SERENE
Napa-atras ako sa pinto ng veranda ngunit pagtalikod ko ay nagulat ako dahil sa harapan ko na siya.
“L-Lazarus? A-Anong ginagawa mo dito? P-paano ka nakapasok dito?!” Kinikilabutan kong tanong sa kanya. Ngunit imbis na sumagot ay humakbang siya papalapit sa akin kaya napa-atras ako.
“H-Huwag…huwag mo akong saktan. Ibang babae na lang ang kunin mo. Huwag ako…” Nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan nang sumilay ang ngisi niya sa kanyang labi at nakita ko ang dalawa niyang pangil. Kinapa ako ang bukasan ng pinto sa Veranda at dali-dali akong lumabas at sinara ang pinto. Ngunit nanlaki ang mata ko at napasigawa ako sa takot nang mabasag ang salamin nito kaya napa-atras akong muli.
“Huwag kang lalapit!” Sigaw ko sa kanya. Sumilip ako sa ibaba ngunit mataas ang babagsakan kung sakaling tumalon pa ako. Hangang sa napa-igtad ako at napasandal sa railling nang isang hakbang na lamang ang layo naming dalawa.
“Sumama ka na sa akin aking reyna.” Sambit niya na ikinanginig ng aking katawan.
“No, hindi ako sasama sayo Lazarus!” Singhal ko sa kanya. Ngunit mabilis niyang nahawakan ang batok ko at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagtusok ng kanyang pangil sa aking leeg. Pakiramdam ko’y unti-unti akong nauupos na parang kandila habang patuloy siya sa pagsipsip ng aking dugo. Napatiya na rin ako dahil sa mariin niyang pagbaon at nakita ko ang bilig at maliwanag na kulay pulang buwan.
“H-hindi…hindi…Huwag!!!”
Nabalikwas ako nang bangon dahil sa isang masamang panaginip. Kaagad kong sinalat ang aking leeg. Ngunit wala akong maramdaman na kahit anong sakit. Akala ko talaga totoong pumasok siya sa kuwarto ko kagabi at kinagat niya rin ako kagaya noong nangyari sa babaeng at kinagat niya ako sa leeg sxa school namin. Ngunit nakahinga ako ng maluwag nang ma-realize kong hindi totoo ang nangyari at isa lamang itong masamang panaginip. Ngunit paano kung totoo nga yun? Paano kung mangyari nga yun sa pagitan namin? May paraan pa ba para matakasan ko siya? At paano kung ako na ang isunod niya?
Sunod-sunod na busina ng sasakyan ang aking narinig at nagmadali akong bumaba. Hindi alintana ang suot kong terno pajama at ang magulo kong buhok dahil siguradong sila mom at dad na yun.
At hindi nga ako nagkamali dahil bumaba sila sa kotse at nang nalipat ang tingin ko sa lalaking hangang leeg ang buhok na bumaba sa likuran ng isa pang kotse. Seryoso ang kanyang mukha. At nakasuot siya ng itim na long sleeve polo. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa. Sandaling naghinang ang aming mga mata. At napansin ko agad ang natatanging aura. niya.
“Serene, siya nga pala si Ibrahim.” Pakilala ni Mom sa akin na hindi ko namalayang nakalapit na pala. Ngumiti si Ibrahim at nagbago ang aura nito.
“Hi, mas maganda ka pala sa personal.” Nakangiting sabi niya sabay abot sa kamay ko at dinampian niya ito ng magaan na halik na ikinatigil ko. Hindi ko akalain na ganito kagandang lalaki ang nakatakda kong maging asawa. Akala ko ay mas matanda ito sa akin. ngunit sa tingin ko hindi naglalayo ang edad nila ni Lazarus. At dahil nakapantulog lang ako ay maayos akong nagpaalam sa kanila upang magbihis ng maayos na damit. Pagkatapos ay nag-toothbrush, naghilamos at nagsuklay na rin ako bago ako bumaba muli.
Tahimik silang nag-uusap nang makababa na ako. Pinatabi nila ako sa kanya. At nasa harapan naman namin si Mom at Dad.
na napapansing kong hindi mapalagay sa upuan nila at panay ang sulyap kay Ibrahim. Nakaka-intimidate din ang presensya nito at para siyang si Lazarus kapag tahimik lang.
“Magpapahanda lang ako ng pagkain. Maiwan muna namin kayo para makapag-usap kayong dalawa.” Wika ni Mom sabay hila niya kay Dad. Lumipat ako ng upuan sa harapan niya.
“Alam mo na ang kasunduang kasal? At pumapayag ka dito?” Seryosong tanong ko sa kanya. Sumilay ang ngiti niya sa kanyang labi.
“Of course, sino ba naman ang tatanggi sa isang napakagandang dalaga na nasa harapan ko ngayon.” Sagot niya na ikinagulat ko dahil kung galing siya sa ibang bansa bakit napaka galing niyang magsalita ng tagalog?
"Pero hindi lang kagandahan ang mahalaga sa pag-aasawa Ibrahim. Seryosong usapin ang kasal." Depensa ko sa kanya.
"I know, pero matutunan din nating mahalin ang isa't-isa." Katwiran niya sa akin. Maaring tama nga siya. At sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang tama.
“Bakit? May mali ba sa sinabi ko?”
Sasagot na sana ako ngunit tumunog ang phone ko kaya nagpaalam ako sa kanya sandali at tumayo ako upang sagutin ang tawag ni
Lea.
“Lukaret! Bakit hindi ka pumasok? Nasaan ka ba?”
“Andito sa bahay may bisita kami si Ibrahim bakit?” Sagot ko sa kanya. Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa matinis niyang pagtili sa kabilang linya.
“Andyan si Papa Ibrahim?! Pupunta kami diyan! Gusto din namin siyang makilala!”
“Ano?! Huwag na! Baka makahalata ang mga teachers natin kapag umabsent din kayo.” Giit ko sa kanya.
“Postponed ang klase. May natagpuan ulit na tatlong bangkay ng babae. At katulad din ito sa mga nauna. Naubusan ng dugo sa katawan.” Si Klay ang narinig kong sumagot.
“Ano? Si Lazarus? Nasaan siya?” Sunod-sunod na tanong ko.
“Bakit mo hinahanap? Wala siya dito, hindi rin siya pumasok.”
Naibaba ko ang phone nang sabihin niya yun. Kahit paulit-ulit pang itangi ni Lazarus ang lahat. Hindi ako maaring magkamali. Siya ang mga pumatay sa mga studyante. At isa sa mga araw na ito ako naman ang isusunod niya. Wala siyang pinagkaiba kay Fonso!
Bumaling ako kay Ibrahim na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
“Isama mo na ako sa Romania.” Sambit ko na ikina-awang ng kanyang labi.
Naupo ako sa harapan niya.
“Hindi mo na tatapusin ang school year?” Paniniguro niya na ikinatango ko sa kanya.
“Hindi na, isama mo na ako pagbalik mo.”
Lumiwanag ang kanyang mukha nang sabihin ko yun.
“Kung yan ang ‘yong nais. Bukas na bukas din ay isasama kita patungong Romania.”
Ngumiti ako sa kanya. Ito lang ang naisip kong paraan upang makalayo at makatakas ako kay Lazarus. At kailangan ko itong magawa habang abala pa ito sa pamamaslang ng kanyang biktima.