SERENE
Nang magmulat ako ay nandito na ako sa loob ng kotse. Mabilis ang takbo nito napangiwi ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko. Nabaling ang tingin ko sa katabi ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ibrahim.
“Saan mo ako dadalhin?” Natatakot na tanong ko sa kanya.
“I’m sorry sa ginawa ko kanina. Nagawa ko lang yun para huminahon ka. Dadalhin kita kahit saan basta malayo kay Lazarus. Inilalayo lang kita sa kanya. Masama siyang bampira, at marami na siyang pinatay na tao. At ikaw rin ay nais niyang patayin. Kagaya ng nangyari sa mga magulang mo.” Seryosong sagot niya sa akin. Nagsimulang mangilid ang aking luha nang maalala ko sila Mom at Dad. Pero wala akong magawa.
“P-Pero bakit ako? Marami namang babae diyan at isa pa, isa ka rin namang bampira diba? Ibig sabihin papatayin mo rin ako.”
Nagulat ako nang ipatong niya ang kamay niya sa nakatali kong kamay. Hindi ko na alam ang mga nangyayari paanong pati siya ay isa ding bampira?
“Yes, I’m a vampire too. But I don't have the plan to kill you. Marami ka pang hindi alam Serene. Pero sa ngayon mas kailangan muna nating makatakas sa kanya.” Paliwanag niya na parang ang hirap ng paniwalaan kung talagang masama si Lazarus sana matagal na niya akong pinatay dahil marami na siyang pagkakataon. At bakit ganun na lamang siya ka-pursigido na mahabol kami ni Ibrahim? At ganun din si Ibrahim para mailayo lang ako kay Lazarus? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Nalilito na rin ako at hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Ayokong maniwala na wala na sila mom at dad. At mas lalong ayokong isipin na si Lazarus ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung hindi ko nalaman na bampira din si Ibrahim baka sakali pang maniwala pa ako sa kanya. Pero sa nakikita ko kahit sa kanya ay manganganib din ako.
“s**t! Ibrahim nasa likuran na natin siya!” Natatarantang sabi ng driver sa unahan. Napalingon ako sa likod na salamin at nakita ko si Lazarus. Mabilis na hinahabol kami at tumatakbo lang ito pero kita ko sa kanyang mga mata ang galit hangang sa bigla siyang nawala.
“Ahhh!” Sigaw ko dahil sa malakas na pasabog kong narinig. Napatingin ako sa harapan at kitang-kita ko siyang nakatungtong sa hood ng kotse. Kaya tumigil ito. Ang mga sumunod na nangyari ay alingawngaw na ng mga putok ng baril mula sa driver at katabi nito.
“Halika!”
Malakas na sinipa ni Ibrahim ang pintuan at tumalsik ito at humiwalay sa kotse. At mabilis niya akong hinila palabas.
“Ibrahim!” Nakakatakot na sigaw ni Lazarus. Kilala niya si Ibrahim? Paano sila naging magkakilalang dalawa?
Namalayan ko na lamang buhat-buhat na niya ako at matulin kaming tumatakbo sa kakahuyan. Hindi ko magawang idilat ang mata ko sa takot na baka bumanga kami sa dadaanan ni Ibrahim dahil mabilis niyang pagtakbo pati ang matatalas na talahib ay nararamdaman kong dinadaanan namin.
Hangang sa tumigil na siya at mabilis niya akong ibinaba sa likod ng napakalaking puno. Malapit nang pumutok ang araw.
“Serene, tumakbo ka na. Lalabanan ko si Lazarus.” Wika niya.
Hindi ko alam kung susunod ba ako pero wala akong alam sa pasikot-sikot sa lugar na ito. Inisang hila niya ang tali sa kamay ko.
“Takbo!” Igting ang pangang sigaw niya. Kaya tumalikod ako sa kanya at napasikot-sikot sa gubat. Sana lang wala akong maapakan na ahas kung hindi. Makatakas man ako sa kagat ng bampira. Mamatay pa din ako sa tuklaw ng ahas dito!
Napalingon ako sa likuran ko dahil sa narinig kong pagtumba ng mga puno. At nanlaki ang mata ko nang isa-isa itong magtumbahan. Naglalaban silang dalawa! Pareho silang galit na galit sa isa’t-isa at pareho din sila nang ipinapakitang lakas.
“Serene!” Narinig kong sigaw ni Lazarus. Napatigil ako sa pagtakbo at humarap ako sa kanila. Mula sa malayo ay nagawa kong panuorin ang sukatan nila ng lakas. Sa pinapakita nilang laban sa akin ay walang gustong magpatalo. Nakakahanga na nakakatakot din. Pero kahit sino sa kanilang dalawa ay ayaw kong kampihan. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari.
Nagulat ako nang tumalsik si Lazarus at tumama sa malaking puno. Nabali ito at nagpagulong-gulong si Lazarus sa lupa. Dapat magalit ako sa kanya pero bakit nang makita ko siyang nasaktan pakiramdam ko nasaktan din ako?
“Sumuko ka na Lazarus! Akin si Serene! Dadalhin ko siya sa Romania upang ipakilalang aking reyna!” Narinig kong sigaw ni Ibrahim. Imbis na tumakbo ay unti-unti akong humakbang papalapit sa kanila.
Reyna? Tama ba ang dinig ko? Pero wala naman akong planong magpakasal sa kanya! Lalo pa ngayon na nalaman ko nang isa din siyang bampira!
Nakita ko ang pagtayo ni Lazarus. Nakatago lang ako sa isang puno pero naririnig ko ang sigaw ni Ibrahim sa kanya.
“Hindi mo siya makukuha sa akin, Ibrahim! Kinuha mo na sa akin ang imperyo! At hindi ako makakapayag na pati siya ay kunin mo sa akin!” Narinig kong sigaw din ni Lazarus sa kanya.
“At sa tingin mo hahayaan kong mangyari yun?!”
Muling sumugod si Ibrahim sa kanya. Nakita ko din ang duguang balikat ni Lazarus pero nagawa niyang umilag sa pag-atake sa kanya ni Ibrahim.
Malinaw ang narinig kong pinag-aagawan nila akong dalawa. Pero bakit? Madami namang ibang babae diyan?
Si Ibrahim naman ang tumalsik at padapa itong bumagsak sa lupa.
“Gusto mong magkaroon ng makapangyarihang tagapagmana kaya gusto mo siyang kunin sa akin! Para sa sarili mong kapakanan! Para mas maging makapangyarihan ka!” Sigaw ni Lazarus sa kanya.
“At bakit ikaw? Naghahangad kang makabalik sa imperyo kaya alam kong iisa lang ang pakay nating dalawa!”
Muling bumangon si Ibrahim at sinugod si Lazarus. Lalo lamang akong naguluhan sa dahilan nang pagtatalo nilang dalawa.
Habang abala ako sa pakikinig at sa panunuod sa kanila ay wala akong kamalay-malay nang biglang bumulaga sa mukha ko ang malaking sawa.
“Ahhh!”
Napaupo ako sa lupa at nang dumilat ako ay bumagsak sa harapan ko ang magkahating katawan ng malaking sawa. Pero mas nagulat ako nang makita ko si Lazarus.
Mabilis niya akong tinayo at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
“Nasaktan ka ba?”
“L-laza—”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumalikod siya sa akin at bumaba pinakapit niya sa leeg niya ang braso ko.
“Kung ano man ang sinabi sayo ni Ibrahim. Huwag kang maniwala sa kanya. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat sumakay ka na sa likod ko bago pa sila dumating.” Utos niya sa akin.
“La-zarus! P-Pagbabayaran mo ito!” Narinig kong sigaw ni Ibrahim. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyari.
Lumingon sa akin si Lazarus at normal na ulit ang kulay ng mata nito.
“Magtiwala ka sa akin Serene…please…” Nagsusumamong sabi niya sa akin. Humawak ako sa balikat niya at sumampa ako sa katawan niya.
“Kumapit kang mabuti.” Sambit pa niya bago siya tumakbo ng mabilis.
Hangang sa sumikat na ang araw ay patuloy pa rin kaming tumatakbo sa kagubatan. Hangang sa tumigil na siya. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Pero nang sabihin niyang magtiwala ako ay parang may kung ano sa loob kong pakingan siya.
“Magpapahinga lang tayo sandali. Pero mamaya aalis ulit tayo. Kailangan nating makalayo sa lugar na ito bago bumalik ang lakas ni Ibrahim.” Seryosong sabi niya sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang gilid ng aking labi. Saka ko lang naramdaman ang sakit kaya napangiwi ako.
“Siya ba ang may gawa niyan?”
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nilakasan ko ang loob ko para itanong sa kanya ang mga bagay na hindi ko maunawaan.
“Yung mga studyante? S-sina mom at dad, pinatay mo ba sila?” May pagbibintang na tanong ko sa kanya. Tumitig siya sa mga mata ko.
“Si Ibrahim ang may kagagawan ng lahat. Ginawa niya yun para sirain ako sa’yo. Para makuha ka niya sa akin, Serene. Maniwala ka sana sa akin. Nang dumating ako sa inyo wala na silang buhay. Nasisiguro kong si Ibrahim din ang may pakana noon kagaya ng nangyari sa school.” Wika niya sa akin. Ibig sabihin totoo ngang wala na silang buhay? Napatakip ako sa akinbg bibig at hindi ko na napigilan ang aking paghikbi. Kinabig niya ako at niyakap niya ako.
“Serene, hindi mo sila tunay na magulang.”
Humiwalay ako ng yakap sa kanya nang sabihin niya yun.
“A-anong sabi mo? At paano mo naman nalaman yun?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Ang tunay mong ama ay kauri din namin. Siya ay taga Romania. Pero nahatulan siya ng kamatayan dahil nakipag-siping siya sa isang babae na purong tao at nagbunga ito. Labag yun sa batas ng aming lahi. Kaya ipinatapon ang yung Ina sa bansang ito—”
“Teka! Anong sinasabi mo?! Ako? Kauri mo? Imposible ang sinasabi mo Lazarus. Normal akong tao at isa pa walang kakaiba sa akin.
“Nagkakamali ka, Serene. Nananalaytay sa dugo mo ang pagiging vampira. At makakamit mo lamang ito ng tuluyan sa susunod na pagkulay pula ng buwan at sa gabing yun kailangan din kitang kagatin para maging ganap na vampira ka na.”
Nanlaki ang mata ko pero hindi dahil sa naniniwala ako sa kanya. Kundi dahil hindi ko mapaniwalaan ang mga sinabi niya sa akin.
“You mean kapag kinagat mo ako magiging vampire din ako? Magiging halimaw din ako gaya niyo ni Ibrahim?”
Tumango siya sa akin.
“Yun ang katuparan ng propesiya sa akin. Ngunit hinahadlangan ito ni Ibrahim dahil alam niyang magiging mas makapangyarihan pa ako sa kanila kapag nag-isang dibdib na tayong dalawa. Yun ang dahilan kaya kailangan mo akong pakasalan.” Paliwanag niya na ikinalaglag ng panga ko.
“Ibig sabihin, kailangan mo ng dugo ko. Para mas lumakas ka pa at mabawi mo ang imperyo na kinuha sayo ni Ibrahim? Kapalit ay magiging asawa mo ako at halimaw din ako gaya mo? Tama ba?”
Seryoso siyang tumango sa akin. Ayaw ko mang maniwala sa kanya pero wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa akin.
“Limang araw mula ngayon ay magaganap ang pagbilog at pagpula ng buwan. Yun ang gabing ini-intay ko para maikasal na tayong dalawa, Serene. Sa maniwala ka at hindi ikaw ang nasa propesiya na aking magiging kabiyak at magpapabalik sa akin sa kapangyarihan sa imperyo.” Dagdag pa niya. Masyado nang maraming nangyari sa akin sa araw na ito. Nawala ang mga magulang ko. At marami akong nalaman sa kanya. Pero paano ko paniniwalaan ang lahat ng sinabi niya? At paano ko matatakasan ang sinasabi niyang propesiya?