Kasalukuyang ina-antay ni Serene ang kanyang mga kaibigan sa labas ng gate ng kanyang bahay. Van kasi ni Martin ang sasakyan nila ngayon papunta sa palengke kung saan ang puwesto ni Alfonso. Panay ang tingin niya sa relo dahil ang usapan nila ang alas-nuebe ng umaga ngunit past nine na ay wala pa rin ito. Pag-angat niya ng tingin ay nagulat siya nang biglang sumulpot si Lazarus.
“Nakakagulat ka naman! Saan ka bumaba? Wala namang sasakyan na dumaan ah?” Nagtatakang tanong niya dito.
“Doon sa malayo, naglakad lang ako papunta dito.” Seryosong sagot nito sa kanya.
“Weh? Eh kanina pa ako patingin-tingin hindi nakita nakita na naglalakad.” Nadududang sabi nito.
“Baka hindi mo lang ako napansin.”
Napatitig si Serene sa mukha nito. Matagal na niyang gustong itanong kung ano ang gamit nitong skin care dahil sa maputing mukha ni Lazarus. Mas makinis pa nga ang mukha nito kaysa sa kanya. At hindi rin ito pinagpapawisan.
“Bakit mo ako tinititigan?” Nagtatakang tanong ni Lazarus sa kanya.
“Wala lang, kakaiba kasi ang balat mo. Natural ba yan? Baka naman gatas ng kalabaw ang pinanliligo mo?”
Nagulat si Lazarus nang pisilin nito ang kanyang pisngi. Ngunit mas nagulat si Serene dahil naramdaman niyang hindi normal ang temperature nito.
“Ang lamig mo! Para kang bangkay!” Bulalas niya. Akmang pipisilin sana niya ito ito ulit umiwas na si Lazarus.
“Huwag mo akong hawakan.” Saway nito sa kanya.
“Bakit? Baka mahawa ako sa kaputian mo?” Nagbibirong tanong si Serene.
“Hindi, ayoko ng amoy mo.”
Awang ang labing napatingin si Serene sa sinabi nito sa kanya.
“Anong sabi mo? Ayaw mo sa amoy ko? Hoy coldman! Naligo ako ngayong araw! Tignan mo yung buhok ko? Basang-basa pa nga oh?” Litanya ni Serene sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito. Hindi naman siya nababahuan kay Serene. May kakaiba lang itong amoy na nagpapaakit sa kanya at nagpapalabas ng pangil niya kaya hangat kaya niyang umiwas ay pinipilit niyang umiwas ng tingin dito.
Natigil ang pagtatalo nila nang tumigil ang puting van.
“Let’s go Serene!” Nakangising sabi ni Kakai na nakaupo sa tabi ni Martin na driver ng van.
“Ang tagal niyo! Inugat na ako dito!” Inis na singhal niya.
“Nasaan?” Pang-iinis ni Lea na nakalipstick pa ng kulay pink.
Binuksan ni Larry ang pinto at naunang pumasok si Serene. Dumerecho naman si Lazarus sa likuran nila at katabi niya si Lea.
“Hi, papa Lazarus. Do you like my lipstick?” Nakangusong sabi ni Lea sa kanya. Hindi siya nito sinagot kaya lukot ang mukha ni Lea.
“Alam mo? Kung palagi kang seryoso at masungit hindi ka magkakagirlfriend kaya bawasan mo yang pagsusungit mo. Pasalamat ka guwapo ka.”
“Hindi ko na kailangan ng girlfriend dahil ilang araw mula ngayon ay ikakasal na ako.”
“Ano?!” Halos sabay na sabi nila. Pati si kakai na nasa unahan ay napalingon din sa narinig habang nakatingin naman sa rearview mirror si Martin. Si Larry, Klay naman at si Serene ay napalingon din sa kanya.
“Talaga? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ikakasal ka na pala. Hindi mo man lang kami iimbitahan?”
“Hindi pa niya ako nakikilala.” Wika ni Lazarus habang nakatingin kay Serene.
“I knew it! Siguro fixed marriage yan ano?” Bulalas ni Kakai sa unahan.
“Hindi, kinuha niya ang bagay na pinaka-iingatan ko kaya kailangan niya akong pakasalan sa ayaw at gusto niya.” Sagot pa rin nito habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Serene na ikinalakas ng kabog ng puso niya ang mariing pagtitig nito.
“At anong bagay naman yun? Puwede ba naming malaman?” Usisa ulit ni Lea.
Itinapat ni Lazarus ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.
“Ang puso ko.”
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Serene sa kanya at muling umayos ng upo.
“Ang sweet mo naman Lazarus.” Puri ni Klay sa kanya.
“May nauna na pala sa puso mo akala ko pa naman type mo si Serene.” Litanya ni Lea na ikinagulat ni Serene kaya marahas niya itong nilingon.
“Bakla! Tumigil ka na okay? Ikakasal na nga yung tao eh. Saka sabi niya kanina ayaw daw niya sa amoy ko kaya imposible yang sinasabi mo.” Irap na saway nito sa kanya na malutong na ikinatawa ni Lea at nang iba pa.
“Hoy! Excuse me mabango ang kilikili ko kahit dito pa kayo tumira ano?!” Pagtatangol ni Serene sa sarili. Lumingon siya kay Lazarus ang sinamaan niya ito ng tingin. Pero seryoso lang ang tingin nito sa kanya.
“Huwag kang tatabi sa akin kahit saan ha! Kung hindi pipingutin ko yang ilong mo!” Banta ni Serene sa kanya na ikinangiti nito.
“Taray! Ang puti ng ngipin mo Papa Lazarus. Dapat ang mga ganyang ngipin ibinu-bungisngis ng ngiti.” Wika ni Lea nang makita niya ang perfect nitong ngipin.
“Baka naman false teeth kaya ayaw tumawa. Baka daw malaglag.” Nakangising sabi ni Martin na ikinatawa din nila.
Nagdugtong ang kilay ni Lazarus at napasigaw sila nang kumabig ng malakas ang van pakaliwa.
“Martin, magdrive ka na nga lang!” Singhal ni Klay dahil sa nerbyos. Muntik pa silang mahagip ng truck na kasalubong nila.
“Hindi ako! Maayos ang pagpapatakbo ko!” Gulat na sabi ni Martin dahil alam niyang mabagal at maayos ang takbo niya.
Napatakip si Lea sa kanyang bibig. “Oh my god! Hindi kaya nasa loob din ng van yung tatlong batang multo?” Kinakabahan na sabi nito.
“Kung andito man, eh di sana sinabi na namin ni Serene. Saka sa tingin ko hindi sila aalis doon sa bahay dahil doon nga sila namatay diba? Baka nag-iintay ng lang hustisya para makalaya na ang kaluluwa nila.” Sagot ni Klay sa kanila na sinang-ayunan naman ni Serene.
Tumahimik na lang sila para makapagfocus sa pagmamaneho si Martin. Pagkarating nila sa palengke ay kaagad nilang hinanap ang puwesto ni Fonso. Ang butcher meat na pumatay sa tatlong bata.
“Siya ang tinutukoy ko.” Turo ni Larry sa kanila sa di kalayuan. Abala kasi ito sa pagtataga sa mga karne. At may lalaki naman itong kasama na ito ang nagbebenta.
“Siya nga! Kamukhang-kamukha niya yung nasa picture.” Sambit ni Kakai.
“Tabi! Tabi! Nasa daan kayo!”
Nagulat sila dahil sa malakas na boses ng lalaki na may hawak na banyera at punong-puno ito ng isda. Nakaharang kasi sila sa daraanan nito.
Sa kakausod ni Serene ay nawalan siya ng balance. At muntik na siyang matumba sa mga basura na nakakalat.
Mabilis na nahila ni Lazarus ang kamay niya at kinabig niya ang beywang nito kaya napayakap si Serene sa leeg nito at hindi siya tuluyang natumba sa mga basura na nasa likod niya.
Nag-angat ng tingin si Serene at sinalubong niya ang magandang mga mata ni Lazarus.
“S-salamat.” Nahihiyang sabi niya. Napunta sa labi niya ang mga mata ni Lazarus. Napalunok siya at nag-umpisa na nang sumakit ang pangil niya.
“Kdrama lang ang peg? May pa slow-mo Papa Lazarus?” Wika ni Lea kaya sa kanila napunta ang tingin ng lahat.
Itinayo siya ng maayos ni Lazarus dahil nararamdaman niyang magbabago na naman ang kulay ng kanyang mga mata. Mabilis siya nitong nabitiwan at nagmamadaling naglakad palayo sa kanila.
“Hoy! Papa Lazarus! Saan ka punta? To the moon? Sama ako!” Habol ni Lea. Ngunit dahil sa maraming tao ay nawala din ito sa kanilang paningin.
“Anyare doon?” Nagtatakang tanong ni Larry.
Nilapitan si Serene ni kakai at Klay at pinagsinsinghot siya.
“Hindi ka naman amoy jabar ah? Bakit ganun si Lazarus mag-react?” Nagtatakang tanong ni Kakai sa kanya. Inis na hinila niya ang dulo ng bangs nito.
“Aray!” Nakangiwing sabi nito.
“Umisa ka pa, at ilulublub kita dito sa basurahan para ikaw ang mag-amoy jabar.” Inis na sabi ni Serene sa kanya. Inamoy niya ang kanyang hininga ngunit hindi rin naman siya bad breath kaya bakit ganun na lamang siya iwasan ni Lazarus?
“Hindi normal ang puti niya, pati ang temperature niya. Parang malamig na bangkay. At ang mga mata niya. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako sa nakita ko kanina. Pero segundong nag-iba ang kulay nito.” Bulong ng isip ni Serene habang tinatanaw kung saan dumaan si Lazarus.