Kaibigan

1360 Words
LAZARUS “Lazarus, sa tingin mo kakayanin kong tangapin ang pagiging kagaya mo? Paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ako nararapat sa’yo?” Nag-aalalang tanong niya nang maghiwalay ang labi naming dalawa. “Kaya mo Serene, nandito naman ako at hindi kita iiwan.” Niyakap ko siya at hinaplos ko ang mahaba niyang buhok. “Paumanhin Lazarus, hindi ko talaga sinasadya!” Nakaluhod na pagmamakaawa ni Clara sa akin nang makababa na ako sa hagdan. Iniwan ko muna si Serene sa aking silid dahil sariwa pa ang sugat nito at kailangan din niya itong malinisan ng maayos. “Naunawaan kita Clara, alam kong mahirap pigilan kapag nasa ganung sitwasyon. Ngunit ang mas mabuting gawin ay ikaw na ang maghanda ng pagkain natin at tumayo ka na riyan.” Utos ko sa kanya. “Salamat Lazarus, sana’y hindi siya natakot sa nangyari.” Malungkot na sambit niya bago niya ako tinalikuran at sinundan naman siya ni Elifera. “Kumusta siya?” Usisa ni Clavio pagka-alis ng dalawa. “Maayos na ang kanyang kalagayan.” Tipid na sagot ko sa kanya. Marami pa akong aayusin para sa ritwal na pag-iisang dibdib naming dalawa ni Serene at hindi na ako makapaghintay na maganap ang darating na gabing ‘yun. “Mabuti naman natangap na niya ang lahat.” “Hindi ganun kadali Clavio, alam mo naman na muntik na siyang mawala sa akin dahil kay Ibrahim. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kanyang isip. Kung normal siyang tao kagaya ng mga kaibigan niya baka mabasa ko pa kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin. Ibig sabihin lang nito hindi siya talaga ang babaeng itinakda para sa akin.” Paliwanag ko sa kanya. Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ay ipinahanda ko na ang magaganap na kasal naming dalawa. Mula sa susuotin, mga bulalak at pati na rin ang dadalo. “Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong niya dahil inaya ko siyang lumabas pagkatapos naming maghapunan. “Huwag kang mag-alala dito lang tayo sa likuran may ipapakita ako sa’yo.” Sumunod siya sa akin at tahimik na naglakad kami hangang makarating kami sa pagdarausan ng kasal. “Dito tayo mag-iisang dib-dib apat na araw mula ngayon.” Wika ko sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin. Simple lang naman ang pagdarausan ng aming kasal. Sa malaking puno ng balete. May mga lamp lantern na nakasabit at nagbibigay liwanag dito. Tanaw mula dito ang malaking pulang buwan sa gabing yun. May arko na napapalibutan ng kulay pulang rosas at ang mga bisita ay mananatiling nakaupo. “Ang creepy, feeling ko ikakasal ako sa isang maligno.” Sambit niya na ikinangiti ko. Binitawan ko ang kamay niya at kinuha ko sa aking leeg ang kwentas na symbolo ng makapangyarihan naming pamilya. Umikot ako sa likuran niya at inilagay ko ang kwentas. Yumuko siya at sinilip niya ang desenyo nito. Katulad din ito ng rosas sa kanyang singsing. “Pagmamay-ari ng aking Ina ang singsing na yan. Yan ang symbolo ng pagmamahal ko sa’yo Serene. At itong kwentas ay simbolo ng pagtangap namin sa’yo sa aming pamilya at mula ito sa aking ama.” Hinarap ko siya at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. “Gusto kong malaman, tinatangap mo ba ako ng buong puso mo?” “I guess, wala na talaga akong magagawa pa Lazarus. Kaya yes, tinatangap ko na.” Nakangiting sagot niya sa akin. Masaya kaming bumalik sa loob ng mansyon. Inihatid ko siya sa kanyang silid at nagpaalam na rin ako sa kanya. Papasok na sana ako sa aking silid nang pigilan ako ni Elifera at Clavio. “Bakit?” Usisa ko sa kanila. “May mensaheng ipinadala mula sa kampo ni Ibrahim. Binibigyan ka niya ng bente kuwatro oras para ibalik si Serene. Dahil kung hindi tatapusin niya ang buhay ng mga kaibigan nito.” Imporma ni Clavio sa akin. “Ano?!” Nawala sa isip ko ang mga kaibigan ni Serene na maaring madamay sa lahat ng nangyayaring ito. Lumabas kami ng mansyon dahil baka marinig pa kami ni Serene. Nandito kami sa harapan ng mansyon upang ipagpatuloy ang aming pag-uusap. “Kailangan nating makuha ang mga kaibigan niya!” Igting ang pangang sabi ko sa kanila. “Ngunit Lazarus?! Paano kung patibong lang pala ni Ibrahim ang lahat upang humina ang depensa natin dito sa mansyon? Mas malalagay sa alanganin ang lahat. At isa pa, hindi maaring hindi matuloy ang kasal! Hayaan mo na lang sila.” Sagot ni Clavio sa akin. Marahas na ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. “Kaibigan ko rin sila Clavio! At mahalaga sila kay Serene! Kapag nalaman ni Serene ang mangyayaring ito siguradong gugustuhin din niyang mailigtas sila!” Giit ko sa kanya. “May naisip ako.” Nabaling ang tingin namin kay Elifera. “Bakit hindi mo na siya gawing bampira ngayon?” Sambit niya. “Ano?! Kakaumpisa pa lamang ng pagbilog ng buwan Elifera. Sa tingin mo ba kakayanin ng katawan ni Serene ang venom na papasok sa ugat niya? Kapag ginawa ko siyang bampira?!” Napahilamos ako sa aking mukha. Kaya ina-antay ko ang pagbilog ng pulang buwan dahil maaring manganib ang kanyang buhay kung sakaling gawin ko siyang bampira na hindi pa tuluyang nagaganap ang red bloody moon kung kailan malakas ang katawan ng mga bampira. “Tama si Elifera, buhay ni Serene at buhay ng mga kaibigan niya Lazarus. Kung talagang especial na tao si Serene at may dugong bampira kakayanin niya ito. Kaya mamili ka, gagawin mong bampira si Serene at ililigtas natin ang mga kaibigan niya? O iiwan natin si Serene dito at ililigtas natin ang mga kaibigan niya? Matalino si Ibrahim, Lazarus. Madumi ang mga taktika niya kaya napagharian niya ang imperyo. Pero alam mo naman na hindi namin kakayanin si Ibrahim kung kami lang ang magtutungo roon upang iligtas ang kanyang mga kaibigan. Paano kung sumalakay sila dito? Hindi mo rin kakayanin na protektahan si Serene kaya magdesisyon ka Lazarus.” Paliwanag niya sa akin. Walang hiya ka Ibrahim! Kahit ang mga taong walang muwang ay dinadamay mo sa labang ito! “Payag na ako Lazarus.” Sabay-sabay kaming lumingon at nagulat kami nang magpakita si Serene. Nagtatago pala ito sa likod ng malaking puno at pinapakingan ang usapan naming tatlo. Talagang may lahi siyang bampira dahil hindi man lang namin namalayan ang pagdating niya. Hindi niya siguro ito napapansin pero may kakayahan na siya noon pa na wala sa karaniwang tao. “Hindi ako papayag.” Pagtangi ko sa kanya dahil alam ko ang tinutukoy niya. Akmang tatalikuran ko siya ngunit hinarang niya ako. “Sila na lamang ang pamilya ko. Kapag hindi ko sila nailigtas. Para mo na ring sinabing isuko ko sila kapalit ng kaligtasan ko. Kaya paki-usap Lazarus, gawin mo na akong bampira.” Nangingilid ang luha na sambit niya. “Serene, hindi ganun kadali yun. 80% lang ang chance na makayanan mo ang venom para mabuhay. At hindi pa full moon, paano mo kakayanin?” Pag-alalang sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang yakapin niya ako. “Please, maawa ka sa mga kaibigan ko, Lazarus. Mahalaga sila sa akin. At ayoko silang madamay sa problemang ito. Kakayanin ko dahil nandiyan ka. Sabi mo diba? Hindi mo ako iiwan?” Pagmamakaawa niya sa akin. “Lazarus, wala ng oras. Bente quatro oras din ang full transformation ng isang bampira. Magdesisyon ka na ngayon.” Dagdag pa ni Clavio. Napabuntong hininga ako dahil nagipit na ako at anuman ang maging desisyon ko ay ikapapamahak pa rin ni Serene. Bumitaw siya sa akin at matalim ang matang tinignan niya ako. “Kung ayaw mo silang tulungan. Ipapalit ko na lamang ang buhay ko para sa kanila. Nang sa ganun ay tumigil na si Ibrahim!” Tinalikuran niya ako at humakbang palayo sa akin. Nagmamadali siyang naglakad palabas ng mansyon. “Serene!” Tawag ko sa kanya. Ngunit hindi na niya ako nilingon pa. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit at kasabay nito ang paglabas ng aking pagiging bampira. Mabilis ko siya nahabol at pinigilan ko ang braso niya. “Kayanin mo…paki-usap mabuhay ka para sa akin.” Pagkatapos kong sabihin yun ay kaagad ko siyang kinagat sa leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD