Sa pag daan nang panahon lalong naging malapit sina William at Theodore. Tila ang panahon na hindi sila nagkasama biglang mag-ama ay unti-unting naglaho. Ang mga masasamang alaala ay unti-unting napalitan nang tuwa at galak. Ang pagiging malapit nang mag-ama ay nagdulot nang malaking ingit at poot sa puso nang mga kapatid ni William. Ang mga apo din ni Theodore mula sa kanyang tatlong anak ay nagkaroon din nang sama nang loob sa mga anak ni William dahil sa labis na pagmamahal na ibinubuhos nito sa magkapatid.
Nakikita nilang masaya ang matanda tuwing dumadalaw sina William sa mansion nang mga Guillermo. Tuwing Sabado at lingo doon nananatili ang mag-anak dahil sa request nang matanda. Wala na rin naman itong masyadong ginagawa dahil sa pag reretiro. Ang kanyang mga anak ay unti-unti ding umaangat ang pwesto sa Police force. Si Antonio ngayon ay isa nang Chief Superintendent, si Rafael naman ay isang Senior Superintendent at hepi nang isang presinto. Si Leonard ay na promore bilang Senior Inspector. Kapwa may kanya-kanyang pamilya.
“Sorry I didn’t know na matatagalan ako sa meeting.” Wika ni William sa asawa na nasa labas nang hotel at naghihintay sa kanya. Agad siyang lumapit sa asawa saka ginawaran ito nang halik sa labi bago bumaling sa umbok nang tiyan nito.
“Sorry to keep you waiting little one.” Ani William saka hinalikan ang tiyan ni Laylah. She is currently pregnant with their second child. Napatingin naman si Laylah sa mga tao sa paligid nang hotel.
Maging ang security at Staff na nakakita sa ginawa nang asawa niya ay matamis na nakangiti. Hindi naman bago sa kanila na talagang malambing si William. He is a good father and a good Employer he can balance his work and personal life. Sa kabila nang pagiging abala nito sa hotel, may panahon parin ito sa kanila ni Kristian.
She can always hear his employees and staff sing praises for him. Para kay Laylah, maswerte siyang siya ang asawa ni William.
“Hindi ka ba nahihiya sa mga staff nang hotel at sa---”putol na wika ni Laylah.
“What is there to be ashamed? They know I am a married man. And I just love my family.” Wika ni William saka hinalikan ang pisngi nang asawa.
Humarap si William sa mga tao sa labas nang hotel at kumaway bago buksan ang pinto nang sasakyan sa likod. Simple namang ngumiti si Laylah saka pumasok. Sumunod din sa kanya si William.
“Sinundo ni Papa si Kristian. Kaya ako lang ang sumundo sa iyo. Dumaan din ako sa OB ko.” Wika ni Laylah sa asawa niya.
“That’s fine. I didn’t know na magtatagal ang meeting with the new client. Sorry for that.” Wika ni William. “I wonder if Kristian and his older cousin are getting along.” Wika ni William. Alam niyang, hindi naman talaga lubusang tanggap nang mga anak nang kuya niya ang anak niya. Pero nakikita naman niyang masaya sina Kristian tuwing dumadalaw sa lolo nila. As much as possible gusto niyang hindi makaramdam nang galit sina Kristian sa kanilang pinsan. And he can see he is trying his best to fit in and be accepted.
“He is younger than they are. Probably Kristian is having a hard time fitting in. With his young age he become mature and responsible. Just like you are before.” Wika ni Laylah. “Kanina nang sinundo siya nang lolo niya. He was bragging about winning the junior league competition for karate. He didn’t even realize that he just beat one of his cousins. I am starting to worry.” Wika ni Laylah.
“Hey!” wika ni William at hinawakan ang kamay nang asawa. ALam niyang iniisip nito baka maging dahilan ito upang lalong kamuhian nang mga pinsan nila si Alexis at Eira. They are already considered an outsider.
“Kasasabi mo lang He is just like me. He is a strong child. Let’s believe in him. Okay?” Ngumiting wika ni William. He shares the same worries. Pero kung ipagkakait niya sa mga anak ang kasiyahan na Makita ang ibang miyembro nang pamilya dahil sa ganoong dahilan anong pinagkaiba nila sa mga kuya niya. Hindi niya gustong mabuhay sa pagkamuhi ang mga anak niya. He is trying his best to reconcile with his brothers. He is not yet successful on that. Dahil sa tingin ni William kaagaw sa atensyon ni Theodore ang tingin nang mga ito sa kanya. When in fact, they’ve been with them all his life.
*****
That’s the car. Wika nang isang nilalang na nakalutang sa ere habang sinudundan ang sinasakyang kotse nina Laylah at William. Habang nakalutang ang lalaki nakabukas ang palad nito at sa itaas noon ang tatlong hour glass na may nauubos na buhangin. Ang buhangin na ito ang sumisimbolo sa oras nang buhay nang mga nilalang sa mundo. Patuloy niyang sinundan ang kotse.
Sa unahan nang kotse Nakita niya ang isang Truck na gumigiwang-giwang. With that, alam na nang nilalang na ito na dumating na ang oras nang kamatayan nang mga nasa loob nang kotse.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Ang truck na gumigiwang-giwang ay rumaragasang binangga ang kotse. Dahil sa liit nang kotse. Halos nasa ilalim na ito nang truck and unahang bahagi nang kotse ay yuping-yupin habang nasa ilalim nang truck.
Tila naman bagong nahimasmasan ang driver nang truck na bumaba sa truck. Napahawak siya sa ulo ang Makita ang sirang-sirang kotse. Nagkalat din ang dugo sa paligid. Napasilid siya sa may likod nang kotse. Ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita ang isang babae at lalaki na duguan. Nakita niya ang lalaki na nakayap sa babae na tila pinoprotektahan ito. Kahit nagpapanic ang lalaki ay agad niyang kinuha ang telepono niya saka tumawag sa mga pulis. Wala siyang ibang maisip nang mga sandaling iyon kundi ang mga pulis.
Ang lalaking nakalutang sa ere ay nakatingin lang sa mga nangyayari. Dumating ang mga pulis at ilang ambulansya. Nakita nang nilalang ang kaluluwa nang isang biktima ito ay ang driver nang sasakyan. Lumipad siya papalapit sa lalaki saka inilahad ang kamay. Naging maliit na ilaw ang lalaki saka pumasok sa hour glass bago naging isang liwanag ang hourglass at naglaho din.
Nabaling ang tingin niya sa dalawa pang biktima. Matagumpay na inilabas nang mga rescuer ang katawan nang dalawa. Duguan ang lalaki at halos nagaagaw buhay. Ganoon din ang babae. Ganoon na lamang ang gulat nang nilalang nang Makita ang umbok nang tiyan nang babaeng biktima saka napatingin sa hourglass. Sigurado siyang ang susunduin niya ngayon ay ang kaluluwa nang mag-asawang ito. Ngunit bakit hindi niya alam na buntis ang isang biktima. Hindi rin niya nakikita ang marka nang kamatayan sa sanggol na nasa sinapupunan nang babae.
Mahina ang t***k nang mag-asawa at ano mang oras ay malalagutan na sila nang hininga. Ngunit hindi niya alam kung anong mangyayari sa sanggol na nasa sinapupunan nang babae. Anong nangyayari ditto? Tanong nang nilalang habang nakatingin sa babae. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. May mali bas a orasan niya? He can sense the life inside her womb. The child’s heart is beating eratically and may die anytime. Pero wala naman ang marka nang kamatayan o ang hour glass nito this child is someone who is not destined to die in this accident.