa kanya. Sa isang iglap ay natangal ni Serene ang makapal na rehas na nakatali kay Lazarus. “Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.” Walang emosyon na sagot niya dito. Nagulat si Ibrahim nang lumaglag ang rehas sa paanan ni Lazarus. Lalo na nang humarap si Serene sa kanya. Dahil nakita niya ang pagbaga ng mga mata nito at mas lalo pa itong naging kaakit-akit. “Isa ka nang bampira, na nararapat na maging aking asawa. Tayong dalawa ang maghahari sa imperyo. Dahil doon ka nababagay.” Pangungumbinsi ni Ibrahim sa kanya. “Iyong asawa? Nagkakamali ka Ibrahim. Dahil isang lalaki lang ang gugustuhin kong maging kabiyak. Yun ay si Lazarus, at dahil sa ginawa mo sa mga kaibigan ko at sa kanya. Hindi kita ngayon mapapatawad.” Sagot ni Serene sa kanya na ikinatiim naman ng anyo ni Ibrahim. Akmang lalapitan niya ito ngunit pinigilan siya ni Magnus, “Ako na ang lalaban sa kanya. Ikaw na ang tumapos kay Lazarus.” Suhestion ni Magnus. “Huwag mo siyang tatapusin Magnus. Alam mo naman na kailangan ko siya sa imperyo.” Paalala ni Ibrahim sa kanya. “Nakita ko ang ginawa mo kay Martin kanina. Dapat lang na ikaw ang unahin ko.” Nakangising sabi ni Serene sa kanya bago ito tumakbo papalapit kay Magnus. “Serene!” Tawag ni Lazarus. Ngunit tuluyan nang nagsukatan ng lakas ang dalawa. Pinilit ni Lazarus na tumayo. Kahit malalalim pa ang kanyang mga sugat. Kahit isa nang bampira si Serene ay siguradong mas malakas pa din si Magnus sa kanya. Ngunit iba ang kanilang nakita. “Pagtakbo na lamang ba ang gagawin mo?” Nakangising tanong ni Serene kay Magnus. Nasa magkabila silang bahagi ng ilog at nakatungtong sa malaking bato. “Mabilis ka para sa isang baguhan na bampira. Kaya bibigyan kita ng pagkakataon na sumama sa amin ni Ibrahim.” Seryosong sabi nito. Bumaba si Serene sa bato at mabilis na sinugod si Magnus. Naglaban sila sa ibabaw ng malaking bato. Mabuti na lamang sa edad na katorse ay naging black belter si Serene sa mixed martial arts. Nagamit niya ito sa pagsugod kay Magnus at nadagdagan pa ang kanyang galing dahil mas gumaan at bumilis din ang kanyang pagkilos. Buong lakas niya itong sinipa na ikinahulog nito sa talon. Alam niyang buhay pa ito ngunit binalikan niya si Lazarus. Naroon na sila Elifera, Clara at Clavio upang tulungan si Lazarus sa mga kawal. Habang nasa di kalayuan naman ang kanyang mga kaibigan na magkakahawak ang mga kamay. Napansin niyang papalapit si Ibrahim sa mga ito kaya madali niyang tinakbo ang mga ito. Bago pa makalapit si Ibrahim ay kaagad na itong naharang ni Serene. “Mahilig ka talagang mandamay ng mga tao. Para lang makuha ang gusto mo.” Matalim ang matang tingin ni Serene sa kanya. “Lahat gagawin ko para lang mapasa-akin ka. Kaya kung ayaw mo silang mapahamak. Ngayon pa lang mag-desisyon ka na.” Banta ni Ibrahim sa kanya. “Mag-ingat ka Serene. Huwag mo kaming alalahanin.” Narinig niyang sabi ni Klay. “Oo nga Serene, tapusin mo na siya!” Segunda ni Larry. Bumaling ang masamang tingin ni Ibrahim sa kanila. Ngunit bago pa makakilos si Ibrahim ay nahawakan na ni Serene ang magkabilang braso niya. At ibinalibag siya sa lupa. Bago pa ito makabangon ay dinaganan na niya ang tiyan nito at malakas na sinuntok sa mukha. Putok ang labi ni Ibrahim ngunit sa ikalawang suntok niya ay napigilan nito ang kamay niya at siya naman ang umikot kaya nasa ibabaw na siya ni Serene. Dumating si Lazarus at mabilis na sinipa niya si Ibrahim kaya tumalsik ito sa puno. “Okay ka lang?” Nag-alalang tanong ni Serene. Nagulat siya ng bigla siyang kintalan ng halik sa labi. “Okay na!” Nakangiting sabi ni Serene sabay sugod ulit sa kakatayong si Ibrahim. “Go Lazarene!” Sigaw nila Lea at Kakai. Ngunit nanlaki ang mata nila nang biglang sumulpot ang basang si Magnus. At sila ang pinagdiskitahan sinipa ni Magnus si Larry at tumalsik ito sa malayo. “Larry!” Napalingon si silang lahat sa magkakaibigan sinunod ni Magnus si Lea na tumilapon din kaya humarang si Martin at akmang lalabanan si Magnus ngunit nahawakan niyo ang bakal na hawak nito at inihampas sa kanyang katawan na ikinagupo nito sa semento. “Martin!” “Lea!” Sabay na sigaw nila Kakai at Klay. Bago pa makalapit si Magnus sa dalawa na ngayon ay nanginginig na sa takot ay humarang na si Serene sa kanya. Galit ang mga matang tinignan niya si Magnus. “Hindi kita mapapatawad.” Seryosong sabi ni Serene sabay sugod sa kanya. Nagpalitan sila ng kabilaang suntok at sipa. Ngunit dahil sa galit ni Serene at sa dinanas ng kanyang mga kaibigan kay Magnus ay gitil siyang paslangin si Magnus. Nagawa niya itong mapatumba at mabilis niyang dinukot ang puso nito na ikinaluha ng dugo ni Magnus. Nakita ni Ibrahim at Lazarus ang ginawa ni Serene na pagkitil sa buhay ni Magnus. Kaya ipinagpatuloy na nila ang laban. Naubos na rin ang mga kawal ni Ibrahim dahil kila Elifera, Clavio at Clara. Kaya dalawa na lamang ang natitirang naglalaban. Lumapit si Serene kay Lea dahil ito ang napuruhan at nawalan ng malay. “Dalhin niyo muna na sila sa mansyon at gamutin.” Utos ni Serene sa tatlo na agad naman nitong sinunod. “Sumunod kayo sa amin.” Wika ni Clavio sabay buhat kay Lea. Si Elifera naman ay inalalayan si Martin at si Clara naman ay si Larry ang inalalayan. Naiwan ang tatlo sa lugar upang magtuos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD