Ah! Hindi mo baa lam kung ano ang pagkatao niya?” Ngumising wika nito at tumingin sa dalagang naguguluhan. Tila nag-eenjoy pa ito na makita siyang hindi alam kung ano ang dapat isipin at kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga sinasabi nang nilalang na ito. Hindi naman lihim sa kanya na iba si Hunter. Pero ano ang ibig sabihin nito? Iyon ang palaisipang gumugulo sa isip niya ngayon.
“Gusto mo bang malaman kung ano siya? Siguro nagtataka ka rin sa kung bakit kakaiba siya mula sa ordinaryong Mortal. Walang mortal na may kapareho nang kakayahan niya. Alam mo ba kung bakit?” Nakangising wika nito.
“Bakit hindi mo itikom yang bibig mo.” Wika ni Hunter na akmang lalapit ngunit bigla nalang naramadaman niya ang isang malakas na pwersa na pumipigil sa kanya para lumapit sa dalawa. Nakita niyang tumingin sa kanya ang nilalang.
“Ayaw mo bang malaman kung paano mo makukuha ang kapangyarihan mo? Ayaw mo bang malaman kung papaano ka makakabalik sa tunay mong katauhan?” wika nito kay Hunter. “Ang nasa harap mo ngayon ay hindi isang mortal gaya nang inaasahan mo. Nakita mo na ang kaya niyang gawin. Ang kapangyarihang taglay niya. Lahat nang iyon ay dahil siya ay si Azrael. Ang Anghel nang Kamatayan.” Wika nito kay Selene. Napatingin naman si Selene sa binata. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Anghel nang kamatayan? Sa mga pelikula at nobela lang niya naririnig ang tungkol sa mga ganoong klaseng nilalang. Pero hindi na siya nagdududa sa mga nakaharap nilang mga nilalang at sa Nakita niyang kakayahan ni Hunter at ngayon naman ang nilalang sa harap niya.
“Looking at you. And his powers stuck in a lowly and weak human.” Wika nito saka bumaling kay Hunter. “It’s pitiful. You accidentally pass your powers to her when you saved her life. Isang bagay na hindi dapat mangyari. At ang tanging paraan para makuha mong muli ang kapangyarihan mo at makabalik sa tunay mong katauhan ay ang bawiin ang ibinigay mo. Ang buhay nang dalagang ito. Kapalit nang buhay mo.” Wika nang lalaki saka ngumisi.
“Gusto mo bang tulungan kitang makabalik sa dati mong pagkatao?” wika nito na biglang naglaho at sa isang iglap nasa tabi na ito ni Selene.
“Selene!” Biglang sigaw ni Hunter nang makita ang ginawa nang nilalang sa dalaga. Hawak nito ang leeg nang dalaga habang nasa gilid nang bangin. Tila sinasabi nitong ihuhulog nito ang dalaga sa bangin.
“Nag-aalala ka para sa mortal na ito?” Tanong nito. “Hindi dapat siya nabubuhay sa mundong ito.” wika pa nito saka tumingin kay Hunter. “Sabihin mo lang Azrael at tutulungan kitang makuha ang kapangyarihan mo. Baka ang kaluluwa pa nang dalagang ito ang unang kaluluwang ihahatid mo kapag nakabalik kana sa dati mong pagkatao.”
“Hunter.” Nahihirapan wika ni Selene saka tumingin sa binata. Napatingin naman si Hunter sa dalaga. Gusto niyang makuha ang kapangyarihan niya pero hindi naman ibig sabihin noon kikitlin niya ang buhay ni Selene. Kaya lang, habang iniisip niya. Siya ang nagbigay sa pangalawang buhay ni Selene. Bagay na hindi dapat nangyari. Ngunit alam niyang ang sanggol na iniligtas niya noon. She was asking for help. She was fighting death at that time. Just like before, Nasa bingit nang kamatayan si Selene. And her eyes are telling him na hindi niya gustong mamatay. It was as if she is calling him to save her. And how can he possibly deny her that help?
“Bakit hindi ka makapag desisyon Azrael? Naging malambot na ba ang puso mo para sa mga mortal dahil lang nagawa mong mamuhay kasama nila?” wika nito at binitiwan si Selene. Napaupo naman si Selene sa lupa sabay hawak sa leeg niya at napatingin sa nilalang.
“Kung naging mahina kana gaya nang isang mortal. Wala na akong dahilan para buhayin kapa o ang dalagang ito.” wika nito.
“Hunter!” malakas na tili ni Selene nang makitang inatake nang lalaki ang binata ngunit hindi manlang nagawang masangga nang binata ang atake nito. Tumilapon ang binata at tumama sa malaking bato.
“Bakit Azrael? Wala ka na bang lakas? Ito ang naging resulta nang ginawa mo. Naging mahina ka. Dati natatakot ang lahat mabanggit lang ang pangalan mo, Pero ngayon, tingnan mo. Napakahina mo.” Wika nito habang naglalakad papalapit sa binata. Walang control si Hunter sa kapangyarihan niya. Kahit na gustuhin niyang lumaban dito mukhang hindi niya magagawa dahil hindi niya magawang ilabas ang kapangyarihan niya. Kung sana, nasa kanya ang kapangyarihan niya. Magagawa niyang labanan ang nilalang na ito.
“Ipakita mo sa akin ang lakas mo. Huwag kang mahiga diyan at tanggapin ang atake ko.” galit na asik nang lalaki habang sunod-sunod at sipa at suntok na ginagawad kay Hunter hindi naman iniwasan nang binata ang mga atakeng iyon. Lahat iyon tinanggap niya. Kahit na gusto niyang lumaban para namang wala siyang laban dito hindi niya magawang ilabas ang lakas niya.
“Hunter!You idiot! What are you doing” sigaw ni Selene. Hindi niya maatim na makitang walang kalaban-laban ang binata. Alam niyang he can match his strenght gaya nang mga ginawa nito sa mga nakalaban nito noon.
Kiddo. mahinang wika ni Hunter. Idiot? Ulit nang isip ni Hunter. I guess I
“Sabihin mo? Anong gagawin mo kung kikitlin ko ang buhay ng dalagang ito.” Wika nito at tumigil sa pag-atake kay Hunter saka bumaling kay Selene. Kapwa natigilan sina Hunter at Selene dahil sa sinabi nang lalaki.
“Don’t you dare.” Wika ni Hunter at hinawakan ang paa nang lalaki nang tangkain nitong maglakad papalapit sa dalagang nakaupo sa gilid nang bangin. Matama namang napatingin ang nilalang kay Selene bago bumaling kay Hunter.
“Nakakaawa ka. Kelan ka pa nagkaroon nang emosyon sa mga mortal. Hayaan mong ipakita ko saiyo kung sino ang mas mataas ang antas. Hindi mo dapat ipinagtatanggol ang isang mortal.” Wika nito saka sinipa ang kamay nang binata saka naglakad papalapit sa dalaga. Napaatras naman si Selene dahil sa labis natakot at napahawak sa kwentas niya. Anong gagawin niya ngayon Maging si Hunter ay wala ding laban sa nilalang na nasa harap nila at mukhang hindi sila nito bubuhayin.
Napatingin si Hunter kay Selene. Takot na takot ang dalaga nararamdaman niya iyon at ang t***k nang puso nito. Napakabilis. Pilit na tumayo si Hunter. Sargo ang dugo sa bibig nang binata dahil sa pagtama niya sa malaking bato.
“Leave her Be. Wala siyang kinalaman sa ating dalawa. Ako lang naman ang kailangan mo hindi ba?” Mahinang wika ni Hunter at pilit na tumayo. Hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan ito sa paglapit kay Selene. Ngunit bigla siya nito itinaboy at isang malakas na suntok ang iginawad sa binata dahilan upang tumalipon ito pabalik sa may mga bato.
“Kung hindi mo kayang kitlin ang buhay nang dalagang ito pwes ako ang gagawa para saiyo..” Wika nang lalaki at muling naglakad palapit sa dalaga.
“AHH!” malakas na sigaw ni Selene nang muli siyang sakalin nang lalaki. Napahawak siya sa kamay nito upang pigilan ang lalaki sa ginagawa ngunit masyado itong malakas.
“Selene.” mahinang singhap ni Hunter nang makitang nahihirapan nang huminga ang dalaga. Ngunit anong gagawin niya. Wala siyang laban kung wala siyang kapangyarihan.
Kapag umatake siya ngayon. Kapwa sila mapapahamak ni Selene. Ngunit kapag wala siyang ginawa tiyak na mamamatay si Selene sa kamay nito. Wala siyang ibang pagpipiliaan. Kung gusto niyang mailigtas si Selene Kahit wala siyang kapangyarihan makakagawa siya nang paraan. Kahit na ang ibig sabihin noon, pwedeng maging kapalit ang buhay niya dahil isang mortal ang katawan niya. Pwede siyang masawi.
Naririnig niyang mahina na ang t***k nang puso ni Selene. Galit na napakuyom nang kamao si Hunter. Ganito na ba siya kahina? Wala siyang magawa upang protektahan ang mga bagay na pinahahalagahan niya?
“Hunter.” Mahinang wika ni Selene nang mabitiwan siya nang lalaki. Isang palasong apoy ang lumipad sa direksyon nang lalaki dahilan upang mabitiwan nito ang dalaga. Sinalo nito ang palasong apoy ay napalingon sa binata. Nagulat pa ito nang makitang nakatayo si Hunter habang nakatutok sa kanya ang nag aapoy na pana nito. Nakita niyang Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Sa halip na matakot, Napangiti pa ito nang makita ang galit sa mata ni Hunter. Ang isa pang dahilan nang pagngiti nito ay nang makita ang itim na pakpak nang binata.
Hunter. Sambit ni Selene sa pangalan nang binata sa isip niya. kakaibang Hunter ang nakikita niya. Ngunit isa lang ang alam niya. Hindi na and dating Achellion ang nasa harap niya. Malaki ang nagbago sa binata. Ilang beses na nitong ipinamalas ang lakas tuwing nahaharap sila sa panganib ngunit pakiramdam niya hindi niya kilala ang Hunter na nasa harap nila.
“Ah” Daing nang dalaga nang biglang kumirot ang mata niya. Tila ba nag-aapo iyon Agad siyang napahawak sa mata niya. At napaupo dahil sa labis na kirot mula doon. Parang nag-aapoy ang mata niya kulang nalang lumabas ang eyeballs niya sa sakit.
“Azrael. Matagal din tayong hindi nagkita kaibigan.” Wika nito sa kanya habang naka ngisi. “Kaya mo naman palang ilabas ang kapangyarihan mo at mukhang..” wika nito at muling bumaling kay Selene. “Naging importante na saiyo ang dalagang mortal na iyan. Kung kaya mong ilabas ang pangyarihan mo nang ganyan marahil nga hindi na mo na kailangan nang mortal na ito. alisin natin lahat nang nagpapahina saiyo.” Wika nito saka muling naglakad papalapit sa dalaga. Biglang napaatras ang dalaga nang makitang muling naglakad papalapit sa kanya ang lalaki. Mukhang desidedo ito na tapusin ang buhay niya. Natatakot siya at hindi alam kung anong gagawin.