Pagbabalik

1176 Words
SERENE Andito kami ngayon sa kuweba. Umulan kasi kaya naghanap kami ng masisilungan. Gumawa siya ng apoy upang mabawasan ang lamig. Ngunit yung tiyan ko naghahanap na ng pagkain. Ilang oras na rin kasi kaming naririto at nagtatago. Siya kaya? Nagugutom rin kaya siya? “Huwag mo akong tignan ng ganyan, baka gawin mo pa akong almusal at tanghalian.” Saway ko sa kanya. Magkaharap kasi kami ngayon at nakaupo sa tig-iisang piraso ng sariwang dahon ng saging na pinutol niya din. “Pasensya na, naisip ko lang na kung tuluyan kang nakuha ni Ibrahim. Baka hindi na kita nakitang muli. Baka pinagsisihan ko ang oras na nagdesisyon akong bigyan ka pa ng time mag-isip at matangap ako.” Paliwanag niya sa akin. Tinapunan ko ng tuyong kahoy ang bonfire at mas lumagablab ito. “Yun ang naisip kong sulosyon dahil natakot ako na baka patayin mo rin ako. Pero kahit pala tumakas ako wala rin dahil kahit sino pa sa inyong dalawa ang makakuha sa akin. Pareho lang naman kayo ng nais gawin sa akin.” “Masama si Ibrahim, Serene. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin para sa kapangyarihan. Nagawa niyang pumaslang ng inosenteng mga tao. Para palabasin na kagagawan ko ang lahat kaya natulak kang umalis. Ngunit ang totoo plano niya na ito dahil nalaman niyang nagkita na tayong dalawa. Kaya sa araw na magiging isa ka ng ganap na vampira–” “Ayoko Lazarus...hindi ako papayag na maging vampira din at mamuhay gaya niyo. Hindi yun ang pangarap ko.” Pagtangi ko sa kanya. “Alam ko, dahil namulat ka sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi ka nila kabilang. Hindi mo lang napapansin ang pagbabago sa yung sarili dahil hindi mo pa natatangap ngunit kahit anong iwas mo. Tatlong araw matapos ang pagbilog ng buwan ay magiging ganap ka na ding bampira kagaya namin.” Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin ang bagay na ito. Labing-walong taon kong pinaniwalaan na isa akong tao na may especial lang na kakayahan. Ngunit higit pa pala doon ang tunay kong pagkatao. Ibig sabihin, lalabas din sa akin ang pangil sa ngipin ang mapulang mga mata? Magiging halimaw din ako gaya nilang dalawa. “Paano kung hindi ako pumayag na magpakasal sayo?” “Wala ka ng magagawa kundi mamili. Ako o si Ibrahim. Sa oras na tinangihan mo ako. Sigurado akong gagawin ni Ibrahim ang lahat upang makuha ka. Kaya nasa iyo ang desisyon.” Seryosong sagot niya sa akin. At bakit ko naman pipiliin si Ibrahim kung siya ang naging dahilan ng pagkawala ng aking mga magulang? Mas pinili kong paniwalaan si Lazarus, dahil mas nararamdaman kong sincere siya sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Inabot na kami ng gabi sa kuweba. Lumabas muna si Lazarus at nagbilin siyang huwag lalabas ng kuweba dahil baka hinahanap pa kami ng mga tauhan ni Ibrahim. Sabi niya maghahanap daw siya ng pagkain. Hindi ko naman maramdaman ang takot dahil sanay naman akong mag-isa. At malakas naman ang apoy sa bonfire kaya hindi ako nag-alala. “Serene? Gumising ka.” Naalimpungatan ako dahil sa tapik niya sa akin. Na-amoy ko din ang mabangong amoy ng letchong manok na dala niya. “Kumain ka na.” Inabutan niya ako ng isang tuhog na may nakalagay na buong hita ng manok. “Saan ‘to galing?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ibinigay ng lalaking may-ari ng kubo sa malapit. Humingi kasi ako ng makakain sa kanya para sa’yo dahil alam kong gutom ka na. May dala din akong prutas.” Napatingin ako sa mga hinog na saging at langka sa tabi niya. “Ikaw? Hindi ka ba kakain? Hati na tayo dito.” Alok ko sa kanya pero umiling siya sa akin. “Hindi ako basta-basta nakain ng pagkain ng mga tao. At isa pa hindi pa rin naman ako nagugutom.” Dahil sa pagtanggi niya ay kumain akong mag-isa. Naubos ko naman ang letchong manok at masarap naman ito. Nakasandal lang siya sa dingding ng kuweba at nakapikit ang kanyang mga mata. Kaya napagmasdan ko ulit ng malapitan ang kanyang mukha. Ibang-iba nga siya kay Ibrahim. Ngayon ko lang yun narealize. Kung hindi niya ako hinabol siguro nasa Romania na ako at a-anakan lang ako ni Ibrahim para magkaroon siya ng tagapagmana. Mabuti na lamang kahit pinili ko si Ibrahim ay pinilit pa rin akong iligtas ni Lazarus. Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at tumingin sa akin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “Matulog ka na, maaga pa tayong aalis bukas.” Sambit niya kaya nabalik ang tingin ko sa kanya. “Bakit? Saan mo ako dadalhin? Huwag mong sabihin na itatanan mo na ako?” Nanlalaking matang sabi ko. Sumilay ang ngiti niya sa labi. Ngunit pumikit din siyang muli. “Magiging asawa rin naman kita limang araw mula ngayon. Kaya ko naman maghintay hangang sa araw na yun. Kung may iba kang iniisip bukod sa pag-iisang dibdib natin.” Nag-init ang aking pisngi nang sabihin niya yun. Kung magpapakasal kami ibig sabihin magho-honeymoon din kami? Napatakip ako sa aking bibig. Hindi pa ako handa na gawin ang bagay na yun! At isa pa hindi ko pa sigurado ang nararamdaman ko ngayon kay Lazarus. Siya kaya? May nararamdaman kaya siya sa akin? Mahinang tapik niya ang nagpagising sa akin. “Tara na.” Hindi ko man lang nagawang ayusin ang aking sarili. Paglabas namin sa kuweba ay madilim pa ang paligid. Nang tignan ko ang relo ay alas-kuwatro pa lamang ng umaga. “Sumakay ka sa likod ko para mas madali tayong makarating.” Ginawa ko ang gusto niya. Nang makasakay na ako ay hinawakan niya ang magkabila kong binti at nag-umpisa na siyang tumakbo. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko dahil baka mapuwing pa ako. Hindi ko alam kung ilang oras na siyang tumatakbo at hindi man lang siya nakakaramdam ng pagod. Pero habang tumatakbo siya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Napadilat ako nang tumigil siya sa pagtakbo. “Andito na tayo.” Wika niya. Nagulat ako nang makita ko ang bahay. Ito rin kasi ang hunted vampire mansyon na pinuntahan naming magkakaibigan. “Dito muna tayo hangang sa araw ng ating pag-iisang dibdib. Maayos na ang lugar na ito at walang ibang makakakita nito.” Kinuha niya ang kamay ko at pumasok kami sa kalawangin na gate. Nang makapasok kami sa bahay ay maayos na nga ito ngunit ganun pa din ang kalumaan nito. Mas maayos lang dahil hindi na butas ang bubungan nito. “Dito na tayo titira?” “Oo, huwag kang mag-alala may makakasama tayo dito na magsisilbi sa ating dalawa.” Nagulat ako nang magsulputan ang tatlong taong nakaitim sa harapan namin. “Maligayang pagdating, kami ang tapat na tagapaglingkod ng pamilya ni Lazarus.” Nakangiting pakilala nila sa akin. Napatingin ako kay Lazarus at ngumiti din siya sa akin. Kinakabahan ako sa maari pang mangyari habang naririto ako sa poder niya at ina-antay ang araw ng pag-iisang dibdib naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD