Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!” Isik ni Lance sa batang si Kristian nang mabitiwan nito ang photo frame nang kanilang lolo kasama ang apat nitong anak. Ang larawan na ito ay kinunan noon high school graduation ni William. Dahil sa kanilang lolo Alejandro nagawa nilang magkaroon nang family picture.
Nakita ni Lance na nabasag ang frame nang mabitiwan ito ni Kristian. Nakatitig lang si Kristian pinsan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagagalit gayong hindi naman niya sinasadya ang nangyari. Si Lance ang bunsong anak nang Kanyang tito Lucas at dalawang taon na mas matanda sa kanya. SInabi na nito sa kanya na huwag hawakan ang mga bagay sa loob ang mansion upang hindi makabasag. Ngunit hindi naman niya maiwasang hindi tingnan ang lawaran dahil sa kanyang lolo Alejandro. Hindi niya matandaan ang lolo niya dahil dalawang taon pa lamang siya noon nang mamatay ito. Nakilala niya ang lolo niya dahil sa mga kwento mula sa mama niya.
“You are clumsy! How many times have I told you not to touch our things.” Sigaw ni Lance saka itinulak si Kristian. Bahagya namang napaatras si Kristian habang nakakuyom ang kamao. Sabi nang mama niya huwag siyang makikipag-away sa mga pinsan niya. Dapat hindi siya gumawa nang gulo para hindi mag-alala ang lolo Theordore niya.
“I’m sorry.” Mahinang wika ni Kristian.
“I’m Sorry? Magagawa bang ibalik nang sorry mo ang mga nabasag mo. Kapag Nakita ni Lolo yan. Tiyak namapapagalitan ka. Bakit kesa pumayag sila na pumunta ka dito.” Galit na wika ni Lance. Gigil lang na napakuyom nang kamao si Kristian.
“Lance!” isang maawtoridad na boses ang narinig nila. Sabay na napatingin ang dalawang bata sa may ari nang boses. Ganoon na lamang ang gulat nila nang Makita ang kanilang lolo na papalapit sa kanila. Kasunod nito ang kanilang mga magulang at nakakatandang pinsan. Agad nilang napansin ang basag na frame sa sahig.
“Just what happen here?” Tanong ang kanilang Tito Antonio.
“That little brat dopped it.” Wika ni Lance saka itinuro ang batang si Kristian na nakatayo lang. Sabay na napatingin ang mga ito sa bata. Napansin naman ni Antonio ang pagkuyom nang kamao nang batang lalaki habang tila pigil ang galit nito.
“Look at him. He is just like his Dad. Ikaw ang mga kasalanan dito. Bakit ikaw pa itong tila galit.” Wika ni Antonio. “Just how did William raise his child.” Hindi makapaniwalang wika nito.
“Why are you making a big fuss over this? We can always buy a replacement for the frame.” Wika nito saka inilapag sa lalagayan ang larawan saka naglakad papalapit sa magkapatid. “Come here.” Wika nito kay Kristian saka inilahad ang kamay.
“You are not mad?” Tanong ni Kristian.
“That is something trivial. I am not mad.” Wika nito sa batang lalaki. “Should we buy a new one?” Nakangiting wika nito.
“Papa, I think you are spoiling him too much.” Wika ni Antonio sa ama niya.
“This is not me spoiling him. Hindi naman malaking kasalanan ang nagawa niya. Why do we have to condemned him. Ang mga bata ay may murang isipan para magkamali. Para namang hindi ka dumaan sa pagkabata at wala kang mga anak.” Naiiling na wika nito saka akmang aakayin ang apo papalayo nang biglang isang katulong nila ang natatarantang lumapit sa kanila.
“Sir. May tawag po mula sa hospital.” Wika nang isang katulong na lumapit sa kanila. Nakita nila ang flustered na mukha nang kasambahay. Napatingin naman si Kristian sa kasambahay nila. Iniabot nito ang telepono sa matanda. Agad namang kinuha iyon nang matanda saka sinagot.
“Yes, this is Theodore Guillermo.” Wika ni Theodore nang kunin ang telepono mula sa katulong.
“Mr. Guillermo this is Sgt. Oscar from the western police.” Pakilala nang lalaki sa kabilang linya. Kasunod noon ang pagbabago nang ekspreyon nang mukha nang lolo nila. Tila binuhusan ito nang malamig na tubig nang marinig ang sinabi nang pulis tungkol sa aksidente nang mag-asawang William at Lahlah. They could see the devastated expression sa mukha nang matanda. Matapos ang tawag na iyon mula sa sarhento agad na sumugod sa hospital sina Theodore at ang dalawang anak nito.
Nang dumating sila sa hospital, nasa operating room sina William at Laylah at nag-aagaw buhay. Napatingin si Theodore sa apo niya. Nakakuyom ang kamao nito ngunit hindi niya nakikitang umiiyak ito. Tila pinipigilan nito ang pag-iyak at naghihintay lang sa magiging balita. He is small but he is trying to look like a grown up adult who’s trying to understand what’s happening. Inilagay niya ang kamay sa ulo nang apo.
Si Antonio ang siyang kumausap sa police officer na rumisponde sa nangyari. Sinabi nitong nasa custody nan ang pulis ang driver nang truck. Umamin itong lasing habang nagmamaneho kaya wala itong control sa sasakyan dahil sa labis na antok. Sinabi nang pulis na gustong humingi nang driver nang tawad sa pamilya nang biktima.
Naging laman din nang iba’t-ibang news TV ang aksidente nang isang sikat na businessman. Ang labas nang hospital ay napuno nang mga reported na gustong makakuha nang scoop sa kung ano na ang kalagayan nang mag-asawa. Ngunit walang isa man sa kanila ang hinayaang pumasok dahil na rin sa utos nang matandang si Theodore. Ayaw niyang lalong malagay sa state of shock ang mga apo niyang hanggang ngayon ay nagpapanic pa rin dahil sa nangyari.
Ang nilalang na kanina pa sumusunod sa mag-asawang naaksidente ay pumasok sa operating room kung saan naroon si William. Nakita niya ang kaluluwa nang lalaki na humiwalay sa katawan nito kasabay nang pagpatak nang huling buhangin sa Hour glass nito. Kasabay nang pag register nang flat line sa monitor nang vitals nang lalaki. Sinubukang e-revive nang mga doctor si William kaya lang kahit anong gawin nila hindi na nila magawang ibalik ang pulso nito. Nakatingin lang si William sa walang buhay niyang katawan.
“It’s time to go.” Wika nang nilalang kay William. Napatingin naman si William sa nilalang na nasa harap niya.
“Sinusundo mo ba ako?” tanong ni Alexander. “Pwede ko ba munang Makita ang anak ko. I can feel his presence and his loneliness. I can’t comfort him but atleast I want to----” putol na wika ni William
“Mortals. You are greedy and only think about yourself. Even in your death.”
“My wifie. She is pregnant. I want to know what happen to our unborn child. Life is cruel, I know that. But that child---” He saw him snap his fingers and in an instant nasa loob na sila nang operating room kung saan isinasagawa ang operasyon ni Laylah. Hindi pa iyon ang kabuwanan ni Laylah, but they have to perform a surgery to save the child.
Habang dinadala sila sa hospital. Nakiusap si Laylah sa isa sa mga rescuer na iligtas ang anak niya. The child inside her is fighting although she has a low heartbeat. Matagumpay nilang nailabas sa sinapupunan nang babae ang sanggol kasunod noon ang tuluyang pagkawala nang buhay nang babae.
It was like she was just waiting for the child to be born. Inilabas nang nilalang ang hour glass ni Laylah na tuluyan nang nahulog ang huling buhangin nang buhay nito. Kasunod nito ang paghiwalay nang kaluluwa ni Laylah sa katawan niya. Nang Makita ni Alexander ang asawa ay agad niya itong niyakap.
Ang mga doctor naman ay abala sa pagtingin sa vitals nang bagong silang na sanggol. Her heart is weak. Just before nag register ang flat line na vitals ni Laylah. Nagawang isilang nito ang sanggol niya. Kaya lang masaydong mahina ang pulso nang sanggol. Sa murang katawan nito. Dalawang beses na nag flat line ang vitals nang bata. But, the doctors was able to revive her dahil sa CPR. Hindi nila alam kung kakayanin pa nang katawan nito kung hihinto ulit ang t***k nang puso nang sanggol.
“Please save her.” Wika ni Laylah sa nilalang na nakatingin sa sanggol. While he was staring at her. Bigla pumasok sa isip niya ang imahe nang isang magandang dalaga na may matamis na ngiti. Did he just saw her future self? But how can she be in that future if she is dying? At ang pinagtataka pa niya ay hindi niya Makita ang hourglass nito. She is dying but she is not part of those souls that he must fetch today.
“Five minutes.” Wika nang nilalang saka humarap sa mag-asawa. “You have five minutes to bid your farewell to the people who hold dear.” Wika nito. Taka namang napatingin ang kaluluwa nang mag-asawa sa nilalang na nasa harap nila. They were looking into her cold greyish blue eyes.
“Paano ang---” wika ni Laylah.
“If she is destined to die, She will.” Wika nito sa malamig na boses. Hindi naman nakapagsalita ang mag-asawa. How can they expect a creature like him to understand what they feel. At wala na rin naman silang magagawa dahil sa kaluluwa nalang sila.
“Go and say goodbye.” Wika nang lalaki then he snaps his finger kasabay ang pagkawala nang kaluluwa nang mag-asawa. Naiwan siya sa loob nang operating room habang nakatingin sa Sanggol na inoobserbahan nang mga doctor. Her heartbeat is really weak, and it was if her heart will stop anytime soon.