Pagtakas

2355 Words
SERENE “Bakit biglaan naman ata?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kakai nang sabihin ko sa kanila ang pag-alis ko bukas. Narito kami sa isang coffee shop nagkita-kita dahil baka magalit lang si Mom at Dad kapag pinapunta ko sila sa bahay. “Oo nga Serene, hindi mo pa nga kilala ang lalaking yun sasama ka na agad sa kanya?” Segunda naman ni Martin. “Alam ko na! Siguro kahawig yan ni Cha Eun Woo ano? Kaya ayaw mong ipakilala sa amin at sasama ka na agad sa kanya para hindi maagaw ng iba tama?!” Bulalas ni Lea. Kaya napabuntong hininga na lamang ako. “Dahil kay Lazarus.” Sagot ko na ikinagulat nila. “Ano?!” “Ano?!” “What?!” “Kanino?!” Napatingin sa amin ang ibang customer na narito sa loob ng coffee shop dahil sa malakas at sabay-sabay nilang bulalas sa sinabi ko. Kaya humingi kami ng paumanhin. “Aalis ka dahil kay Lazarus? Why?” Mahinang tanong ni Kakai. “Guys, ayoko sanang sabihin ito. Ngunit nag-alala ako na baka hindi lang ako kundi pati kayo patayin niya kagaya ng ginawa niya sa biik, at doon sa mga babaeng schoolmates natin.” Paliwanag ko na ikinabilong ng mata nilang lima. “Ano? Ang ibig mong sabihin may kinalaman si Lazarus sa p*****n na nangyari?” Ulit ni Klay sa akin na ikinatango ko sa kanya. “Teka-teka! Bakit kasama pati yung biik eh binigay sa akin ni Lazarus yung biik?” Wika ni Lea. “Nasayo ang biik? Baka mga dugo ng tao lang ang pakay niya.” Paglilinaw ko hindi naman kasi itinangi ni Lazarus yun nang itanong ko yun sa kanya. “Lalong gumugulo ang usapan. Puwede bang ipaliwanag mo ng maayos para maunawaan namin ang lahat ng sinasabi mo Serene.” Sabat ni Larry na sinangayunan naman nila. Wala akong magagawa kundi sabihin na sa kanila ang lahat. Kaya ipinakita ko sa kanila ang sing-sing na hangang ngayon ay nasa daliri ko pa rin at bumalik na ito sa dati niyang kulay. “Ano yan?” Usisa ni Kakai. “Ito ang sing-sing na na nakuha ko sa hunted vampire mansyon. Nakita ko ito sa isa sa mga silid kung saan mo ako hinila noon nang magkahiwa-hiwalay tayo. Hindi ko naman sinadya na sukatin ito. Sa naalala ko noong time na yun parang may kung ano sa loob kong bumubulong sa akin na buksan ang lumang jewelry box at nang makita ko ang singsing ay sinuot ko na ito sa kamay ko. Ngunit nang tangkain ko siyang hubarin hindi ko na siya mahubad.” “Teka–anong connection niyan kay Lazarus?” Putol ni Klay. “Oo nga.” Segunda ni Lea. “Dahil ang singsing na ito ay pag-aari ni Lazarus.” “Ha?!” Bulalas ni Lea, Klay at Kakai. “Ibig mong sabihin, bampira si Lazarus?” Tumango ako kay Larry. “Imposible yan Serene, at paano mo naman nasabi yan? Wala namang kakaiba sa lalaking yun.” Wika ni Martin. “Dahil nakita nang dalawang mata ko. Kung paano magbago ng kulay ang mga mata niya at nakita ko din ang paglabas ng pangil niya nang kalabanin niya si Fonso kaya nasira ang bahay namin. At nasaksak din siya noong gabing yun. Pero himalang nawala ang sugat sa tiyan niya. At hindi lang yun, sinabi niya sa akin na ako ang matagal niya nang inaantay na maging kabiyak niya at magpapatuloy sa kanyang lahi.” “Oh my god! Sabi ko sa’yo bawasan mo na ang kakapanuod ng horror eh. Kung ano-ano na kasi ang tumatakbo sa utak mo. Muntik na kaming maniwala.” Natatawang sabi ni Lea. Ngunit nanatili akong seryoso kaya nabura ang ngiti niya sa labi. “Are you serious?” Tanong ni Klay at tumango ako sa kanya. “Wait–ibig sabihin ikaw tinutukoy ni Lazarus noon na nagnakaw ng puso niya?” Tumango ulit ako sa tanong ni Lea. “Teka–paanong nangyari yun? So ibig sabihin ikaw ang kanyang vampire bride?” Marahan akong tumango kay Klay. “Guys, hanga’t maari ay iwasan niyo si Lazarus. Masama siya, pinaniwala niya tayong kagaya siya natin. Ngunit ang totoo wala siyang pinagkaiba kay Fonso. Kaya mag-iingat kayo. Patawarin niyo ako kung kailangan kong lumayo pansamantala. Kahit saan ako magpunta pakiramdam ko biglang susulpot si Lazarus at kukunin niya ako. Hindi ko alam kung ano ang plano niya sa akin. Pero hindi ko mapapayagan ang gusto niyang mangyari.” “Kaya aalis ka at sasama ka kay Ibrahim?” Nabaling ang tingin ko kay Martin at tumango ako sa kanya. “Natatakot ako, na kapag hindi ako lumayo baka magkatotoo ang masamang panaginip ko.” Tumahimik sila sa naging rebelasyon ko. Siguro iniisip din nila kung ano ang dapat kong gawin. “Bakit hindi mo na lang tangalin ang singsing? Baka sakaling lubayan ka ni Lazarus.” “Hindi yun ganun kadali Kakai, at sinubukan ko na yun nang maraming beses.” “Hindi ko inaasahan ito, sayang ang pogi pa naman ni Papa Lazarus. Compatible sana kayong dalawa kaya lang isa pala siyang bampira.” Naiiling na sabi ni Lea. “Oo nga shini-ship pa naman natin silang dalawa kasi bagay sila. Tapos isa palang monster vampire si Lazarus.” Segunda naman ni Kakai. “Kung totoo man ang sinasabi ni Serene, tama ang gagawin niyang paglayo. Ngunit paano kung malaman ni Lazarus? Hindi natin alam ang kanyang kakayahan. Maari kang mapahamak Serene.” “Bago pa niya malaman paniguradong nakasakay na ako sa airplane. Matagal na palang nakahanda ang aking mga papeles paalis ang kailangan ko na lamang gawin ay mag-impake dahil mamayang madaling araw ang alis namin.” Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay maayos akong nagpaalam sa kanila. Pinag-ingat ko din sila na huwag nang lalapit kay Lazarus. Pagdating ko sa bahay ay nakahanda na ang hapunan. “Maupo ka na Serene sabayan mo kami.” Utos ni Dad. Kaya umupo ako sa tabi ni Ibrahim dahil dito niya ako pinauupo. “Nakapag-paalam ka na ba sa mga walang kwenta mong kaibigan?” Nakataas ang kilay na tanong ni Mom. “Mom, sila lang ang kaibigan ko at para na kaming magkakapatid kaya sana huwag niyo po silang pagsalitaan ng ganyan.” Katwiran ko sa kanya. “Pinagtatangol mo pa ang mga yun—” “Excuse me po, pero hindi magandang mag-away sa harapan ng hapag kainan.” Seryosong sabi ni Ibrahim kay Mommy na ikinatigil nito sa pagsasalita. Pati si Dad ay sinaway si Mom sa naging asal nito. “Paumanhin, Ibrahim. Magpatuloy na kayo sa pagkain.” Nagtataka akong napatingin kay Daddy. Pakiramdam ko ay may mali sa kanilang tatlo. Pagkatapos ng tahimik na pagkain namin ay nagpaalam na akong papanhik sa aking kuwarto upang mag-impake. Pagkatapos ay natulog na rin ako. Nagising ako ng alas dos ng umaga dahil mamayang alas-singko ang alis namin. Naligo muna ako pagkatapos nagbihis ako ng pantalon at black hodie jacket dahil baka lamigin ako sa airport. Pagbaba ko ay nakahanda na ang mga gamit at isinasakay na ito sa van. “Dito na kayo maupo ni Ibrahim.” Tawag sa akin ni Mom sa unang kotse. Nasa loob na pala si Lazarus at sinilip ko din kung saan sila sasakay. Sa pangalawang kotse kaya nagtaka na naman ako. Pero siguro pinaglalapit lang nila kami ni Ibrahim. Wala pa naman akong balak na pakasalan siya kaagad pagkarating namin doon. Ngunit hindi naman masama kung kilalanin pa namin ang isa’t-isa. “Mahimbing ba ang tulog mo?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Oo, ikaw? Hindi kaba nanibago sa guest room?” Usisa ko sa kanya. “Hindi ako nakatulog, naiisip kasi kita.” Awang ang labi ko nang sabihin niya yun. Kakikilala pa lamang namin ngunit nasasabi na niya ang mga bagay na yun. Siguro dahil matagal na niya akong kilala. Nahiya ako sa sinabi niya kaya itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mobile phone ko. Nagsend ako ng selfie ko kanina bago ako lumabas ng kuwarto sa GC namin. Malungkot ako ngunit buo na ang loob kong takasan si Lazarus at piliin si Ibrahim. Maya-maya pa ay nasa byahe na kami. Sinubukan kong makatulog ulit ngunit hindi naman ako mapalagay. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako comportable. Ipinikit ko ang aking mata para sana subukan ulit na matulog. Ngunit gising naman ang aking diwa. “Alam ko, kayo na ang bahala sa kanya. Siguraduhin niyong hindi siya makakalapit sa amin. Malapit na kami sa airport.” Narinig kong sabi ni Ibrahim napadilat ako ng bahagya at nakita ko siyang may kausap sa phone. Sino ang tinutukoy niya? Bakit parang worried siya at patingin-tingin sa labas ng pinto? Gumalaw ako at inayos ang malaki kong unan. Ngunit napansin kong naging itim na naman ang kulay ng bulaklak sa singsing ko. Hindi lang yun basta itim kundi may nakapaligid ditong parang usok na itim din. Bigla akong kinabahan. Nagpalinga-linga ako sa paligid sa labas ng bintana sa harapan sa likuran at nagtaka ako kung bakit wala nang nakasunod sa amin. “Nasiraan sila, pero hahabol daw sila.” Wika ni Ibrahim. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dapat inantay natin sila Mom and dad.” Nag-aalalang sabi ko sa kanya. “Hindi maari, kailangan na nating umalis. Huwag kang mag-alala makakasunod naman sila.” Nakangiting sabi niya. Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya kaya sibukan kong tawagan sila Mom at Dad. Ngunit hindi sila sumasagot. Lalong lumakas ang kaba ko. Sa tingin ko may hindi magandang nangyayari. “Manong ibalik mo ang kotse kung saan sila mommy at daddy.” Utos ko sa driver ngunit hindi ako nito pinakingan. “Manong ano ba? Ang sabi ko ibalik niyo ang kotse.” Nauubusang pasensya na sabi ko. Tumingin siya sa rear view mirror at kitang-kita ko kung paano tumangi si Ibrahim sa kanya. “Hindi maari ang gusto mo. Antayin na lang natin sila sa airport.” Seryosong saad pa niya. Lalong bumilis ang kotse na sinasakyan namin sa tingin ko wala na ito sa normal speeding. Mabuti na lamang at wala kaming kasabay na mga sasakyan. Pilit kong kinalma ang aking sarili at tinatawagan ko ulit sila mom at dad pero hindi pa rin sila sumasagot. Hangang sa may matanaw akong isang maliit na eroplano. Sa tingin ko para lang yun sa mga highclass na tao. Ibig sabihin hindi kami dumaan sa mismong airport. “Private connecting flights ang pagpunta natin sa Romania kaya huwag kang mag-alala normal lang ito sa may kayang pamilya.” Saad niya kahit hindi ako nagtatanong. Lumingon akong muli umaasa na nakasunod na sila mom at dad ngunit wala pa rin sila. Masama na ang kutob ko. Itinigil nila ang kotse malapit sa airplane at may mga sumalubong sa amin na mga lalaking naka-itim. “Let’s go, sa loob na natin sila antayin.” Nakangiting aya niya sa akin nang buksan niya ang pintuan ko. Inilahad niya ang kanyang kamay. Ngunit umiling ako sa kanya. “Ayoko, mamaya na ako papasok pagdating nila mom at dad.” Pagmamatigas ko. Narinig ko pa ang pagsinghap niya at ang pagdugtong ng kanyang kilay. “Serene, kailangan mo nang sumakay. Dahil kung hindi, aabutan niya na tayo. Ang bampirang pumapatay ng mga studyante sa school mo.” “Ano? At paano nalaman ang tungkol kay Lazarus?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Matagal na kitang pinapasubaybayan. Kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa’yo. Kaya halika na dahil kapag naabutan niya tayo siguradong tatapusin niya rin tayo kagaya ng ginawa niya sa mga magulang mo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “A-Anong sabi mo? Kung ganun kaya hindi sila makasunod dahil wala na sila?” Tumango siya sa akin. “Sinubukan nilang pigilan si Lazarus para maitakas kita. Ngunit nang hindi sila nakahabol paniguradong tinapos na rin sila ni Lazarus.” Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya na ginawa yun ni Lazarus. “Let’s go, masasayang ang sacripisyo nila kapag hindi kita nailayo dito.” wika niya sabay hila sa kamay ko. Nagawa niya akong maibaba sa kotse. “No! Kailangan kong makita sila mom at dad!” Sinubukan kong hilahin ang kamay ko ngunit mahigpit niya itong hawak at nasasaktan na ako. “Huwag ka nang magmatigas pa! Kapag hindi ka pa tayo umalis lahat tayong naririto ay siguradong papatayin niya!” Igting ang pangang sigaw niya sa akin. “Pero sila mommy at daddy hindi ko sila puwedeng iwan!” Humihikbing sabi ko sa kanya. Ngunit hindi siya nakinig pinilit niya akong umakyat sa hagdan papasok sa airplane at kaagad na nagsara ito. “Ibrahim! Ibalik mo ako! Kailangan kong makita ang mga magulang ko parang awa mo na!” Patuloy na sigaw ko sa kanya. Napapikit ako nang inangat niya ang kanyang kamay at naramdaman ko ang mabigat niyang kamay sa aking pisngi na ikina-upo ko sa upuan. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng aking labi. Nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa ginawa niya. “Umalis na tayo!” Narinig kong sigaw ni Ibrahim. “H-huwag…please ibalik mo ako sa amin…” Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at mariin niya akong tinignan. “Hindi ka niya makukuha, kahit ano pa ang mangyari. Akin ka, mula noon hangang ngayon!” Naiyak na lamang ako dahil sa takot ko sa kanya. Hangang sa naramdaman ko na lang ang pag-alis ng eroplano. Ngunit ilang sandali lang ay nakarinig kami ng pagsabog kasabay ng pagtigil din nito. “Ibrahim, si Lazarus!” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Tumiim ang anyo ni Ibrahim at nakita ko kung paano magbago ang kulay ng kanyang mga mata. “Tapusin niyo siya. At huwag na huwag niyo siyang hahayaan na makasunod sa amin.” Utos niya at agad naman itong tumalima. Gaya ni Lazarus nagkulay pula din ang kanyang mga mata. “I-Isa ka ring bampira?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kinumpas niya ang kanyang kamay sa mukha ko at tuluyang nagdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD