The Vampire's Wrath

1675 Words
“Astig!” Bulalas ni Larry nang makita ang video ng nangyari sa field. Kumalat kasi ito matapos makuhanan ng isang studyante at mas lalo lamang silang naging usap-usapan sa buong skul. Iba-iba ang naging conclusion nila kung paano nangyaring nahati sa gitna ang football ball at hindi nito tinamaan si Serene. “Nakakapagtaka naman talaga eh.” Wika pa ni Lea. Nasa cafeteria sila dahil halfday lang ang pasok nila. Tahimik na naghahalo ng kape si Serene at inisip din ang kababalaghan ng nangyari sa kanya. “Hindi kaya yung guardian angel mo ang may gawa noon Serene?” Nagtatakang tanong ni Klay. Napabuntong hininga si Serene dahil kahit anong isip niya ay hindi niya talaga alam kung paano nangyari ang bagay na yun. “Hindi ko alam pero nang oras na yun may mabilis na hangin na dumaan sa harapan ko. Hindi ko lang masyadong nakita sobrang bilis.” Sagot niya sa mga ito. “Baka naman si The Flash yun? Tapos nakarating na siya dito sa Pilipinas?” Sabat naman ni Kakai habang kumakain ng chocolate cake. “Haist! Puro kayo kalokohan. Kalimutan na natin yun. May mga bagay talaga na hindi kayang ipaliwanag.” Litanya ni Martin. Pagkatapos nila sa cafeteria ay naghiwa-hiwalay na sila. Dahil sa nangyari ay nakalimutan na ni Serene ang balak niyang ipatangal ang singsing sa darili niya. Kinabukasan ay maaga siyang pumasok dahil pupunta siya sa library para mag-aral. Siya ang pinaka-unang taong pumasok sa library. Kasalukuyan siyang namimili ng librong babasahin at hinahanap ang libro na kailangan niyang basahin nang may mapansin siyang lalaki sa kabilang bahagi ng estante. Maputi at seryoso itong nakatingin sa kanya. Sinusundan din siya sa bawat hakbang niya. Hangang sa nakita niya ang libro na hinahanap niya. Kinuha niya ito at hindi na pinansin ang lalaki. Naupo siya sa mesa at hindi niya inaasahan na uupo din ito sa harapan niya. “Anong kailangan mo?” Kunot noo na tanong ni Serene sa lalaking nasa harapan niya. Nakasuot ito ng itim na polo nakahawi ang kimpi na buhok at makapal na kilay sa mukha mapula din ang mga labi nito. “Ikaw, ikaw ang kailangan ko.” Malamig sa sagot nito sa kanya. “Ako?” Dinuro ni Serene ang sarili. “Bakit? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita.” Mahinang sambit ni Serene. Malawak ang library at hindi gaanong dinig ang boses nila ng nagbabantay dito. “Sumama ka na sa akin.” Seryosong sabi ng lalaking kaharap niya. Sinamaan siya ni Serene ng tingin. “Adik ka ba? At bakit naman ako sasama sayo? Mabuti pa tantanan mo na ako. Marami pa akong gagawin. Kapag hindi ka umalis tatawagin ko ang bantay ng library na ito.” Seryosong sabi ni Serene sa kanya. Itinuon niya ang sarili sa pagbabasa ng libro at nang silipin niya ulit ang lalaki ay wala na ito sa harapan niya. Makalipas ang isang oras ay lumabas na din siya sa library para pumasok sa kanyang first subject. Nandoon na rin ang kanyang mga kaklase at nagulat siya nang makita niya ang misteryosong lalaki na nakaupo sa tabi ng kanyang upuan. “Anong ginagawa niyang dito?” Nagtatakang tanong ni Serene kay Kakai nang lapitan niya ito. “Bakit? Bagong transferee daw yan dito. Ang guwapo niya ano?” Kinikilig na sabi ni Kakai. Pati ang mga studyante ay napapatingin din sa lalaking bagong transfer. Naupo siya sa tabi nito at hindi niya maiwasan na sulyapan ito pakiramdam niya kasi may kakaiba sa lalaking yun na hindi niya maipaliwanag. Nag-iwas siya ng tingin nang mapunta sa kanya ang atensyon ni Lazaruz. Pagkatapos nang nangyari sa field ay nagpasya siyang magpakita na sa babaeng kanyang hinahanap. Gusto din niyang makilala pa ito bago niya isagawa ang plano kaya kinailangan niyang magpangap na kagaya nilang normal na tao. Nang mag-lunch na ay sabay-sabay ulit silang magkakaibigan na magpunta sa canteen ngunit paglingon nila ay nagulat sila nang kasama na nila si Lazaruz “Sis, hindi kaya sa atin sasama si Lazaruz?” Pabulong na tanong ni Klay kay Serene na nauunang maglakad. “Eh ano naman? Klassmate naman natin siya. At isa pa ang weired din ng lalaking yun. Biro mo sabi niya kanina sa akin sa library ako daw ang kailangan niya?” Kuwento ko pa na narinig ni Kakai sa tabi ko. “Hindi kaya may tililing siya? Sayang ang guwapo pa naman at ang puti din.” Wika ni Kakai sabay lingon nila sa likuran nila. Siniko pa siya ni Serene dahil nakita nilang sa kanya ito nakatingin. Nang dumating sila sa canteen ay nag-order na sila ng lunch. Pagkatapos ay naupo na sila sa sulok na lamesa at upuan. “Am, papa Lazaruz. Ayaw mo bang kumain?” Malanding tanong ni Lea dahil nakaupo na silang lahat pero si Lazaruz lang ang walang binili. “Hindi ako kumakain ng pagkain ng tao.” Seryosong sagot nito. Nagtawanan sila lahat dahil sa sinabi ni Lazaruz “Tumigil na nga kayo!” Saway ni Serene na ikinatahimik nilang lahat. “Brad, tangap ka na sa grupo namin.” Wika ni Larry sabay akbay sa kaniya at tinignan lang niya ito. Kinuha ni Lazaruz ang baon niyang itim na bote sa itim na bag niya at itinayo niya ang itim na straw bago tuloy na sinipsip ito. “Ano yan? Yan ang lunch mo?” Nagtatakang tanong ni Kakai. Tumango lang siya bilang sagot. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Pagkatapos ay bumalik na sila sa kanilang room. “Ang init naman ngayon. Hindi ba puwedeng buksan ang aircon?” Reklamo ni Klay habang nagpapay-pay gamit ang notebook. Itinaas ni Serene ang kanyang buhok at nilagyan ito ng ballpen para hindi lumaglag dahil pati siya ay naiinitan din. Napatingin si Lazaruz sa leeg ni Serene at napalunok siya dahil nararamdaman niya ang mabangong amoy nito at ang kagustuhan niyang kagatin ito sa leeg. Mabigat ang kanyang naging paghinga at nahihirapan na siyang pigilan ang kanyang sarili. Hangang sa unti-unti na ring naglalabasan ang kanyang dalawang pangil. “Okay ka lang Lazaruz?” Nagtatakang tanong ni Klay na nasa unahan nila nakaupo. Napalingon si Serene sa kanya at mabilis na nag-iwas ng tingin si Lazaruz. Kaagad itong tumayo at lumabas ng room. “Anong nangyari doon?” Nagtatakang tanong ni Serene kay Klay. “Baka nasusuka? Nakatakip ang bibig eh.” Naguguluhan na sabi nito. Nakapasok na sa loob ang kanilang teacher ngunit hindi parin ito bumabalik. “Nag-cutting classes na ata si pogi.” Mahinang sambit ni Lea na hindi na lang pinansin ni Serene. Kahit siya ang nahihiwagaan na rin sa kinikilos nito simula kaninang umaga. “Serene? Puwede mo bang kunin yung green notebook ko na nakapatong ibabaw ng table sa faculty room? Mali kasi yung nadala ko.” Utos ng teacher nilang si Ms. Magno. Tumayo si Serene sa upuan niya. “Yes Ma’am.” Nakangiting sagot nito at kaagad na lumabas ng class room. Pagkababa niya ng second floor ay dadaanan niya muna ang mapunong bahagi ng likuran ng building bago siya makarating sa faculty room. “Hi, Ms!” Tawag sa kanya ni Brando. Ang leader ng mga bullies sa kanilang school. Kinakatakutan din ang mga ito dahil bukod sa bulakbol ay lapitin ng gulo. Magpapatuloy sana si Serene sa paglakad ngunit hinarangan siya ng isa pa nilang kabarkada. “Tawag ka ni amo.” Nakangising sabi nito sa kanya. “Padaanin niyo ko kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa guidance office.” Matapang na banta ni Serene hindi siya natatakot sa mga ito. Naiinis lang siya dahil may mga kabataan na kagaya nilang dapat ay nag-aaral pero mas pinipili ang magbulakbol. “Matapang amo! Hindi ata natatakot sayo!” Pangagatong ng lalaking humarang sa kanya. Tumayo si Brando at humarap kay Serene. Binugahan pa siya ng usok ng sigarilyo na ikina-ubo si Serene. “Maganda ka, bagay kang maging aking reyna.” Nakangising sabi nito sabay hawak sa kanyang baba. Tinangal ni Serene ang kamay niya at nakataas ang kilay na tinignan si Brando. “Ano? Gusto mo akong maging reyna mo? Reyna ng ano? Ng itatayo mong bulok na palasyo? Mabuti pa tumabi ka sa dadaanan ko dahil may klase pa kaming hahabulin.” Sinukan niyang umiwas ngunit hinila niya siya nito sa braso. “Kinakausap pa kita! Matapang ka ha! Totoo nga kayang may nilalang na nagpo-protekta sayo kaya hindi ka tinamaan ng bola at himalang nahati pa ito? O baka naman tricks mo yun para katakutan ng lahat?” Tinangal ni Serene ang kamay na nakahawak sa braso niya. “Wala akong paki-alam sa kung ano ang gusto mong isipin. Paraanin mo ako kung ayaw mong—” Natigil siya sa pagsasalita at ini-angat niya ang kanyang braso upang protektahan ang kanyang mukha dahil akmang sasaktan siya nito. “Sino ka?!” Nag-angat ng tingin si Serene at nakita niyang nasa harapan na niya si Lazaruz hawak ang kamay nito. “Sinong may sabi sayong puwede mong saktan ang aking reyna?” Narinig niyang sabi nito kay Brando. Nag-alala si Serene dahil alam niyang hindi nito kilala ang bully na magkakaibigan at kapag nabugbug siya ng mga ito ay baka ma-hospital pa ito. “Tama na yan Lazaruz! Halika na!” Awat ni Serene. Nilingon siya ni Lazaruz at ganun na lamang ang gulat ni Serene ng makita niya ang namumula nitong mata. “Hindi ko hahayaang may taong manakit sa’yo.” Seryosong sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay nadinig na lang niya ang pagkabali ng kamay ni Brando at ang ikinasigaw nito sa sakit. Nanlaki ang mata ni Serene nang walang kahirap-hirap itong sinipa at tumalsik pa ito sa puno. “Walang hiya ka!” Bulalas ng mga kasama ni Brando. Napako ang mga paa ko sa lupa habang pinagmamasdan kung paano niya pagbabaliin ang mga buto ng anim pang kasamahan ni Brando. Lahat sila’y bumagsak na wala ng malay sa harapan ni Lazaruz. “L-Lazaruz…” Nanginginig na sambit niya at dahil sa takot sa nangyari ay nawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD