SERENE
“Paano natin maisusuko si Fonso? Kung hindi natin siya mapapaamin sa kanyang mga ginawa?”
Napalingon sila sa akin nang sabihin ko yun. Matagal na panahon ng nangyari ang kremin kaya imposible na makahanap pa kami ng ebedensya na magdidiin sa kanya bali na lang kung aamin siya sa kanyang kasalanan.
“Paaminin kaya natin siya?” Suhestion ni Klay.
“Hindi ganuon kadali yun. Dapat may hawak tayong ebedensya.” Wika naman ni Larry na sinang-ayunan ng lahat.
“Tama! Kung walang ebedensya eh di maghanap tayo sa tirahan nila. Diba may babuyan sila? At nagpapasok sila ng mga bumibili ng baboy? Malay niyo makahanap tayo ng daan para makapasok ng palihim sa bahay niya. Ang alam ko walang pamilya itong si Fonso. Tanging mga tauhan lamang niya ang kasama niya sa babuyan.” Dagdag pa ni larry na nakapagbigay sa amin ng pag-asa.
“Tama si Larry. Kaya, tayo na sa babuyan nila habang narito pa si Fonso.” Sang-ayun ni Martin.
Kaagad kaming lumabas ng palengke. At nadatnan namin si Lazarus na nakasandal sa van. Hindi niya kami tinitignan kahit maingay kami habang papalapit kami sa van.
“Papa Lazarus saan ka nangaling?” Nagtatakang tanong ni Lea sa kanya.
“Ayoko ng mabaho at masikip kaya lumabas na ako.” Seryosong sagot niya. Binuksan nila ang pituan ng van at nag-unahan silang pumasok na parang bata. Naitulak pa ako mabuti na lamang at nahawakan ako ni Lazarus ngunit mabilis din niya akong binitawan.
“Saan ako?” Nakangusong tanong ko sa kanila.
“Diyan na kayo sa likod ni Papa Lazarus!” Nakangising sabi ni Kakai. Talaga namang hindi nila kami titigilan ni Lazarus kahit alam naman nilang ikakasal na ito.
Wala akong choice kundi ang pumasok sa likuran at sumunod siya sa akin. Nasa kabilang dulo ako ng upuan at nasa kabila naman siya. Mas naco-concious na tuloy ako sa amoy ko dahil sa kanya. Kahit naligo naman ako at nag-deodorant nag-mint din ako para hindi mabaho ang hininga ko.
“Malayo ba dito ang babuyan?” Narinig kong tanong ni Klay kay Martin na nagmamaneho katabi si Larry dahil ito ang magtuturo ng daan.
“Hindi naman, pero ang alam ko maputik ang daraanan kaya baka malubog tayo sa putik.” Sagot ni Larry kay Klay.
Nagumpisa naming tuntunin ang daan patungo sa babuyan ni Fonso. Halos kinse minutos din ang ibinyahe namin at nasa maputik road na kami. Ibig sabihin ay malapit na kami doon.
“Martin dahan-dahan naman naalog ang dede ko!” Singhal ni Lea kahit wala naman siyang dede.
“Oo nga! Pati yung lipstick ko napunta na sa ngipin ko.” Segunda naman ni Kakai na ikinatawa ng dalawa sa tabi niya. Magalaw kasi ang van dahil hindi pantay ang dinaraanan namin. Mahigpit naman akong nakakapit sa upuan na nasa harapan ko dahil baka tumalsik ako kay Lazarus.
“Hindi maiwasan kaya kumapit na lang kayo.” Sagot ni Martin sa kanya hangang sa tuluyang tumigil ang van sa gitna ng maputik na daan.
“Dito na tayo?” Nahihilong tanong ko.
“Na-stuck yung gulong natin.”
“Ha?!” Sabay-sabay na bulalas namin maliban kay Lazarus na parang walang paki-alam sa mga nangyayari.
“Baba muna kayo. Itulak niyo yung van.” Utos ni Martin sa amin.
“What? Pagtutulakin mo kami sa putik? Bago ang shoes ko!” Maarteng angal ni Kakai. Alam naman kasi niyang maulan talagang nagputi pa siya ng sapatos.
Naunang bumaba si Larry at tinignan ang gulong namin. Sumunod na rin sila at nauna si Lazarus sa akin na bumaba bago ako.
“Kaya ba natin ‘to?” Tanong ni Klay.
“Paano natin malalaman kung tutunganga lang tayo dito? Tara na! Gora na, baka abutin tayo ng dilim!”
Naunang pumunta si Lea sa likuran at sinundan din namin siya. Naiwan si Lazarus sa gilid.
“Hoy! Hindi mo ba sila tutulungan?!” Narinig kong sigaw ni Martin sa unahan. Matalim ang tingin na ipinukol sa kanya ni Lazarus.
“Tulak!”
Buong lakas namin na itinulak ang van. Ngunit hindi ito gumagalaw sa pagkakabaon niya.
“Papa Lazarus tumulong ka na! The more the merry Christmas!” Singhal sa kanya ni Lea. Bumagsak ang balikat niya at napilitan siyang lumapit sa amin. Magkatabi kaming dalawa at nakapatong ang maputing kamay niya sa likuran ng van.
“1…2…3 Push!” Sigaw ni Lea na parang nagpapaanak ng buntis. Umabante ang van at nagtatalon kami na parang bata. Kaagad silang nagtatakbo patungo sa van. Ngunit nabaon ang paa ko sa lupa at hindi ko maalis ang sapatos ko.
“Guys! Tulong!” Tawag ko sa kanila. Nilingon ako ni Lazarus at napunta sa paa kong natabunan ng putik ang mata niya.
“Kaya niyo na yan! Bilisan niyo!” Sigaw ni Kakai nagtawanan silang tatlo at talagang iniwan nila ako!
“Hoy! Mga walang puso kayo!” Sigaw ko. Lumapit si Lazarus sa akin at inalok niya ang kamay niya. Ayoko mang abutin dahil naiinis parin ako sa kanya. Pero pinagkaisahan na ako ng tatlong talipandas na yun.
“Ano? Hahawak ka ba o iiwanan na kita?” Salubong ang kilay na tanong niya sa akin.
“Tawagin mo na lang si Martin. Baka masuka ka na naman sa amoy ko—”
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila kaya natangal ng tuluyan ang paa ko at naiwan ang sapatos ko sa putik. Ngunit hindi lang yun napayakap ako sa kanyang dibdib.
“Woooohhhh! It must have been love…. But it over now….” Narinig kong sabay na kanta ng tatlo sa van habang nakasilip sa amin.
Lagot talaga yun sa akin! May araw din ang mga yun!
“Paano yung sapatos ko?”
Napatitig ako sa mukha niyang walang ka-force force samantalang yung akin palaging full force! Nag-iwas siya ng tingin at kaagad niya akong binuhat.
“Teka! Sandali!”
“Huwag kang malikot babalikan natin ang sapatos mo.” Saway niya sa akin. Napilitan akong huminahon habang buhat niya ako na parang isang toodler na bata. Naka-ikot pa ang kamay ko sa leeg niya at sa mukha lang niya ako nakatingin. Hangang sa makarating ako sa van. Mga nang-aasar na ngisi nila ang bumungad sa akin.
“Mamamaya kayo.” Banta ko sa kanila.
“Parang ang sarap magpabuhat kay Papa Lazarus, puwedeng ibaon mo ulit Martin?” Litanya ni Lea nang makalayo si Lazarus upang kunin ang sapatos ko. Nag-iinit na ang pisngi ko sa kahihiyaan. Bumalik si Lazarus na tangan na ang aking sapatos at tinangal na rin niya ang lupang nakadikit dito. Pero meron pa din.
“Lagot ako kay daddy kailangan natin palinisan itong van.” Wika ni Martin.
Tumuloy kami sa babuyan ni fonso at maayos na din ang dinaanan namin.
“Andito na tayo.”
Tumigil ang van sa isang mataas na gate na stainless gate hindi namin makita ang looban nito.
“Dito? Sigurado ka ba Larry?” Tanong ni Kakai sa kanya.
“Oo dito. Dito namimili yung ibang nagtitinda ng baboy sa palengke. At ito rin ang babuyan ni Fonso.” Saad ni Larry. Bumukas ang maliit na pinto ng gate at may nakita kaming sumilip.
“Anong kailangan niyo?” Tanong ng matandang lalaki.
“Bibili po kami ng baboy!” Si Lea ang sumagot kaya napatingin kami sa kanya at napasimangot.
“Eh anong gagawin natin dito? Fieldtrip sa babuyan?” Mahinang sambit niya.
Hindi namin napaghandaan ang isasagot namin.
“Puwede po bang tumingin?” Si Kakai ang nagtanong. Maya-maya pa ay bumukas na ang isa pang pinto at pinapasok niya kami.
Bumungad sa amin ang malawak na lupa. At ang malaking kulungan ng baboy. Katabi ang isang lumang bahay at may isa pang bahay na mas maliit pa dito. May guard house din sa tabi ng gate.
May lumapit sa amin na dalawang lalaki.
“Dito po.” Aya niya sa amin.
Napatingin ako sa bintana at may nakita akong matanda na nakaupo habang nakatingin sa amin.
“Larry kilala mo ba yun?” Mahinang nguso ko kay Larry sa dereksyon ng matanda.
“Yan? Ang alam ko tatay ni Fonso yan.” Sagot ni Larry. Ibig sabihin doon siya nakatira sa lumang bahay na yun.
“Pumili lang kayo ng gusto niyo.”
Saad ng lalaki habang pinagpatuloy ang paglilinis ng kulungan.
“Lea, dahil ikaw ang nagsabi na bibili tayo maglabas ka ng pera.” Inis na sabi ni Klay sa kaniya.
“Ano? Pwede naman atang hindi bumili at tumingin lang!” Mahinang usap nila.
“Manong yun nga.”
Sabay-sabay kaming napatingin kay Lazarus habang nakaturo sa isang maliit na baboy.
“Akala ko po iihawin ang bibilhin niyo?” Nagtatakang tanong ng lalaki.
“Ay naku! Hindi po! Gagawin po niyang pet sinamahan lang namin!” Natatawang sabi ni Lea.
Pet? Baboy? Ano naman kaya naisip ni Lazarus at bumili siya ng biik?
Kinuha ng lalaki ang biik at inabot kay Lazarus.
“Ang cute ng nguso niya. Parang nguso mo kakai!” Wika ni Lea habang hinahaplos ito. Agad naman siyang binatukan ni Kakai.
“Aray! Nagbibiro lang eh!”
“Anong palagay mo sa nguso ko? Nguso ng biik ha?” Inis niyang sabi.
“Ah, kuya may tubig po ba kayo puwedeng panlinis ng sapatos? Nabaon kasi kami sa lupa sobrang dumi ng sapatos ko. Baka lang po.” Pagdadahilan ko pero ang totoo para makapag-observe pa kami.
“Sige, sumunod kayo sa akin.”
Kaagad akong sumunod sa kanya kasama ko si Kakai at Klay. Habang inaayos nila ang bayad sa biik. Malaki na naman ito at malakas na rin kumain ng feeds kaya pwede ng ihiwalay sa nanay niya.
Binuksan ni Kuya ang gripo at kumuha ako ng panyo upang mapunasan ng maayos ang sapatos ko. Ganun din ang ginawa nila.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong ibang makitang puwede naming pasukan. Kailangan naming makapasok sa bahay ni Fonso para makapag-imbistiga. Hangang sa may nakita akong isang lumang sasakyan.
“Kuya kanino ang lumang sasakyan na yun?” Usisa ko. Nakatambak na kasi ito at kinakalawang na.
“Kay Tay Fonso yan. Yung may-ari ng babuyan na ito.” Sagot niya sa akin. Napatingin ako kay Kakai na panay ang ayos ng sarili gamit ang camera niya.
“Kakai, kunan mo yung kotse.” Halos pabulong kong sabi sa kanya na kami lang ang nakakarinig. Tumango siya sa akin at kinuhanan niya ng palihim ang bawat sulok ng babuyan.
Pagbalik namin sa babuyan ay wala na yung tatlo.
“Nasaan po sila?” Tanong ko sa guard.
“Ayun oh!” Turo niya sa amin. Nakita namin ang dalawa na hinahabol ang biik at sobrang bilis nitong tumakbo. Pati yung tauhan nakihabol na rin. Pero hindi ko makita si Lazarus. Nasaan siya?