Palabas na si Selene ng Campus nila nang biglang may isang batang sumalubong sa kanya. Marumi ang sout nitong damit at madungis ang mukha. Gulat siyang napatitig sa bata. Paano nakapasok ang bata sa loob ng Campus nila wala bang guard na nagbabantay? Naliligaw ba ito? iyong ang mga tanong sa isip ni Selene habang nakatingin sa batang kalye na nakatitig sa kanya.
Sininyasan siya ng bata na lumapit sa kanya. Nagpabaling baling ng tingin ang dalaga bago nilapitan ang bata.
“Bakit?” ani niya sa bata. Bigla na lamang hinawakan ng bata ang kamay niya. Babawiin sana ni Selene ang mga kamay ngunit sa di malamang dahilan pakiramdamn niya kasing lakas nito ang isang weightlifter. Ilang sandali pa bigla sumakit ang ulo niya at nanlabo ang paningin. Bago siya mawalan ng malay tao nakita niyang nakangisi ang bata.
“Kiddo!” biglang wika ni Hunter habang nasa loob siya ng locker room nila bigla nalang siyang nakaramdaman nang panganib at ang unang rumihistro sa utak niya ay si Selene. Bigla na lamang may madalim na pwersa siyang naramdaman at naramdaman din niya ang mahinang tiboko nang puso ni Selene. Nitong mga nakaraang araw parang lalong lumalakas ang koneksyon nil ani Selene. Dahil sa kapangyarihan niyang nasa dalaga kaya marahil mas madalas niyang maramdaman kung nasa panganib ang dalaga.
“Bakit Hunter?” tanong nang isang kasamahan niya sa soccer team ang ilang mga teammate naman niya ay napatingin sa binata.
“May nangyari ba?” tanong nang isa. Hindi naman sumagot si Hunter dahil hindi rin naman niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya.
“Azrael!” biglang niyang narinig ang isang boses sa loob ng locker room nila. biglang napatayo si Hunter mula sa kinauupuan niya nang marinig ang boses na iyon. Kapareho ito nang boses na narinig niya sa loob nang arena. Ang mga ka teammate nang binata ay nagulat nang bigla itong tumayo. Nagtataka sila sa kinikilos nang binata. Ito ang unang beses nilang makitang ganoon ang reaksyon nito.
“Sino ka?” tanong ni Hunter sa boses. Napatingin siya sa paligid. Muli tila huminto ang takbo nang oras lahat nang mga tao sa loob nang locker room ay parang mga batong nakatayo. Kung sino ang nilalang na ito hindi Magandang balita ang hatid nito sa kanya. Mukhang dahil sa mga nakaraang nangyari at sa pakikipaglaban niya sa mga fallen angels hindi na magiging tahimik ang mundo niya.
“Kaibigan. Ang bilis mo namang makalimot.” Tatawang wika nito.
“Huwag mo akong paglaruan! Magpakita ka!” wika ni Hunte at nagkuyom nang kamao. “Anong kailangan mo sakin?” Asik ni Hunter.
“Ang totoo niyan nakuha ko na ang bagay na gusto ko. Nasa akin ang isang bagay na labis mong pinprotektahan.” Wika nang boses.
“Anong sinasabi mo---” biglang naputol ang sasabihin ni Hunter nang maisip ni Selene. Kasunod ang malakas na tawa nang boses.
“Anong Ginawa mo kay Selene?” galit na wika ni Hunter.
“Kung gusto mo siyang makita ng buhay. Inaasahan kong magpapakita ka.” Ito ang mga huling sinabi ng boses bago naglaho sa hangin. Sinabi nito sa kanya na magkita sila sa isang lugar upang malaman at ibabalik niya si Selene.
“Hunter!” biglang tawag nang coach nila nang bigla nalang nagmamadaling lumabas nang locker room ang binata nang bumalik ang daloy nang oras. Ni hindi manlang nito pinansin ang coach nila maging ang mga kateammate nang binata ay nagulat at bigla din sa kakaibang ikinikilos nang binata.
“Anong nangyayari? Saan siya pupunta?” tanong nang coach nila na naguguluhan sa biglaang pagalis nang binata. Ni hindi pa nag sisimula ang laro nila at alam naman niyang isang malaking kawalan sa team nila kung hindi maglalaro ang binata. Hindi naman sumagot ang mga binata at napailing lang maging sila wala ding ideya sa kung anong nangyayari sa binata at kung saan ito papunta.
“Hindi ba niya alam kung anong papel niya sa larong ito?” Inis na wika nang coach ngunit wala namang makasagot dahil sila din ay hindi alam ang dahilan nang biglang pag-alis nang binata. Hindi naman nito ugaling umalis kahit na marami itong ginagawa kaya nakakapagtaka na bigla na lamang itong umalis nang hindi manlang nagpapaalam sa kanila.
“Tawagan niyo siya at pabalikin dito.” Wika nang coach nila. Isang miyembro nang team ang tumawag sa cellphone nang binata ngunit lahat ay napatingin sa bag nang binata nang marinig ang tonog nang cellphone nitong nasa loob nang bag.
“That Brat. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya.” Nanggigigil na wika nang coach nila. Unang beses na nangyari ito. Kahit ano naman kadami ang mga sports na sinasalihan nang binata hindi pa nito iniwan ang isang laro. Ito ang unang beses na tila wala itong pakialam sa laro.
Hindi na nagdalawang isip ang binata. Kailangan niyang puntahan ang lugar na sinabi ng lalaki at para iligtas ang bihag nito. Hindi niya pwedeng hayaan si Selene sa kamay nito. Alam niyang hindi Maganda ang mangyayari kapag wala siyang ginawa bukod doon na kay Selene pa rin ang kapangyarihan niya. Kapag may nangyaring masama dito papaano niya mababawi ang kapangyarihan niya.
Biglang nagising si Selene, nanakit parin ang ulo niya. Ang huling naalala niya ay ang nakangising mukha ng bata. Biglang napabalikwas ng bangon ang dalaga nang mapansin niya na nasa isang bangin siya.
“Kung ako saiyo huwag kang masyadong malikot. Matarik ang bangin na yan. Maling kilos mo pwede kang gumulong pababa.” Wika nang isang boses na tila nanggagaling sa ilalim nang lupa. Biglang napatingin si Selene sa pinanggagalingan nang boses. Napansin niya ang isang lalaki na nakaupo sa isang bato. May itim na pakpak at may hawak na espada sa magkabilang kamay. Nababalot ito nang itim nakasuotan Ngunit nakikita niya ang nanlilisik at mapupulang mata nito.
Habang nakatingin siya sa lalaki bigla siyang kinilabutan. Ang klase nang kilabot na tila nanunout sa mga laman niya. Lalo siyang nabigla nang mapnsin ang buntot nito. Anong klaseng nilalang ang nasa harap niya? Biglang umihip ang hangin dahilan para manginig siya pinaghalong lamig at takot bigla niyang nayakap ang sarili niya dahil sa naramdaman. Kung kagaya ito nang mga nakasagupa nilang kakaibang nilalang. Bakit pakiramdaman niya hindi masukat ang taglay nitong lakas. At sa titig palang nito sapat na para pagharian nang takot ang buong katawan niya.
“Sabihin mo, anong kaugnayan mo kay Azrael?” tanong ng lalaki. Biglang napaigtad ang dalaga nang marinig ang boses nito. Boses na animo’y nanggagaling sa ilalim nang lupa. Nakakatakot.
Azrael? Tanong nang isip ni Selene. Ang alam niya narinig na niya ang pangalang iyon. Bakit parang pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Pero hindi niya alam kung saan niya narinig iyon.
“Hindi ko kilala ang Azrael na sinasabi mo. Mali ang taong binihig mo.” Wika ni Selene. Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig nang lalaki na lalo naman niyang ikinatakot maging ang tawa nit nakakapangilabot. Sino ba ang Azrael na ito at bakit siya ang kinidnap nang lalaking ito? Iyon ang tanong nang isip niya.
Biglang napahawak sa Kwentas na sout niya. Nang makita nang lalaki ang reaksyon niya bigla itong tumawa. Tawa na nakakatakot. Napansin naman niyang napatingin sa kwentas niya ang lalaki. At sa isang iglap bigla itong naglaho mula sa kinaupuan. Ganoon na lamang ang tili ni Selene nang bigla itong lumitaw sa harap niya at sa takot niya bigla siyang napaatras kamuntik na siyang mahulog sa bangin kung hindi siya nito napigilan. Ngunit ang ikinagulat niya ay ang biglang paghawak nang lalaki sa kwentas niya. Saka ngumisi at tumingin sa kanya. Nang tumingin ang lalaki sa kanya biglang nagbago ang kulay nang mata niya at lumitaw sa kaliwang mata niya ang hourglass.
“I knew it.” Wika nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito pero mukhang may natuklasan ito habang nakatingin sa kanya at sa kwentas niya.
“The child who live defying death. And the angel who died giving you his life. What an amazing combination.” Wika nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maintindihanang sinasabi nito. Marahil sa labis na takot o talagang ang mga sinasabi nito ay parang isang malaking palaisipan.
“Selene!” tawag ni Hunter na dumating. Nang marining ni Selene ang pamilyar na boses na iyon agad na hinanap nang mata niya ang binata. Napalingon din ang nilalang sa bagong dating at hindi parin binibitiwan ang kwentas ni Selene.
“Mukhang dumating na ang hinihintay ko.” Wika ng lalaki na bumaling sa pinanggalingan nang boses ni Hunter. Saka inalalayang tumayo ang dalaga at binitiwan ang kwentas nang dalaga saka tumingin sa binata.
“Selene!” ulit na tawag nang binata saka napahinto. “Selene!” wika ni Hunter nang makita ang dalaga na nakatayo sa gilid nang bangin habang sa tabi nang dalaga ay ang isang nilalang. Agad na napakuyom nang kamao si Hunter nang mapagtanto kung sino ang nilalang na iyon. Siya din ang ilang beses na tumatawag sa kanya. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito at bakit pati si Selene ay nasangkot sa nangyayari.
“Hunter.” Wika ni Selene at tangkang lalapit sa binata. Ngunit bigla na lamang hindi niya maikilos ang katawan niya may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya. Para bang may nakahawak sa kamay at mga niya.
“Dumating ka kaibigan.” Wika nito kay Hunter saka naglakad papalapit sa binata.
“Huwag mo akong tawaging kaibigan. Wala akong kaibigan kagaya mo.” Wika ni Hunter. Isang malakas na tawa lang ang sinagot nang lalaki sa binata.
“Talagang ka mangha-mangha ang taglay mong kapangyarihan.” Wika nito. “Isang Anghel nang kamatayan na ang tanging misyon sa mundo ay sumundo nang mga kaluluwa nang mga namayapa.” Wika nito saka lumingon sa dalaga. “Bakit Azrael? Ikaw sa lahat nang mga anghel ng huling naiisip ko na susuway sa batas.” Wika nito saka bumaling kay Hunter. Hindi naman nakapagsalita si Hunter. Alam niya kung anon tinutukoy nito. Sa pagkakataong ito, tila hindi na niya maitatago pa ang nangyari. Isang malaking kasalanan ang ginagawa niya. Alam niya iyon. At dahil doon alam niyang pwedeng may masamang mangyari kay Selene.
“Azrael. Isa ka nalang hamak na mortal ngayon. Kapag wala ang kapangyarihan mo.” Wika pa nito. Sa isip ni Hunter Hindi na nito kailangang ipaalala pa sa kanya dahil alam na niya ang bagay na iyon. Kahit siya iniisip din kung papaano makukuha ang kapangyarihan niya.
“Hayaan mong sabihin ko saiyo. Makakabalik ka sa dati mong pagkatao kung papatayin mo ang batang yan. Ikaw ang nagbigay nang buhay sa kanya. Ikaw din ang babawi sa ibinigay mo.”
Bigla namang natigilan si Selene. Tama ba ang narinig niya. Kailangan siyang patayin ni Hunter? Bakit Azrael ang tawag nito sa binata? Ano bang klaseng mga nilalang ang nasa harap niya ngayon. Magkahalong takot at pagkalito ang nararamdaman ni Selene nang mga sandaling iyon. Walang kasiguraduhan kung makakaligtas siya nang buhay. Ililigtas ba siya ni Hunter? O gaya nang sinabi nang lalaki, papatayin siya nito?