What are you doing?!” asik ni Hunter sa dalawang binata. “I am giving you an order!” aniya. Hindi agad kumilos si Kristian. Nakatitig siya sa binata. Pangalawang beses na ito kung mangyayari na susundin niya ang utos mula sa Binatang ito. Pero sa isip ni Kristian mukhang iyon ang tamang gawin. Wala silang kalaban laban mula sa nilalang na ito. And looks like he knows what he is doing.
“Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko!” Asik ni Hunter sa dalawang binata.
“Tayo na.” Ani Kristian at hinawakan ang kapatid niya. Alam niyang hindi na nila saklaw ang mangyayari. Maniniwala na lamang siya sa binatang ito na dati nang iniligtas ang kapatid niya. Hini dniya alam kung anong plano nito ngunit wala silang ibang magagawa ngayon kundi ang magtiwala sa binata.
“This is the second time that you are giving us an order brat.” Wika ni Julianne.
“Stop it Julianne. Wala rin naman tayong magagawa.” Wika ni Kristian sa kaibigan saka bumaling kay Selene.
“And you think he can do something?” Ani Julianne. Natigilan naman si Kristian. Ano bang alam niya sa pwedeng gawin nang binata. Wala naman siyang alam sa saklaw nang kakayahan nito. Wala silang ibang magagawa nang mga sandaling iyon kundi ang maniwala sa binata at sa kakayahan nito.
“Let’s go.” Wika ni Kristian sa kapatid.
“Pero--” Alangang wika ni Selene saka tumingin sa binata. Pangalawang beses niyang iiwan ang binata sa gitna nang isang sitwasyong walang kasiguraduhan.
“Just go.” Ani Hunter sa dalaga at tumayo. Napakagat labi lang ang dalaga at tumayo.
“Let's go.” Ani Julianne. Labag sa loob niya ang sumunod sa utos nito ngunit bilang isang sundalo kailangan niyang gawin ang pwede niyang gawin para iligtas ang mga inosente. Masama man ang loob niya na iwan ang Binatang ito sa gitna nang laban ngunit ano namang pwede niyang gawin laban sa nilalang na ito wala silang Panama. Ipauubaya nalang nila ang kaligatasan nila sa isang Binatang mas bata sa kanila at hindi niya alam ang kakayahan. Siguro nga magaling ito pero hindi naman ibig sabihin kaya nitong harapin nang mag-isa ang halimaw sa harap nila.
“Umalis na kayo. Ako na ang bahala ditto.” Anang binata.
“Kahit kailan ang yabang mo talaga. Magiging ligtas ka ba?” Tanong nang dalaga.
“As long as you will trust me. Then I will be.” Anang binata. Tumango ang dalaga at ngumiti. Alam niyang magagawang manalo ni Hunter. Nagawa na nitong makaligtas noon sa mansion nang mga kulto. TIyak niyang kaya nang binata na makalabas doon nang buhay naniniwala siya.
“Lumabas ka nang buhay.” Wika ni Selene bago sumama sa kuya niya at kay Julianne na umalis sa lugar na iyon.
“Hindi kita hahayaang umalis.” Wika nang nilalang at akmang lalapit kay Selene. Ngunit biglang humarang si Hunter. Napahinto ang nilalang nang makita ang binata. Lalo itong nabigla nang makita ang kanang mat anito na kulay Azul.
“Azrael.” Anas nito. “Impossible.” Wika nito at sinundan nang tingin ang dalagang papalayo.
“Huwag mo nang aksayahin ang oras mo sa pag-iisp dahil hindi mo rin maintindihan. Hindi ko alam kung papaanong ang mga gayan iyo ay nasa mundo nang mga mortal pero isa lang ang sinisiguro ko hanggat nandito ako hindi mo gagawa ang gusto mo.”
“Hindi mo ako mapipigilan. Sa nakikita ko. Hindi kompleto nag kapangyarihan mo. Ang dating Azrael na kinatatakutan nang lahat ay wala na. Isa ka nalang nilalang na nakikihalobilo sa mga mortal. Gaya nila mahina ka din.” Wika nito sa binata.
Ligtas na nakababa sina Selene sa building nang bigla niyang maalala na naroon pala sa roof top si Analie at naiwan. Dahil sa kanilang pagmamadali nakalimutan nila ang dalaga. Sa kasalukuyan nasa gitna ito nang dalawang nagsasalpukang tigre.
“Selene!” habol ni Kristian sa kapatid nang bigla na lamang itong tumakbo pabalik sa building. Hahabol sana sila ni Julianne ngunit sa di malamang dahilan hindi sila makapasok sa buiding para bang may malakas na kapangyarihan ang pumipigil sa kanila para makapasok.
“Damn!” napasuntok sa hangin na wika ni Kristian. Nararamdaman nila ang dalawang malakas na nilalang nanglalaban.
“Ano na ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Julianne kay Kristian. Nag-aalala din siya para kay Selene.
“I don’t know.” Mahinang wika ni Kristian. Alam niyang hindi normal ang kinakalaban nila at nag-aalala siya sa kapatid niya. Kakaibang nilalang ang kalaban nila paano kung may mangyaring masama dito at wala siyang magawa.
“Analie!” Wika ni Selene nang makabalik saka nilapitan ang tulalang dalaga habang nakaupos sa lapag. “Analie, Ano ba, gumusing ka! Hindi ito ang oras para matulog ka ditto.” Wika ni Selene at niyugyug ang dalaga.
Narinig ni Hunter ang boses nang dalga kaya tumigil siya sa pag-atake at nilapitan ang dalaga.
“Hey, why are you here?” takang wika ni HUnter. “Bakit ka bumalik, are you really asking for your death!” galit na wika nang binata.
“Sino bang may sabing nagpapakamatay ako!” asik ni Selene kay Hunter. “Hindi ko pwedeng iwan si Analie. Baka pati siya mapahamak!” anang dalaga. Noon lang ulit naalala ni Hunter ang dalaga. Dahil sa pagiging ukupado niya sa pakikipaglabas sa nilalang nawala sa isip niya si Analie.
“Analie Ano ba! Gumising ka!” inis na wika ni Selene saka malakas na sinampal ang tulalang dalaga. Umalingawngaw sa paligid nag lakas nang sampal na iyon. Maging si Hunter ay nagulat din sa ginawa nang binata. Dahil sa lakas nang sampal ni Selene waring muling natauhan si Analie.
“Gising ka na ba? Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Selene sa dalaga.
“Selene? Anong nangyayari?” naguguluhang wika niito saka inilibot ang tingin sa paligid.
“Mamaya ko na ipapaliwanag umalis na tayo dito.” Wika ni Selene at tinulungang tumayo si Analine. Sumunod naman si Analie. Palabas na sana sila nang rooftop nang biglang dagitin nang fallen angel si Selene.
“Selene!” tili ni Analie dahil sa labis na gulat. Agad namang sinundan nang tingin ni Hunter ang lalaki. Nakalutang ito sa ere kasama si Selene.
“Oh My God anong nangyayari? Selene!” gimbal na wika ni Alice.
“Huwag mo na akong masyadong pahirapan pa Azrael, kung ayaw mong ang dalagang ito ang mamatay.” Wika nang lalaki hinawakan ang leeg ni Selene.
“Crap!” napasinghap na wika ni Hunter. Nawala siya sa guard niya kaya nakahanap ito nang pagkakataon na kunin si Selene. Kailangan niyang gumawa nang paraan para mailigtas ang dalaga. Bago pa may mangyaring masama sa kanya. Iyon ang nasa isip ni Hunter. Pero kumpara sa nilalang na ito mahina ang kapangyarihan niya.
“Umalis kana ditto at iligatas mo ang sarili mo” baling ni Hunter kay Analie.
“Ngunit si Selene.” Wika nito.
“Don’t worry about her. Gagawa ako nang paraan para mailigtas siya. Nasa baba ang mga tauhan ni Officer Kristian humingi ka nang tulong.” Wika ni Hunter sa dalaga. Tumango naman si Analie at agad na bumaba.
“Ano na ang gagawin mo ngayon Azrael? Akin pa rin ang huling halakhak. Kukunin ko ang kapangyarihang nasa dalagang ito at maghahari ako sa mundong ibabaw. Wala nang makapipigil sa akin. Hindi ko kakailanganing manirahan sa mga mortal para lang magkaroon nang kapangyarihan.” Wika nang nilalang at lalong humigpit ang hawak sa leeg ni Selene.
Sa ibaba naman nang building, dumating na ang mga miyembro nang Task Force.
Nakikita din nila ang kakaibang nilalang na nakalutang sa ere habang hawak ang si Selene. Lalo namang ikinabigla nina Kristian at Julianne ang nakita nila. maya-maya biglang lumabas sa building si Analie at sinabi sa kanila na hinostage nang nilalang si Selene.
Naka standby ang SWAT sa kung ano man ang mangyayari, hindi naman nagbigay nangutos si Kristian na pasukin nila ang building baka biglang ihulog nang nilalang si Selene mula sa ere. Nagsilabasan na rin ang mga estudyante para makiusyuso sa nangyayari.
“Bakit kailangan mong mangdamay nang inosenteng tao. Hindi ito ang mundong kinabibilangan mo?” ani Hiunter sa nilalang.
“Tama ka hindi ito ang mundong kinabibilangan ko. Maging ikaw! Ang mga mortal sila ang dahilan kung bakit nasa isinumpang ang mga gaya namin. Dapat lang na mabigyan nang leksyon ang mga mortal. Dapat silang alisin sa mundong ibabaw.” Wika nang nilalang at lalong sinakal ang dalaga. Nakikita ni Hunter na nahihrapan na si Selene. Baka kapag tumagal ay malagutan na ito nang hininga.
“Bibigyan kita nang pagkakataon na ibaba nang maayos ang dalagang yan.” Pigil ang wika ni Hunter. Sa kanang kamay niya naiipon ang isanng pulang liwanag.
“Aw.” Marahang dumaing si Selene. Bigla na lamang naginit ang kwentas niya, pakiramdam niya sinusunog ang dibdib niya dahil sa init. Nakita niyang iniangat ni Hunter ang kamay niya aktong titira nang pana. Ikinagulat ni Selene nang makita ang apoy na pana at palaso sa kamay nang binata.
“Hindi ko alam na may natitira ka pang kapangyarihan.” Nakangising wika nang lalaki. “Pero kaya mo ba akong patayin? Hawak ko ang dalagang ito.”