Kiss

1125 Words
LAZARUS “Nagawa niyo na ba ang bilin ko?” Tanong ko kay Elifera isa sa tapat na tagapaglingkod ng aming pamilya na tumakas sa Imperyo ng Romania upang tulungan kaming talunin si Ibrahim at ang mga kampon nitong nag-traydor sa aming pamilya kaya nawala sa aking ama ang pamumuno ng huling lahi ng bampira. “Oo Lazarus, ngunit kakayanin ba ng tatlumpong bampira na nakapalibot sa mansyon na protektahan ka at si Serene kung sakaling lumusob dito si Ibrahim kasama ang magagaling nitong mandirigmang bampira bago ang pag-iisang dibdib niyong dalawa?” Nag-aalangan na tanong niya sa akin. Nandito kami sa itaas ng tore upang makita ang palibot na kabuohan ng mansyon. Upang masiguro na din ang aming kaligtasan. Bukod kasi sa kanila may iba pang bampira sa labas ng mansyon at naka-antabay sa maaring maging hakbang ni Ibrahim upang makuha si Serene sa akin. Ngunit kahit ikamatay ko pa ay hinding-hindi ko siya hahayaang kunin si Serene at dalhin sa Romania para lamang magkaroon siya ng immortal na tagapagmana. “Huwag kang mag-alala Elifera. Kasama niyo akong lalaban. Mas malakas man si Ibrahim sa imperyo mas lamang naman ako sa kakayanan sa kanya. Nasubukan ko na yun nang maglaban kami kahapon para makuha ko si Serene.” Paliwanag ko sa kanya. “Hangad ko ang tagumpay mo at upang maibalik na ang nararapat sa trono ng imperyo. Kaya sa abot ng aking makakaya ay kahit isugal ko ang aking buhay ay malugod ko itong gagawin.” “Hindi yan ang nais ko. Mas nais kong lahat tayo ay makabalik sa imperyo ng ligtas. At tahimik na mamuhay muli. Kaya kung dumating man ang araw na yun siguraduhin niyong lahat na hindi kayo magpapatalo sa kalaban.” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Masusunod Lazarus.” Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay bumaba na kami. Nasalubong ko si Clavio ang isa sa tatlong bantay ko dito sa loob ng mansyon. “Saan naroroon si Serene?” Usisa ko dahil alam kong silang dalawa ni Clara ang kasama nito kanina upang libutin ang kabuohan ng mansyon. “Nais ng ‘yong magiging reyna na magluto ng hapunan kaya’t naroroon silang dalawa ni Clara sa bucătărie.” Nakangiting sagot niya sa akin. “Ganun ba? Mabuti naman at hindi na siya natatakot sa inyong tatlo.” “Yun din ang inakala ko Lazarus, ngunit nakakabighani din ang yung magiging kabiyak. Kaya’t nais ko na din maghanap ng purong tao.” Wika niya na ikinakunot ng aking noo. “Alam mo naman kung ano ang mangyayari kapag umibig ka sa isang tao. Maaring kagaya ng Ina ni Serene ang magiging kahihinatnan ng babaeng iibigin mo. Andito naman si Elifera.” Turo ko sa katabi ko na nakikinig lang ng usapan namin ni Clavio. “At bakit naman ako nasali sa usapan? Kung si Clavio lang din naman ay hindi na lamang ako mag-aasawa. Lahat na ata ng babae sa Romania ay inibig na niya.” Masamang tingin ang ipinukol ni Elifera sa kanya. “Huwag kang mabahala, dahil ganun din naman ang nararamdaman ko Elifera. Kung hindi mo ako tinangihan noon baka sakaling hindi na ako humanap ng iba. Pero sa sungit mong ‘yan ay hindi malabong walang lalaking bampira ang tatagal sa’yo.” Sumilay ang ngisi sa labi ni Elifera pagkatapos ay sinamaan siya nito ng tingin. Kaya naiiling na lamang na pinagmasdan ko silang dalawa. Magkababata kami sa Romania at hindi ko lang sila mga tapat na tagapaglingkod. Mga maasahan ko din silang kaibigan. Kaya kilala ko na silang tatlo at tiwala akong tutulungan nila ako. “Lazarus!!!” Narinig kong sigaw ni Serene. Mabilis kaming nagtungo sa kusina kung nasaan sila at nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nangingilid ang luha habang hawak niya ang duguang daliri. At nakatutok pa ang hawak nitong kutsilyo kay Clara. Lumabas ang pagiging bampira nito dahil sa dugong naamoy niya mula kay Serene. “Clara!” Pukaw ni Elifera sa atensyon niya ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lumapit pa ito kay Serene kaya napa-atras din si Serene sa kanya. Sabay-sabay kaming kumilos. Bago pa siya masungaban nito ay inilayo ko na si Serene at hinawakan naman si Clara ni Clavio at Elifera. Mabilis kong dinala si Serene sa aking silid habang kinakalma nila si Clara dahil dito siya mas ligtas. “Ayos ka lang ba?” Nag-alalang tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim ngunit napangiwing muli dahil sa hiwa na nasa kanyang daliri. Nang mapatingin siya sa akin ay nagulat din siya at lumayo. “Y-Yung mata mo…” Nagpunta ako sa kabinet at nagpunit ako ng kapirasong tela. “Normal lang ito kapag nakakakita kami ng dugo ng tao. At kaya ko pa namang pigilan ang sarili ko kaya takpan na natin ang sugat mo bago pa maka-amoy yung dalawa at magbago din ng anyo gaya ni Clara.” Paunawa ko sa kanya. Lumapit ako at inupo ko siya sa gilid ng kama. Napapalunok ako habang pinagmamasdan ang pagtulo ng dugo sa kanyang daliri. Kung nahirapan si Clara na pigilan ang pagiging bampira niya ay ganun din ako. Pero kailangan kong pigilan ang aking sarili. Dahil hindi pa ito ang tamang oras. “Bakit ka ba kasi nasugatan?” Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya habang binabalot ng tela ang daliri niya. “Naghihiwa lang ako ng gulay. Dumulas yung kutsilyo kaya yung daliri ko ang natamaan.” Sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kanyang mukha dahil sa pagkakatitig niya sa akin. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” Umiling siya sa akin. Dati natatakot ako sa kulay pulang mga mata ng multo. Pero ngayon, kapag nakikita ko ang kulay pulang mata mo. Hindi na ako gaanong natatakot.” Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang aking pisngi. Naramdaman ko ang mainit at malambot niyang palad. “Maganda naman pala.” Nakangiting sambit niya. “Sa tingin ko mas babagay sa’yo ang kulay ng mga mata ko.” Seryosong sabi ko sa kanya. “Really? Hindi ba ako magmumukhang may sore eyes?” Inosente niyang tanong na ikinangiti ko. “Bakit? Mukha ba akong may sore eyes?” Balik tanong ko sa kanya na ikinangiti din niya. “Hindi nga eh, I think you’re the most handsome vampire na nakita ko sa personal.” Puri niya sa akin. Napatitig kami sa isa’t-isa. Hangang sa tuluyan niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa unti-unti kong paglapit sa kanya at tuluyang naglapat ang labi naming dalawa. Pakiramdam ko may parte sa aking katawan ang nabuhay nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Hangang sa kinabig ko ang kanyang batok ay pati na rin ang kanyang beywang upang mas mapapalim pa ang halikan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD