Habang papalayo sa hunted mansyon ang magka-kaibigang Serene, Kakai, Klay, Larry, Lea at Martin ay siya namang pagkasira ng sementong libingan na kanilang pinangalingan. Nagkatipak-tipak ang makapal na takip nito at umangat sa hangin ang mga bato. Parang hangin na nagliparan ang mga bato kung saan at tuluyang nalaglag sa sahig. Umihip ang napakalakas na hangin at kasabay nito ang pag-angat ng isang nakahigang katawan mula sa libingan. Nakasuot ng kulay itim na damit at may kapa pa itong suot. Kulay itim ang kimpi nitong buhok at makapal ang kilay. Tumigil ang pag-ihip ng malakas na hangin at dumilat ang mapulang mga mata ni Lazaruz. Unti-unti siyang tumihaya habang nakalutang sa ere hangang magpantay ang kanyang mga paa sa sahig.
“Dumating na ang tamang panahon ng aking pagkabuhay! At dumating na rin ang babaeng magpapatuloy sa ating lahi. Ako ay lilisan upang ibalik ang babaeng aking pakakasalan. Ilang daang taon din akong nanatili sa inyong tabi at ngayon ay kailangan ko nang umalis. Upang ibalik ang babaeng hindi lang bubuhay sa natutulog kong kapangyarihan pati na rin ang babaeng aking magiging kabiyak!”
Nagliparan ang mga uwak sa hunted mansion dahil sa takot na nararamdaman mula sa loob ng malaking mansion.
“Ano yun?” Natatakot na tanong ni Lea nang maramdaman niya ang malakas na hangin sa paligid kung saan sila nagtatayo ng tent.
“Klay, Serene! Tignan niyo nga kung may katabi akong multo?” Kinakabahan nito habang hinihimas ang braso dahil sa nararamdaman lamig.
“Huwag kang gagalaw Lea, nasa tabi mo siya at nakatingin siya sa’yo.” Seryosong sabi ni Klay na ikinatawa naman ni Serene. Tinakasan ng kulay ang mukha nito.
“Ahhhh!” Nagtatakbo si Lea at kaagad nagtago sa likuran ni Serene.
“Lumayo kayo! Lumayo kayo!” Natatakot na sigaw nito. Pumalakat ng tawa si Klay at pati na rin si Kakai dahil sa nakakatawang itsura nito.
“Niluluko ka lang ni Klay naniwala ka naman.” Natatawang sabi ni Serene.
“Ikaw ha! Kainis ka talaga!” Inis na singhal nito.
“Ang ingay niyo! Bilisan niyo na yang pagawa ng tent para makatulog na tayo!” Litanya ni Martin na nai-ingayan na sa tawanan ng mga kababaihan at idagdag pa ang pagsigaw ng baklang si Lea.
“Hindi naman kasi ako nagbibiro parang may malamig na bumalot sa akin.” Ingos nito sa kanila.
“Eh hindi lang naman kasi ikaw ang nilalamig at isa pa nasa tuktok pa rin tayo ng bundok. Huwag mong sabihin natatakot ka parin sa nangyari kanina?” Pang-iinis ni Kakai sa kanya. Umalis ito sa likuran ni Serene at nakapameywang na humarap kay Kakai.
“At sino namang hindi matatakot aber? Humangin ng malakas sa basement ng hunted mansyon at nasa libingan pa tayo kayo sa tingin niyo? Mabuti na nga lang nakalabas tayo ng buhay doon eh!” Bulalas pa nito.
Napatingin si Serene sa singsing niya. Kanina pa niya ito sinusubukan na tangalin ngunit kahit anong gawin niya hindi talaga ito matangal sa daliri niya. Nangangamba tuloy siya na baka may dalang sumpa o kamalasan ang singsing na suot niya kaya balak niyang tangalin ito pagkarating sa bahay at itapon sa malayo o hindi kaya ay ililibing na lamang niya sa lupa. Ngayon niya naunawaan na mali ang kanyang ginawa pero noong makita niya ito kanina sa box ay hindi siya nagdalawang isip na damputin at sukatin ito kaya nangangamba na siya ngayon. Tunay na maganda ang singsing kumikislap pa ito sa ilalim ng liwanag ng buwan kaya nabighani siya sa ganda nito. Ngayon ay pakiramdam niya may mali siyang nagawa.
Pagkatapos ng naging pagtatalo nila ay kanya-kanya na silang pasok sa loob ng tent upang magpahinga.
“Ahhhh! Guys! Wake up!”
Na-alimpungatan sila dahil sa malakas na sigaw ni Lea. Dumampot ng patalim si Martin at kinuha naman ni Kakai ang bawang niya at kinuha namn ni Kla ay crucifix niya sabay-sabay silang naglabasan sa tent. Nagulat sila nang makita ang itsura ni Lea. Nakababa kasi ang short nito at kita na ang puting brief na suot nito habang may itinuturo sa kung saan.
“Buset ka talaga! Mag-short ka nga!” Singhal ni Martin. Napatakip ang tatlong babae sa mata nila dahil sa nakita nilang view. Kaagad na itinaas ni Lea ang short niya. Pero nagtuturo pa din ito kaya sinipat nila ng tingin ang itinuturo nito.
“Ano ba kasi yun?” Naiinis at ina-antok pang tanong ni Larry.
“Ang hunted mansyon…nawawala.” Seryosong sabi ni Serene.
“Imposible, dapat tanaw pa natin yun dito hindi ba?” Kinakabahan na sabi ni Klay.
“Baka naman nilipat ng bampira dahil sa ginawa natin kagabi.” Wika ni Kakai. Sa kanya napunta ang atensyon nilang lahat. At masamang tinignan siya.
“Joke lang, hindi naman kayo mabiro.” Nakangising sabi ni Kakai at nagpeace sign pa ito.
“Kailangan na nating umalis ngayon din. Masama ang kutob ko.” Sambit ni Klay na sinang-ayunan nilang lahat at bumaba na sila ng bundok.
Bagsak ang katawan ni Serene pagkarating niya sa bahay. Gabi na din kaya derecho na siya sa kuwarto niya. Habang nasa byahe ay wala silang ibang ginawa kundi pag-usapan ang nangyari. Dahil hindi sila makapaniwala na biglang naglaho ang hunted mansion at mas lalo silang nangamba nang sabihin ng tour guide sa kanilang wala siyang nakitang malaking mansion gaya nang sinabi ni Klay sa kanila. Ang alam lang daw nila ay yung devil mountain. Sinabi din ni Klay na sa website niya lang ito nabasa at hindi na niya ito mahanap ulit.
Sa takot ni Serene ay kaagad siyang pumasok sa banyo upang tangalin ang singsing na suot niya. Sinabon niya ito at sinubukang tangalin ngunit halos kalahating oras na siya sa banyo ay ayaw pa rin nitong matangal. Ginamitan na rin niya ito ng baby oil ngunit ayaw pa rin.
Nagpasya siya maligo na lamang at magpalit ng damit pantulog dahil maaga pa bukas ang magiging klase niya. At ipapasira na lamang niya ito sa mag-aalahas sa bayan.
Kinabukasan ay nagkita-kita muli sila sa labas ng campus. May ibibigay daw kasi si Klay para protektion nilang lahat.
“Huwag niyong ihihiwalay yan sa inyong katawan. Hanga’t hindi pa natin nalalaman kung ano ang epekto ng ginawa natin sa devils mountain.” Paalala niya. Habang inaabot isa-isa sa kanila ang bracelet na may desenyo na crucifix.
“Inilublob ko na yan sa holywater. Huwag niyong kalimutan 300 sa katapusan.” Dagdag pa ni Klay.
“Anong 300?” Kunot noo na tanong ni Lea.
“Eh di yang bracelet niyo, murayta na nga yan. Dapat five hundred ang singil ko bawat isa pero dahil friendship tayo. Binigyan ko na kayo ng discount.” Nakangiting dagdag pa nito bago naunang maglakad papasok sa gate. Napakamot si Martin at Larry sa kanilang ulo.
“Mukhang nabudol tayo ni labo ah?” Awang ang labi na sabi ni Kakai.
“Hayaan niyo na baka kailangan niyang makabenta. Maganda rin naman ang design.” Wika ni Serene. At sumunod na sila sa kaibigan. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng room. At gaya ng araw-araw na nangyayari pinagtitinginan na naman sila ng kanilang mga kaklase.
“Pumunta daw ang mga yan ng devils mountain.” Narinig nilang bulong ng isa.
“Oo nga, mga baliw talaga. Baka mamaya niyan sasaniban na naman ang isa sa kanila.” Bulong pa ng isang babae sa mga kakumpulan niya pero abot naman ito sa kanilang pandinig.
Magkakatabi silang naupo sa gitna ng mga upuan at tahimik na nag-antay ng professor.
Sinamaan ng tingin ni Kakai ang babaeng naupo sa tabi niyang dumadaldal kanina kaya nanlaki ang mata nito at kaagad na dinampot ang bag palayo sa kanila.
“Nakakatakot!” Bulalas ng iba na ikinakunot lalo ng noo nila. Pagkatapos nilang kumain ng lunch at nagpunta naman sila sa malawak na field upang panuorin ang naglalaro ng football.
“Ano kaya ang tingin sa atin ng mga klassmate natin? Bakit sila ganun?” Nagtatakang tanong ni Klay sabay taas ng salamin niyang makapal ang grado.
“Ewan ko ba sa mga yun, para sa akin normal naman ako. Unlike sa inyong dalawa ni Serene na nakakakita ng multo dahil kami ay nakakaramdam lang naman.” Litanya ni Lea panay ang kain ng junkfoods.
“Huwag niyo nang isipin ang ibang tao. As long as wala naman tayong ginagawang masama hindi dapat tayo mag-alala.” Sabat ni Larry na ikinasang-ayon ng lahat.
“Pero Kakai, puwede mo bang bawasan yang eyeliner mo? Baka kasi dahil diyan kaya natatakot sila sa atin eh.” Natatawang sabi ni Lea.
“At anong connect ng eyeliner ko? Alam mo bang isang taon ang praktis na ginawa ko para lang ma-achieve ang perfect eyeliner ko?” Mataray na sabi nito.
Inabutan ni Martin ng bottled water si Serene na abala sa pagbabasa ng libro.
“Salamat.” Nakangiting sabi ni Serene sa kanya.
“Ako na magtatangal ng takip.”
Kinuha niya ulit ang bottled water at pinihit ito ngunit nagulat siya nang biglang tumama ang takip sa kanyang noo.
“Aray!” Nakangiwing sabi ni Martin habang hawak ang nasaktang noo.
“Bakit? Anong nangyari?” Nag-alalang tanong ni Serene tumayo siya at tinangal ang kamay ni Martin na nasa noo nito.
“Hala! Namumula! Masakit ba?” Usisa niya dahil pulang-pula nga ito.
“Hindi naman masyado–ouch!” Nakangiwing sambit ni Martin.
“Dalhin na natin yan sa hospital! Tumawag kayo ng ambulansa!” Sigaw ni Lea kaya nabatukan tuloy siya ni Kakai.
“Ambulansa? Tinamaan lang ng takip ng plastic bottle?” Litanya pa nito.
“Batok agad? Malay ko ba! Dalhin na sa clinic kung ayaw mo sa hospital.” Nakangusong sabi nito. Kaagad silang nagtayuan at nagmadaling umalis sa field. Nakakailang hakbang pa lang sila ay naalala ni Serene yung libro niya.
“Teka sandali! Yung book ko! Mauna na kayo susunod na ako.” Wika niya sabay takbo pabalik sa bench ngunit nang damputin na niya ang libro ay nakarinig siya ng sigaw.
“Ilag!”
Nanlaki ang mata ni Serene nang makita niya ang puting bola na patungo na sa mukha niya.
“Serene!” Sigaw ng mga kasamahan niya. Napapikit siya at hinarang niya ang kanyang kamay. Ngunit wala siyang naramdaman na bolang tumama sa kanya. Sinilip niya kung ano ang nangyari pero wala na ang bola at nang tangalin niya ang kamay niya at nagpalinga-linga siya sa paligid pagyuko niya ay nasa paanan na niya ang bola.
At mas nagimbal siya dahil sira na ito at nahati sa gitna.