Ruin

1101 Words
“Don’t feel burden. I am just doing my job.” Wika ni Hunter na animoy nabasa ang iniisip niya. Napangiti si Hunter At lumingon sa dalaga. Ipinatong niya ang kamay sa ulo ng dalaga. Nabigla naman si Selene dahil sa ginawa nang binata. Taka siyang napatingin sa mukha nito. Hindi niya alam kung napapansin ni Hunter ngunit pakiramdam niya namumula ang pisngi niya ngayon. “You have to get out from here alive.” Mahinang wika ni Selene. “Ayokong lamunin nang konsensya ko knowing na iniligtas ko ang sarili ko.” wika ni Selene at nagyuko nang ulo. “I hear you. Now. Go!” ani Hunter at itinulak ang dalaga bago boung tapang na hinarap ang kakaibang nilalang na nakabawi na mula sa malakas na pagkakatapon kanina. Hindi agad lumabas si Selene bigla siyang tumigil at nilingon ang binata. Hindi niya gusto ang pakiramdam na maiiwan ito at walang kasiguraduhan kung makakalabas pa. isang kakaibang nilalang ang kalaban nang binata. At walang mortal na nilalang ang makakatalo ditto. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam ni Selene kusang umiiwas sa kanya ang apoy. Ang daraanan niya ay naging maliwanag at walang apoy. Para bang gumawa ang apoy nang paraan para umiwas sa kanya. Ngunit hindi na iyon binigyan nang pansin ni Selene dumeretso siya sa paglabas habang sinusundan ang liwanag. “Lumabas ka nang buhay.” Wika ni Selene saka nagmamadaling tumakbo habang binalot nang jacket ni Hunter ang ulo niya. muling nakabawi ang nilalang mula sa pagkakatilapon nito. Muli itong napatayo at akmang sasalakayin uli ang binata. Napansin nitong wala na si Selene. ikinagalit nang nilalang nang makitang wala na ang dalaga sa loob. Dahil sa galit nito. Agad nitong sinugod si Hunter. “SELENE” Wika ni Julius ng makilala si Selene saka tumakbo palapit sa kinaroroonan nila, Nang marinig nang lahat ang binanggit nang binata lahat napalingon sa pinanggagalingan nang dalaga. “Selene!” wika ni Kristian ng makitang ligtas ang kapatid. Saka agad itong niyakap. Nabigla pa si Selene dahil sa tinuran nang kuya niya pero agad din naman siyang nakabawi. Tiyak na labis-labis ang pag-aalala nito sa kanya. “Nasaktan ka ba?” nag aalalang wika ni Kristian at tiningnan ang kapatid kung may sugat. Nang makitang tila wala namang sugat ang dalaga napahinga nang malalim ang binata saka muling niyakap ang dalaga. “It’s a relief that you’re okay.” wika ni Julianne at lumapit sa kanila. Simpleng nilingon nang binata ang nasusunog pa rin na mansion. Hindi niya nakitang lumabas doon kasama ni Selene ang Binatang si Hunter. “I guess, he was not able to make it.” Wika ni Julianne na nakatingin sa mansion. “What happened to him?” Tanong ni Kristian sa kapatid. Hindi naman sumagot Selene. Habang nakatingin si Kristian sa kapatid niya Nakita niyang nangilid ang luha nito sa mata. Dahil sa awa niya sa kapatid niya agad niya itong niyakap. Hindi niya alam kung anong nangyari sa binata o kung nakaligtas ba ito. sa isip nang binata Malaki ang pasasalamat niya dahil nagawa nitong mailabas ang kapatid niya nang buhay. At malungkot siya dahil kung may nangyaring masama dito. Malaking kawalan sa kanila iyon. Kahit naman medyo may pagka-arogante ang binata he can sense that he is a good guy. “Wala ba tayong magagawa?” tanong ni Ben na lumapit sa kanila habang nakatingin sa mansion na nasusunog. “Hindi tayo makakapasok sa loob ng bahay dahil sa lakas ng apoy. Wala tayong ibang magagawa kundi ang hintayin siyang lumabas at sana ligtas siya.” Ani Julius. “Iyon ay kung makakalabas pa siya nang buhay. Is he even alive? Sa lakas nang apoy--” “He is.” Biglang wika ni Selene na ikinagulat nang lahat. “He should be.” Biglang huminang boses nang dalaga. Gusto niyang isipin na makakaligtas si Hunter. He is different from the rest. Alam niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya na kung may makakatalo man sa nilalang na nakaharap nila. It could be him. Pero paano? They way she sees it, mukhang mahina din ang binata. Anong kaya niyang magagagawa. Wala talaga siyang pag-asang Manalo sa kakaibang nilalang na kalaban niya. Iyon ang nasa isip ni Hunter sa bawat pag atake niya na siya mismo ang tumutilapon. Kung nasa kanya lang ang kapangyarihan niya siguro kanina pa niya natalo ang kalaban niya. Hirap na siyang tumayo at bugbog sarado na rin ang katawan niya. Umabot na sa basement ang apoy at nagbabagsakan na rin ang gusali. Sa huling atake ni Hunter isang malakas na suntok ang iginawad sa kanya nang lalaki kasabay ang isang energy ball na tumama sa sikmura niya. Napaubo pa nang dugo si Hunter nang bumagsak matapos tumama ang likod sa pader. “Masyado kang makulit mortal. Ngunit nalulungkot akong sabihin sa iyo na hindi na makikita nang mahal mo ang kamatayan mo.” Wika nang lalaki at akmang sasugurin si Hunter. Hindi nakakilos si Hunter. Pilit siyang tumayo ngunit ayaw sumunod nang katawan niya. Palapit na sa kanya ang nilalang at akmang hahatawin siya nang dala nitong espada. Ngunit bigla itong natigilan nang bigla nalang may liwanag na lumitaw sa harap ni Hunter. Maging si Hunter ay nagulat din. Bukod doon wala nang ibang Nakita si Hunter bago siya mawalan nang malay. Hindi niya alam kung anong nangyari. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Hunter hanggang sa mawalan na siya nang malay. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na mga nangyari. Boung gabi na nasunog ang malaking bahay. Bukang liwayway na nga mawala ang apoy. Halos abo na ang buong mansion nang tumigil ang alab, Hindi rin naman makakapasok ang mga bombero sa loob nang brgy dahil sa makitid nitong daraanan. Nang mawala ang apoy muling pumasok ang grupo ni Kristian upang hanapin ang katawan nang Binatang naiwan sa loob nang mansion at ang katawan nang matandang pinuno nang kulto. Ngunit wala silang Nakita sa loob. Iniisip nilang baka gaya nang mansion ay natupok na rin ito kasama nang Don. Hindi nila nakita ang katawan nang matandang pinuno at si Hunter. “Did he survive?” Tanong ni Julianne saka tumingin kay Kristian. Ngunit sa ayos nang mansion, natupok ang buong bahay at halos hindi mo na makilala ang mga gamit doon. Kahit sino. Tiyak na hindi makakaligtas. Galit at inis man siya sa binata. Hindi naman niya gustong mamatay ito sa ganoong paraan. Besides, he saved Selene. Hindi naman siguro masama kung hilingin niyang nakaligats ang binata sa kabila nang pagiging inis niya sa pagiging arogante nito. Kapag nalaman ni Selene na hindi ito nakaligtas, tiyak na nadudurog ang puso nang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD