Ibrahim

1536 Words
SERENE “Ano ka ba Serene? Hindi kami nagpapakahirap na magtrabaho para lang gawin mo ang gusto mo! Imbis na tutukan mo ang pag-aaral mo ay sumasama ka pa din sa mga kaibigan mong walang ibang ginawa kundi magbulakbul at pumasok sa gulo!” Panenermon ni Dad sa akin nang malaman nila ang nangyari. “Dad, consistent pong mataas ang grade ko. At hindi po kami nagbubulakbol ng mga kaibigan ko–” “Huwag mo na silang ipagtangol! Dahil sa kalokohan ninyo muntik ka ng mapahamak! Hindi kayo ang dapat lumulutas ng mga ganyang kaso. Jusko ano bang gagawin ko sayong bata ka!” Sapo ang noo niyang singhal sa akin. Nakaupo lang ako sa sofa at si Mom naman at nasa tapat ko lang at masama din ang loob sa akin dahil nagpunta ang mga pulis dito upang kunan ako ng additional statement. “Huwag po kayong mag-alala, yun na po ang hindi na po mauulit.” Nakayukong sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga si Mom. “Talagang hindi na. Dahil pagka-graduate mo ay isasama ka na namin ng daddy mo sa Romania. Para makilala mo na din si Ibrahim.” Napaangat ako ng tingin kay Mommy. “Who? At sino naman po ang Ibrahim na yun?” Nagkatinginan sila ni dad kaya nakaramdam ako ng kaba. “Siya ang Fiance mo.” Napatayo ako mula sa upuan ko nang marinig ko yun sa kanya. “Fiance?! Anong sinasabi niyo dad?” Lumapit siya sa amin at tumabi siya kay Mom para magkaharap na kaming dalawa. “Serene, mga bata pa lamang kayo ay pinagkasundo na kita sa anak ni Rodolfo. Huwag kang mag-alala mabuting tao si Ibrahim. Kilala ka na din niya. Dahil ipinadala na ni Mom mo ang litrato niya sa’yo. Actually nalaman din niya ang nangyari dito kaya baka one of this days ay magpunta siya dito. Para magpakilala sayo ng pormal bago kayo ikasal.” Paliwanag ni Dad na lalong ikinalaki ng mata ko. “Anong sabi niyo? Ipinagkasundo niyo ako sa lalaking hindi ko pa nakikita tapos ipapakasal niyo pa kami after graduation? Dad, Mom ano ba talaga ako sa buhay niyo? Isang bagay na puwedeng pasunurin sa lahat ng gusto niyo? Hindi niyo man lang ba naisip na may sarili akong buhay at gustong gawin sa buhay?” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanila. “Anak, wala ka ng magagawa. Kahit ano pang sabihin mo. My decision si final. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo sa mga wierdong bagay. Dahil kapag naulit pa ito. Mapipilitan akong patigilin ka sa pag-aaral at dalhin ka sa Romania.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya at naiiling na sumunod si Mom sa kanya. Pinunasan ko ang nagbabadya kong luha. Alam kong kahit lumuha pa ako ng dugo dito ay hindi nila ako pakikingan. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Pakiramdam ko hindi nila ako anak kung ituring. Yes, binibigay nila ang lahat ng kailangan ko pero yung atensyon yung quality time namin sana bilang pamilya ay hindi naman nila ibinibigay sa akin. Tapos ngayon may panibago na naman akong pagsubok na pinagdaraanan. Yun ay ang lalaking yun. Pinaayos kaagad nila Mom at Dad ang nasirang parte ng bahay namin. Pinalagyan din nila ng panibagong gate ang bahay namin nang sa ganun mas safe na ito. Abala ako sa pagtitipa sa laptop ko nang makarinig ako ng katok sa pinto. “Pasok, bukas yan.” Bumungad si Mom at bihis na bihis na ito na may dalang bag. “Aalis muna kami ni dad mo. Huwag ka na ulit gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. Naintindihan mo?” Tumayo ako sa harapan niya. “Mom, kakarating niyo lang aalis na naman kayo? Kailan na naman kayo babalik?” Niyakap niya ako at hinaplos ang mahaba kong buhok. “Serene, alam mo naman kung bakit hindi ba? Para din naman ito sa’yo. Saka isa pa, makinig ka sa amin ng dad mo. Dahil makakabuti yun sayo kaysa doon sa mga kaibigan mong mga weirdo. Huwag ka nang magsasama sa mga yun. Okay?” Paalala pa niya bago niya ako bitawan. At hindi na niya ako inantay na magsalita dahil umalis na kaagad siya. Bumalik na lamang ako sa kama at ipinagpatuloy ang assignment ko. Narinig ko na lamang ang pag-alis ng sasakyan at hindi na rin ako sumilip pa. Kinagabihan ay sinubukan kong muli na hubarin ang singsing na suot ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay ayaw niya talagang mahubad. Hindi ko alam kung dederechuhin ko bang tanungin si Lazarus kung may alam ba siya tungkol sa singsing na suot ko. Dahil naalala ko na naman ang nakakatakot niyang mukha. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Malayo pa lang ako sa tambayan namin dinig na dinig ko na ang ingay ng mga kaibigan ko. “Serene…” Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang kanyang boses. “Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa nangyari kahapon?” Lumingon ako sa kanya. Seryosong mukha niya ang bumungad sa akin. “Ayokong nang malaman kung ano ka.” Sagot ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo. “Ayaw mo rin bang malaman kung bakit ako nandito?” Kinabahan ako sa sinabi niya. May idea na ako pero akong itanong sa kanya ang bagay na yun. Hahanap muna ako ng paraan para matangal ang singsing na sinuot ko mula sa hunted vampire mansyon. “As long as hindi ka narito para manakit ng tao. Ayoko nang malaman ang ibang rason.” Seryosong sagot ko sa kanya at nagmadali akong maglakad palayo sa kanya dahil hindi na ako comportable. “Ayan na pala ang dalawang love birds!” Imporma ni Lea nang makita niya ako. “Kumusta ka na? Anong sabi ni Tita at Tito?” Nag-alalang tanong ni Klay. Naupo ako sa rattan chair at inilagay ang bag ko sa likuran. Nakita ko din sa Peripheral vision ko ang pag-upo ni Lazarus sa dulo ng upuan ko. “As usual napagalitan ako ng bongang-bonga.” Sagot ko sa kanila. “Tsk! Siguro sinabihan kang huwag nang magsasama sa amin ano?” Segunda naman ni Kakai na ikinatango ko sa kanya. “Guys? Lahat ba ng magulang iniisip ang ikabubuti ng anak nila?” Usisa ko na ikina-upo nilang lahat sa harapan ko. “Oo naman, kaya lang iba-iba sila ng way para gawin yun. Minsan hindi nila naiisip kung naapektuhan na ba ang anak nila sa akala nilang makakabuti. But we are born unique, iba’t-iba din ang way of thinking natin. Kaya hindi maiwasan na minsan hindi tayo mag-agree.” Paliwanag ni Larry na ikinabuntong hininga ko. “Bakit? Ano bang sinabi pa ni Tita at Tito sa’yo?” Tanong naman ni Martin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito sa kanila. Dahil mabigat talaga ang loob ko nang sabihin yun ni Dad. “I’m getting married to Ibrahim after the graduation. At maninirahan kami sa Romania.” Sagot ko. Awang ang labi nilang tinignan ako. “What? Ibrahim? Romania?” Sunod-sunod na tanong ni Lea. Nagulat kaming napatingin kay Lazarus nang bigla itong tumayo at umalis nang walang paalam. “Naku, hindi ata nagustuhan ni Papa Lazarus ang sinabi mo.” Paninisi ni Lea. Napatingin ako sa likuran ni Lazarus. Paano kung totoo ang hinala ko na ako ang dahilan kung bakit siya narito? “Bakit naman siya magagalit? Diba ikakasal na rin naman siya?” Nagtatakang tanong ni Klay. “Malay mo najejebs lang kaya umalis.” Segunda naman ni Kakai na ikinatawa nila. Pero naguguluhan na rin ako. “Hindi mo man lang ba ipapakilala sa amin yang Ibrahim na yan?” Wika naman ni Martin. Umiling ako sa kanya. “Hindi ko pa nga rin nakikilala. Pero gusto ko na din siyang makita para masabi ko sa kanyang ayoko siyang pakasalan.” Sagot ko kay Martin. “Problem nga yan friend, pero kapag ayaw mo talaga sa kanya. Ireto mo na lamang sa akin!” Malanding sabi ni Lea na ikinakunot ng noo ni Kakai. “Hoy! Huwag mo akong tignan ng ganyan. Bakla man ako sa yong paningin. Ako’y maganda at masarap rin!” Nagmamagandang sabi ni Lea may pagpilantik pa ng daliri niya. “Ewww!” Pang-aasar ni Kakai sa kanya. “Ikaw malantod ka!” Gigil na hinabol siya ni Lea. Nagtatakbo palabas si Kakai at nang maabutan niya ito ay sinabunutan niya ito. “Bitawan mo ako bakla!” Narinig kong sigaw ni Kakai. “Sa tingin niyo? Okay lang ang dalawang yun?” Nag-aalalang tanong ko. Dahil baka makasakitan silang dalawa. “Hayaan mo, mga baliw kasi.” Naiiling na saad ni Klay. “Leo! Kapag hindi mo binitawan ang buhok ko hahalikan kita!” Nakangusong inilapit ni Kakai ang labi niya kay Lea na ikinangiwi naman nito. “Ewww! Chaka mo dzai!” Nagtawanan kaming apat sa paglayo ni Lea at paghabol ni Kakai sa kanya. “Kapag sila ang nagkatuluyan sagot ko na ang letchon.” Litanya ni Larry na ikinatawa namin lalo. Kahit mga weirdo ang mga kaibigan ko. Masarap naman silang kasama. Nabaling ang tingin ko sa singsing na suot ko at nagulat ako nang mag-iba ang kulay ng bulaklak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD