Kamatayan

1753 Words
LAZARUS Pagkatapos ko siyang kagatin ay nawalan siya ng malay. Bumagsak siya sa dibdib ko at binuhat ko ang kanyang katawan pabalik sa aking silid. Inihiga ko siya ng maayos at bumaling ako sa tatlong nasa likod ko. “Iwan niyo muna kami.” Utos ko. “Sigurado ka ba? Critical ang mga susunod na oras ni Serene, Lazarus.” Wika ni Elifera. Nag-aalalang bumaling ako sa walang malay na si Serene. “Alam ko, ngunit walang ibang makakatulong sa kanya kundi ang kanyang sariling katawan. At nandito lang ako upang palakasin ang loob niya. Mas mainam kung magbantay kayo sa labas. Kung ano man ang mangyari ay dapat handa tayong lahat.” Seryosong sabi ko sa kanila. “Kung ganun, maiiwan na namin kayo.” Pagsang-ayon ni Clavio sabay alis at sunod naman ng dalawa. Naupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ang kanyang pisngi. Hindi lang niya ako napahanga sa kanyang ganda. Napahanga din ako sa kanyang tapang kahit alam niyang maaring manganib ang kanyang buhay. Basta para sa kanyang mga kaibigan ay hindi siya nagdalawang isip na sumugal. Sa mga oras na ito ay unti-unti nang dumadaloy sa kanyang systema ang dugo ng pagiging bampira. At nasa katawan niya kung kakayanin niya ang pagbabagong yun. Nag-aalala man ay mas pinili kong magpakatatag. Kinuha ko ang kanyang kamay at pinagsiklop ang palad naming dalawa. “Aantayin ko ang pagising mo, Serene.” Mahinang sambit ko sa kanya. Hindi lang siya ang nagbago. Dahil sa pagsisip ko sa kanyang dugo ay mas nararamdaman kong malakas na ako ngayon. At kaya ko nang talunin ang madaming kampon ni Ibrahim. Tunay ngang siya ang babaeng nasa propesiya dahil nararamdaman ko ang pagdaloy ng kanyang dugo sa aking katawan. Madaling araw na nang maramdaman ko ang pagkilos niya. Gumalaw kasi ang kamay niya na kanina ko pa hawak. Pagdilat ko ay gumapang ang kilabot ko nang makita ko ang unti-unting pag-itim at panunuyot ng kanyang balat. Hindi ko namalayan dahil kinailangan ko ding magpahinga sa tabi niya. “S-serene?” Unti-unti siyang dumilat at nakatingin lang siya sa kisame. “La-za-rus…I think, hindi ko… kakayanin.” Sambit niya. Nanunuyo at nagbabalat na rin ang kanyang labi. Ngunit para sa akin natatangi pa din ang kanyang ganda. “Hindi, kaya mo yan.” Matatag na sambit ko sa kanya. “Ang sakit…ang sakit ng nararamdaman ko…at hindi ko alam…kung saan nangagaling ang sakit…” Nahihirapang sabi niya. Mariin akong napapikit upang pigilan ang aking emosyon. Hindi ito ang tamang oras upang maging mahina. Kinuha ko ang preskong dugo ng hayop sa gubat at inalalayan ko siyang maka-upo. “Heto, inumin mo. Makakatulong ito para kahit paano ay mabawasan ang sakit at pagiging agresibo ng dugong bampira mo.” Alok ko sa kanya. Nanginginig na tinangap niya ang stainless na baso. At sinilip niya ang laman niyo. “Y-yuck…kailangan ko na bang inumin yan?” Nakangiwing sabi niya sa akin. “Oo, sa una lang hindi mo magugustuhan pero kapag nasanay ka kakayanin na ng ‘yong panlasa.” Pangungumbinsi ko. Inilapit ko sa kanyang tuyong labi ang baso at pina-inom ko siya. Ngunit hindi pa siya nakakailang lagok ay inilayo na niya ito sa kanya. Isinuka niya ang dugong pina-inom ko sa kanya. Kumalat ito sa puti niyang pantulog. “H-hindi ko kaya Laza-rus.” Nangingilid ang luhang sabi niya. Napakapit siya sa kanyang dibdib. “Ahhh! It hurts!!!” Hiyaw niya na ikinabahala ko. Ibinaba ko ang baso sa ibabaw ng mesa. “P-parang pinipiga ang puso ko Lazarus! Ahhh!!!” Hiyaw niya. Nag-aalalaa man ay kinabig ko siya sa aking dibdib at mahigpit ko siyang niyakap. “Kaya mo ito Serene…kakayanin mo para sa mga kaibigan mo at para na rin sa atin.” Napakapit siya sa braso ko kaya napayuko ako upang pagmasdan ang kanyang mukha. “La-zarus, ipangako mo sa akin…kapag hindi ko kinaya—” “Hindi Serene, huwag mong sabihin yan. Mangako ka na kakayanin mo. P-Paki-usap…” Hinaplos ko ang pisngi niya at pinahid ang dugo na nasa kanyang labi. “P-pipilitin ko Lazarus, ngunit kung hindi ko ma-kayanan…ikaw na ang bahala…sa mga kaibigan ko…” Nahihirapang sabi niya. Umiling ako sa kanya. “Tutulungan kitang kayanin ang Serene.” Inabot ko ang baso at ininom ko ang dugo at isinalin ko sa kanyang naka-awang na labi. “Kailangan mong inumin ito upang mabawasan ang sakit at maging ganap ka ng bampira.” Mariin siyang napapikit ngunit tinangap niya ang dugo na mula sa aking bibig na isinalin ko sa kanya. Bahagyang humupa ang nararamdaman niyang sakit. Inihiga ko siyang muli at kumuha ako ng pamunas sa kanyang bibig. “Kumusta siya?” Bungad nila sa akin. Umaga na at hindi pa rin siya nagigising. Diniliman ko ang kanyang silid dahil sa sikat ng araw. “Hindi pa siya nagigising simula kanina.” Sagot ko sa kanya. “Magpahinga ka muna Lazarus, kami na muna ang magbabantay kay Serene.” Umiling ako sa kanila. “Pareho lang tayong walang sapat na pahinga. Ngunit mas kaya ko. Mas mainam na kalahati ng tauhan natin ay pagpahingahin muna. Upang maghanda mamayang gabi.” Utos ko sa kanila at agad na rin silang umalis. Bumalik ang tingin ko kay Serene na mahimbing pa ring natutulog. Paunti-unti ay sinasalinan ko siya ng dugo sa kanyang labi. Alam ko kahit nahihirapan siya ay tinitiis niya ito. Lumipas ang maghapon ay mas lalong lumalala ang pangingitim ng kanyang balat. Nakikita ko na din ang buto niya sa pisngi at pati na rin ang panlalalim ng kanyang mga mata. Hindi na ako mapakali, pakiramdam ko unti-unti na siyang bumibitaw. Pero hindi ako susuko! “Serene, mahal ko…gumising ka na paki-usap…” Hinawakan ko ang kanyang kamay na nagiging buto na rin. Hangang sa nahulog ang singsing sa kanyang daliri. Tumayo ako at dinampot ko ang singsing. Ngunit nagulat ako nang may bumagsak sa likuran ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Serene sa ibaba ng kama. Namimilipit sa sakit ng katawan. “Serene!” Mabilis akong lumapit sa kanya. “Ahhh!!! Laza-rus!!!” Impit na hiyaw niya. Mahigpit ang naging hawak niya sa kuwelyo ng damit niya at habol na rin ang kanyang pahinga. Sinubukan ko siyang i-upo sa kama ngunit humiga siya, pagkatapos ay dumapa naman siya. Mahigpit niyang hawak ang comforter. “Ahhh!!! Laza—- Ang sakit!” Nahihirapang hiyaw niya. Bumukas ang pinto ng kuwarto at sumulpot ang tatlo. “Serene!” Bulalas nila. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko! Nahihirapan na siya. At nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Kinuha ko ang kamay niya at kinagat ko ito. Wala siyang response at naghihiyaw pa rin siya sa sakit. “Lazarus! Tama na yan!” Pigil nila sa akin nang kagatin ko naman ito sa hita. Bumaon ang dalawang pangil ko sa kanyang tuyong balat. Nasu-suffocate na ang kanyang katawan dahil sa kamandag ng dugo na dumadaloy sa kanyang ugat. Kinakain nito ang normal na dugo ng tao. Palubog na rin ang araw kaya mas siguradong labis na ang nararamdaman niyang sakit. “Ahhh!!!” Halos maubos hininga niyang sigaw. Nanlambot siya at nanlupaypay ang kanyang katawan. “Serene? Serene?!” Sumampa si Elifera sa kama at sinimulan niyang i-pump ang puso ni Serene. Natigalgal ako nang naka-awang na ang labi nito. May luhang tumulo sa gilid ng kanyang mata. Kasabay nang pagpikit nito ay ang tuluyang pagtigil ni Elifera sa kanyang ginagawa. Lumingon siya sa akin at umiling. “L-Lazarus, patawad. Ngunit wala na siya…” Sambit niya. Naumid ang aking dila. Umalis siya sa pagpatong kay Serene nang unti-unti akong humakbang papalapit sa kanyang nakahigang katawan. “Lazarus.” Narinig kong tawag nila sa akin. Ngunit hindi ko sila pinansin sa halip ay lumapit ako kay Serene at inangat ko ang katawan niya. Isinandal ko sa aking dibdib. “Gumising ka…huwag mo akong iwan. Serene…paki-usap…” Paos na sambit ko sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Pinagsiklop ko ang palad naming dalawa. “Iwan niyo kami.” Utos ko sa kanilang tatlo. Lumabas sila nang kuwarto at hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na naririnig ang pintig ng kanyang puso. Katunayan na hindi kinaya ng katawan ang pinagdaanan niyang pagbabago… “Serene…huwag mo akong iwan ng ganito. Gumising ka, idilat mo ang ‘yong mga mata. At tuparin mo ang pangako mo! Paki-usap! Serene!!! Ahhh!!!” Umalingawngaw ang aking sigaw sa kabuohan ng mansyon. Nanghihinang niyakap ko ang walang buhay niyang katawan. “Hindi…hindi maari! Gumising ka aking reyna!” Patuloy na pagmamakaawa ko sa kanya. Sa unang pagkakataon ay bumaha ang aking luha. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman. Pagsisisi dahil hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito. Kung alam ko lang na hindi magiging patas si Ibrahim sana noong una palang kaming magharap ay tinapos ko na siya! Pero mas inuna ko ang kaligtasan ni Serene. At ngayon nabalewala ang lahat…wala na siya…at hindi ko na siya maibabalik pa. Halos isang oras din akong nagluksa sa kanyang tabi bago ko siya inayos sa kama. Kinumutan ko siya at nahahabag na pinagmasdan ang kanyang mukha na dumanas ng hirap. Sa huli ay hinalikan ko ang kanyang labi. “Mahal kita Serene, ililigtas ko ang mga kaibigan mo. Kahit maging kapalit pa nito ng aking buhay.” Sambit ko sa kanya. Mabigat ang mga paang humakbang ako patungo sa pintuan. At bahagya ko siyang nilingon bago ko isinara ang pintuan. Nag-angat ako ng tingin sa tatlo na nasa aking harapan. “Kung sakali mang hindi na ako makabalik. Kayo na ang bahala sa katawan ni Serene. Bigyan niyo siya ng maayos na libing. At kunin niyo ang aking bangkay. Upang itabi niyo sa kanya. Mabuhay kayo nang walang ibang taong sinasaktan. Yun lamang ang aking hiling.” Akmang iiwan ko na sila ngunit pinigilan ako ni Clavio. “Hindi kami papayag na umalis kang mag-isa. Sasamahan ka namin ni Clara.” Pigil niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Laban namin ito ni Ibrahim. Gusto kong matikman niya ang pait ng paghihiganti ko.” Igting ang pangang sagot ko sa kanya. “Lazarus, bumalik ka ng buhay. At talunin mo si Ibrahim.” Wika naman ni Elifera. “Kayo na ang bahala kay Serene. Ipaghihiganti ko ang pagkawala niya. Kahit maging buhay ko ang kapalit.” Pagkatapos kong sabihin sa kanila yun ay mabilis akong umalis sa harapan nilang tatlo. Humanda ka Ibrahim, pagbabayaran mo ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD