Ito ba ang sinasabi mong bago mong misyon?” Tanong ni Rick at Ben sa kanilang chief na si Kristian isinama sila nito sa isang underground fighting pit. Kung saan mga minor de edad na batang lalaki ang pinasasabog na para bang mga manok. Mahihina ang katawan ngunit kailangang makipaglaban sa isa’t-isa para mabuhay. May mga malalaking businessman na naroon at pinagpupustahanang buhay nang mga binatilyo.
“Napaka Brutal nang lugar na ito.” Wika ni Ben.
“Teka Chief. Talaga bang sasali ka sa labang iyan. Nakikita mo bang ang lalaki nang mga lalaking yan.” Ani Rick. Bukod sa mga minor de edad na pinaglalaban laban may mga lumalaban din na matatanda. Makakalaban nila ang ring master. Isang malaking lalaki na tela ginawang papel ang sariling katawan. Punong-puno nang tattoo ang katawan.
“Hindi siya. Ako.” Wika ni Hunter na biglang lumapit sa kanila. Taka namang napatingin sina Rick at Ben sa binata saka napatingin kay Kristian.
“Chief?” Tanong ni Ben na tila hindi maintindihan kung bakit nandoon ang binata.
“Hey, Alam masyado kang daring at matapang. Pero hindi ito ang lugar kung saan ka dapat. You are not even a full pledge soldier. Kahit na magaling kang detective. Hindi mo parin kayang makipagsabayan nang mano-mano sa mga malalaking taong yan. We should find someone. Not him.” Wika ni Rick saka bumaling kay Kristian. Natahimik lang at nakatingin sa binata.
“I am not as fragile as you think I am. Besides hindi pwedeng isa sa inyo madaling mahahalata. All the fighters listed in this Arena are in ther 20’s and below. At sa ating apat, Ako lang ang pasok sa criteria na iyon.” Wika ni Hunter at tuminigin sa dalawang binata bago tumingin kay Kristian. “Unless chief you have other plans.” Wika ni Hunter.
“Chief?” Tanong ni Rick at Ben sa binata.
“Siya lang ang pwedeng sumali sa ating apat.” Wika ni Kristian.
“Pumapayag ka sa plano niya?” Tanong ni Ben.
“That’s the only viable plan we have right now.” Wika ni Kristian. “But know this. Kapag Nakita kung hindi mo kaya ang misyong ito I will pull you out.” Wika ni Kristian kay Hunter.
“Do whatever you want.” Wika ni Hunter. Pero sa isip niya hindi naman delekado sa kanya ang misyong iyon.
“Nakakatakot ang mukha niya.” Wika ni Rick. Ni hindi nga ito pinagpawisan sa huling laban nito. Habang ang kalaban niyo ay inilagay sa stretcher at walang malay na dinala papalabas nang arena.
“Pwede ba kayong dalawa. Talasan niyo nalang ang mata niyo at hanapin ang subject” wika ni Kristian. Misyon nilang hanapin ang master mind nang underground fighting pit na iyon. Hawak nito ang mga binatilyong pinag-sasabong nito. At kailangan nilang iligtas ang mga binatilyo bago pa mamatay ang mga ito sa isang brutal na labanang iyon. Noong unang nagpunta si Kristian sa lugar na iyon upang obserbahan ang lugar, Nakita niya ang isang labing limang taong gulang na lalaki na pinilit na ipakalaban sa isang lalaki. Mahina ang katawan nito at patpatin. Ngunit wala naman itong magawa, hawak nang lalaki ang kanyang nakakabatang kapatid at nagbantang papatayin ang kapatid nito nang lalaki kung hindi nito susundin ang sinasabi nila.
Dahil sa liit nang pangangatawan nang binatilyo, nalagutan ito nang hininga sa gitna nang laban at ang batang kapatid naman nito ay ibingay sa lalaking nanalo sa pustahan. Habang nanood si Hunter sa mga laban, nakikita din niya ang mga kaluluwa nang mga nasasawing mga binatilyo sa laban. Ilan sa kanila, hindi na kinaya ang laban at sa arena na mismo nawalan nang buhay bagay na hindi na gustuhan nang binata. Matagal na siyang mulat sa kabaluktunan nang mga mortal at para sa pera at kapangyarihan kahit na stuck siya sa mortal na katawan naisip niyang kapag may ginawa siya para makatulong may magbabago sa mundo. Pero kahit ilang misyon at ilang masasamang tao ang mahuli niya parang hindi nauubos ang mga ito.
“Azrael. Nakita mo na kung anong klase ang mga mortal.” Wika nang isang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Biglang siyang natigilan. Ito ang unang beses na may kumausap sa kanya through telepathy. Dahil ba sa ilang beses na niyang nakaharap ang mga nilalang na iyon. Ilan pang mga gaya nila ang nasa mundo nang mga mortal. At ilan pang tulad nila ang ginugulo ang buhay nang mga mortal. Hindi lang ang problema niya na makabalik sa dati niyang katauhan kinakaharap din niya ang mga nilalang na ito. Hindi sila mga ordinaryong kalaban dahil dati silang mga anghel nang diyos. Sa mundo nang mga mortal mas kilala sila sa tawag na fallen angels. Sila ang mga anghel na piniling kalabanin ang diyos noon at naparusahan. Hindi niya alam kung anong nangyari at kung bakit sila nakikisalamuha sa mga mortal. Pero hindi siya basta-basta lang na maupo.
Lalong natigilan si Hunter nang biglang tila huminto ang oras at tila hindi na gumagalaw ang mga tao sa loob nang arena. Saka napansin nang binata ang isang nilalang sa gitna nang ring at nakatingin sa kanya. Bigla siyang napatayo dahil sa gulat.
“Kahit na nasa katawan ka nang isang mortal hindi maipagkakaila ang katauhan mo.” Wika nito na nakatingin sa kanya. “Magsanib tayo muli nang lakas, Ngayon tinitiyak kung mawawakasan natin ang buhay nang mga hamak na mortal at ang kanilang kasamaan.” Wika pa nito. “Hindi mo naman ginustong maging isang mortal hindi ba. Hindi mo ginustong mabuhay kasama nang mga mahihinang mortal.” Wika nito saka ngumisi. Bago tuluyang naglaho nang maglaho ito saka napansin ni Hunter na bumalik na ang takbo nang oras. Napatingin siya sa paligid. Wala doon ang nilalang. Hindi na rin niya maramdaman ang presensiya nito sa paligid. Sa isip nang binata nagtatanong siya kung may kinalaman ito sa mga nangyayari sa arenang iyon.
“Bakit Hunter?” tanong ni Ben nang makitang nakatayo ang binata at tila may hinahanap. Maging sina Rick at Kristian ay napatingin din sa binata. Pero hindi naman maipaliwanag nang binata sa mga kasama niya ang nangyari. Maging siya hindi rin alam kung anong pwedeng gawin.
Itinuloy nina Kristian at Hunter ang plano nil ana si Hunter ang sumabak sa laban sa loob nang arena. Kailangan niyang mag disguise na isang challenger para makakuha sila nang impormasyon tungkol sa illegala nagawaing iyon. Habang sina Rick at Ben ay lookout at siyang maghahanap sa mastermind at iba pang mga impormasyon tungkol sa illegal na gawaing iyon.
Nagawa ni Kristian na makaharap ang kanilang ring master at sa laki nang katawan nito tiyak na mahihirapan siyang kalabanin ito. Nagpapanggap siyang isang underground fighter upang mahuli ang master mind nang illegal fighting pit na iyon. At gaya nang hinala niya isang makapangyarihang tao ang nasalikod nang illegal fighting pit na iyon. Habang nakikipaglaban si Hunter sa lalaki, Nakita niya ang isang politikong siyang may-ari nang fighting pit. Nakaupo pa ito sa harap nang ring habang pinapanood silang maglaban, nang Makita siya nang lalaki tela agad siya nitong nakilala. May ibibulong ito sa referee na sinabi naman nito sa malaking kalaban nang binata. Tiyak ni Hunter na iniutos nito na tapusin ang buhay niya. Kapag nakalabas siya doon nang buhay tiyak na masisira ang pangalan nito maging ang negosyo nito. At iyon naman ang balak ni Hunter.
Nahirapan siyang tapusin ang lalaki. Malaki ang katawan nito kaya kahit anong atake ang gawin niya tila iniinda lang nang lalaki.
“Naku lagot na si Hunter.” Wika ni Rick habang pinapanood nila ang binata na ang bawat sipa at suntok ay tila tapik lang sa malaking lalaki. Parang isang papel na binuhat nang lalaki si Hunter saka iniikot sa ere bago itapon. Tumama sa rehas ang katawan ni Hunter bago bumagsak sa sahig.
“Chief. Baka may mangyaring masama kay Hunter.” Wika ni Rick saka tumingin kay Kristian na nakaupo lang ngunit sa loob-loob nang binata at nangangamba na rin siya. Tila nagsisisi siya pumayag na si Hunter ang lumabas sa arena. Mukhang hindi kayang labanan nang binata ang lalaki. Dahil sa labis napag-aalal agad na lumapit naman sina Ben at Rick sa binata. He even spit blood dahil sa lakas nang pagkakatapon sa kanya. Nahirapan pang tumayo ang binata.
“Hunter. Okay kalang ba?” tanong ni Ben.
“I’m Okay. Huwag kayong magpahalata sa kanila. Kapag nalaman nilang mga sundalo kayo mapapahamak tayo.” Wika ni Hunter at tumayo. Napatingin naman sa paligid sina Rick at Ben, napansin nila ang mga goons na nakatingin sa kanila. Tiyak na kahit anong mang maging resulta nang laban nang kanilang kapitan hindi sila makakalabas nang buhay doon. Nakita nilang Sinakal nang lalaki si Hunter. Kasabay ang sunod-sunod na pagsuntok sa sikmura nito. Binitiwan nito ang binata at bumagsak sa sahig. Sargo ang dugo sa bibig. Napalunok naman sina Rick at Ben. Kapag namatay ang kapitan nila tiyak na tapos na rin sila.
“Selene?” gulat na wika ni Julianne nang bigla nalang mabitiwan ni Selene ang basong dala, Nakita nilang may tumulo na luha sa mata nang dalaga. “Anong nangyayari? May masakit ba saiyo?” nag-aalalang wika ni Julianne saka lumapit sa dalaga. Wala si Kristian sa bahay nila dahil sa kasong hawak nito ngayon.
“Hin-hindi ko alam.” Wika ni Selene at napahawak sa dibdib niya. BIgla-bigla na lamang nanikip ang dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan. Bigla niyang Nakita sa isip niya ang duguang mukha ni Hunter. Para bang isang babala iyon. May nangyayari kayang hindi maganda sa binata? It was the first na naramamdaman niya na nasa panganib ang binata. Anong nangyayari? Bakit tila may mga pangitain siya sa nangyayari sa binata. May nangyayari ba dito? Iyon ang nasa isip niya.
“Sasamahan na kita sa silid mo.” Wika ni Aurora at inalalayan ang dalaga papasok sa silid nito. Ang naiwang si Julianne ay hindi naman mapigilang hindi magtaka. Kanina lang ang sarap pa nang usapan nila tapos bigla nalang umiyak si Selene nang hindi nila alam. Hindi naman tipo nito ang umiiyak nang walang dahilan.
“Okay na ako Ate Aurora.” Wika ni Selene nang makaupo sa kama.
“Sigurado ka ba?” tanong nito. Simpleng tango lang ang tinugon nang dalaga. Nagpaalam naman si Aurora sa dalaga para makapagpahinga ito. Habang iniisip ni Selene ang binata hindi niya alam na nahaharap ito sa isang matinding laban. Halos hindi na ito makatayo dahil sa bugbug na tinanggap mula sa kalabang lalaki. Mahigpit na napahawak si Selene sa kwentas niya. Ano kayang nangyayari sa binata ngayon?
Hunter. Are you okay? Sambit ni Selene. Habang nanalangin na sana nasa mabuting kalagayan ang binata. Hindi man niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan para ditto ipinapanalangin niyang maging maaayos ang binata. Habang nakahiga si Hunter. Nakatingin siya sa dingding, naririnig niya ang sarili paghinga. Ngayon lang siya tila nabugbog nang husto. Pakiramdam niya Durugdurog na ang mga buto niya. Akala niya dahil minsan nagagawa niyang makontrol ang kapangyarihan niya Gagana ito ngayon pero mukhang binigo siya nang sarili niyang kapangyarihan. Kaya pa kaya niyang tumayo? Bakit ngayon ayaw lumabas nang kapangyarihan niya kung kailan kailangan niya.
“Hunter.” Narinig ni Hunter ang mahinag boses ni Selene napatingin siya sa mga tao sa loob nang arena ngunit hindi naman niya Nakita ang dalaga. Habang nakatingin siya sa dingding Nakita ni Hunter ang matingkad na balahibong bumagsak sa harap niya. Saka niya naalala ang pangako niya kay Selene.
“Kiddo.” Ngumiting wika ni Hunter saka pinilit na tumayo. Napangiti naman sina Rick nang makitang tumayo ang binata.
“May lakas ka pa rin?” gulat na wika nang lalaki.
“News flash genius. I can’t die here.” Wika ni Hunter saka sinugod ang lalaki.
Sunod-sunod na sipa ang ginawa nang binata. Sapol ang panga nang lalaki sa bawat sipa ni Hunter. Nang mga sandaling iyon pakiramdam nang lalaki biglang bumigat ang mga sipa nang kalaban niya. Tela ba bakal ang mga ito na tumatama sa kanya. Sa huking ikot nag binata sa ere, sapol na sapol ang panga nito halos umikot pa nga ang leeg nito dahil sa lakas nang impact nang sipa ni Hunter.