Kagat ng bampira

1046 Words
SERENE Ilang minuto din ang nakalipas bago mapagod ang dalawa sa sabunutan at habulan. Ngayon ay patungo na kami sa unang subject namin dahil mag-a-alas nuebe na ng umaga. Ngunit habang naglalakad kami patungo sa building ay may nadaanan kaming kumpulan ng mga tao sa paligid. “Tara! Maki-marites tayo!” Aya ni Lea na magulo pa rin ang buhok dahil sa pagsabunot ni Kakai sa kanya. Nagsilapitan kami sa kumpulan ng mga studyante at nakita namin ang isang babaeng nakahiga sa damuhan at walang malay. Kasalukuyan siyang chini-check ng isang nursing student. “Ano nangyari sa kanya?” Usisa ni Martin sa nauna sa amin na mga studyante din. “Ewan, pero kanina may kausap siyang lalaki tapos bigla na lang daw itong natumba at nawala yung lalaki. “Ha? What do you mean?” Kunot noo na tanong ni Kakai sa kanya. Pero hindi din daw nito alam ang lahat. Bigla akong kinabahan. “She’s dead, wala na siyang pulse.” Wika ng nursing student na ikinasinghap ko. Lalo pa nang makita ko ang bakas sa kanyang nangingitim na leeg. “OMG! May bite mark siya!” Bulalas ni Kakai. Akala ko ako lang ang nakapansin noon ngunit nakita din pala niya ito. Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Ngunit isa lang ang nasa isip kong gagawa nito. Si Lazarus! Siya ang pumatay sa babae! “Saan ka pupunta? Serene!” Hindi ko pinansin ang tawag nila at kaagad akong nagpunta sa building. Upang derechong tanungin si Lazarus. Sigurado akong siya ang may kagagawan nito! Pagbukas ko ng room ay naroon na rin ang ibang kaklase namin. Nakita ko si Lazarus sa pinakadulong upuan. Nakasandal siya at nakayuko. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa balikat. “Ikaw ba ang may gawa noon?” Nag-angat siya ng tingin at nabitawan ko ang kanyang balikat nang may makita akong namuong dugo sa sulok ng kanyang labi. “I-Ikaw?” Sambit ko. “Serene! Ano ka ba? Bakit ka nang-iiwan?” Narinig kong sabi ni Lea. Tumayo si Lazarus at napahakbang ako pa-atras sa kanya. “Bakit?” Seryosong sabi niya sa akin. Imbis na sagutin ay tumakbo ako palabas ng room namin. “Serene!” “Hoy!” Tawag nila sa akin ngunit hindi na ako lumingon sa kanya. Nagpatuloy akong tumakbo hangang makarating ako sa likuran nang building. Kumuha ako ng bato at pinukpok ko ang singsing na nasa kamay ko. Hindi pa malinaw ang lahat ngunit may idea na ako kung ano siya at kung bakit siya naririto. “Hindi ako ang gumawa noon.” Napatayo ako nang marinig ko ang nakakatakot niyang boses. “Anong hindi? Diba isa kang bampira?! Ikaw ang pumatay sa babaeng yun! Huwag ka ng magkaila!” Singhal ko sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako. “Kung saan ka man nangaling bumalik ka na sa pinangalingan mo! Kapag hindi mo ginawa yun mapipilitan akong isumbong ka sa mga pulis!” Umiling siya sa akin. “Babalik ako ngunit kasama ka.” Seryosong sabi niya sa akin. “Ano? At bakit naman ako sasama sa’yo? Para itulad ako sa babaeng pinatay mo? Siguro kinain mo na din yung biik na binili mo ano?! Mamatay tao at hayup ka!” Natatakot na sigaw ko sa kanya. “Hindi ako ang gumawa noon Serene. Ngunit kahit sabihin ko pa sayo alam kong hindi ka pa rin maniniwala. Ikaw ang babaeng nakatakdang maging asawa ko. Ikaw ang babaeng gusto kong maging kabiyak. At hindi ko magagawang saktan ka gaya ng iniisip mo.” Awang ang aking labi sa sinabi niya. “A-ako? Bakit ako?! Dahil ba sa singsing na ito kaya mo sinasabi yan?! Puwes! Sisirain ko ito sa harapan mo at maghanap ka ng ibang aasawahin!” Lumuhod ako sa lupa at sinubukan ko ulit basagin ang singsing. Ngunit kahit anong pokpok ko ay hindi ko siya masira-sira. Hangang sa nahawakan niya ang kamay ko na may hawak na bato. “Hindi yan matatangal sa daliri mo, kahit anong sira pa ang gawin mo. At hindi na mababago ang katotohanang akin ka at darating din ang tamang panahon na kukunin na kita sa ayaw at sa gusto mo.” Seryosong sabi niya sa akin bago bitawan ang kamay ko. Pagkatapos ay tumayo na siya at parang hangin na nawala sa paningin ko. “Serene!” Nagawi ang tingin ko sa mga kaibigan kong paparating. “Ano bang trip mo? Kanina ka pa namin hinahanap ah! Si Lazarus? Nasaan siya?” Hingal na tanong ni Lea. Nagpalinga-linga sila sa paligid ngunit walang ibang taong narito kundi kami. Hindi na ako nakapasok at nagpasya akong umuwi muna. Ayokong sagutin ang mga katanungan nila at ayoko ding makita si Lazarus. Isa siyang masamang bampira at sigurado akong siya ang pumatay sa babaeng nasa school. Naging usap-usapan ito bago ako umuwi. Mali ang ginawa naming pagpasok sa hunted vampire mansyon na yun dahil paniguradong doon siya nangaling! At narito siya para sa akin! Ano ang maaari kong gawin? Paano ko itataboy ang nakakatakot na nilalang na yun?! Nabulabog ang aking pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Kaagad ko itong sinagot dahil numero ni Mom ang tumatawag. “Huwag kang pumasok bukas sa school. Uuwi kami diyan at kasama namin si Ibrahim.” Wika niya sa akin na ikina-awang ng aking labi. “Po? Bakit? At ano naman ang gagawin niya dito?” “Nais ka niyang makita at makilala. Ilang buwan na rin naman at ikakasal na kayo kaya maghanda ka okay?” Magsasalita pa sana ako ngunit pinatay na nito ang tawag. Lalo lamang sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari. May isang lalaking nakatakda kong pakasalan at may isang bampirang umaangkin din sa akin. Kailangan ko rin bang mamili sa kanilang dalawa? At kung pipili man ako si Ibrahim ang pipiliin ko dahil ayokong sumama sa isang demonyo! Pabuntong hininga akong tumayo at nagtungo sa veranda upang lumanghap ng sariwang hangin. Ngunit nang yumuko ako ay nakita napa-igtad ako nang makita ko si Lazarus. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nakikita ko ang pula niyang mga mata. Sa takot ko ay mabilis akong pumasok sa loob at sinara ang pinto ng veranda at pati ang kurtina! Paano siya nakapasok dito?! At anong ginagawa niya sa loob ng pamamahay ko!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD