Unmask

1422 Words
“I am just going to say this once. Put her down. My arrow won’t miss.” Wika nang binata habang nakatutok pa din sa nilalang ang pana niya. Mabuti nalang at hindi siya binigo nang kapangyarihan niya. Pero alam din nang binata na isang tira lang ang pwede niyang gawin dahil matinding enerhiya ang ginamit niya to create that arrow. Sa halip na sumagot ngumisi ang lalaki saka binitiwan si Selene. Malakas ang sigaw ni Selene habang pabagsak sa building. Lahat nang mga taong nasa ibaba, nagsisitilian dahil sa pagkagulat. Oras na bumagsak anng dalaga sa lupa tiyak na durog ang buto nito. hindi biro ang 10 palagag na pagbabagsakan nito. Natuptop nang lahat ang bibig nila habang nakatingin sa dalagang bumubukusok pa baba. “Selene!” sabay na sigaw nina Kristian at Julianne. “Selene!” wika ni Hunter at nagmamadaling tumakbo palapit sa dalaga. Hindi na siya nag-isip pa ang tanging nasa utak niya nang mga sandaling iyon ay ang mailigtas ang dalaga. “Tingnan niyo yung mama tumalon!” wika nang mga estudyante nang makita nilang tumaon si Hunter para saluhin si Selene. Maging si Selene na pabagsak ay nagulat din nang makita ang ginawa nang binata. Habang nakatingin siya binata nakita niyang tila binalot nang matindinag Liwanag si Hunter. Liwanag na nakakasilaw. Maging ang mga tao sa ibaba ay walang nagawa kundi takpan ang mga mata nila. Hindi alam ni Selene kung imahinasyon lang niya iyon at dala nang labis na takot. Naramdaman nang dalaga ang pagyakap ni Hunter sa kanya. Nabalot nang Liwanag ang dalawa habang pabagsak sa lupa. Dahil sa liwanag ding iyon hindi nila tuluyang makita kung ano ang nangyari sa dalawa. Nang mawala ang liwang Nakita nila si Selene at Hunter na nasa ibaba nang building. Lahat hindi makapaniwala sa nasaksihan nila. Paanong nakatayo at ligtas ang dalawa matapos mahulog sa sampong palapag na building na iyon. “Selene! Brat!” wika nina Julianne na nagmamadaling lumapit sa dalaga kasama si Kristian na nag-aalala din sa kapatid niya. “Selene.” Wika ni Hunter at napatingin sa dalaga. Nais niyang masiguro na hindi Ito nasaktan. Gulat na nakatingin si Selene sa mukha nang binata. Pangko-pangko siya nang binata habang nakatayo ito matapos nilang mahulog sa buildinh. Hindi niya makapaniwala sa nakita niya. Alam niyang kakaiba si Hunter. At lalong hindi siya makaniwala nang makita nang malinaw kung sino ang nilalang na taga sundo nang mga kaluluwa. “Hey! Kiddo.” Untag ni Hunter sa kanya. “Nasaktan ka ba? May masakit ba saiyo?” puno nang pag-aalalang wika nang binata. “O-okay lang ako.” Wika ni Selene. napatingin sa mata nang binata. Malinaw niyang nakikita ang azul na kulay nang kanang mat anito. Kanina habang nahuhulog sila at naramdaman niya ang Binatang yumakap sa kanya. Nakita niya nang malinaw kung sino ang nilalang na tagasundo. It was Hunter. Hindi niya alam kung papaano epo-proseso sa isip niya ang mga nalaman. Kaya pala malakas ang loob nitong harapin ang mga kakaibang nilalang na iyon dahil tulad nila isa ding kakaibang nilalang ang binata. He is the Angel of Death. Pero bakit ang isang tulad niya ay nasa mundo nang mga mortal at nabubuhay na parang isang normal na nilalang? “Great! Kaya mo bang tumayo?” wika ni Hunter saka inilapag ang dalaga para tumayo. Bahagya pang nawalan nang balanse si Selene pero agad namang naagapan nag binata ang dalaga. “Hunter!” gulat na wika ni Selene nang bigla na lamang napaluhod ang binata nang mailapag siya nito. Saka naman ang paglapit nina Kristian at Julianne. Ngayon lang naramdaman ni HUnter ang labis na pagod parang naubos lahat ng lakas niya. Pakiramdam niya naubos lahat nang lakas niya sa katawan. Nanghihina ang tuhod niya. Masyadong maraming enerhiya ang nagamit niya. At dahil sa hindi siya buo talagang malaking bahagi nang enerhiya niya ang nagamit niya. “Okay ka lang ba?” Tanong ni Selene. “Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Pakiramdam ko naging gulay ang mga paa ko” Anang binata nang pabiro. “Baliw ka ba?! Bakit ka tumalon sa napakataas na building?” bulyaw ni Selen sa Binata. Ngayon lang niya tuluyang na absorb ang nangyari sa kanila. Para mailigtas siya, kinailangan nitong tumalon sa building. Dahil sa pagliligtas sa kanya kay naubos ang lakas nito. Kahit na ito si Azrael sa nakikita niya. Isang normal na mortal lang ang binata at tiyak na maraming enerhiya ang nagamit niya para mailigtas siya nito mula sa pagkakahulog. “Anong gusto mo? Hayaan na lang kitang magkapira-piraso?” napabuntong hininga na wika ni Hunter. “Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Selene sa binata. “I should be the one asking you that.” “Sa ating dalawa ikaw itong mas kailangan nang alalay.” Wika ni Selene at akmang aalalayan si Hunter. Ngunit biglang si Julainne ang umakay sa binata. Taka namang napatingin si Selene sa Binatang si Kristian maging si Hunter ay napatingin din sa binata. “Okay lang ba kayong dalawa?” tanong ni Kristian. “Nasakatan ka ba?” Tanong nito sa kapatid. Nakangiting umiling si Selene. Bumaling naman si Kristian sa binatang inaalalayan ni Julianne. Ngayon buo na ang hinala niya na hindi may kakaiba kay Hunter. Ang Nakita nila kanina ang patunay doon. Ang kakayahan nitong labanan ang kakaibang nilalang na iyon at ang pagliligtas nito kay Selene. “Maraming salamat.” Wika ni Kristian sa binata. Ngumiti lang si Hunter sa kanya. “Stupid Brat. Ano namang akala mo sa sarili mo. Si superman.” Ani Julianne kay Hunter. “Don’t tell me naniniwala ka sa ganoon.” Ani Hunter sa binata. “Just Shut up brat.” “Selene!” mahinang wika ni Analie at ngayon ay naglalakad palapit sa kanya. Napatinigin naman si Selene sa dalaga. “Analie. Okay ka lang ba?” Tanong ni Selene at lumapit dito. Bigla na lamang napahagulgol ng iyak si Analie agad naman siyang niyakap ni Selene. Para pakalmahin. “Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Wala na ang nanay ko. Sobrang sama ng ginawa ko. Hindi ko naman ginustong mawala siya. Dahil sa pagkasuklam ko sa mundo at sa mga nangyari sa amin kaya ko lang yun nasabi. Bakit niya ako biglang iniwan. Paano pa ako babawi?” umiiyak na wika nito. “Pwede ka pa naman makabawi. Alam ko pinapanood tayo ng mama mo ngayon.” Wika ni Selene at nakatingin sa kaluluwa ng mama nito nakatayo sa likod ng anak niya. “Mahal na mahal ka niya Analie. Walang ina na naghahangad ng kasamaan para sa anak nila. Alam mo ba? Napakaswerte mo sa mama mo. She has this warm heart for you. Gusto niyang ibigay sa iyo ang lahat ng pwede niyang ibigay para lang sa kaligayahan mo.” Ani Selene. Lalo namang umiyak si Analie. “Huwag ka nang umiyak.” Ani Selene at kumalas kay Analie at hinawakan ang balikat nito. “Hindi mapapanatag ang mama mo kong iiyak ka lang. Mabuhay ng maligaya para sa kanya. Hmm?” ani Selene na tumutulo na rin ang luha sa mga Mata. “Bakit ang bait mo sa kabila nang ipinakita ko saiyo.” Wika ni Analie. “Siyempre kaibigan kita.” Ngumiting wik ani Selene. “Kaibigan? Ako? Ang isang tulad ko?” tanong ni Analie. “Huwag kang masyadong harsh sa sarili mo.” Wika ni Selene. Ang kaluluwa ng nanay ni Analie na nasa di kalayuan nito ay nakangiti para sa anak. Hanggang sa bigla na lamang lumitaw ang nilalang nakalaban ni Hunter sa likod nito. Hinawakan nito ang leeg ng ina ni Analie. Bago naglaho sa kawalan nakita niyang umiiyak ang ina ni Analie. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang alam niya ngayon ay ang takot na bumabalot sa kanya. Napansin naman ni Analie ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Selene. “Bakit Selene?” nag-alalang tanong ni Analie. Hindi lang si Selene ang nakakita sa nangyari kundi maging Si Hunter. Kumalas si Hunter mula sa pag-aalalay ni Julianne at lumapit kay Selene. “Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.” pabulong na wika ni Hunter sa dalaga. “Nakukuha ang gusto niya? Anong gusto niya?” wika ni Selene at tumingin sa binata. “Ang kaluluwa nang ina ni Analie.” Wika nito. takang napatingin si Selene sa mukha ni Hunter. Bigla wala na siyang naiintindihan sa nangyayari. Hindi na ba ordinaryong laban ang kinakaharap nila? Bakit naman nito gugustuhing kunin ang kaluluwa nang mama ni Analie?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD