SERENE
“Sa huling pagkakataon Serene. Piliin mo ako at ipinapangako ko sayong mas magiging makapangyarihan tayong dalawa!” Pamimilit ni Ibrahim sa akin. Ilang dipa lamang ang layo namin ni Lazarus sa kanya at handa na rin kaming umatake.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Akala niya siguro ay makukuha niya pa rin ang loob ko pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.
“Sa tingin mo magbabago ang isip ko Ibrahim? Nagkakamali ka, hindi lang mga kaibigan ko ang sinaktan mo. Pati ang mga magulang kong nagpalaki sa akin ay pinaslang mo din. At hindi ka pa nakuntento. Pati ang mga inosenteng buhay ng tao ay walang awa mong kinitil. Kaya magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo.” Matapang na sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung gaano siya kalakas pero dalawa kami ni Lazarus na tatapos sa kanya kaya sigurado akong hindi na siya makakatakas pa sa amin.
May hinugot siya sa loob ng kanyang damit na itim at maliit na bottle mabilis niyang tinangal ang takip at kaagad na dinala sa kanyang labi. At pagkatapos ay itinapon niya ito. Humugot siya ng dalawang matalas na patalim at naghanda ng sarili.
“Kung ganun, papatayin ko na lamang kayong dalawa.” Walang emosyon na sabi niya. Humaba ang pangil niya at nagkaroon ng kulay itim na linya ang kanyang mukha.
Iniharang ni Lazarus ang katawan niya sa harapan ko.
“Diyan ka lang, uminom siya ng potion nasisiguro kong mas malakas na siya ngayon.” Paalala ni Lazarus. Hindi na ako nakapagsalita nang sa isang iglap ay nasa harapan na namin siya. Napigilan ni Lazarus ang pag-atake niya at nagsimula silang maglaban. Mas bumilis nga ang naging kilos nito at nagagawa na niyang masugatan si Lazarus kaya kumilos na rin ako. Dumampot ako ng katana upang kahit paano ay matapatan ko ang sandata niya.
“Serene! Huwag ka na lang makialam!” Pigil sa akin ni Lazarus nang ako naman ang susugod sa kanya. Kung hindi dahil sa medalyon na ibinigay sa akin ni Lazarus ay hindi ako mabubuhay ulit at kung mamatay man ako sa laban. Ihahanda ko na ang aking sarili. Matulungan ko lamang siyang lumaban at mapigilan ang kasamaan ni Ibrahim.
“ Sayang ka Serene, may potential ka sanang maging reyna ko pero tinangihan mo ang alok ko at mas pinili mo ang talunan na angkan ni Lazarus!” Singhal niya sa akin habang naglalaban ang mga sandata naming dalawa.
“Hindi siya talunan Ibrahim! Naging tuso lang angkan niyo at tinaraydor niyo ang kanyang ama kaya naagaw niyo ang pamumuno sa imperyo ng Romania!” Depensa ko na ikinatawa niya. Tunog ng aming sandata ang nadidinig sa patuloy naming labanan.
“Ang sabihin mo mga mahina silang nilalang! Nais nilang mabuhay kagaya ng mga normal na tao! Bakit gagawin yun ng isang makapangyarihan kung pwede naman niyang sakupin ang mundo?!” Giit niya sa akin. Tumalsik ako sa puno dahil sa malakas na sipa niya sa tiyan ko umuga pa ang puno at nagbagsakan ang mga bunga nito sa lakas ng impact. Napangiwi ako at nabitawan ko ang katana.
“Serene!” Narinig kong sigaw ni Lazarus. Pinilit niyang tumayo at mabilis na nagtungo sa akin.
“Okay lang ako—sa likod mo!”
Humarap siya kay Ibrahim at muli silang naglaban. Ngunit inaalala kong baka matalo si Lazarus dahil mas lumakas pa ito. Kailangan ko siyang tulungan. Dinampot ko ulit ang katana at mabilis ko siyang sinugod mula sa likuran habang nilalabanan niya si Lazarus ngunit nang sasaksakin ko na sana siya ay mabilis siyang umiwas at nanlaki ang mata ko nang imbis na siya ay si Lazarus ang nasaksak ko sa dibdib.
“L-Lazarus?”
Nanginginig ang mga kamay na nabitawan ko ang katana. Bumagsak ito sa lupa at napaluhod nang tuluyan si Lazarus.
“Lazarus!”
Kaagad ko siyang dinaluhan. Narinig ko ang malutong na tawa ni Ibrahim.
“Ang sarap niyo namang panuorin. Biro mo? Ang babaeng mahal mo pa ang tatapos sa buhay mo?”
“Hu-wag mo akong intin-dihin…tapusin mo ang laban Se-rene…dahil hindi ka niya t**i-gilan hanga’t hindi mo siya napapaslang…” Nahihirapang sabi niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. Nag-umpisang magbagsakan ang aking luha. Hindi ko sinasadyang masaktan ko siya. At ngayon para na siyang kandila na unti-unting nauupos sa harapan ko.
Dinampot kong muli ang katana at pinilit kong tumayo. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ibrahim nang lingunin ko siya.
“Lalabanan mo pa rin ako kahit naghihingalo na si Lazarus?” Nakangising tanong niya sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ng katana at hinanda ko ang aking sarili. Kung mamatay man ako sa laban namin na ito. Magkasama pa rin kami ni Lazarus!
Mabilis ko siyang sinugod at walang pag-aalinlangan akong lumaban. Alam ko malakas siya pero hindi ako magpapatalo sa kanya!
“Sumuko ka na Serene!” Singhal niya sa akin nang harangin ko ang patalim niya gamit ang aking katana.
“Ako ang papatay sayo!!!”
Malakas kong iwinasiwas ang aking katana at nagawa kong sugatan ang kamay niya at naitapon nito ang patalim. Sinipa ko siya at tumalsik siya sa malalaking bato na nasa ilog. Hindi pa ako nakuntento at kaagad ko siyang sinugod at hinawakan ko ang kanyang leeg habang nasa ibabaw niya ako at nasa gitna kami ng rumaragasang ilog.
“Se-rene!” Pilit na sigaw niya sa akin at hinawakan ng dalawang kamay niya ang braso ko.
“I will kill you!” Namumula na ang kanyang mukha at alam kong nahirapan na siyang huminga dahil sa pagkakasakal ko sa kanya. Nagdurugo na rin ang likuran nito dahil sa paghampas bato.
“Ma-patay mo man ako! Hin-di pa rin siya mabubuhay!” Nahihirapang sambit niya mas lalo kong nilakasan ang pagsakal ko sa kanya at bumaon na ang mga daliri ko sa leeg niya. Hangang sa tuluyan ko nang dukutin ang puso niya.
“Ahhh!” Impit na hiyaw niya. Sa isang iglap ay nasa kamay ko na ito at ipinakita sa kanya kung paano ko ito durugin sa mga kamay ko. Tuluyan siyang nawalan ng hininga. Hingal na binitawan ko ang leeg niya. At tumayo ako sa harapan niya.
“Walang puwang sa mundong ito ang isang masamang gaya mo… kaya bumalik ka sa kung saan ka nangaling…”
Kinuha ko ang katawan niya at inilagay ito sa lupa. Kinuha ko din ang medalyon na nakasabit sa kanyang leeg. Pagkatapos ay kumuha ako ng sulo at sinunog ko rin ang katawan niya. Nang sa ganun ay masigurado kong patay na nga siya.
Bumalik ako kay Lazarus na ngayon ay sumusuka na ng dugo.
“L-Lazarus…wala na siya…” Lumuluhang sambit ko. Inilagay ko ang ulo niya sa aking hita.
Sandali siyang ngumiti sa akin hangang sa tuluyan na rin siyang bawian ng buhay…
“Lazarus!!!”