“Serene? Kumusta ka na?” Nag-alalang tanong sa kanya ni Klay. Na-upo siya at inikot ang paningin. Sa tingin niya ay nasa clinic siya ng school.
“Anong nangyari?” Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
“Nahimatay ka sa hallway. Mabuti na lang pinahabol ako ni Ma’am sa’yo. Kasi hindi ka na nakabalik nalaman kong may dinalang babae sa clinic na taga department natin kaya nagpunta agad ako dito.” Paliwanag niya kay Serene na nagtataka parin dahil wala siyang maalala na nahimatay siya sa hallway.
Napa-angat siya ng tingin nang dumating ang nurse.
“Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Kinuhanan na kita ng blood pressure kanina. Normal naman, baka may nararamdaman kang iba. Magsabi ka na para mabigyan kita ng medication.” Wika ng nurse sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang dalawang paa ay umiling siya sa nurse.
“Okay na po ako, salamat po.” Paalam ni Serene. Inalalayan siya ni Klay na lumabas ng clinic. Nagdatingan naman ang iba pa nilang kaibigan dahil tenex ito ni Klay.
“Hoy! Alam niyo ba? Dinala daw sa ospital sila brando at ang mga kabarkada niya. Natagpuan daw ito sa likod ng building na walang malay at puro pasa ang katawan at duguan pa ang labi.” Imporma ni Larry sa knilang dalawa.
“Kaya nagkakagulo ang faculty ngayon at ipinagpaliban muna ang klase.” Dagdag pa ni Martin.
Napahawak si Serene sa kanyang noo. Pakiramdam niya ay parang may nakalimutan siya at hindi niya ito maalala.
“Bagay lang yun sa kanila. Baka binalikan sila ng mga studyanteng pinagtripan nila ano!” Litanya ni Kakai na nakapameywang pa.
Nagtagpo ang mga mata ni Serene ni Lazarus at agad din itong nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Okay ka na ba? Mabuti pa umuwi ka na para magpahinga. Ikaw naman kasi eh, ang sipag mong mag-aral.” Sisi sa kanya ni Lea.
“Naku! Igaya pa sayong sa oras lang ng exam nagre-review kaya pagdating ng exam palaging ‘call a friend’ ang ganap mo!” Singit ni Kakai na ikina-inis namaan ni Lea.
“Ikaw panda ka—”
Gigil na hinabol ni Lea si Kakai at nag-aasaran pa ang dalawa habang naglalakad sila palabas ng building.
“Tama na nga kayo! Para kayong mga bata!” Singhal ni Klay sa kanila. Tumigil sila sa paghahabulan at nakangising nagtinginan.
“Alam mo ba kung saan ang kiliti ni Klay?” Nakangising tanong ni Lea kay Kakai.
“Oo, sa singit!”
Akmang lalapitan na siya ng mga ito pero mabilis na nakatakbo si Klay.
“Hoy! Labo! Bumalik ka dito!” Singhal ni Lea.
“Ayoko! Mga buweset kayo!”
Naiiling na napangiti si Serene sa mga kaibigan na naghahabulan sa malawak na damuhan at parang mga bata.
“Haist, kailan kaya titino ang tatlong yun?” Naiiling na sabi ni Martin.
“Hayaan mo na, anim na buwan na lang magtatapos na tayo. Hindi na natin makikita ang isa’t-isa.” Sagot naman ni Larry.
Napagpasyahan nilang tumuloy sa bahay ni Serene dahil inalok niya ang mga ito.
“Kailan ang uwi ng dad at mom mo?” Tanong ni Larry sa kanya habang kumakain sila ng masarap na spagetti, pizza at cake rolls.
“Hindi ko alam, hindi naman nila ako tinatawagan. Minsan sa isang linggo ko nga lang sila makita. Kaya feeling ko mag-isa lang ako sa bahay.” Malungkot na sagot niya. Pero agad na nabaling ang attensyon niya kay Lazarus dahil sinisinghot nito ang pizza na nasa plato niya.
“Hindi ka mahilig sa pizza?”
Napunta kay Lazarus ang tingin nilang lahat.
“Hindi.” Tipid na sagot nito.
“Ayaw mo rin ng spagetti at cake eh anong gusto mo?” Nagtatakang tanong ni Kakai sa kanya.
“Tabi ka diyan! Ako ang gusto ni Papa Lazarus!” Malanding sabi ni Lea sabay hawi kay Kakai para siya ang maupo sa tabi nito. Naka-upo lang kasi sila sa sahig na may unan at nasa maliit naman na mesa ang kanilang pagkain. Sinamaan siya ng tingin ni Lazarus kaya bumalik siya sa upuan niya.
“Ito naman! Hindi na mabiro.” Nakangusong sabi nito.
“Serene, diba napa-blessing niyo na ang bahay na ito?” Tanong ni Klay sa kanya. Habang kumakain ng cake.
“Ang pagkakaalala ko. Matagal na, simula nang matapos ito ay pina-blessing na ito nila mom and dad. Three years ago.” Sagot ni Serene.
“Serene, hindi ba sila nanakit?”
Umiling si Serene sa kanya.
“Hindi naman dumadaan-daan lang sila. Pagala-gala sa loob ng bahay. Minsan nambabasag ng mga babasagin pero hindi naman sila nanakit ng tao.” Paliwanag ni Serene. Alam niyang hindi lang siya ang nakatira sa bahay. Dahil bukod sa kanya at sa dalawang kasambahay nila ay meron pa siyang kasama na tatlong batang multo.
“Nakikikain lang naman kami bakit may pananakot pa!” Natatakot na sabi ni Lea sabay siksik kay Martin.
“Ano ba! Huwag ka ngang sumiksik sa akin natatakot ka ba?” Singhal ni Martin sa kanya.
“Bakit? Hindi ka ba natatakot na may kasama tayong tatlong batang multo dito?” Sabat naman ni Kakai na sumiksik din kay Klay.
“Natatakot! Pero hindi naman natin sila nakikita kaya okay lang.” Wika ni Marin.
“Saan ba sila banda nakatayo?” Kinikilabutan na tanong ni Larry.
“Huwag mo nang itanong kumain na lamang tayo.” Saway ni Serene. Nasa tabi niya kasi ang batang babae. At ang isa naman ay nasa harapan nila pinaglalaruan ang pagkain nila kahit hindi naman nahahawakan. Habang ang isa ay nakatayo sa tabi ni Lazarus.
Napansin ni Serene na nagtitigan ang batang multo at si Lazarus. Bumubuka din ang labi ng batang babaeng multo.
“Nakikita mo din sila?” Tanong ni Serene sa kanya. Tumango si Lazarus.
“Really? Sabi ko na nga ba eh, kahit weird ka minsan bagay na bagay ka pa din sa barkada namin.” Nakangising sabi ni Lea sa kanya.
“Pinatay sila.” Seryosong sabi ni Lazarus na lalong ikinatakot nila.
“Nakaka-usap mo sila?” Tanong ni Serene. Tumango si Lazarus sa kanya.
“Isinabit ang kanilang katawan sa malaking puno. At ang punong yun ang dating kinatatayuan ng bahay na ito.” Seryosong sabi ni Lazarus.
“Oh my god! Nagtataasan na naman ang bulbol ko. Pero ituloy mo ang kuwento please…” Wika ni Kakai.
“Humihingi sila ng tulong na makalaya. Ngunit ang nais nila ay hustisya. Para sa pagkapaslang sa kanila at nais nila itong pagbayarin.” Kuwento pa ni Lazarus.
“Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo? O baka naman gumagawa ka lang ng kuwento?” May pagdududa na tanong ni Martin sa kanya. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Lazarus.
“Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin. Kung gusto niyong matulungan ang mga batang ito. Hanapin niyo ang lalaking nagnga-ngalang Alfonso Diaz. Siya ang kriminal na lumapastangan sa mga batang ito.”
Nagkatinginan ang mga magkakaibigan.
“Ang galing, may kasama tayong nakakausap ang mga multo!” Manghang sabi ni Kakai.
“Kung totoo man ang sinabi ni Lazarus. Bakit hindi natin tulungan ang mga bata?” Wika ni Serene na ikatingin nilang lahat.
“Akala ko ba ayaw mo nang ma-involved sa katatakutan? Saka isa pa kung yung lalaking yun ang pumatay sa tatlong batang ito malamang killer ang lalaking yun!” Saad ni Kakai.
“Delikado ang iniisip mo Serene. Bakit hindi nalang natin ipagpa-ubaya sa pulis ang lahat?”
“Sa tingin mo may maniniwala sa atin Martin? Wala tayong ebedensiya at hindi sila maniniwala lalo na kung sasabihin nating sinabi ito ng multo.” Paliwanag ni Serene na nagulat sa paglaho ng tatlong bata.
“Ahhhh!” Sigawan nila nang may bumagsak na picture frame na nakasabit sa pader.
“Galit yarn?” Natatakot na bulalas ni Lea.
Tumayo si Serene at sinundan si Lazarus na lumapit sa frame. Kinuha nito ang larawan at nabura ang certification award na nakalagay dito. Napalitan iyon ng larawan ng isang lalaki.
Napatakip si Serene sa kanyang bibig dahil sa kanyang nasaksihan.
“Ito ba si Alfonso?” Tanong ni Lazarus sabay tingin sa gilid ng pader kung saan nakatayo ang tatlong batang multo at tumango ito.
Kinuha ni Serene ang larawan. Parang pamilyar sa kanya ito at nakikita niya na sa kung saan.
“Puwede patingin kami?” Tanong ni Kakai. Nagsilapitan sila sa kanya.
“Wait, parang kilala ko ito.” Wika ni Martin sa kanila.
“Oo nga! Diba si Fonso yan? Yung may katayan ng baboy sa palengke? Suki nga kami niyan eh.” Sabat naman ni Larry na ikina-awang ng kanilang labi.
“Serene, tulungan natin sila.” Wika ni Klay. Napatingin si Serene kay Lazarus dahil malaki ang naitulong nito sa kanila.
“Tutulong ako.” Sambit ni Lazarus dahil nababasa niya ang iniisip nito. At siya din ang nagtangal ng alaala nito kanina. Pati na rin sa grupo ng lalaking binugbug niya.
“Salamat, dahil sayo posible na nating silang mabigyan ng hustisya ang mga batang ito.” Nakangiting sabi ni Serene. Napatitig si Lazarus sa maganda nitong ngiti kaya napansin agad nila ang dalawa.
“Ehem! Mukhang may namumuong sama ng panahon.” Litanya ni Lea sabay balik sa pagkakaupo. Habang si si Klay naman at Kakai ay nakangising nakatingin kay Serene.
“Umayos nga kayo!” Mahinang saway ni Serene sa dalawa. Hindi naman napansin nila Martin at Larry dahil abala sila sa pagdampot ng mga basag ng frame.
Ipinagpatuloy nila ang pagkain at ipinalinis na rin ni Serene ang nabasag na frame.
“Kailan natin umpisahan ang pag-iimbestiga?” Tanong ni Serene sa mga kasama niya.
“Sa weekends kaya? Tamang-tama mahaba ang bakasyon.” Wika ni Martin na sinang-ayunan ng lahat.