Unforgiven II

1553 Words
Analie Anak, Patawarin mo si mama. Wala akong maibigay na marangyang bagay sa iyo di gaya ng ibang dalaga. Hindi kita maibili ng magandang damit. Hindi kita maibili ng masarap na ulam. Hindi mo rin ako kayang ipagmalaki dahil sa uri nang trabaho ko. Alam mo bang ilang beses kong hiniling na sana ibingay kita sa ama mo para naging maayos sana ang buhay mo, Kaya lang mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kaya naman kahit ito lang ang trabahong alam ko gusto kitang itawid sa hirap. Hindi ko naisip na dahil sa akin labis kang nasasaktan. Patawarin mo si Mama Nang mabasa ito ni Analie bigla siyang napahagulgol at masaganang luha ang dumaloy sa mga mata nito. Alam kung kulang ang buhay ko para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Huwag ka nang magalit anak. Simula ngayon magiging nanay na ako para sa iyo. Hindi na kita bibigyan ng sama ng loob. Aalis na si mama. Maaaring hindi na tayo magkita pang muli. Tutuparin ni mama ang kahilingan mo. Iingatan mo ang sarili mo hah, Kumain ka ng tama. Huwag kang magpapapagod. Lagyan mo ng towel ang likod mo para hindi matuyo ang pawis mo. Mag-aaral kang mabuti. Mahal na mahal ka ni Mama. Malakas ang naging hagulgol ni Analie matapos basahin ang sulat nang mama niya sabay yakap nang sulat. Si Selene naman na nanonood sa dalaga habang binabasa nito ang sulat hindi rin maiwasang hindi mapaluha lalo na at labis ang pag-iyak ni Analie. Maging siya naninikip ang dibdib niya habang pinapanood ang dalaga. Sina Kristian na nanonood ay hindi rin maiwasang masaktan habang nakikita si Analie na humagolgol habang hawak ang sulat nang ina niya. Maging si Julianne at naawa din sa dalaga. Alam nilang hindi naman nito gusto ang nangyari at sa naging desisyon nang mama ni Analie. Alam Nilang labis ang kalunkutan nito at ang pagsisisi sa mga nagawa niya. sa mga nasabi niya sa ina niya. Ngunit kahit anong paghingi nang tawad ang gawin niya, hindi na siya maririnig nang mama niya. Hindi na niya maririnig na pinapatawad siya nito. Ang mga sumunod na nangyari ang gumimbal sa kanila. Bigla na lamang umihip ang malakas na hangin. Kasunod ang biglang pagkabalot ni Analie nang itim na aura. Napaatras si Selene dahil sa labis na gulat. Nagulat din sina Kristian sa nakita. Ninais nilang lapitan ang dalawa ngunit dahil sa lakas nang hangin itinutulak sila nito palayo. Hindi na nila nagawang makalapit dahil sa lakas nang pwersa na nagmumula sa kinalagyan nina Selene at Analie at hindi rin nila alam kung anong kababalaghan na naman ang nangyayari. “Selene!” nag-aalalang wika ni Kristian at akmang lalapit sa kapatid ngunit hindi siya makalapit dahil sa harang na nakapalibot dito. Maya-maya isang nakakatakot na tawa ang narinig nila na waring nang gagaling sa ilalim ng lupa. “Selene!” sigaw ni Kristian. Hindi na niya alam kung anong nangyayari. Bigla na lamang may lumabas na isang nilalang mula sa katawan ni Analie saka ito bumagsak sa sahig ng walang malay. “Hindi ko akalain na ganito katinding kapangyarihan ang ibibigay sa akin ng dalagang iyan. Ang puso niyang nababalot ng galit at pagkamuhi sa kanyang ina ang nagbigay sa akin ng kakaibang lakas.” Wika nito at naglakad palapit kay Selene. “Selene!” Sigaw ni Hunter na dumating. “Penemuel.” Mahinang wika nang binat nang makilala kung sino ang nilalang na nagpakita. “Selene umalis ka diyan!” Malakas na sigaw ni Julianne nang makitang papalapit kay Selene ng Kakaibang. Wala silang magawa dahil sa wala naman silang laban sa nilalang na ito. Hindi rin nila alam kung anong klaseng nilalang ang nasa harap nila. Isa lang ang tiyak kagaya ito nang nilalang na kumakain nang puso sa baryong napuntahan nila dati. “Tingnan natin. Ano kaya ang laman ng puso mo.” Anito at huminto sa tapat ni Selene at tumingin sa mukha nang dalaga. Bakas sa mukha ni Selene ang labis na takot at dahil doon hindi rin siya makakilos. Napahinto sa paglapit ang nilalang habang nakaunat ang kamay sa direksyon ni Selene. Nakatingin ang nilalang sa mga mat ani Selene. At sa isang iglap bigla itong huminto sa paglalakad. “Azrael.”Anas nang nilalang. “Hindi maaari. Papaanong ang isang mortal na gaya mo---” hindi makapaniwalang wika nito saka muling humakbang papalapit sa dalaga. “Huwag kang magkakamaling hawakan ang kapatid ko!” ani Kristian at nakatutuk ang baril sa nilalang. Kapag sinubukang saktan nang kakaibang nilalang na ito si Selene hindi siya magdadalawang isip na barilin ito. “Takot. Hmm. Napakasarap ng takot na nasa puso mo.” Wika nito. “Sa mga mata mo nakikita ko ang Anghel nang kamatayan na si Azrael. Pero bakit ka natatakot? Hindi kinatatakutan ang kamatayan.” Wika pa nito at unti-unting nilapit ang kamay sa dalaga, “Huwag!” tili ni Selene ng akma siya nitong hahawakan. Kasunod ng sigaw ni Selene ang parang hangin nakilos ni Hunter. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha nang nilalang dahilan para mapaatras ito. gulat na napatingin sina Kristian sa binata. Dahil sa bilis nang kilos nito ni hindi nila namalayan kung paano ito nakalapit sa lalaki. At kung saan ito kumuha nang lakas para sugurin ang lalaki. “Hey! Are you okay?” tanong ni Hunter at hinawakan ang balikat nito. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan ni Selene. Sa labis napag-aalala ni Hunter sa dalaga hindi na siya nakapag-isip basta na lamang niyang sinugod ang nilalang. Tila ba may sarili isip ang katawan niya at kusa nalang itong kumilos. Mabuti na lamang at hindi siya binigo nang kapangyarihan niya. Isang kapangyarihang hindi niya magawang macontrol dahil sa hindi siya kompleto. Agad namang lumapit sina Kristian sa dalawa at pinaulanan ng putok ang nilalang pero sinalo lang nito lahat ng bala nila. At parang mga batong ibinagsak sa sahig. Gulat na gulat ang dalawang binata. “Walang magagawa ang isang mortal laban sa kapangyarihan ko.” Anito. “Hey! Hey!” ani Hunter at sinusubukang gisingin si Selene. “Hey Kiddo!” sigaw ni Hunter sa dalaga. Mula sa kawalan narinig ni Selene ang isang pamilyar na boses. Hind niya alam kung nawalan siya nang malay dahi lsa takot niya sa nilalang na papalapit sa kanya. Kiddo? Hindi kaya si Hunter. Unti-unti may naaninag siyang mukha. Tinatawag siya. Hanggang sa ang malabong imahe ay naging mukha ni Hunter. “H-Hunter?” wika ni Selene natila na gising mula sa pagkakatulala saka tuminigin sa binata. “Yeah, It’s me. You’re not hurt anywhere, right?” nakahingang wika ni Hunter. “Si Analie? Yung nakakatakot na nilalang?” Tanong ni Selene nang makabawi mula sa pagkakabigla. “Sa harap mo.” Ani Julianne. Habang sunod sunod ang pagpapaputok sa lalaki. Biglang napahawak si Selene sa braso ni Hunter nang Makita ang Nilalang. “It’s okay. I’m here. There is no need for you to be scared.” Ngumiting wika ni Hunter at hinawakan ang kamay nang dalaga. Ipinapahiwatig nito na magiging maayos ang lahat. “Mga hangal na mortal. Sa palagay niyo ba magagawa akong talunin nang sandata niyo?” wika nito saka tumingin kay Selene. “Mortal. Hindi ko alam kung ano ka pero nararamdaman ko ang kapangyarihan ni Azrael saiyo. Isang malakas na kapangyarihan. At kailangan mapasa akin ang kapangyarihang yan.” Wika nito at unti-unting naglakad papalapit sa kanila. Lalo namang napahawak si Selene sa braso ni Hunter. “Officer Julianne, Officer Kristian Ilayo niyo na si Selene sa lugar na ito.” wika ni Hunter at tumayo. Taka namang napatingin si Julianne sa binata. “What nonsense are you talking about? Nagpapaka bayani ka na naman ba?” Asik ni Julianne. “It’s not like that. But do you think you can take him down? He is powerful. Wala tayong laban sa kanya.” “At sinasabi mong iligtas namin ang sarili namin at iwan ka dito?” ani Kristian sa binata. “You want to save your sister, right? Then just do what I say.” Wika ni Hunter saka tumingin nang derecho kay Kristian. Again, with that confidence. Bakit parang sinasabi nitong siya lang ang may kakayahang harapin ang nilalang na ito. “Are you crazy? Anong laban mo sa kanya?” Wika ni Selene saka hinawakan ang kamay nang binata. “I may not possess the same powers as his. But one thing I know, I can buy some time while you are---” “Escaping and saving ourselves again.” Agaw ni Selene saka tumingin nang derecho sa binata. Sinalubong naman ni Hunter ang tingin ang dalaga. Wala siyang kapangyarihan dahil sa hindi buo ang pagkatao niya. Pero sa kanilang lahat siya lang ang may kakayahang harapin ang nilalang na ito. “Who are you really.” Biglang tanong ni Selene habang nakatingin kay Hunter. Habang nakatingin siya sa binata. Nakikita niya ang isang nilalang na sumusundo nang mga kaluluwa. Still his face is not clear. But she can sense na kilala niya ang nilalang na iyon. “Don’t try and play the hero again this time brat.” Wika ni Julianne sa binata. “I am not acting like a hero. If you want to live, then leave. That’s that only way you can survive. Hindi isang ordinaryo ang nilalang na ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD